WorksheetsAraling Panlipunan 5-PartI
Total questions: 25
Worksheet time: 13mins
Ano ang kahulugan ng kasaysayan?
makabuluhang salaysay tungkol sa nakaraan
mga pangyayaring likha ng imahinasyon
naganap subalit walang halaga
opinyon ng mga tao
Anong salita ang tumutukoy sa kinakailangang kasanayan sa pag-aaral ng kasaysayan na pag-iimbestiga ng mga pangyayari?
Kasaysayan
Historya
Heograpiya
Pagsisiyasat
Sa pag-aaral ng kasaysayan mahalagang maging gabay natin ang sinabi ni Dr. Jose Rizal? Ano kaya ito?
Kapag may isinuksok, may madudukot.
Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.
Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Ang ‘di lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
Anong uri ng sanggunian kung saan ang impormasyon ay galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari?
Primaryang Sanggunian
Sekundaryang Sanggunian
Opinyon ng ibang tao
Wala sa mga nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang maaaring pinanggalingan ng primaryang sanggunian?
Balita at Komentaryo
Encyclopedia
Internet
Personal na liham
Ang pag-aaral ng kasayasayan gamit ang primaryang sanggunian ay nagdudulot ng sariwa, bago, naiibang pagkaunawa ng nakaraan na hindi karaniwang nakukuha sa teksbuk. Ang pahayag na ito ay _______________
makatotohanan.
hindi makatotohanan.
walang kasiguraduhan.
opinyon at haka-haka lamang.
Anong uri ng sanggunian naman kung saan ang impormasyong nakuha ay mula sa ibang tao o nagawa matapos maganap ang isang bagay?
Primaryang Sanggunian
Sekundaryang Sanggunian
Opinyon ng ibang tao.
Karanasan ng mga katutubo
Anong uri ng sanggunian ang biograpiya ng Dr. Jose Rizal?
Primarya
Sanggunian
Karanasan ng iba
Opinyon ng iba
Alin sa mga sumusunod ang sangguniang sekundarya?
nabasa ang impormasyon sa pahayagan.
bidyo ng pagdedeklara ng Martial Law
Ako mismo ang nakaranas ng pangyayari
mapa ng Pilipinas
Ano ang mas kilala bilang malaking tipak o bahagi ng lupa o lupalop?
Archipelago
Bundok
Kalupaan
kontinente
Alin sa mga teorya ang nabuo dahil sa pinagsama-samang ideya na bunga ng masusing pananaliksik at pag-aaral ng mga siyentipiko?
Bulkanismo
Plate Tectonics
Continental Drift
Tulay na Lupa o Land Bridge Theory
Anong teorya ang tumutukoy sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan?
Bulkanismo
Continental Drift
Tulay na Lupa
Tectonic Plate
Ano ang tawag sa lugar sa mundo na maraming aktibong bulkan kaya’t maraming paglindol at pagsabog ng bulkan ang nararanasan?
arkipelago
fault
Pacific Theory
Pacific Ring of Fire
Ano ang tawag sa teorya na tungkol sa pagkatunaw ng yelo na bumabalot sa malaking bahagi ng South America at Europa dahilan upang lumubog ang buong kalupaan ng mundo at mga tulay na lupa nito?
Tectonic Plate
Tulay na Lupa
Continental Drift
Bulkanismo
Ang daigdig ay mula sa kuko ng kanilang Diyos. Sino ang naniniwala sa pahayag na ito?
Aeta
Badjao
Dumagat
Manobo
Ang mga sumusunod ay mga pinagmulan ng Pilipinas. Alin sa mga ito ang pangrelihiyong paniniwala?
Magkakaugnay ang mga kontinente sa isang malaking kontinente.
Nabuo ang Pilipinas sa pagsabog ng Pacific Basin.
Ang kapuluan ay nabuo dahil sa mga bato at mga d
pangrelihiyong paniniwala?
Magkakaugnay ang mga kontinente sa isang malaking kontinente.
Nabuo ang Pilipinas sa pagsabog ng Pacific Basin.
Ang kapuluan ay nabuo dahil sa mga bato at mga dakot na lupa mula sa tatlong higanteng naglalabanan.
Nilikha ng isang makapangyarihang Diyos sang buong sanlibutan kasama na ang bansang Pilipinas.
Ano ang ideya at posibleng paliwanag na binuo ng mga eksperto batay sa resulta ng kanilang ginawang pag-aaral?
batas
dekreto
panukala
teorya
Ano ang tawag sa mga labi ng halaman at hayop na naging bato dahil sa tagal ng pagkakabaon sa lupa?
arkipelago
bato
fossil
teorya
Saan pinaniniwalaang nagmula ang mga ninuno ng mga Pilipino ayon sa mga pag-aaral?
Gitnang Silangan
Hilagang Amerika
Kanlurang Europa
Timog China o Taiwan
Sa ilang panahon hinati ang kasaysayan ng Pilipinas?
dalawa
tatlo
apat
lima
Ano ang naging batayan upang maging ebidensiya na ang Austronesian ang unang tao sa PIlipinas?
kaanyuan
kaugalian
kultura
wika
Sino ang namuno sa pag-aaral ng Taong Callao?
Dr. Jose Rizal at Dr. Juan Luna
Dr. Armand Mijares at Florent Detroit
Dr. Florentino Hornedo at Dr. Zeus Salazar
Dr. Gregorio Zara at Dr. Fe del Mundo
Anong bagong katawagan ang ibinigay sa Taong Callao matapos ang masusing pag-aaral?
Homo Erectus
Homo Sapiens
Homo Luzonensis
Homo Filipinensis
Ang mga sumusunod ay mga popular na kuwentong bayan ng mga Pilipino. Alin sa mga ito ang kuwentong pinagmulan ng mga tao at ang kanilang ugnayan sa kalikasan?
Juan Tamad
Maria Makiling
Daragang Magayon
Si Malakas at Si Maganda
