Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 10 REVIEWER FOR DVT

Total questions: 60

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang

dignidad maliban sa:

a)

Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

b. Isa-isip ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

b)

Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng

pagkakataon

c)

Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang

pakikitungo sa iyo.

2.

Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang

tao?

a)

Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.

b)

Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.

c)

Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo

sa mga ito.

d)

Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang

pagmamahal at pagpapahalaga

3.

Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang

kapwa?

a)

Isang negosyante na nagbibigay ng malaking pera bilang puhunan ng

isang empleyado na tumatanda na

b)

Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa

na nangangailangan ng kanyang tulong

c)

Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa

pamahalaan.

d)

Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.

4.

Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan

ang dignidad maliban sa isa?

a)

Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.

b)

Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.

c)

Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.

d)

Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang

pakikitungo sa iyo.

5.

Ang mga sumusunod ay mga hakbangin tungo sa panghabambuhay na

proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan

maliban sa isa?

a)

Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.

b)

Pagtanggap sa sariling limitasyon.

c)

Pagtawag sa isang moral na tagapayo.

d)

Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.

6.

Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan

dahil dito nagsisimula. Ang pangungusap ay:

a)

Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa

pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.

b)

Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa

pagkikilala sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.

d)

Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga

tao na mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.

7.

Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?

a)

Kapag siya ay naging masamang tao.

b)

Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.

c)

Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao

d)

Wala sa nabanggit

8.

Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?

a)

Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.

b)

Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha

ang paggalang ng kapwa.

c)

Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang

maging karapat-dapat sa kanilang pagkilala

d)

Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian

maayroon kundi sa karangalan bilang tao.

9.

Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng

tao?

a)

Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.

b)

Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.

c)

Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang

walang pag-aalinlangan.

d)

Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang

hindi makasasakit o makakasama sa ibang tao.

10.

Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang

dignidad bilang tao?

a)

Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.

b)

Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag

aruga sa kanya.

c)

Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at

mabigyan siya ng disenteng buhay.

d)

Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang

konsepto sa kanyang sarili.

11.

Si Arvin ay nakakita ng wallet na puno ng pera sa loob ng jeep. Ang kanyang konsensiya ay nagsasabing dapat niya itong isauli sa may-ari, ngunit naisip din niyang magagamit ito upang makabili ng kanyang mga pangangailangan. Ano ang pinakamataas na batayan ng kanyang magiging desisyon?

a)

Sariling pangangailangan

b)

Likas na Batas Moral

c)

Batas Positibo

d)

Pagsang-ayon ng mga kaibigan

12.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang pagkakaroon ng konsensiyang nahuhubog sa tamang pagpapasya?

a)

A. Lagi lamang sundin ang payo ng nakararami kahit hindi ito tama.

b)

Mag-isip kung ano ang tama at makabubuti sa lahat bago kumilos.

c)

Unahin ang sariling kagustuhan bago ang iba.

d)

Iwasan ang paggawa ng desisyon upang hindi magkamali.

13.

Isang kaklase mo ang madalas mandaya sa pagsusulit at hinihikayat ka rin niyang gawin ito upang pareho kayong pumasa. Bilang may konsensiyang nahubog, ano ang iyong gagawin?

a)

Sasang-ayon upang hindi masabihang mahina.

b)

Tatanggi at ipapaliwanag kung bakit mali ang pandaraya.

c)

Hahayaan na lamang siya at hindi pakikialaman.

d)

Gagawin din ang pandaraya para makapasa.

14.

Sa kalayaan ng tao, laging may kasamang pananagutan. Alin sa mga sitwasyon ang naglalarawan nito?

a)

Gumawa ng maling desisyon at ituro sa iba ang sisi.

b)

Gumawa ng sariling pasya at handang akuin ang kahihinatnan nito.

c)

Sumunod lamang sa gusto ng magulang upang walang gulo.

d)

Gumawa ng bagay na masaya kahit makakasakit ng kapwa.

15.

Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging lider sa isang proyekto, paano mo ipapakita ang tamang paggamit ng kalayaan?

a)

Uutusan ang lahat at hindi makikinig sa kanilang ideya.

b)

Magpapasya nang mag-isa upang mas mabilis matapos.

c)

Makikipag-usap sa mga miyembro at isasama ang kanilang mungkahi.

d)

Ipapasa na lang ang responsibilidad sa iba.

16.

