wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Unang Markahang Pagsusulit sa Ekonomiks

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng pag-aaral ng Ekonomiks?

a)

Pagtalakay sa kasaysayan ng kalakalan

b)

Pagtukoy sa mga katangian ng isang pinuno

c)

Pagbibigay ng impormasyon tungkol sa politika ng bansa

d)

Paghahanap ng solusyon sa suliraning pangkabuhayan ng Lipunan

2.

Ano ang ibig sabihin ng salitang oikonomia, ang pinagmulan ng salitang "Ekonomiks"?

a)

Pamamahala ng tahanan

b)

Pagkonsumo at produksiyon

c)

Paggamit ng likas na yaman

d)

Pagsusuri ng ekonomiya ng bansa

3.

Bakit mahalagang maunawaan ang konsepto ng marginal thinking sa paggawa ng desisyon?

a)

Para mas mapabilis ang paggawa ng produkto

b)

Para matukoy kung paano gamitin ang yaman ng bansa

c)

Para malaman kung paano kumita ng mas maraming pera

d)

Para masukat kung sulit ang dagdag na gastos kapalit ng benepisyo

4.

Ano ang ipinahihiwatig ng opportunity cost sa ating araw-araw na pamumuhay?

a)

Lahat ng gusto natin ay dapat makuha

b)

Mas mainam ang pagbili kaysa paggawa

c)

Mas mahalaga ang pagtitipid kaysa paggasta

d)

Lahat ng bagay ay may kapalit na halaga kapag pinili

5.

Anong sitwasyon ang nagpapakita ng trade-off sa buhay mag-aaral?

a)

Pagliban sa klase dahil sa pagod

b)

Pagpunta sa mall habang may pasok

c)

Pagkain ng masarap na ulam kahit may allergy

d)

Pag-aaral sa gabi kapalit ng panonood ng paboritong palabas

6.

Kung tataasan ang buwis sa mga produktong alak at sigarilyo, ano ang inaasahang epekto nito sa mga mamimili?

a)

Mas dadami ang bibili dahil ito ay mahal

b)

Mawawala ang interes ng mga tao sa pamumuhay

c)

Patuloy na bibilhin ng mamimili anuman ang halaga

d)

Hihina ang konsumo ng mga ito dahil sa mataas na presyo

7.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng yamang-likas na matatagpuan sa ilalim ng lupa?

a)

Ginto

b)

Isda

c)

Kawayan

d)

Mais

8.

Ano ang tawag sa pag-aaral ng mga yaman at limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang pangangailangan ng tao?

a)

Ekonomiks

b)

Heograpiya

c)

Pilosopiya

d)

Sosyolohiya

9.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng likas-kayang pag-unlad?

a)

Paglilimita ng konsumo ng tao

b)

Pagpapababa ng populasyon

c)

Pagpapalago ng ekonomiya sa loob ng isang taon

d)

Pagtugon sa pangangailangan ng kasalukuyan at hinaharap

10.

Bakit mahalaga ang kaalaman sa ekonomiks sa paggawa ng desisyon?

a)

Makatipid sa lahat ng bagay

b)

Makatulong sa pag-unawa ng sarili lamang

c)

Makaiwas sa mga patakaran ng pamahalaan

d)

Makagawa ng matalinong desisyon para sa sariling kapakanan at ng iba

11.

Ano ang ipinahihiwatig ng kakapusan sa ekonomiya?

a)

Marami ang namimili

b)

Ang presyo ay bumababa

c)

Hindi sapat ang likas na yaman

d)

Ang produkto ay hindi mabenta

12.

Sa hirarkiya ng pangangailangan ni Maslow, ano ang inaasahang susunod na pangangailangan pagkatapos matugunan ang pisyolohikal at kaligtasan?

a)

Pagkakaroon ng tahanan

b)

Pagkakataong makapag-aral

c)

Pakikisalamuha at pagmamahal

d)

Pagkakaroon ng mas mataas na sahod

13.

Sa panahon ng kalamidad, mas pinili ni Aling Rosa na bumili ng bigas kaysa sa bagong cellphone. Ano ang ipinakikita niya?

a)

Kakulangan

b)

Kakapusan

c)

Pagsuway sa kagustuhan

d)

Tamang pagpapasya batay sa pangangailangan

14.

