Font size
WorksheetsA.P. REVIEWER FOR GAVIN (1st Q)
Total questions: 70
Worksheet time: 44mins
1. Ito ang yugto ng kasaysayan bago pa matuklasan ang paraan ng pagsulat. Dahil dito, walang mga nakasulat na tala tungkol sa mga pangyayari sa panahong ito. Ang mga impormasyon ay nakukuha sa pamamagitan ng mga arkeolohikal na ebidensya tulad ng mga fossil at artifact.
A. Panahon ng Prehistoric
B. Panahon ng Historic
2. Ito ang agham na nag-aaral sa nakaraan ng tao sa pamamagitan ng paghuhukay at pagsusuri ng mga labi ng sinaunang tao, gamit, at gusali.
A. Arkeolohiya
B. Fossil
C. Artifact
3. Ito ang mga labi ng hayop o halaman na nabuhay noong sinaunang panahon na nabaon sa lupa at naging bato.
A. Arkeolohiya
B. Fossil
C. Artifact
4. Anumang bagay na nilikha o ginamit ng tao sa sinaunang panahon tulad ng palayok, sandata, o alahas.
A. Arkeolohiya
B. Fossil
C. Artifact
5. Nagsimula ito nang matuklasan ang sistema ng pagsusulat. Mula rito, nagsimula na ring maisulat ang mga mahahalagang pangyayari, kaya mas malawak ang impormasyon tungkol sa mga tao at lipunan noong panahong ito.
A. Panahon ng Prehistoric
B. Panahon ng Historic
6. Ito ay ang sistematiko pag-aaral at pagtatala ng mga mahahalagang pangyayari sa nakaraan. Hindi ito basta kwento lamang, kundi isang agham na gingagmit ang ebidensya at pagsusuri upang maipaliwanag ang mga pangyayari sa lipunan.
A. Arkeolohiya
B. Fossil
C. Kasaysayan
D. Artifact
7. Ito ang tawag sa taong nagsasaliksik at sumusulat ng kasaysayan.
A. Historyador
B. Herodutus
C. Kasaysayan
8. Siya ang tinaguriang "Ama ng Kasaysayan", siya ang unang nagtangkang tipunin at isalaysay ang mga pangyayari sa mundo batay sa masusing pagsusuri.
A. Robert Fox
B. Landa Jocano
C. Herodutus
9. Ang kasaysayan ay bahagi ng agham panlipunan dahil tinatalakay nito ang ugnayan ng mga ____, ____, at ____.
(a)
10. Ito ang pangunahing tagapaglikha ng kasaysayan.
A. Tao
B. Lugar
C. Panahon
11. Ito ay tumutukoy sa lokasyon kung saan naganap ang isang mahalagang pangyayari.
A. Tao
B. Lugar
C. Panahon
12. Ito ay tumutukoy sa takdang petsa, dekada, siglo, o era kung kailan nangyari ang isang pangyayari.
A. Tao
B. Lugar
C. Panahon
13. Ito ang orihinal na tala ng isang saksi o kalahok sa isang pangyayari. Halimbawa: sulat, talaarawan, larawan, dokumento, kasulatan.
A. Pangunahing Bukal (Primary Spource)
B. Sekondaryang Bukal (Secondary Source)
14. Ito ang mga akda o ulat na ginawa batay sa pangunahing bukal. Halimbawa: akat ng kasaysayan, artikulo, dokumentaryo.
A. Pangunahing Bukal (Primary Source)
B. Sekondaryang Bukal (Secondary Source)
15. (a) sistematikong proseso na ginagamit sa agham upang tuklasin ang katotohanan. Sa kasaysayan, ito ay ginagamit upang mapatunatyan kung totoo ang isang impormasyon gamit ang ebidensya at lohikang pagsusuri.
16. (a) isang pambansang pananaw sa pagsusuri ng kasaysayan kung saan ang mga Pilipino ay gumagamit ng sariling wika, karanasan, at pananaw sa pagsasalaysay ng kasaysayan. Layunin nitong mapalalim ang pag-unawa ng kasaysayan mula sa loob ng ating kultura, hindi mula sa banyagang pananaw.