Ano ang tawag sa kakayahan ng tao na kumilala sa mabuti at masama at pumili ng nararapat gawin?

a)

konsensiya

b)

kilos-loob

c)

isip

d)

damdamin

17.

Ano ang likas na kakayahan ng tao na maghusga kung ano ang mabuti o masama?

a)

konsensiya

b)

likas batas moral

c)

kilos-loob

d)

batas positibo

18.

Ano ang pinakamataas na pamantayan ng moralidad.

a)

Batas Positibo

b)

Likas na Batas Moral

c)

Batas ng Diyos

d)

Konsensiya

19.

Ang Likas na Batas Moral ay nakaukit saan?

a)

Sa konsensiya

b)

Sa Batas ng Tao

c)

Sa isip at damdamin ng tao

d)

Sa Utos ng Simbahan

20.

Ano ang tawag sa mga batas na ginagawa ng pamahalaan upang isulong ang kaayusan at kabutihan ng lipunan?

a)

Likas na Batas Moral

b)

Batas ng Diyos

c)

Batas Positibo

d)

Kilos-loob

21.

Ano ang pangunahing batayan ng tao sa paghuhusga ng tama at mali?

a)

sariling kagustuhan

b)

konsensiya

c)

damdamin

d)

utos ng nakararami

22.

Ano ang kakayahan ng tao na magpasya at kumilos ayon sa sariling kagustuhan?

a)

kalayaan

b)

pananagutan

c)

kilos-loob

d)

batas moral

23.

Ano ang kaakibat ng tunay na kalayaan?

a)

kasayahan

b)

panangutan

c)

kapangyarihan

d)

kaligayahan

24.

Ano ang tawag sa kakayahan ng taong akuin ang resulta ng kanyang mga ginawa?

a)

kalayaan

b)

pananagutan

c)

konsensiya

d)

kilos-loob

25.

Ang moral na kilos ay tumutukoy sa __________.

a)

Kilos na bunga ng bugso ng damdamin

b)

Kilos na hindi pinag-isipan

c)

Kilos na isinasagawa nang may malay at pananagutan

d)

Kilos na ginagawa ng lahat

26.

Ano ang nagpapakilala na ang tao ay nilalang na may dignidad?

a)

Pagiging mas matalino kaysa hayop

b)

Pagkakaroon ng isip at kilos-loob

c)

Pagkakaroon ng maraming talento

d)

Pagiging malakas at matatag

27.

Ano ang tawag sa batas na ipinatutupad ng pamahalaan?

a)

Batas Positibo

b)

Likas na Batas Moral

c)

Konsensiya

d)

Pananagutan

28.

Ano ang ibig sabihin ng dignidad ng tao?

a)

Kakayahang mag-utos

b)

Kakayahang mag-utos

c)

Pagkakaroon ng halaga at dangal

d)

Pagiging masaya

29.

Ano ang batayan ng moralidad ng isang tao?

a)

sariling kagustuhan

b)

konsensiya

c)

barkada

d)

damdamin

30.

Ano ang bunga ng maling paggamit ng kalayaan?

a)

kaligayahan

b)

kasalanan

c)

panangutan

d)

pagmamahal

31.

Ano ang ibig sabihin ng moralidad?

a)

Panuntunan ng tama at mali

b)

Emosyon ng tao

c)

Kapangyarihan ng gobyerno

d)

Gawain ng lipunan

32.

Sino ang nagsabi na “Ang tao ay may likas na pagkiling sa mabuti”?

a)

Aristoteles

b)

Santo Tomas de Aquino

c)

Confucius

d)

Socrates

33.

no ang ibig sabihin ng konsensiya bilang “boses ng Diyos”?

a)

utos ng magulang

b)

utos ng simbahan

c)

gabay ng Diyos sa kalooban ng tao

d)

utos ng lipunan

34.

Kung ang isang mag-aaral ay nangopya sa pagsusulit, ano ang ipinakita niya?

a)

Kalayaan na may pananagutan

b)

Maling paggamit ng kalayaan

c)

Paggalang sa dignidad

d)

Pagpapahalaga sa sarili

35.

Ano ang dapat gawin kung ang iyong kaibigan ay humihiling na sumama ka sa masamang bisyo?

a)

Sumama para hindi mapahiya

b)

Tumanggi at ipaliwanag kung bakit mali

c)

Manahimik na lamang

d)

Sumama kahit hindi gusto

36.

