wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

1st Quarter ESP 10 Reviewer S.Y. 2025-2026

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?

a)

Kakayahang kumuha ng buod ng esensiya.

b)

Kakayahang pumili, humusga at pagpasiya.

c)

Tunguhin nito ay katotohanan at pagninilay.

d)

Kakayahang magnilay at umunawa sa sarili.

2.

Alin sa sumusunod ang nagbibigay kaalaman sa tao kung ano ang mabuti at masama?

a)

Isip

b)

Kilos-loob

c)

Pagkatao

d)

Damdamin

3.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita nang mataas na gamit ng isip at kilos-loob sa paaralan?

a)

Tumulong sa group activity hindi dahil sa malasakit, kundi para lamang makakuha nang mataas na grado.

b)

Sumama sa panunukso ng kaklase kahit alam niyang mali, dahil ayaw niyang maiba o mapag-iwanan ng grupo.

c)

Tumanggi sa pangongopya ng sagot kahit paulit-ulit siyang pinipilit ng kaklase dahil alam niyang hindi ito tama.

d)

Matapat na tinapos ang takdang-aralin sa kabila ng pagod at tukso sa pandaraya dahil alam niyang ito ang tama.

4.

Ano ang unang hakbang upang malagpasan ang kahinaan sa pagpapasiya?

a)

Huwag makinig sa payo ng iba.

b)

Kilalanin ang sariling mga kahinaan.

c)

Magdesisyon agad batay sa nararamdaman.

d)

Magtiwala sa sarili nang walang pag-aalinlangan.

5.

Paano mo matutulungan ang sarili mong mapabuti ang pagpapasiya kapag alam mong madali kang naaapektuhan ng emosyon?

a)

Iwasan muna ang pagdedesisyon kapag emosyonal.

b)

Humingi ng tulong o gabay sa mas nakatatanda o may karanasan.

c)

Huwag nang pag-isipan pa at sumunod na lang sa sinasabi ng iba.

d)

Magdesisyon agad habang matindi ang emosyon upang mailabas ito.

6.

Napansin mong madalas kang magdesisyon base sa pressure ng barkada. Ano ang pinakaangkop na hakbang?

a)

Sundin na lang ang barkada upang hindi maiwan o mapahiya.

b)

Makinig muna sa sarili bago sumunod sa nais ng karamihan.

c)

Maglaan ng oras upang pag-isipan muna ang desisyon bago sumunod.

d)

Iwasan na lang ang pagdedesisyon at hayaan na lang ang iba ang pumili.

7.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos-loob sa paghahanap ng katotohanan na nakatuon sa pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa?

a)

Pinili ni Miko na manahimik kahit alam niyang mali ang ginagawa ng grupo upang hindi masira ang samahan.

b)

Nagboluntaryo si Trina na tapusin ang buong proyekto mag-isa kahit hindi pa wasto ang datos basta’t maipasa ito agad.

c)

Masusing sinuri ni Ella ang impormasyon bago ito ibinahagi sa grupo upang matiyak na makatutulong ito sa tagumpay ng proyekto.

d)

Nakiisa si Harold sa mga opinyon at desisyon ng kaniyang mga kagrupo kahit may alinlangan siya sa ilang impormasyon upang mapanatili ang pagkakaisa ng grupo.

8.

Napansin ni Mira na ang isa sa kaniyang kaklase ay palaging nag-iisa at hindi kumakain sa recess. Ano ang pinakaangkop na kilos upang maipakita ang pagmamahal at malasakit?

a)

Inilarawan niya sa iba ang kalagayan ng kaklase.

b)

Tumawa siya at kinausap ang iba tungkol dito.

c)

Nilapitan niya at inanyayahang makisalo sa kanilang grupo.

d)

Pinabayaan na lamang niya dahil hindi naman sila magkaibigan.

9.

Narinig ni Bianca na may kumakalat na maling tsismis tungkol sa kanilang kaklase. Alam niyang hindi totoo ang mga sinasabi, ngunit patuloy ito sa pagkalat sa mga kaklase at sa social media. Alin ang nagpapakita ng tamang paggamit ng isip at kilos-loob upang hanapin ang katotohanan?

a)

Nanahimik siya kahit alam niyang mali ang tsismis.

b)

Pinagtawanan niya ang isyu at nag-post pa sa social media.

c)

Kinausap niya ang mga kaklase at pinatigil ang pagpapakalat ng tsismis.

d)

Tinanong niya nang maayos ang kaklase upang alamin ang katotohanan at hindi na ipinakalat pa ang tsismis.

10.