Bilang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pakikiisa sa likas-kayang pag-unlad?

a)

Pagsunod sa uso

b)

Pagtatapon ng basura sa kalsada

c)

Pagtitipid ng tubig at kuryente sa paaralan

d)

Pagkonsumo ng sobra-sobrang produkto

15.

Kung ikaw ay negosyante at napansin mong maraming tao ang may kakayahang bumili ng produkto, ano ang dapat mong gawin?

a)

Itigil ang produksyon

b)

Limitahan ang pagbebenta

c)

Taasan ang presyo agad-agad

d)

Dagdagan ang supply upang matugunan ang demand

16.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kakulangan ngunit HINDI sa kakapusan?

a)

Di sapat na likas-yaman sa bansa

b)

Limitadong supply ng langis dahil sa natural na sakuna

c)

Kakulangan ng bigas dulot ng hoarding ng mga negosyante

d)

Mabilis na paglaki ng populasyon kaya't nagkukulang ang suplay

17.

Ano ang kaibahan ng pangangailangan sa kagustuhan?

a)

Ang pangangailangan ay maaaring ipagpaliban

b)

Ang kagustuhan ay mas mura kaysa sa pangangailangan

c)

Ang kagustuhan ay limitado, ang pangangailangan ay walang hanggan

d)

Ang pangangailangan ay mahalaga upang mabuhay, samantalang ang kagustuhan ay di-mahalaga

18.

Bilang mamimili, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang maipagtanggol ang iyong karapatan sa panahon ng pagtaas ng presyo?

a)

Iwasan ang pamimili

b)

Bumili ng marami bago pa ito tumaas

c)

Magsagawa ng protesta laban sa tindahan

d)

Ipagbigay-alam sa ahensiyang nangangalaga sa karapatan ng mamimili

19.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng proyekto para sa ikauunlad ng lokal na ekonomiya, alin ang iyong pipiliin?

a)

Magbenta ng imported na produkto

b)

Magtayo ng mall upang makahatak ng mamimili

c)

Mangutang sa ibang bansa para mapalago ang negosyo

d)

Magtaguyod ng community garden gamit ang yamang-lupa at tao sa barangay

20.

Ano ang kahulugan ng alokasyon sa ekonomiks?

a)

Pamimili ng produkto sa pamilihan

b)

Pagpapalitan ng produkto at serbisyo

c)

Pagtatakda ng buwis sa mga produkto

d)

Paglalaan ng pinagkukunang-yaman batay sa pangangailangan at kagustuhan

21.

Ano ang pagkakaiba ng alokasyong sentralisado sa desentralisado?

a)

Sa desentralisado, bawal magbenta sa ibang lugar

b)

Sa sentralisado, iisang tao lamang ang gumagawa ng produkto

c)

Ang sentralisado ay malayang pamilihan; ang desentralisado ay kontrolado

d)

Sa sentralisado, may nakatakdang namamahala; sa desentralisado, bawat kasapi ay may kakayahang magdesisyon

22.

Kung ikaw ay bahagi ng isang pamayanang may sistemang traditional economy, alin sa mga sumusunod ang inaasahang paraan ng paglikha ng produkto?

a)

Batay sa utos ng gobyerno

b)

Ayon sa kagustuhan ng merkado

c)

Gamit ang makabagong teknolohiya

d)

Ayon sa kultura't paniniwala ng pamayanan

23.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng sistemang mixed economy?

a)

Lahat ng presyo ay tinatapatan ng mamimili

b)

Lahat ng negosyo ay pinapatakbo ng gobyerno

c)

Walang pakialam ang pamahalaan sa ekonomiya

d)

May mga negosyo na pinatatakbo ng pribadong sektor at may kontrol din ang pamahalaan

24.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na solusyon upang matukoy kung para kanino ang produkto sa isang command economy?

a)

Hayaan ang pribadong sektor na mamili

b)

Magbigay ng insentibo sa mga lokal na prodyuser

c)

Ipabatid sa mamamayan ang presyo ng produkto

d)

Ipatupad ang plano ng pamahalaan batay sa pangangailangan ng populasyon

25.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makagagawa ng proyekto na nagpapakita ng konsepto ng alokasyon?

a)

Magtinda ng inumin sa paaralan nang walang plano

b)

Gumawa ng mural tungkol sa kasaysayan ng ekonomiya

c)

Gumawa ng maikling pelikula tungkol sa paligsahan ng talento

d)

Mag-organisa ng palengke sa klase kung saan may takdang dami ng produkto para sa bawat pangkat

26.

