Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA QUIZ

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ang social media ay lugar lamang para sa mga taong may parehong pananaw at paniniwala.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

KAILANGAN

d)

HINDI SIGURADO

2.

Nag-post si Ben ng kanyang opinyon tungkol sa isang kontrobersyal na isyu. Nakita niya na maraming nagagalit at nagko-comment ng masasakit na salita sa kanyang post. Ano ang pinakaangkop na dapat gawin ni Ben?

a)

Ipaliwanag nang maayos ang kanyang opinyon at makipag-usap nang respetuoso sa mga nag-comment, kahit hindi sila sumasang-ayon sa kanya.

b)

Mag-delete ng mga negatibong komento at huwag nang makipag-ugnayan sa mga tao.

c)

Mag-post ng mas matinding opinyon upang ipakita ang kanyang paninindigan.

d)

Iwasan na lang ang pag-post ng kanyang opinyon sa hinaharap.

3.

Nakita ni Ana ang isang post sa Facebook na nagsasabing may libreng tablet para sa mga mag-aaral. Ang post ay galing sa isang hindi kilalang grupo. Ano ang pinakamainam na dapat gawin ni Ana?

a)

Mag-ingat at i-verify muna ang impormasyon sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mapagkakatiwalaang news websites o pagtatanong sa kanyang mga magulang o guro.

b)

Agad na mag-comment sa post upang ipahayag ang kanyang interes.

c)

I-share ang post sa kanyang mga kaibigan upang malaman din nila.

d)

Bumili ng tablet mula sa isang kilalang tindahan bilang alternatibo.

4.

Nakita ni Carla na ibinabahagi ng kanyang kaibigan ang isang meme na naglalaman ng maling impormasyon tungkol sa isang programa ng gobyerno. Alam ni Carla na hindi ito totoo. Ano ang pinakamainam na dapat gawin ni Carla?

a)

Mag-send ng pribadong mensahe sa kanyang kaibigan at ipaliwanag kung bakit mali ang impormasyon sa meme.

b)

I-like ang meme at huwag nang makialam.

c)

I-share ang meme sa iba upang ipakita ang maling impormasyon.

d)

Mag-post ng pampublikong mensahe na naglalaman ng kanyang opinyon tungkol sa meme.

5.

Ang pagiging responsable sa social media ay nakabatay sa katotohanan at paggalang

a)

TAMA

b)

MALI

c)

Hindi mahalaga

d)

Laging tama

6.

Okay lang mag-share ng mga article o memes na hindi beripikado ang impormasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

Depende sa konteksto

d)

Oo, walang masama

7.

Dahil publiko ang social media at internet, lahat ng ating i-post ay maaaring makita ng maraming tao.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

Hindi Lahat

d)

Bihira Lang

8.

Nalaman ni Eliza na may kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanyang kaibigan sa social media. Ano ang pinakaangkop na dapat gawin ni Eliza?

a)

I-report ang mga post na naglalaman ng maling impormasyon.

b)

Mag-post ng kanyang sariling impormasyon tungkol sa kanyang kaibigan.

c)

Iwasan ang pag-usapan ang isyu sa social media.

d)

Makipag-ugnayan sa kanyang kaibigan at ipaalam ang sitwasyon.

9.

Mahalaga na basahin at unawain nang buo ang nilalaman bago magkomento o magbahagi sa social media.

a)

TAMA

b)

MALI

c)

Hindi mahalaga

d)

Dapat ipagwalang-bahala

10.

Nais gumawa ni Dennis ng isang campaign para sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. Gagamitin niya ang social media para dito. Ano ang pinakamahalagang dapat tandaan ni Dennis?

a)

Siguraduhing totoo at beripikado ang lahat ng impormasyon na kanyang ibabahagi, at magbigay ng malinaw na detalye kung paano makakatulong ang mga tao.

b)

Mag-post ng mga larawan ng mga biktima upang makuha ang atensyon ng mga tao.

c)

Gumamit ng mga hashtags na trending kahit hindi ito kaugnay sa kanyang campaign.

d)

Magbigay ng mga pangako na hindi niya kayang tuparin.