wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 9 Reviewer

Total questions: 30

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Isang pag-aaral sa Agham panlipunan na nagpapalawak ng kakayahan ng tao sa pagbuo ng matalinong desisyon ukol sa pang-araw-araw na paggamit, pagbili, at pagsasaayos ng mga produkto at serbisyo.

a)

Ekonomiks

b)

Heograpiya

c)

Kasaysayan

d)

Sibika

2.

Nangako ang iyong ama na bibilhan ka ng bagong mobile phone kung magkakaroon ka ng grado na 90 sa lahat ng asignatura. Ang konseptong ito sa Ekonomiks ay naglalarawan sa:

a)

Incentives

b)

Marginal Thinking

c)

Opportunity Cost

d)

Trade-off

3.

Si Nene ay isang matagumpay na online seller at ang kinikita niya mula dito ay mas malaki pa sa kanyang naging sweldo noong siya ay empleyado pa lang, dagdag pa nito, nagkaroon din ng hanapbuhay ang kanyang mga pamangkin at hipag na tumutulong sa kanyang tindahan. Sa ganitong sitwasyon, alin konsepto ng matalinong pagdedesisyon ang naging matimbang at kapaki-pakinabang sa kanya?

a)

Trade-Off dahil ipinagpalit niya ang kanyang trabaho at sweldo sa pagiging online seller

b)

Opportunity Cost dahil naniniwala siyang mas may malaking pakinabang siyang makukuha sa kanyang naging desisyon

c)

Reward/Incentives dahil natatamasa na niya at ng kanyang mga kamag-anak ang pakinabang ng kanyang naging desisyon

d)

Marginal cost nang ipanagmalaki niya ang mga nagawa ng kanyang mga kamag-anak na siyang nakatulong sa kanya na dating pabigat sa pamilya

4.

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang yaman. Alin ang pinakawastong pagpapaliwanag ukol dito?

a)

Ang ekonomiks ay nagtuturo kung kailan dapat pumunta at mamili sa Mall

b)

Ito ay nagtuturo ng praktikal na kaalaman at matalinong pagdedesisyon sa pang araw-araw na buhay

c)

Nagbibigay ng mga ideya kung dapat o hindi dapat gumastos ng pera para tustusan ang mga kagustuhan

d)

Ito ay nagtuturo kung kailan dapat magsimulang mag-ipon ng pera para sa kinabukasan at susunod na salin-lahi

5.

Sa pag-aaral ng Ekonomiks, tinatalakay kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan. Alin ang pinakamainam na paraan ng pag-iipon o pagtatabi ng pera para magkaroon ng sariling savings o ipon?

a)

Bilhin muna ang lahat ng kailangan at kagustuhan at ang matitira ay itatabi para sa savings

b)

Bilhin ang mga nakaplanong bilhin at mag-ipon lang kung may karagdagang pera na ibinigay ang magulang

c)

Huwag gumastos sa kahit anong bagay at ipunin ang lahat ng matatanggap na pera mula sa magulang at sahod

d)

Ihiwalay ang itinakdang halagang iipunin sa halaga ng maaaring gastusin sa mga pangangailangan at pagkasyahin ang matitira sa mga karagdagang nais bilhin.

6.

Ang kaalaman sa Ekonomiks ay makakatulong sa suliraning kinakaharap ng lipunan sa iba't ibang sitwasyon. Ano pangunahing suliraning tinutugunan ng Ekonomiks?

a)

Globalisasyon

b)

Kakapusan

c)

Kakulangan

d)

Urbanisasyon

7.

Sa ekonomiya, ang pamahalaan ay gumagawa ng desisyon kung paano hahatiin ang yaman. Sino naman ang gumaganap nito sa sambahayan?

a)

Ang guro na nagtuturo sa anak

b)

Mga negosyante sa pamayanan

c)

Kasapi ng pamilya na nagba-budget at nagpapasya

d)

Ang mga mamimili sa palengke at mga tindera ng kanilang paninda

8.

Napakarami ng pagkakahalintulad ng sambahayan sa ekonomiya ayon kay Mankiw (1997). Bakit sinasabing may pagkakatulad ang sambahayan at pambansang ekonomiya?

a)

Parehong nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan

b)

Magkapareho silang pinamumunuan ng iisang tao lamang

c)

Parehas silang gumagawa ng desisyon sa harap ng kakapusan

d)

Dahil parehong nagbibigay ng serbisyo sa komunidad at lipunan

9.

Kapag nagbabadget ang pamilya buwan-buwan, ito ay katulad ng ginagawa ng pamahalaan na ________?

a)

Nag-aangkat ng produkto mula sa ibang bansa

b)

Gumagawa ng pambansang badyet para sa mga proyekto

c)

Nagbubukas ng negosyo para sa mga mamamayan

d)

Namimigay ng relief goods sa mga nasalanta

10.

