wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FILIPINO REVIEWER

Total questions: 26

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Paano makikilala kung ang isang pangyayari sa akda ay pantasya?

a)

Kapag ito ay naganap sa kasaysayan

b)

Kapag ito ay posible sa tunay na buhay

c)

Kapag ito ay may mga tauhang mahiwaga

d)

Kapag ito ay may makatotohanang detalye

2.

Anong salita ang nagsasaad ng tunog na nagbibigay kahulugan sa pangungusap? Labis na takot ang nadama ko matapos kong marinig ang dagundong ng kulog.

a)

takot

b)

marinig

c)

dagundong

d)

kulog

3.

Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang hindi gumamit ng onomatopeya?

a)

Galit na bumuhos ang ulan kagabi.

b)

Natakot ako sa malakas na dagundong kulog kanina.

c)

Gutom na ang pusa dahil narinig ko ang kanyang pagngiyaw.

d)

Ang tik-ti-la-ok ng manok ang nagsisilbing alarm clock ko tuwing umaga.

4.

Anong uri ng tayutay ang ginamit sa pangungusap? Kumakabog ang dibdib ng batang kalahok sa paligsahan.

a)

Metapora

b)

Onomatopeya

c)

Personipikasyon

d)

Simili

5.

Paano mo maiuugnay ang isang parabula sa iyong sariling karanasan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasaysayan ng iyong pamilya.

b)

Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng iyong opinyon tungkol sa kwento.

c)

Sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong paksa na walang kaugnayan sa parabula.

d)

Sa pamamagitan ng pagkuha ng moral na aral mula sa parabula at pagtingin kung paano ito tumutukoy sa iyong sariling buhay

6.

Ano ang pangunahing layunin ng tekstong impormatibo?

a)

Magbigay aliw

b)

Magbigay kaalaman

c)

Magbigay payo

d)

Magbigay sisi

7.

Ano ang pangunahing layunin ng isang anekdota?

a)

Magturo ng mga teknikal na kasanayan

b)

Magtukoy ng opinyon tungkol sa isang paksa

c)

Magbigay ng detalyadong impormasyon tungkol sa isang lugar.

d)

Magsalaysay ng isang maikling kwento na may aral o mahalagang karanasan.

8.

Alin ang ginamit na pangngalan sa pangungusap sa ibaba? Nagpasalamat siya sa natanggap na karangalan

a)

nagpasalamat

b)

siya

c)

natanggap

d)

karangalan

9.

Alin ang hindi kabilang ayon sa kayarian ng salita?

a)

barangay

b)

kabuhayan

c)

matulungin

d)

paaralan

10.

Alin sa mga sumusunod ang kasinghulugan ng salitang naglalarawan sa pangugusap?

a)

aalis

b)

kaaway

c)

maawain

d)

totoo

11.

Paano ang tamang diksiyon kapag nagsasalaysay ng isang kuwento?

a)

Isalaysay nang mabilis ang kuwento.

b)

Gumamit ng pormal na wika sa lahat ng oras.

c)

Gumamit ng teknikal na termino sa lahat ng bahagi ng kuwento.

d)

Iangkop ang wika sa layunin ng kuwento, sa tagapakinig, at sa konteksto ng pag-uusap.

12.

Maraming kaibigan si Ashley ______ marunong siyang makisama.

a)

at

b)

dahil

c)

kaya

d)

para

13.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ay hugnayang pangungusap?

a)

Panatilihing malinis ang ating kapaligiran

b)

Paghiwalayin natin ang mga nabubulok at di nabubulok na basura.

c)

Ingatan natin ang ating kapaligiran upang maiwasan ang kapahamakan.

d)

Ang pangangalaga sa ating kapaligiran ay tanda ng pasasalamat sa ating Maykapal.

14.

Si Maria ay nag-aral nang mabuti kagabi ______ siya ay nakakuha ng mataas na grado.

a)

dahil

b)

kaya

c)

subalit

d)

upang

15.

Ano ang pangunahing layunin ng paggamit ng mga panandang nag-uugnay sa isang tekstong impormatibo?

a)

Upang magdagdag ng mga kulay sa teksto

b)

Upang gawing mas maganda ang anyo ng teksto.

c)

Upang maipakita ang mga pangalan ng may-akda

d)

Upang mapadali ang pag-unawa sa pagkakasunod-sunod ng mga ideya at impormasyon

16.