Ano ang tawag sa kabayaran sa paggamit ng lupa sa produksiyon?

a)

Interes

b)

Sahod

c)

Tubo

d)

Upa

27.

Paano naiiba ang mekanisasyon sa automation bilang paraan ng produksiyon?

a)

Sa automation, manu-mano ang paggawa

b)

Sa mekanisasyon, tao ang pangunahing gumagawa ng produkto

c)

Pareho silang gumagamit ng robot upang palitan ang manggagawa

d)

Sa mekanisasyon, ang makina ang gumagawa habang sa automation, may kontrol pa rin ang tao sa makinarya

28.

Kung ikaw ay isang estudyante na nais magsimula ng maliit na negosyo, anong uri ng organisasyon ng negosyo ang pinakaangkop para sa iyo kung nais mong ikaw lamang ang magdesisyon at makinabang sa tubo?

a)

Isahang Pagmamay-ari

b)

Kooperatiba

c)

Korporasyon

d)

Sosyohan

29.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kontribusyon ng entrepenyur sa produksiyon?

a)

Pagbibigay ng lupain para sa pabrika

b)

Pagpapahiram ng puhunan sa negosyo

c)

Pagpapaunlad ng kasanayan ng manggagawa

d)

Pagdedesisyon kung anong produkto ang likhain batay sa pangangailangan ng merkado

30.

Bilang isang tagapayo sa negosyo, alin sa sumusunod ang pinakamabisang rekomendasyon para sa isang grupo ng mamimili na nais magkaroon ng negosyo na may pantay-pantay na kita at layuning makatulong sa komunidad?

a)

Magtatag ng kooperatiba

b)

Magtayo ng korporasyong pribado

c)

Sumali sa partnership na may general partners

d)

Magnegosyo bilang isang isahang pagmamay-ari

31.

Kung ikaw ay lilikha ng isang produkto gamit ang mga salik ng produksiyon, alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na hakbang upang maisakatuparan ito?

a)

Gumamit ng lupa lamang upang makabuo ng produkto

b)

Umupa ng maraming manggagawa nang walang plano sa produkto

c)

Mag-imbento ng produkto nang hindi isinasaalang-alang ang proseso ng produksiyon

d)

Magdisenyo ng produkto, maghanap ng hilaw na materyales, at iproseso ito gamit ang angkop na teknolohiya

32.

Ano ang tawag sa taong bumibili at gumagamit ng produkto o serbisyo?

a)

Entreprenyur

b)

Konsyumer

c)

Negosyante

d)

Prodyuser

33.

Paano nakakaapekto ang 'testimonial' bilang paraan ng pag-aanunsiyo sa pagkonsumo ng mga tao?

a)

Pinapakita ang presyo ng produkto

b)

Isinasaalang-alang nito ang panahon ng paggamit

c)

Gumagamit ito ng mga mamimiling may kaparehong produkto

d)

Hinikayat nito ang mga tao gamit ang opinyon ng kilalang personalidad

34.

Kung ikaw ay gagamit ng harina at itlog upang makagawa ng cake na iyong ibebenta, anong uri ng pagkonsumo ang ginagawa mo?

a)

Lantad na pagkonsumo

b)

Maaksayang Pagkonsumo

c)

Produktibong pagkonsumo

d)

Tuwirang Pagkonsumo

35.

Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na salik ng pagkonsumo?

a)

Kita ng mamimili

b)

Lahi o nasyonalidad

c)

Okasyon o panahon

d)

Pag-aanunsiyo

36.

Sa iyong opinyon, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng hindi matalinong pagkonsumo?

a)

Pagba-budget ng kita bago mamili

b)

Pagtangkilik sa produkto ng lokal na magsasaka

c)

Pagtangkilik sa mas murang alternatibo na may parehong kalidad

d)

Pagbili ng gamit na hindi kailangan upang maipakita sa social media

37.

Kung ikaw ay hihikayat ng mga kabataan na maging matalinong konsyumer, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na proyekto?

a)

Pagpapaskil ng tarpaulin ng mga kilalang artista

b)

Pagpapatayo ng tindahan na nagbebenta ng mamahaling produkto

c)

Pagpapalaganap ng mga patalastas sa produktong popular kahit hindi kailangan

d)

Paggawa ng blog o vlog na nagtuturo ng tamang pagbadyet at wastong pagkonsumo

38.

