Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Values Education 8

Total questions: 55

Worksheet time: 35mins

Name
Class
Date
1.

Anong emosyon ang tumutukoy sa masidhing damdamin ng kasiyahan, kaligayahan o katuwaan?

a)

Pagkagalak

b)

Pagkagulat

c)

Pagkamuhi

d)

Pagkatakot

2.

Anong emosyon ang tumutukoy sa pagkabahala sa sarili na masaktan, totoo man o haka-hakang panganib at pagaakalang walang kakayahang malampasan ang panganip?

a)

Pagkagalak

b)

Pagkagalit

c)

Pagkamuhi

d)

Pagkatakot

3.

Alin sa mga domain ng emotional intelligences ang nagpapakita ng kakayahang maunawaan at kilalanin ang iyong mga saloobin, damdamin, motibasyon at pag-uugali?

a)

Kamalayan sa lipunan.

b)

Pamamahala sa relasyon.

c)

Kamalayan sa sarili.

d)

Pamamahala sa sarili

4.

Ang sumusunod ay mga kahalagahan ng pagkilala sa sariling emosyon, maliban sa:

a)

Makatutulong ito sa pagpapalakas ng relasyon sa ibang tao

b)

Makakatulong ito sa pagpapalakas ng kakayahang makipag-ugnayan.

c)

Nagbibigay ito ng kamalayan sa sariling pangangailangan at pag-aalaga.

d)

Makatutulong ito sa pagpapataas ng tingin sa sarili at maibaba naman ang kapwa.

5.

Anong hakbang ang maaaring gawin upang mapanatili ang maingat na paghuhusga sa gitna ng matinding emosyon?

a)

Pagpapanatili ng bukas na isip.

b)

Pagsama sa mga grupo o organisasyon.

c)

Pagsisigarilyo sa tuwing nakadarama ng stress.

d)

Pakikinig sa iba at pagsasawalang bahala sa sariling emosyon.

6.

Si Rachelle ay president sa klase ng Grade 8- Rosal. Bagamat siya ang naatasang manguna sa klase ay hindi naging ugali ni Rachelle ang makasakit sa ibang kaklase at magsalita ng labis kahit pa may mga pagkakataon na nagiging maingay at magulo ang mga kaklase nito. Alam ni Rachelle ang maari idulot ng maling kilos niya sa iba. Anong birtud ang ipanapakita at tinataglay ni Rachelle?

a)

Magalang

b)

Maingat na Paghusga

c)

Mapagmahal

d)

Matapang

7.

Paano mo matututunan ang pagkakaiba sa pagitan ng reaksyon at pagtugon sa mga emosyon?

a)

Sa pamamagitan ng pagsasanay sa pagkamalikhain.

b)

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa iyong mga saloobin at kilos.

c)

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng paggamit ng dalawang salita.

d)

Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa pagkontrol ng iyong mga damdamin.

8.

Ito ay tumutukoy sa paningin o pagkaunawa ng isang tao tungkol sa isang bagay o paksa.

a)

Pagsusuri

b)

Pananaw

c)

Pandama

d)

Pangkamalayan

9.

Ito'y tumutukoy sa pagtingin o tendensiyang makíta ang maganda o mabuti sa anomang pangyayari at asamin ang higit na kasiya-siyang resulta.

a)

Benggatibo

b)

Optimismo

c)

Pesimismo

d)

Pilosopo

10.

Ang mga sumusunod ay mga bagay na nararanasan ng taong may positibong pananaw maliban sa:

a)

May mahabang buhay

b)

May mababang resistensya.

c)

May mababang lebel ng stress at depresyon.

d)

May malakas na resistensiya sa ubo at sipon

11.

Ang mga salitang "di ko talaga kaya, di ako magaling dito." o kaya naman ay "ayoko na, ang hirap naman nito" ay mga salitang nagpapakita ng pagkakaroon ng__________.

a)

fixed mindset

b)

growth mindset

c)

high Intelligent Quotient

d)

low Intelligent Quotient

12.