17. Naniniwala ang mga siyentista na ang lahat ng bagay at buhay sa daigdig at kalawakan ay nanggaling sa Big Bang Theory kung saan mayroong dalawang masa ng ulap na gawa sa lupa at alikabok na nagbanggang at sa pagsabog nito, nabuo ang lahat ng bagay.
A. Teorya
B. Simbahan
C. Mito
18. Naniniwala naman ang mga taong ____ sa nakasulat sa bibliya na tinatawag nilang Divine Origin kung saan naniniwala silang mayroong nag-iisang Diyos na gumawa ng langit at lupa, kasama ang mga bagay na matatagpuan dito sa loob ng pitong araw. Si Eba at Adan ang unang taong nilikha.
A. Teorya
B. Simbahan
C. Mito
19. Ito naman ay mga kwentong bayan, Alamat, kulturang pabigkas, at iba pang bagay na nagpapaliwanag ng pinagmulan ng iba't ibang bagay ayon sa isang kultura. Naniniwala ang mga tagalog sa kwento nina Malakas at Maganda na nanggaling ang unang tao sa loob ng kawayan.
A. Teorya
B. Simbahan
C. Mito
20. Ang Pilipinas ay nabuo dahil sa pagputok ng mga bulkang nakapaloob sa Pacific Ring of Fire.
A. Teoryang Bulkanismo
B. Teoryang Continental Drift
C. Teoryang Ebolusyon ng Tao
D. Teoryang Tulay na Lupa
21. Bago mahati ang pitong kontinente ng mundo, ito ay nanggaling sa iisang super continent na kung tawagin ang Pangaea.
A. Teoryang Bulkanismo
B. Teoryang Continental Drift
C. Teoryang Tulay na Lupa
D. Teoryang Ebolusyon ng Tao
22. Noong panahong mababa pa lebel ng tubig, pinaniniwalaang mayroong mga tulay na lupa na nagdudugtong sa Pilipinas at ibang bansa ang siyang ginamit ng mga tao at hayop na daan.
A. Teoryang Bulkanismo
B. Teoryang Continental Drift
C. Teoryang Tulay na Lupa
D. Teoryang Ebolusyon ng Tao
23. Pinaniniwalaan na ang tao ay galing sa o kapatid ng mga unggoy na nagdaan sa proseso ng ebolusyon.
A. Teoryang Bulkanismo
B. Teoryang Continental Drift
C. Teoryang Tulay na Lupa
D. Teoryang Ebolusyon ng Tao
24. Ito ang pinaka ninuno ng tao na nahahawig ang pisikal na katangian nito sa isang unggoy.
A. Homo Erectus
B. Homonid
C. Homo Habilis
D. Homo Sapiens
25. Nakakatayo at nakakalakad na ng tuwid.
A. Homo Erectus
B. Hominid
C. Homo Habilis
D. Homo Sapiens
26. "Handy man"
A. Homo Erectus
B. Hominid
C. Homo Habilis
D. Homo Sapiens
27. Pinaka malapit sa porma ng kasalukuyang tao.
A. Homo Erectus
B. Hominid
C. Homo Habilis
Homo Sapiens
28. Tinatayang mga Pilipinong nabuhay sa panahon ng stone age noong taong 22,00 hanggang 20,000 BCE. Ang mga labi nito ay natagpuan sa kweba ng Tabon sa Palawan ng isang banyagang arkeologo at propesor na si Professor Henry Otley Beyerl.
A. Taong Tabon
B. Taong Callao
C. Aetas
D. Taong Lobo
29. Isa sa mga maaaring kauna-unahang tao sa Pilipinas o maging sa Asya na may gulang na 67,000. Natagpuan ito sa Penablanca, Cagayan noong taong 2007 ni Armand Salvador Mijares.
A. Taong Tabon
B. Taong Callao
C. Aetas
D. Taong Lobo
30. Ang mga (a) ang unang tao sa Pilipinas na pinaniniwalaang nanggaling sa mga Negrito na dumaan sa tulay na lupa upang makarating dito.
31. (a) naman ang tawag sa mga pumunta dito sa Pilipinas gamit ang kanilang mga balangay o bangka.