Paano makatutulong ang pag-unawa sa ugnayan ng sambahayan at ekonomiya sa paggawa ng desisyon sa araw-araw?

a)

Maaaring makabili ng mas maraming bagay kahit limitado ang kita

b)

Mas magiging epektibo sa pagtitipid at pamumuhay nang may layunin

c)

Mas madaling makaiwas sa lahat ng suliraning pangkabuhayan

d)

Maaaring hindi na magbadyet dahil alam na ang konsepto ng ekonomiks

11.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang tutulong upang higit na mapahalagahan ang konsepto ng ekonomiks?

a)

pagtangkilik sa sariling produkto

b)

pagpapahalaga sa yaman ng bansa

c)

pag-aaral sa kasaysayan ng ekonomiks

d)

panonood ng TV at pagbabasa ng dyaryo upang mabatid ang araw-araw na pangyayari sa lipunan

12.

Upang maiwasan ang ganitong kondisyon at masiguradong masustansiya ang iyong pagkain, alin ang pinakamainam na hakbang na dapat gawin para sa isang pangkaraniwang pamilya na may katamtamang kita sa ating bansa?

a)

Bumili ng mga organic na produkto at food supplement para sa buong pamilya

b)

Manood sa Youtube at gayahin ang mga diet at nutritious recipe mula sa mga sikat na nutritionist

c)

Kumunsulta sa isang nutritionist at magpadesign ng diet ng buong pamilya para sa isang buong buwan

d)

Magtanim sa mga bakanteng lote o bakuran ng mga gulay na masustansiya tulad ng malunggay, alukbati at talbos ng kamote at isama ito sa mga lutin para sa buong pamilya

13.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagkonsumo?

a)

Si Romia ay bumili ng marami at ibat-ibang kulay ng ballpen pandagdag sa kanyang mga koleksyon

b)

Si Yedee ay bumili ng maraming damit bilang paghahanda sa kanyang winter vacation sa Disyembre

c)

Si Lara na bumili ng maraming kulay ng lipstick para naman sa darating niyang photoshoot sa susunod na buwan

d)

Si Yosh ay bumili ng damit na kaagad niyang sinuot dahil natapunan ng juice ang kanyang suot na t-shirt

14.

Sa anong salik ng produksyon nabibilang ang mga makinarya at sasakyan?

a)

Lupa kung saan itinatayo ang mga gusali

b)

Kapital dahil pinaglaanan ng pera ang mga pinambili dito

c)

Manggagawa dahil tumutulong ito sa pagpapabilis ng produksyon

d)

Entrepreneur dahil sa kanya nagmula ang lahat ng kaalaman tungkol sa produksyon

15.

Alin sa salik ang gumagamit sa mga gawaing pisikal at mental sa produksiyon?

a)

Entrepreneurship

b)

Kapital

c)

Lakas-paggawa

d)

Lupa

16.

Ano ang tawag sa bunga o resulta ng pagsasama ng salik ng produksiyon?

a)

Input

b)

Functions

c)

Output

d)

Return of Investment

17.

Kapag pinagpipilian kung electric fan o heater ang gagawin at gagamitin sa tag-init, anong tanong pang-ekonomiko ang sinasagot nito?

a)

Paano ito ipamamahagi sa Lipunan?

b)

Para kanino ang produkto o serbisyo?

c)

Gaano karami ang kailangang likhain?

d)

Ano ang produkto o serbisyong gagawin?

18.

Anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa ating bansa?

a)

Tradisyunal na ekonomiya na kumikilala sa mga sinaunang paraan ng pakikipagkalakalan

b)

Mixed Economy na malayang makipagkalakan ang mga mamamayan sa gabay ng mga alituntunin na ipinatutupad ng batas

c)

Market Economy na ang mga kaptalista ang nagtatakda ng presyo at dami ng mga ibebenta at ipoprodyus na produkto

d)

Command economy na kontrolado ng pamahalaan ang lahat ng mga gawing pangkabuhayan

19.

Ang Tradisyunal na ekonomiya ay walang tiyak na batas ukol sa alokasyon sa paanong paraan pinagdedesisyunan kung ano at paano lilikhain ang produkto kaya ito ay naipapakita ng mga sumusunod MALIBAN sa:

a)

Malayang nakakapagpalitan ng produkto ang mga mamimili at mga estado

b)

Ito ay nakabatay lamang sa pangunahing pangangailangan ang damit at pagkain at tirahan

c)

Simple lamang tinutugunan ang pangangailangan ito ay ang itinuturo ng mga matatanda sa pangkat

d)

Maliwanag sa mga tao ang paraan tungkol dito na ito ay nakabatay sa tradisyon at mga paniniwala ng pangkat

20.

Ang Command economy ay isang sistemang pang-ekonomiya na mayroong pagkakapantay-pantay ng distribusyon ng yaman sa anong pangunahing dahilan?

a)

Nakabatay ito sa tradisyunal na paniniwala

b)

Ginagabayan ng mga batas na binuo ng pamahalaan ang mga gawaing pangkabuhayan

c)

Malayang nakikilahok ang mga mamamayan sa pakikipagkalakalan at mga gawaing pangkabuhayan

d)

Kontrolado ng pamahalaan ang lahat ng gawaing may kinalaman sa kabuhayan at distribusyon ng yaman

21.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na sumasagot sa tanong na 'Para kanino ang gagawin?'

a)

Pagsasaayos ng makina sa produksyon

b)

Pagpili kung anong produkto ang ibebenta

c)

Pagpili ng sangkap sa paggawa ng pagkain

d)

Pagdedesisyon kung sino ang uunahin sa ayuda

22.