Si Peter ay nagsusumikap na maging bihasa sa pagsusulat sa kabila ng ilang be

4 lines
13.

oon ng__________.

a)

fixed mindset

b)

growth mindset

c)

high Intelligent Quotient

d)

low Intelligent Quotient

14.

Si Peter ay nagsusumikap na maging bihasa sa pagsusulat sa kabila ng ilang beses na pagkatalo sa iba't-ibang patimpalak na may kaugnayan rito. Naniniwala siya na walang imposible sa taong masigasig at matiyaga sa lahat ng bagay. Positibo siya na balang araw ay magiging isang magaling na manunulat rin siya katulad ng iba. Si Peter ay nagpapakita ng pagkakaroon ng __________.

a)

fixed mindset

b)

growth mindset

c)

high Intelligent Quotient

d)

low Intelligent Quotient

15.

Ang mga sumusunod ay mahalagang gawin ng Pamilya sa paghubog ng positibong pananaw ng isang indibidwal maliban sa:

a)

Ang pagpapakita ng positibong pag-iisip ng pamilya ay nag-aakay sa mga anak na maging positibo sa bawat bagay.

b)

Ang pamilya ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat anak na hindi sumuko bagkus ay humarap sa bawat laban at hamon ng buhay.

c)

Ang katatagang ng isang pamilya ay pundasyon ng bawat anak upang mapalawak ang hangarin maging matatag sa oras ng pagsubok sa buhay.

d)

Ang kawalan ng oras at kakulangan ng maayos na komunikasyon ng bawat miyembro ay hindi hadlang upang mahubog ang pagkakaroon ng positibong pananaw.

16.

Ito ay tumutukoy sa taong labas sa iyong sarili.

a)

Kaibigan

b)

Kapitbahay

c)

Kapwa

d)

Pamilya

17.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng magandang pakikipagkapwa sa mga Kabataan?

a)

Pakikiisa

b)

Pakikisama

c)

Pakikipag-away

d)

Pakikipagkasundo

18.

Ang " NO MAN IS AN ISLAND" ay isang kasabihan na nagpapatunay na __________.

a)

Walang tao katulad ay isang isla.

b)

Hindi mabubuhay ang isang isla kung walang tao.

c)

Ang bawat tao ay magkakaugnay sa lahat ng bagay.

d)

Ang bawat tao ay nangangailangan ng kaniyang kapwa.

19.

Mahalagang matukoy natin ang ating kapwa dahil __________.

a)

Kailangan nating tumulong sa ating kapwa.

b)

Sila ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay.

c)

Ito ang magbibigay ng kaganapan sa ating buhay.

d)

Ito ay simula ng paglinang ng kabuuang aspeto ng ating pagkatao.

20.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng makabuluhang pakikipagkapwa?

a)

Pag - unawa sa damdamin ng kapwa

b)

Pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat isa

c)

Espesyal na pagkagiliw sa nakaaangat sa lipunan.

d)

Pagtulong at pakikiramay sa kapwa sa abot ng makakaya

21.

Alin sa mga sumusunod ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipagkapwa?

a)

Pagkilala sa sarili na mas matalino ka kaysa ibang tao.

b)

Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mong pakitunguhan ka.

c)

Kakayahan ng bawat isa sa atin na makibahagi sa gawing panlipunan.

d)

Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa sa abot ng makakaya

22.

At sinabi ng Diyos, "Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawat umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa." Ito ay nakasaad sa aklat ng __________.

a)

Genesis 1:1

b)

Genesis 1: 20

c)

Genesis 1: 22

d)

Genesis 1: 26

23.

Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pananampalataya sa pag-iingat sa sarili maliban sa ?

a)

Nagbibigay ng layunin at kahulugan.

b)

Nakababawas ng stress at pagkabalisa.

c)

Nakakabawas ng mga koneksiyon sa lipunan.

d)

Nagtataguyod ng pagpapatawad at pagmamahal sa sarili

24.

Ano ang ibig sabihin ng "pag-iingat sa sarili"?

4 lines
25.