32. Ang (a) ay modelo ng mundo. Ito ay bilog at nagpapakita ng aktuwal na hugis ng mundo.
33. Ang (a) naman ay patag na larawan ng kabuuan o bahagi ng mundo.
34. Parehong gamit ang _____ at _____ upang makita ang mga bansa at kanilang lokasyon.
(a)
35. Ito ang mga guhit na pahalang, kahilera ng ekwador.
A. Latitud
B. Longhitud
36. Ito ang mga guhit na patayo, tinatawag din meridian.
A. Latitud
B. Longhitud
37. Ito ang pinakamataas at pinakamababang dulo ng mundo.
A. Hilaga at Timog Polo
B. Tropiko ng Cancer
C. Tropiko ng Capricorn
38. Ito ay nasa 23.5 ° Hilaga mula ekwador.
A. Hilaga at Timog Polo
B. Tropiko ng Cancer
C. Tropiko ng Capricorn
39. Ito ay nasa 23.5 ° Timog mula sa ekwador.
A. Hilaga at Timog Polo
B. Tropiko ng Cancer
C. Tropiko ng Capricorn
40. Ito ay nasa 66.5 ° Hilagang Hatingglobo.
A. Kabilugang Artic
B. Kabilugang Antartic
41. Ito ay nasa 66.5 ° Timog Hatingglobo.
A. Kabilugang Artic
B. Kabilugang Antartic
42. Lokasyon gamit ang grid o eksaktong address.
A. Relatibong Lokasyon
B. Absolute (Eksaktong) Lokasyon
43. Paggamit ng mga landmarks o direksyon para tukuyin ang pwesto ng isang bagay o lugar.
A. Relatibong Lokasyon
B. Absolute (Eksaktong) Lokasyon
44. Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng:
4 ° at 22 °
A. Hilagang Latitude
B. Silangang Longitude
45. Ang lokasyon ay maaaring ilarawan batay sa mga karatig-bansa gamit ang pangunahing direksyon:
Hilaga: _____
A. Taiwan
B. Vietnam
C. Malaysia at Indonesia
D. Karagatang Pasipiko
(a) 46. * Matatagpuan sa kabundukan o mataas na lugar.
* Malayo sa katubigan.
* May likas na depensa tulad ng burol at bundok laban sa mananakop at mababangis na hayop.
Kabuhayan:
* Pagsasaka (pagkaingin)
* Pangangaso
* Pangangalap ng prutas at halaman
(a) 47. * Malapit sa baybayin, ilog, at iba pang anyong tubig.
* Madalaing akses sa tubig para sa pang-araw-araw na gawain.
* Kabuhayan:
∘ Pangingisda
∘ Kalakalan (asin, isda, yamang dagat)
∘ Bahay ay karaniwang nakahanay sa baybayin.
(a) 48. * Nagpapalitan ng produkto (asin, isda, prutas, ani).
* Nagpapalitan ng kultura sa pamamagitan ng kalakalan.
49. * Pinakamadaling tirahan.
* Proteksiyon laban sa ulan, bagyo, mababangis na hayop.
A. Kuweba / Yungib
B. Bahay-Kubo
C. Tirahan sa Puno (Tree House)
50. * Yari sa kawayan at nipa.
* Simple, praktikal, may proteksiyon laban sa init at ulan.
A. Kuweba / Yungib
B. Bahay Kubo
C. Tirahan sa Puno (Tree House)
51. * Itinayo sa mataas na punongkahoy.
* Proteksiyon laban sa kaaway at hayop.
* Hagdan ay iniaakyat o itinatago sa gabi.
A. Kuweba / Yungib
B. Bahay-Kubo
C. Tirahan sa Puno (Tree House)
52. * Nakatayo sa tiyakad (stilts) sa ibabaw ng tubig.
* Madaling akses sa tubig para sa pangingisda at transportasyon.
* Karaniwan sa baybayin at ilog.
A. Stilt House
B. Fayu o Fale (Cordillera)
C. Ivatan House (Batanes)
D. Torogan (Mindanao)
53. *Tirahan ng mga Bontok at Ifugaw.