Bilang mamimili karapatan mo na suriin ang produktong nais mong bilhin. Kaakibat ng karapatang ito ay ang iyong pananagutan na gawin ang aksyong ito.

a)

Tumawad sa presyo ng produktong malapit sa halaga ng puhunan ng nagtitinda

b)

Utangin ang produkto kahit may pambayad naman upang magamit ang iyong pera sa iba pang pagkakagastusan

c)

Tipirin ang paggamit ng produkto upang maiwasan ang agarang muling pagbili

d)

Suriin at pumili pagkatapos ay bayaran ng wasto ang produktong binili ayon sa presyong itinakda ng nagtitinda

23.

Sa pagbili ng mga produkto makatutulong ang paghahanda bago sumabak dito, Alin sa sumusunod ang pinakamainam na paghahanda na dapat gawin?

a)

Magdala ng maraming pera para mabili ang bawat magustuhan at makikitang paninda

b)

Kailangang ikondisyon ang katawan para sa pagbubuhat at pagpapabalik-balik sa pamilihan

c)

Maglaan ng mahabang panahon sa pamimili upang hindi nagmamadali at maiwasan ang pagkakamali sa pagpili ng bibilhin

d)

Maghanda ng listahan ng mga kailangang bilhin at ihanda ang sapat na budget, iwasan ang magdala ng sobra-sobrang pera upang maiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan

24.

Kailan mo masasabing matalino ang isang mamimili?

a)

Bumibili ng mura

b)

Sumusunod sa budget

c)

Gumagamit ng credit card

d)

Bumibili ng segunda mano o second hand na gamit

25.

Si Lara ay bumili ng tatlong magkakaibang  blouse sa isang boutique ito ay may halagang 250 Php at may nakasabit na 50% off, nakaugalian na niyang hindi basahin ang resibo at bilangin ang sukli, nakauwi na siya ng mapansin niyang hindi naibawas sa presyo ng blouse ang 50% na discount sa presyo na kanyang binayaran. Ano ang dapat gawin ni Lara?

a)

Sugurin ang boutique at mag-iskandalo tungkol sa nangyari

b)

Hayaan na lang dahil makakaabala pa sa iba pa niyang gagawin ang pagbalik sa boutique na binilhan niya ng blouse

c)

Ipost ang kanyang mga reklamo sa social media upang masira ang pangalan ng boutique at mapahiya ang mga tauhan dito

d)

Bumalik sa boutique na binilhan upang ipaalam at mabawi ang discount at maging aral narin sa boutique at sa mga susunod pang bibili ng blouse na may discount

26.

Sa pagbili ng mga produkto ano-ano ang mga dapat mong gawin bilang isang matalinong mamimili?

a)

Bumili ayon sa sinasabi ng mga patalastas at anunsyo sa telebisyon

b)

Sumunod sa badyet upang maiwasan ang pagkukulang sa perang pambili

c)

Suriin ng expiration date ng mga produkto upang masigurang ito ay nasa maayos na kondisyon

d)

Magpanic-buying kapag may nakitang pinagkakaguluhang produkto ang maraming mga tao sa pamilihang pupuntahan

27.

Inutusan ka ng iyong ina na bumili ng mga produkto para sa inyong paghahanda sa kaarawan ng iyong ama..Sa pagbili ng mga produkto ano-ano ang mga dapat mong gawin bilang isang matalinong mamimili?

a)

Bumili ayon sa sinasabi ng mga patalastas at anunsyo sa telebisyon

b)

Sumunod sa badyet upang maiwasan ang pagkukulang sa perang pambili

c)

Suriin ng expiration date ng mga produkto upang masigurang ito ay nasa maayos na kondisyon

d)

Magpanic-buying kapag may nakitang pinagkakaguluhang produkto ang maraming mga tao sa pamilihang pupuntahan

28.

May apat na pangunahing katanungang pang ekonomiko upang matiyak na episyente at maayos ang alokasyon ng pinagkukunang yaman. Paano matutukoy ang katanungan batay sa pahayag na “Mamamayan sa loob o labas ng bansa”?

a)

Ano-anong produkto o serbisyo ang gagawin?

b)

Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

c)

Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?

d)

Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

29.

Bilang tagapamahala, paano matutukoy kung gaano karami ang dapat bilhing stocks?

a)

Sa presyo ng produkto sa palengke

b)

Ayon kapital at puhunan ng negosyo

c)

Bilang ng kakompetensyang tindahan

d)

Batay sa demand mula sa mga mamimili

30.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na sumasagot sa tanong na “Para kanino ang gagawin?”

a)

Pagsasaayos ng makina sa produksyon

b)

Pagpili kung anong produkto ang ibebenta

c)

Pagpili ng sangkap sa paggawa ng pagkain

d)

Pagdedesisyon kung sino ang uunahin sa ayuda