NEW
Font size
WorksheetsPIC GROUP 2
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
Ano ang ibig sabihin ng Karapatan sa Lupaing Ninuno ng mga katutubo?
Karapatan ng mga katutubo na magmay-ari at mangalaga ng lupang minana mula sa kanilang mga ninuno.
Karapatan ng gobyerno na gamitin ang lupa ng mga katutubo para sa proyektong pambansa.
Karapatan ng mga dayuhan na bumili ng lupa sa mga komunidad ng katutubo.
Karapatan ng mga negosyante na magsagawa ng pagmimina kahit walang pahintulot mula sa mga katutubo.
Ano ang ibig sabihin ng Karapatan sa Kultura at Identidad ng mga katutubo?
Karapatan ng mga dayuhan na magdikta ng bagong kultura sa mga katutubo.
Kalayaan ng mga turista na baguhin ang tradisyon ng katutubo.
Karapatan ng gobyerno na ipatigil ang ritwal kung hindi ito modernong gawain.
Kalayaan nilang panatilihin at ipagpatuloy ang kanilang wika, tradisyon, at ritwal.
Ano ang ibig sabihin ng Karapatan sa Edukasyon ng mga katutubo?
Karapatan lamang ng mga katutubo na mag-aral ng sariling wika at hindi ng iba pang asignatura.
Karapatan ng gobyerno na ipagbawal ang paggamit ng wika ng katutubo sa paaralan.
Karapatan nilang makapag-aral sa paraang angkop sa kanilang kultura kasabay ng modernong kaalaman.
Karapatan ng mga guro na huwag isama ang kultura ng katutubo sa pagtuturo.
Ano ang ibig sabihin ng Karapatan sa Partisipasyon sa Pamahalaan ng mga katutubo?
Karapatan lamang ng mga opisyal ng gobyerno ang magdesisyon para sa mga katutubo.
Karapatan nilang makilahok sa mga desisyon at konsultahin bago may gawing proyekto sa kanilang lupain.
Karapatan ng mga negosyante na magpatayo ng proyekto kahit walang pahintulot ng katutubo.
Karapatan ng ibang mamamayan na ipasiya kung anong proyekto ang dapat sa lupain ng mga katutubo.
Ano ang ibig sabihin ng Karapatan sa Kalusugan ng mga katutubo?
Karapatan lamang nilang gumamit ng halamang gamot at bawal magpatingin sa health center.
Karapatan ng gobyerno na ipagbawal ang paggamit ng tradisyunal na medisina.
Karapatan nilang gumamit ng tradisyunal na medisina at sabay makinabang sa modernong serbisyong medikal.
Karapatan ng mga doktor lamang ang magdesisyon kung anong gamot ang dapat para sa katutubo.
Isa sa pinakatanyag na ambag ng mga katutubo sa larangan ng medisina ay ang kanilang tradisyunal na _____.
Sayaw
Medisina
Pagkain
Musika
Ang mga ____ at gawang-kamay ng mga katutubo ay ekspresyon ng kanilang kultura. Mula sa kahoy, hibla, at likas na yaman, gumagawa sila ng obra maestra.
Gusali
Pintura
Sining
Habi
Ano ang pangunahing gamit ng Niyog-niyogan ayon sa tradisyunal na medisina?
Pampurga laban sa bulate; kinakain ang buto upang mailabas ang bulati.
Pampababa ng lagnat; iniinom ang pinakuluang dahon.
Pampagaling ng sugat; ipinapahid ang dinikdik na dahon.
Pampalakas ng katawan; kinakain ang bunga araw-araw.
Pagtatanim ng ____ at iba pang halaman ang pangunahing hanapbuhay ng maraming katutubo.
Mais
Palay
Kamote
Saging
Ano ang pangunahing gamit ng Makabuhay sa tradisyunal na medisina?
Gamot sa ubo at sipon; iniinom ang pinakuluang dahon.
Gamot sa malaria, lagnat, at diabetes; dahon at puno ay pinapakuluan at iniinom.
Pampalakas ng katawan; kinakain ang ugat tuwing umaga.
Pampawala ng sakit ng tiyan; dinidikdik ang buto at iniinom.