Ano ang ibig sabihin ng "pag-iingat sa sarili"?

a)

Pagsunod sa mga utos ng Diyos.

b)

Pagsasagawa ng mga kautusan sa simbahan.

c)

Paggamit ng mga orasyon para sa proteksiyon.

d)

Pag-aalaga sa sariling kalusugan, seguridad, at kapakanan.

26.

Bakit mahalaga ang ugnayan sa Diyos sa pag-iingat sa sarili?

a)

Dahil ito ang nagbibigay ng pisikal na kalusugan.

b)

Dahil ito ang nagbibigay ng material na tagumpay.

c)

Dahil ito ang nagtuturo ng mga ritwal para sa proteksyon.

d)

Dahil ito ang nagbibigay ng espirituwal na gabay at kahulugan sa buhay.

27.

Ang pananampalataya ay nakakatulong sa paggalang sa buhay sa pamamagitan ng:

a)

Pagbibigay ng layunin at kahulugan ng buhay.

b)

Pagkakaroon ng malapit na ugnayan sa Diyos.

c)

Pagkakaroon ng kamalayan sa kung ano ang mabuti at masama.

d)

Pagbibigay ng malinaw na patakaran para sa moral na pamumuhay.

28.

Laging ipinagmamalaki ni Maria ang kanyang malalim na ugnayan sa Diyos kahit marami pa siyang nakakaalitan sa trabaho. Ang pahayag ba ay tama o mali?

a)

Tama, dahil may koneksyon si Maria sa Diyos.

b)

Tama, dahil napatawad ng Diyos sa kaniyang nagagawang kamalian.

c)

Mali, dahil may mga nakasamaang loob siya kaya galit sa kaniya ang Diyos.

d)

Mali, dahil hindi makatotohanan ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maayos ang kaniyang pakikisama sa kaniyang kapwa.

29.

Ito ay tumutukoy sa isang mabisang paraan ng pakikipag-usap sa Diyos upang magpuri, magpasalamat, humingi ng tawad, at magpahayag ng mga hinaing at kahilingan.

a)

Pag-aayuno

b)

Pagsamba

c)

Pagsisisi

d)

Pananalangin

30.

Ito ay tumutukoy sa "pagbibigay ng parangal, pagpupuri, paggalang, pagpipitagan at pagluwalhati sa isang mas nakatataas."

a)

Pag-aayuno

b)

Pagsamba

c)

Pagsisisi

d)

Pananalangin

31.

Paano nakatutulong ang iyong relihiyon sa paglago ng iyong magandang ugnayan sa Diyos?

a)

Nakatutulong ito upang matutong manalangin.

b)

Nakatutulong ito upang maging malapit sa Diyos.

c)

Nakatutulong ito upang mailapit ang mga problema mo sa buhay.

d)

Nakatutulong ito upang magkaroon ng maraming kaibigan at kakilala.

32.

Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit kailangang magpasalamat sa Diyos maliban sa:

a)

Ito ay pagtanaw sa kabutihan ng Diyos sa ating lahat.

b)

Ang mga biyayang tinatanggap natin ay nagmula sa Kanya.

c)

Upang magkaroon ng kabuluhan ang atin buhay sa mundo.

d)

Sapagkat kinakailangan natin ang makipag-usap sa Kanya para maibigay Niya ang ating mga hiling sa buhay at hindi tayo pabayaan.

33.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-unawa sa tamang paraan ng pagdakila sa Diyos sa araw-araw?

a)

Magpakalinis sa isip, sa salita, at sa gawa

b)

Ugaliing isama sa pang-araw-araw na buhay ang bisyo

c)

Ibahagi ang mga lihim na sinabi ng iyong matalik na kaibigan sa iba

d)

Maging aktibo sa panonood ng mahahalay na panoorin at babasahin

34.

Bakit mahalagang alalahanin ang kalagayan ng iba kapag nagpapakita ng pagdakila sa Diyos?

a)

Dahil ito ay parte na ng araw-araw na buhay.

b)

Dahil ito ay madali at isang normal na gawain.

c)

Dahil ito ay turo at aral ng iyong guro sa Values Education.

d)

Dahil ang tunay na pagmamahal sa Diyos ay nag-uugat sa malasakit sa kapwa.