Matapos ang matinding bagyo, maraming pamilya sa komunidad ni Esnyr ang nawalan ng tirahan at pagkain. Bilang isang mag-aaral, iniisip niya kung paano siya makatutulong sa kabila ng limitadong kakayahan. Ano ang angkop na kilos na nagpapakita ng paglilingkod at pagmamalasakit sa kapwa?

a)

Nagvolunteer sa pamimigay ng relief goods sa evacuation center.

b)

Nagkunwaring abala sa assignment upang makaiwas sa barangay.

c)

Tumulong pero nagreklamo sa init at hirap ng ginagawa kaya’t tumigil din kaagad.

d)

Nag-share ng donation drive sa social media at nag-imbita ng mga kakilala na tumulong.

11.

Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama?

a)

Higit na madaling gawin ang masamang bagay Kay sa mabuti.

b)

Hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.

c)

Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.

d)

Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.

12.

Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang batayan nito?

a)

Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang ating buhay.

b)

Kasama ng mga hayop,likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak.

c)

Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

d)

Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao.

13.

Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?

a)

Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.

b)

Kasama ng lahat ng may buhay, tungkulin ng tao na pangalagaan ang kaniyang buhay.

c)

Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.

d)

Likas sa tao ang magparami ng lahi, ngunit tungkulin niyang pag-aralin at tugunan ang pangangailangan ng mga anak.

14.

Alin sa sumusunod na situwasyon ang nagpapakita ng pasya sa araw-araw na paggamit ng tamang konsiyensiya?

a)

Tumanggi si Julia na tumulong sa group activity dahil hindi siya pinakinggan ng grupo sa pagpili ng lider.

b)

Kahit magalit ang kaklase, sinabihan pa rin ito ni Paolo na mali ang mandaya sa pagsusulit dahil naniniwala siyang dapat pairalin ang katapatan sa bawat gawain.

c)

Kinuha ni Marco ang perang nahulog ng kaklase at hindi na isinaoli dahil naisip niyang wala namang nakakita.

d)

Pinayagan ni Rhea ang kaibigan na kopyahin ang kaniyang takdang-aralin dahil nahihiya siyang tumanggi at ayaw niyang masabihang madamot sa kanilang grupo. 

15.

Nakita ni Mika na gumagamit ng cellphone si Will sa gitna ng pagsusulit, labag ito sa mga patakaran ng paaralan. Ano ang gagawin mo batay sa iyong konsiyensiya?

a)

Hahayaan mo na lang siya at magfo-focus sa iyong pagsusulit.

b)

Tanungin si Will kung bakit niya ito ginagawa at magtulungan kayo.

c)

Sabihin ito agad sa guro kahit na nag-aalala kang baka magalit siya.

d)

Hindi ka magsasalita at maghihintay na lang matapos ang pagsusulit.

16.

Si Jorge ay isang leader at may kagrupo siyang hindi nakatutulong sa kanilang proyekto at madalas mag-absent dahil sa personal na problema. Ano ang nararapat mong gawin batay sa iyong konsiyensiya?

a)

Sabihin sa guro at hayaan siyang magdesisyon.

b)

Pabayaan na lang siya at maghintay ng pagbabago.

c)

Makipag-usap nang maayos upang matulungan siya sa kaniyang problema.

d)

Isama siya sa mga group tasks kahit hindi siya tumutulong, para lang matapos agad ang proyekto.

17.

May bagong estudyante sa klase nila Marc na laging nag-iisa at hindi kinakausap ng iba. Napansin niyang may ilang kaklase na palihim siyang pinagtatawanan. Ano ang dapat mong gawin batay sa iyong konsiyensiya?

a)

Hayaan na lamang ang nangyayari dahil hindi mo naman siya kilala.

b)

Kaibiganin siya at kausapin ang mga kamag-arak na huwag siyang husgahan.

c)

Sabihan ang bagong estudyante na sanayin na lamang ang sarili sa ugali ng iba upang makaiwas sa gulo.

d)

Lumapit sa guro para siya na ang kumausap sa kaniyang mga kamag-aral upang tigilan nila ang bagong kamag-aral.

18.

Nakita ni Rita na ang isang kaklase ay laging umaalis sa klase at hindi sumasali sa mga gawain. Pinipili ng kaklase niyang ito na hindi makialam sa anomang grupo o proyekto. Ano ang nararapat niyang gawin batay sa kaniyang konsiyensiya?

a)

Hayaan na lang ang kaklase at huwag makialam sa kaniya.

b)

Makipag-usap sa kaklase nang mahinahon at alamin kung ano ang dahilan ng kaniyang pag-iwas.

c)

Sumali na lang siya sa ibang grupo at huwag nang pansinin ang kaklase upang hindi na lumala ang isyu.

d)

Sabihin sa guro na may problema ang kaklase upang siya na lang ang kumausap at gumawa ng aksyon.

