WorksheetsQ1 - Unit Test sa Values Education - Part I
Total questions: 25
Worksheet time: 25mins
Alin ang kahulugan ng pangungusap na ito: "Ang lipunan ay samahan ng mga taong may pinagkasunduang sistema at pamamaraan."?
Ang lipunan ay organisadong ugnayan na may patakaran at layunin.
Ang lipunan ay natural na nabubuo kahit walang layunin.
Ang lipunan ay binubuo lamang ng pamilya at simbahan.
Ang lipunan ay grupo lamang ng magkakaibigan.
Alin ang kahulugan ng pangungusap na ito: "Ang kalidad ng lipunan ay nakasalalay sa antas ng kultura ng mga taong kasapi nito."?
Kapag mas mayaman ang bansa, mas maganda rin ang lipunan.
Kultura at asal ng mga mamamayan ang salamin ng lipunan.
Hindi nakaaapekto ang kultura sa uri ng lipunan.
Pare-pareho ang lahat ng kultura sa mundo.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diwa ng makatarungang lipunan ayon sa pahayag?
Pinantay ang benepisyo ng ayuda sa lahat, kahit iba-iba ang pangangailangan
Mas malaking ayuda ang ibinigay sa mga nawalan ng bahay kumpara sa may trabaho pa
Hindi binigyan ng benepisyo ang mga walang ID upang mapanatili ang Sistema
Pantay ang pagtrato sa lahat ng estudyante kahit iba-iba ang antas ng kakayahan
Alin sa mga sumusunod na grupo ang nagpapakita ng kakulangan sa pagkilala sa kakayahan at papel ng bawat kasapi?
Isang samahang kinikilala lamang ang desisyon ng lider
Isang grupo kung saan bawat isa ay may boses sa pagpapasya
Organisasyong nagbibigay ng tungkulin batay sa kakayahan
Komunidad na nagbibigay-gabay sa bawat kasapi upang matuto at makibahagi
Ang lipunan ay samahan ng tao para sa tao. Ano ang kahulugan nito?
Ang lipunan at mga tao ay makaugnay.
Ang layunin ng lipunan ay para sa tao.
Ang lipunan ay binubuo ng mga tao.
Ang mga tao ay para sa lipunan.
Maaari bang matamo ng isang tao ang kaganapan na wala siyang kinabibilangang lipunan? Bakit?
Hindi, dahil kailangan ng tao ang lipunan upang matamo ang kanyang ganap na pagkatao.
Oo, dahil ang kaganapan ng tao ay personal na pagsisikap lamang.
Hindi, dahil ang lipunan ang nagbibigay ng karapatan sa isang tao.
Oo, dahil ang bawat tao ay likas na buo at kumpleto.
Ang personal na kabutihan ay hindi dapat sumalungat sa kabutihang panlahat. Bakit?
Dahil ang panlahat na kabutihan ay di saklaw ng personal na responsibilidad.
Dahil ang kabutihan ng lahat ay daan din sa tunay na personal na kabutihan.
Dahil mas mahalaga ang sariling kabutihan kaysa kabutihan ng nakararami.
Dahil ang kabutihang panlahat ay hadlang sa personal na layunin.
Alin sa mga sumusunod na katangian ng lipunan ang may pinakamahalagang papel sa pagtulong sa bawat mamamayan na makamit ang kanilang ganap na pagkatao?
Makatarungang estruktura at pantay-pantay na oportunidad
Mahigpit na pamahalaan na may kapangyarihang magpatupad ng batas
Malayang pagpapahayag ng kahit anong opinyon
Malawak na pagkakabuklod sa pagitan ng mga kasapi
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na diwa ng subsidiarity?
Paghahain ng reklamo sa nasyonal na tanggapan ng walang konsultasyon sa barangay
Pagtatayo ng paaralan ng pambansang pamahalaan kahit may lokal na inisyatibo
Paghintay ng utos mula sa munisipyo bago gumawa ng aksyon
Pagtulong ng kabataan sa barangay sa paglilinis ng paligid
Ayon sa prinsipyo ng subsidiarity, sino ang dapat unang kumilos sa isang suliraning lokal?
Internasyonal na organisasyon
Lokal na komunidad o yunit
Pambansang pamahalaan
Media
Bakit mahalaga ang subsidiarity sa pamamahala ng lipunan?
Upang bigyang-kakayahan ang maliliit na yunit na tugunan ang sarili nilang pangangailangan
Upang mapalitan ng pamahalaan ang kakulangan ng pribadong sektor
Upang mapabilis ang interbensyon ng gobyerno
Upang hindi maistorbo ang pamahalaang lokal
Alin sa mga sumusunod ang HINDI naaayon sa prinsipyo ng subsidiarity?