35.

Ang pagtanggap sa kalagayan ng isang tao ay isang mahalagang aspeto ng pagpapakita ng birtud ng __________.

a)

Kapayakan

b)

Kap

36.

Ang pagtanggap sa kalagayan ng isang tao ay isang mahalagang aspeto ng pagpapakita ng birtud ng __________.

a)

Kapayakan

b)

Kapayapaan

c)

Kasiyahan

d)

Katapangan

37.

Ang mga sumusunod ay pangangailangan maliban sa isa:

a)

Damit

b)

Laruan

c)

Pagkain

d)

Tirahan

38.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pag-unawa sa tamang paraan ng payak na pamumuhay pagdating sa pamamahala ng basura?

a)

Pagsusunog ng basura

b)

Hindi maayos na pagtatapon ng basura

c)

Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig

d)

Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di-nabubulok

39.

Bumili ng gamit na matibay at hindi agad mawawala sa uso para sa mas matagal na gamit. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy nito na paraan upang maging simple ang iyong pamumuhay.

a)

Maging simple sa pamumuhay.

b)

Simpleng pagdiriwang sa bahay.

c)

Iwasang bumili ng gamit na madaling masira o mawala sa uso.

d)

Kung maaaring lakarin ang pagpasok sa paaralan at hindi makasisira sa iyong kalusugan, gawin ito.

40.

Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mo pang gawin upang masiguro na ang iyong binibili ay talagang pangangailangan at hindi nakakasira sa kalikasan?

a)

Pag-unawa sa mga nilalaman nito.

b)

Pagtukoy kung mayroon na ba ang kaibigan mo nito.

c)

Pagsaliksik kung may napahamak na ba sa mga bumili na rin nito.

d)

Pagtatanong sa mga nagbebenta nito kung ito ba ay mabenta sa kanilang tindahan.

41.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan?

a)

Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito.

b)

Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kanya na dapat niyang gampanan.

c)

Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya.

d)

Ang kalikasan ay kakambal ng kanyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kanya at bilang kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan.

42.

Ano ang ibig sabihin ng "pag-iimpok"?

a)

Paggastos sa lahat ng kita.

b)

Pagtatabi ng lahat ng kita.

c)

Pagbibigay ng pera sa iba

d)

Pagtatabi ng pera para sa layunin sa hinaharap.

43.

Ito ay isang bagay na ibinibigay sa isang kawanggawa, lalo na ang isang halaga ng pera.

a)

Ambag

b)

Donasyon

c)

Kita

d)

Ikapu

44.

Si Kathleen ay madalas na gumagawa ng trabaho nang hindi binabayaran dahil gusto niyang gawin ito. Alin sa mga sumusunod ang ipinamamalas ni Kathleen?

a)

Ito ay boluntaryo.

b)

Ito ay donasyon

c)

Ito ay obligasyon.

d)

Ito ay pag-iimpok

45.

Kung ikaw ay lilikha ng patalastas na mag-uudyok sa mga kabataan na magtipid at mag-impok, alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat isama sa nilalaman ng iyong patalastas?

a)

Magbenta ng pre-loved items upang madagdagan ang ipon

b)

Magtayo ng maliit na negosyo tulad ng online selling

c)

Mamahala sa maliit na investment na abot-kaya

d)

Magsugal para sa mabilisang pagdoble ng pera

46.

Nais mong bumuo ng personal savings plan na maaari mong ibahagi sa inyong klase. Alin sa mga layunin ang pinakamainam na isama sa iyong plano?

a)

Maglaan ng budget para magamit ang lahat ng pera

b)

Paghatiin ang kita sa gastusin at luho

c)

Maglaan ng bahagi ng kita para sa araw-araw at ipon

d)

Gumastos agad sa mga bagay na gusto upang iwas stress

47.

Gagawa ka ng infographic para hikayatin ang iyong mga kaklase na mag-impok. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat ilagay sa iyong infographic?