* Proteksiyon laban sa matinding init at ulan.
A. Stilt House
B. Fayu o Fale (Cordillera)
C. Ivatan House (Batanes)
D. Torogan (Mindanao)
54. *Gawa sa bato.
* Disenyo upang kayanin ang malalakas na hangin at bagyo.
A. Stilt House
B. Fayu o Fale (Cordillera)
C. Ivatan House (Batanes)
D. Torogan (Mindanao)
55. * Marangyang bahay ng mga Maranaw.
* Tirahan ng datu o sultan.
A. Stilt House
B. Fayu o Fale (Cordillera)
C. Ivatan House (Batanes)
D. Torogan (Mindanao)
56. Ang (a) ay hango sa salitang balangay na ang ibig-sabihin ay bangka o sasakyang pangdagat. Ito ay pinamumunuan ng Datu sa Luzon, habang Sultan naman ang tawag sa Mindanao dahil sa relihiyong Islam.
57. _____ o Sultan ang tawag sa pinuno ng ISANG barangay.
A. Datu
B. Rajah
58. Pinakamataas na antas ng pamumuhay sa sinaunang barangay.
A. Maginoo
B. Babaylan
C. Panggitnang uri/Malayang uri
D. Alipin
59. Mga kakabaihang nangunguna sa gawaing medikal at relihiyon. Gumaganap bilang mga doktor at pari noon.
A. Maginoo
B. Babaylan
C. Panggitnang uri/Malayang uri
D. Alipin
60. Binubuo ng timawa at Maharlika.
A. Maginoo
B. Babaylan
C. Panggitnang uri/Malayang uri
D. Alipin
61. Pinaka mababang antas ng katayuan sa sinaunang barangay.
A. Maginoo
B. Babaylan
C. Panggitnang uri/Malayang uri
D. Alipin
62. Ang mga malayang uri na maaaring magkaroon ng ari-arian at magkaroon ng negosyo. Kailangan nilang magbayad ng buwi sa Datu.
A. Timawa
B. Maharlika
63. Ang mga malayang uri na hindi kinakailangang magbayad ng buwis ngunit kailangang nilang ipagtanggol ang kanilang barangay laban sa mga mananakop.
A. Timawa
B. Maharlika
64. Ang mga (a) ay karaniwang ginagawa ng Datu o lider ng barangay na dapat sundin ng lahat ng mamamayan nito. Karaniwan itong nakabase sa kanilang kultura kung kaya't maaring maging iba ang batas sa isang barangay kumpara sa isa. Ito ay maaaring nasusulat tulad ng mga gampanin ng mga mamamayan tulad ng ipagtanggol ang kanilang barangay, magbayad ng buwis, iba't-ibang krimen, at diborsyo. Ito rin ay maaaring hindi nasusulat tulad ng mga paniniwala, kultura, at tradisyon na siyang sumasalamin sa pagkakakilanlan ng kanilang barangay.
65. Ang lokasyon ng Pilipinas ay maaaring ilarawan batay sa mga karatig-bansa gamit ang pangunahing direksyon.
Kanluran: ______
A. Taiwan
B. Vietnam
C. Malaysia at Indonesia
D. Karagatang Pasipiko
66. Ang lokasyon ng Pilipinas ay maaaring ilarawan batay sa mga karatig-bansa gamit ang pangunahing direksyon.
Timog: _____
A. Taiwan
B. Vietnam
C. Malaysia at Indonesia
D. Karagatang Pasipiko
67. Ang lokasyon ng Pilipinas ay maaaring ilarawan batay sa mga karatig-bansa gamit ang pangunahing direksyon.
Silangan: _____
A. Taiwan
B. Vietnam
C. Malaysia at Indonesia
D. Karagatang Pasipiko
68. Ang Pilipinas ay nasa pagitan ng:
116 ° at 127 °
A. Hilagang Latitude
B. Silangang Longitude
69. _____ o Lakan naman ang tawag sa pinuno ng MARAMING barangay na nag-alyansa.
A. Datu
B. Rajah
70. Bakit itinuturing na Agham ang Kasaysayan?