Ang pambansang pamahalaan ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay sa bawat barangay
Ang mga kabataan ay nagboluntaryong linisin ang kalsada sa kanilang barangay
Ang mga magulang ay may pangunahing papel sa pagpapalaki ng kanilang anak
Ang barangay ay may sariling sistema ng pamamahagi ng ayuda
Ano ang pangunahing batayan ng subsidiarity?
Ang pagtutol sa tulong ng pamahalaan
Ang paghihintay ng tulong mula sa iba
Lahat ng desisyon ay dapat manggaling sa taas
Ang pagkakaroon ng sariling pasya ng mga taong malapit sa suliranin
Ayon sa prinsipyo ng subsidiarity, paano dapat harapin ng isang pamilya ang suliranin nito?
Umasa sa tulong na maibibigay ng simbahan
Kumilos muna ayon sa kanilang kakayahan
Ipagkatiwala agad sa DSWD
Ireport agad sa barangay
Paano ipinapakita ng pamahalaan ang respeto sa prinsipyo ng subsidiarity?
Sa pagtanggal ng kapangyarihan ng lokal na pamahalaan
Sa paglalaan ng pondo lamang sa nasyonal na proyekto
Sa pagbibigay ng awtonomiya sa mga lokal na yunit
Sa pagdidikta ng bawat patakaran sa barangay
Ano ang posibleng mangyari kung hindi isasabuhay ang prinsipyo ng subsidiarity?
Mabibigyang-laya ang mga taong gumawa ng desisyon
Mawawalan ng kakayahan ang mga lokal na Samahan
Magiging mas organisado ang mga komunidad
Lalong uunlad ang lokal na pamahalaan
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa sa isang pamayanan?
Sama-samang pagbibigay ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad
Pag-aasaran ng magkakaibang tribo o grupo sa iisang lugar
Pagkakanya-kanya sa pagtulong sa mga nasalanta
Pagtutulungan lamang ng magkakapamilya
Paano maipapakita ang pagkakaisa sa mga taong may kapansanan?
Hayaang sila ay manood na lamang ng mga aktibidad ng iba upang hindi sila mapagod
Suportahan ang kanilang kakayahan at isama sa gawaing pangkaunlaran
Bigyan lamang sila ng atensyon kung may selebrasyon
Huwag silang utusang makilahok sa mga aktibidad
Ano ang tamang pananaw sa pagkakaisa sa mga taong may iba't ibang relihiyon?
Iwasan ang pakikisalamuha upang hindi magkaroon ng argumento
Magtulungan sa kabila ng pagkakaibang paniniwala
Itaguyod ang sariling relihiyon bilang mas mataas
Paghikayat na iwanan nila ang paniniwala nila
Alin sa sumusunod ang HINDI nakatutugon sa prinsipyo ng pagkakaisa?
Pagboluntaryo ng mga mag-aaral para sa mga proyektong pangkaunlaran
Pagtutulungan sa pagtatayo ng community pantry sa isang barangay
Pagsuporta sa edukasyon ng mga kabataan sa isang liblib na lugar
Paghihiwalay ng mga proyekto para sa mayayaman at mahihirap
Bakit HINDI dapat balewalain ang mga isyu ng kahirapan at diskriminasyon?
Sapagkat ito ay nagpapabagal sa pag-unlad ng buong lipunan
Dahil nakaaapekto lamang ito sa piling sektor
Dahil hindi naman ito laging totoo
Dahil hindi ito problema ng lahat
Anong batas ang tumutulong sa pagsusulong ng dignidad ng kababaihan?
Republic Act 6725, Prohibition on Discrimination Against Women
Republic Act 9003, Ecological Solid Waste Management
Republic Act 7610, Protection Against Child Abuse
Republic Act 8525, Adopt-a-School Act
Paano ipinapakita ng pagkakaisa ang paggalang sa karapatang pantao?
Pagbibigay ng eksklusibong benepisyo para sa mga napiling indibidwal
Pag-iwas o hindi pakikisama sa mga hindi mo kapareho ng paniniwala
Pagbibigay ng pantay na pagkakataon anuman ang estado sa buhay
Pagpilit sa mga mahihirap na magbanat ng buto
Ano ang epekto ng pagkakaisa ng mga bansa?
Naitataguyod ang kapayapaan at paggalang sa bawat isa
Nagkakaroon ng pagkakahiwalay ng mga kultura
Nagiging maunlad ang mayayamang bansa
Nagkakaroon ng kompetisyon sa pag-unlad
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa sa isang pamayanan?
Pagkontrol ng pamahalaan sa lahat ng Negosyo sa Lipunan
Pagpapaunlad ng kalidad ng buhay at ekonomiya
Pagtatakda ng mataas na presyo
Pagpaparami ng produkto