4 lines
48.

Gagawa ka ng infographic para hikayatin ang iyong mga kaklase na mag-impok. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo dapat ilagay sa iyong infographic?

a)

Ugaliing magtabi ng kahit maliit na halaga araw-araw

b)

Bilhin agad ang mga bagay na gusto kapag may pera

c)

Magkaroon ng "no spend day" para makaiwas sa gastos

d)

Unahin ang pangangailangan bago ang kagustuhan

49.

Kung ikaw ay gagawa ng isang vlog tungkol sa kabutihang naidudulot ng pagtitipid, alin sa mga pahayag ang hindi mo dapat banggitin sa iyong nilalaman?

a)

Magtipid upang mas maging masagana ang sariling buhay lamang

b)

Ang pagtitipid ay tumutulong sa iyo upang maging mas mapagbigay

c)

Ang pagtitipid ay nagpapakita ng malasakit sa nangangailangan

d)

Ang pagtitipid ay paraan upang makatugon sa pangangailangan ng iba

50.

Magpapayo ka sa isang batang gustong matutong mag-budget ng kanyang baon. Alin sa mga sitwasyon ang pinakamainam mong gamitin bilang halimbawa sa kanya?

a)

Bumili ng bagong gadget para makasabay sa uso

b)

Bumili ng sasakyan kahit hindi pa sapat ang ipon

c)

Namili ng pangunahing pagkain para sa buong linggo

d)

Nag-ipon ng baon at di bumili ng miryenda upang makabili ng tablet

51.

Ang panlipunang implikasyon ng pag-iipon ng pera bilang paraan ng pagbibigay tulong sa nangangailangan ay paraan ng pagpapakita ng birtud ng __________.

a)

pagmamahal

b)

pagmamalasakit

c)

pagtitiis

d)

pagtitiyaga

52.

Sa halip na kumain sa fastfood ay nagbaon na lamang ng pananghalian si Martin. Bukod sa nakabuti ito sa kanyang kalusugan ay naitabi pa ni Martin ang pera at naidagdag sa kanyang ipon. Ano ang ipinapakita ni Martin sa sitwasyung nabanggit?

a)

Si Martin ay nagtataglay ng kasipagan.

b)

Si Martin ay nagtataglay ng pagpupunyagi.

c)

Si Martin ay nagtitipid upang makabili ng kagustuhan.

d)

Si Martin ay nagtitipid at wastong namamahala ng naimpok.

53.

Si Grace ay may naipong pera bunga ng kanyang sipag at tiyaga sa pagbebenta ng ibat-ibang aytem sa online platform. Bilang pasasalamat, nais niyang magsagawa ng isang Feeding Activity sa kanyang baranggay. Ang mga sumusunod ay mahalagang maihanda ni Grace maliban sa:

a)

Mga makikinabang sa pamayanan.

b)

Mga komite at kagamitang ihahanda.

c)

Alamin ang lugar na pagdaraosan ng gawain at oras.

d)

Alamin ang tamang kasuotan at porma na gagamitin para sa gawaing iyon.

54.

Ano ang pinakamahalagang epekto ng pagiging malikhain sa pagtitipid at pag-iimpok sa pamayanan?

a)

Magiging kilala ang tao sa buong bansa.

b)

Magiging mayaman ang isang tao agad-agad.

c)

Magsisimula ng negosyo na hindi nauukol sa pangangailangan ng pamayanan.

d)

Makakatulong sa mga pangangailangan ng komunidad at makakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay.

55.

Ang mga sumusunod ay paraan ng aktibong pakikibahagi sa pagpapabuti ng kalagayan at pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan maliban sa:

a)

Pakikilaok sa mga clean-up drive campaign.

b)

Pag-abot ng pinansyal na tulong sa mga pamilyang nasalanta ng bagyo.

c)

Pagbibigay ng oras sa mga gawaing may kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili.

d)

Pagbibigay ng mga lata, bote, pahayagan at mga bagay na maaring ibenta para sa katuparan ng isang programa o gawaing pangpamayanan.