19.

Nakita ni Anna ang wallet ng kaniyang kaklase sa hallway. Ito ay may lamang pera at mga personal na ID. Wala naman ibang tao sa paligid. Ano ang dapat niyang gawin batay sa kaniyang konsiyensiya?

a)

Kunin ang pera at itapon ang wallet dahil wala namang nakakita.

b)

Ibalik ang wallet sa kaklase at ipaalam sa kaniya na nahanap ito.

c)

Ibigay ang wallet sa guro para sila na ang magdesisyon kung anong gagawin.

d)

I-post sa social media upang malaman ng iba kung sino ang nawalan ng wallet.

20.

Ang grupo nila Ella ay naatasan na gumawa ng presentasyon, ngunit nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan ang mga miyembro ng kaniyang grupo tungkol sa mga ideya. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Pumili ng ideya nang hindi ipinaalam sa grupo.

b)

Ipasa na lang ang proyekto kahit hindi ito napagkasunduan ng lahat.

c)

Magtulungan at pag-usapan ang bawat ideya upang makahanap ng solusyon.

d)

Pakinggan ang ideya ng kaniyang miyembro at gamitin ito sa mga susunod na presentasyon.

21.

Si Mike ay isang miyembro ng grupo at napansin niyang may maling kalkulasyon sa kanilang report na ipinasa sa guro. Napag-alaman niyang ito ay nagdulot ng maling impormasyon na makaaapekto sa grado nang buong grupo. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Maghintay na lang kung may mag-aayos ng pagkakamali sa grupo.

b)

Sabihin agad sa guro ang pagkakamali upang maitama ito bago mabigyan ng grado.

c)


Ipagpatuloy na lang ang proyekto at pagtuunan ng pansin ang ibang bahagi ng gawain.

d)

Hayaan na lang at magdasal na hindi mapansin ng guro ang kanilang pagkakamali.

22.

Si Rafael ay nakagawa ng isang desisyon sa klase na naging sanhi ng hindi pagkakaintindihan sa isang proyekto. Napansin niyang ang kaniyang desisyon ay hindi naging epektibo at nakapagdulot ng problema sa grupo. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Pumili na lang ng bagong lider para sa proyekto at iwan ang grupo.

b)

Iwasan na lang ang problema at mag-focus sa ibang bahagi ng proyekto.

c)

Ituloy ang desisyon at ipaliwanag na babawi na lang sila sa susunod na proyekto.

d)

Aminin ang pagkakamali, makipag-ayos at maghanap ng solusyon upang maisaayos ang proyekto.

23.

Si Lara ay nahihirapan sa isang asignatura at hindi makasagot nang maayos sa kaniyang mga pagsusulit. Ano ang nararapat niyang gawin?

a)

Humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid patungkol sa paksa

b)

Humingi ng tulong sa kaklase at guro upang maintindihan ang paksa.

c)

Umasa na lamang na makapasa nang hindi naghahanap ng solusyon.

d)

Huwag mag-aral at maghintay na lang kung ano ang mangyayari sa susunod na pagsusulit.

24.

Ayon kay Mark ang kalayaan ay simpleng paggawa ng anomang gusto mo nang walang iniintindi. Ano ang pinakamainam na pagpapaliwanag upang mas maunawaan niya ang tunay na kahulugan nito?

a)

Ito ay kakayahang gawin ang anomang nais, basta hindi ito nakasasama sa iba.

b)

Ang karapatang walang kontrol mula sa ibang tao o batas, maaari gumawa nang kahit ano.

c)

May kaakibat na responsibilidad upang tiyakin na ang ginagawa mo ay hindi nakaaapekto ng masama sa iba at sa lipunan.

d)

Ito ay karapatan na gumawa ng lahat ng bagay na gusto mo nang hindi mo iniisip ang epekto nito sa iyong sarili, ibang tao at lipunan.

25.

Si Emma ay magsasalita sa klase tungkol sa kalayaan. Ano ang pinakamahusay na paraan upang maipaliwanag niya ito?

a)

Ipagdiwang ang kalayaan at sabihing walang epekto sa ibang tao.

b)

Magbigay ng halimbawa ng kalayaan sa bansa at sabihing walang hangganan ang kalayaan ng bawat isa.

c)

Magbigay ng halimbawa ng kalayaan sa bansa at sabihing walang hangganan ang kalayaan ng bawat isa.

d)

Magbigay ng pangkalahatang ideya na ang kalayaan ay paggawa ng anomang nais mo sa buhay at magtapos agad sa pagsasalita