Paano mo matutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang teksto?

a)

A.  Upang magdagdag ng mga kulay sa teksto

b)

B.  Upang gawing mas maganda ang anyo ng teksto.

c)

C.  Upang maipakita ang mga pangalan ng may-akda

d)

D.  Upang mapadali ang pag-unawa sa pagkakasunod-sunod ng mga ideya at  

                           impormasyon

17.

Paano mo matutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang teksto?

a)

Sa pamamagitan ng pagbabasa ng bawat salita ng teksto.

b)

Sa pamamagitan ng pag-alam sa pangalan ng may-akda.

c)

Sa pamamagitan ng pagtingin lamang sa mga pamagat at subtitle.

d)

Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga pangunahing ideya at detalye na nagbigay ng pangunahing mensahe ng teksto.

18.

Paano masusuri ang isang teksto na nagsasalaysay, tulad ng anekdota o kuwentong-bayan?

a)

Sa pamamagitan ng pag-alam sa istilo ng pagsulat at wika.

b)

Sa pamamagitan ng pagsuri sa estruktura ng teksto lamang.

c)

Sa pamamagitan ng pagtingin sa mga kulay at disenyo ng teksto.

d)

Sa pamamagitan ng pagtukoy sa pangunahing mensahe at layunin ng kwento.

19.

Paano nagagamit ang pangkalahatang kayarian ng teksto sa pagbuo ng diskurso?

a)

Paggamit ng mga pang-uri sa teksto.

b)

Paghahati ng teksto sa iba't ibang kabanata.

c)

Pag-iisa-isa ng mga ideya at pag-uugnay ng mga ito upang maipaliwanag ang paksa ng maayos.

d)

Pagkakasunod-sunod ng mga salita sa na may mahahalagang kahulugan at gamit sa pangungusap.

20.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong impormatibo na gumagamit ng mga panandang nag-uugnay ng ideya?

a)

Isang tula na naglalarawan ng kalikasan.

b)

Isang kwento tungkol sa isang pakikipagsapalaran.

c)

Isang alamat na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang lugar.

d)

Isang sanaysay na naglalarawan ng mga hakbang sa paggawa ng isang proyekto, gamit ang mga salitang 'una,' 'pangalawa,' at 'huli.'

21.

Paano mo gagamitin ang di-berbal na hudyat tulad ng kumpas at ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag?

a)

Kapag magsusulat ng pormal na liham.

b)

Kapag ikaw ay magsasalita nang mas mabilis.

c)

Kapag binabanggit ang mga pangalan ng tauhan.

d)

Kapag magbibigay ng karagdagang impormasyon sa pamamagitan ng mga galaw ng katawan at mukha.

22.

Hindi ka sang-ayon sa proyektong gagawin ng inyong pangkat. Paano mo ito maipakikita gamit ang di-berbal na hudyat?

a)

pag-iling

b)

pagtango

c)

pagsagot ng opo

d)

pagtaas ng boses

23.

Ano ang nakapaloob sa isang liham-pangkaibigan na paanyaya?

a)

Teknikal na termino sa paksa.

b)

Pangkaraniwang impormasyon lamang.

c)

Mga detalyadong tagubilin sa pag-aaral.

d)

Mahahalagang impormasyon tungkol sa isang espesyal na okasyon o Pagtitipon

24.

Anong bahagi ng aklat ang nagtatala ng taon kung kailan ginawa ang aklat,kung saan ginawa at kompanyang naglathala nito?

a)

Indeks

b)

Karapatang Sipi

c)

Talaan ng Nilalaman

d)

Talahulugan

25.

Paano mo matutukoy ang kahulugan ng mga elementong biswal tulad ng linya, hugis, kulay, espasyo, at direksyon sa isang teksto?

a)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng paksa ng teksto.

b)

Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng mga kulay sa teksto.

c)

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng pangalan sa mga elementong biswal.

d)

Sa pamamagitan ng pag-alam sa konteksto ng teksto at kung paano ginagamit ang mga elementong ito upang iparating ang mensahe.

26.

Ano ang angkop na wika sa pagpapahayag ng paghingi ng paumanhin sa iyong lola?

a)

"Hoy, sorry!"

b)

"Ay sorry, 'te!"

c)

"Walang pake, Lola!"

d)

"Pasensya na po, Lola."