Alin sa mga sumusunod ang batas na nagtatakda na dapat may tamang etiketa ng presyo sa lahat ng produkto?

a)

Artikulo 1546

b)

Artikulo 1547

c)

Batas Republika Blg. 71

d)

Batas Republika Blg. 3740

39.

Ano ang tawag sa taong bumibili at gumagamit ng produkto o serbisyo upang matugunan ang kanyang pangangailangan?

a)

Entreprenyur

b)

Konsultant

c)

Mamimili

d)

Producer

40.

Bakit mahalaga ang pagsusuri sa kondisyon ng gamit bago ito bilhin?

a)

Upang masundan ang uso

b)

Upang makaiwas sa buwis

c)

Upang makabili ng mas marami

d)

Upang matiyak na ligtas ito at maayos

41.

Bakit dapat umiwas sa panic buying ayon sa pamantayan ng matalinong mamimili?

a)

Dahil mahirap magbitbit ng marami

b)

Dahil mas mahal ang presyo ng bilihin

c)

Dahil mas maraming oras ang masayang

d)

Dahil ito ay nagpapakita ng di-makatwirang paggastos

42.

Kung ikaw ay bibili ng bagong cellphone, anong katangian ng matalinong mamimili ang dapat mong gamitin upang maiwasang makabili ng peke?

a)

Pagsunod sa badyet

b)

Pagiging mapanuri

c)

Pagkakaroon ng alternatibo

d)

Hindi nagpapadala sa anunsiyo

43.

Isang mag-aaral ang may limitadong baon ngunit kailangang bumili ng mga gamit sa proyekto. Ano ang dapat niyang gawin?

a)

Umasa sa tulong ng kaklase

b)

Magpadala sa sikat na brand

c)

Maglista at sumunod sa badyet

d)

Bumili ng mamahaling kagamitan

44.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa karapatan ng mamimili?

a)

Karapatang pumili

b)

Karapatan sa tubo

c)

Karapatan sa kaligtasan

d)

Karapatan sa kabayaran sa kapinsalaan

45.

Paano nagkakatulad ang 'Brand' at 'Testimonial' bilang uri ng pag-aanunsiyo?

a)

Pareho silang nagpapakita ng presyo

b)

Pareho silang gumagamit ng kilalang tao

c)

Pareho silang hindi epektibo sa modernong panahon

d)

Pareho silang naglalayong mahikayat ang konsyumer

46.

Ano ang papel ng Food and Drug Administration (FDA) sa kapakanan ng mamimili?

a)

Magtakda ng minimum wage

b)

Magsiyasat sa mga anomalya sa halalan

c)

Magpatupad ng batas sa pamumuhunan

d)

Tiyakin ang kaligtasan ng pagkain at gamot sa mercado

47.

Suriin ang kahalagahan ng pamantayan na 'pagtanong-tanong ng presyo' sa paggawa ng matalinong desisyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pinakamainam na resulta?

a)

Nakakatipid ng oras

b)

Nakakaimpluwensya sa kaklase

c)

Nakakabawas sa kita ng negosyante

d)

Nakakakuha ng pinakamurang option na may parehong kalidad

48.

Batay sa pamantayan ng pamimili, suriin kung bakit hindi inirerekomenda ang pagbili ng second-hand na gamit.

a)

Mas mura ito

b)

Mas sikat sa kabataan

c)

Mas magaan bitbitin

d)

Mas madaling sirain o depektibo

49.

Kung ikaw ay binigyan ng brochure na puno ng patalastas ng isang produktong hindi mo naman kailangan, ano ang pinakamatalinong gawin?

a)

Ipamigay sa kakilala

b)

Isali ito sa koleksyon

c)

Bumili agad habang may promo

d)

Suriin kung kinakailangan ba ito

50.

Alin sa mga sumusunod ang mabisang proyekto upang mapalaganap ang kamalayan ng mga kabataan sa kanilang mga karapatan bilang mamimili?

a)

Pagpapaskil ng mga quote sa sikat na produkto

b)

Pagtayo ng online store para sa branded products

c)

Pagbili ng mga produktong inendorso ng mga artista

d)

Pag-organisa ng paligsahan ng paglikha ng sariling patalastas