Ano ang tawag sa kakayahan ng tao na magpasiya at kumilos nang may kaalaman, kalayaan, at kusa?

a)

panagutan

b)

makataong kilos

c)

birtud

d)

konsensya

37.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI salik ng makataong kilos?

a)

kaalaman

b)

kalayaan

c)

kusa

d)

katapangan

38.

Ano ang epekto ng kakulangan ng kaalaman sa kilos ng tao?

a)

mas nagiging makatao

b)

nakababawas sa panagutan

c)

walang epekto

d)

laging nagiging tama ang kilos

39.

Kapag ang isang tao ay kumilos nang walang kusa, ang kilos ay:

a)

makataong kilos

b)

di-makataong kilos

c)

mabuting kilos

d)

wastong kilos

40.

Ano ang batayan upang masabing tama ang isang kilos?

a)

layunin at paraan

b)

lakas at tapang

c)

kagustuhan ng marami

d)

kilos ng nakararami

41.

Kakayahang humusga kung ang kilos ay mabuti o masama:

a)

kalayaan

b)

konsensiya

c)

birtud

d)

pananagutan

42.

Uri ng konsensya na nag-aalinlangan kung tama o mali:

a)

tuwid

b)

mapagdudang

c)

baluktot

d)

bulag

43.

Ang kalayaan ay dapat gamitin batay sa:

a)

Kung ano ang gusto ng tao

b)

Kagustuhan ng nakararami

c)

Katotohanan at kabutihan

d)

Puwersa ng kapaligiran

44.

Ano ang kaakibat ng kalayaan ng tao?

a)

karangalan

b)

pananagutan

c)

kapangyarihan

d)

kasarinlan

45.

Ano ang tawag sa kalayaang pumili ng mabuti o masama?

a)

political freedom

b)

moral freedom

c)

sikolohikal freedom

d)

pisikal na kalayaan

46.

Kapag mali ang ginamit na paraan sa mabuting layunin, ang kilos ay:

a)

mabuti

b)

mali

c)

neutral

d)

katanggap-tanggap

47.

Tumutukoy sa anumang bagay na pinahahalagahan ng tao:

a)

konsensya

b)

halaga

c)

kilos

d)

pananagutan

48.

Nakagawiang paggawa ng mabuti na nagiging bahagi ng pagkatao:

a)

halaga

b)

birtud

c)

kalayaan

d)

pananagutan

49.

Birtud na tumutukoy sa wastong pagpapasya bago kumilos:

a)

justice

b)

fortitude

c)

prudence

d)

temperance

50.

Birtud ng pagtitimpi at pag-kontrol sa sarili:

a)

justice

b)

prudence

c)

temperance

d)

fortitude

51.

Si Ana ay tumangging mangopya kahit na nahihirapan sa pagsusulit. Ano ang pinapairal niya?

a)

baluktot na konsensya

b)

kalayaan na walang pananagutan

c)

tuwid na konsensya

d)

panlabas na salik

52.

Ang pagrespeto sa karapatan ng iba ay halimbawa ng:

a)

prudence

b)

justice

c)

fortitude

d)

temperance

53.

Sa kabila ng takot, ipinaglaban ni Liza ang tama. Anong birtud ito?

a)

prudence

b)

justice

c)

fortitude

d)

temperance

54.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng maling paggamit ng kalayaan?

a)

pagsunod sa batas-trapiko

b)

paggalang sa opinyon ng iba

c)

panlilinlang sa kapwa

d)

pag-iwas sa bisyo

55.

Kung ang tao ay kumilos nang walang kaalaman, ano ang epekto sa kanyang pananagutan?

a)

Lalong lumaki ang pananagutan

b)

Nawala ang pananagutan

c)

Nabawasan ang pananagutan

d)

Walang epekto

56.

Pinili ni Ryan na magsinungaling upang hindi mapagalitan. Anong uri ng konsensya ang gumana?

a)

tuwid

b)

baluktot

c)

mapagdudang

d)

wasto

57.

Alin ang halimbawa ng wastong paggamit ng kalayaan?

a)

Pagpapasya base sa katotohanan at kabutihan

b)

Pag-abuso sa sariling karapatan

c)

Pagpapabaya sa tungkulin

d)

Pagsunod sa maling barkada

58.

Ang wastong paggamit ng kalayaan, pagkakaroon ng konsensya, at pagsasabuhay ng birtud ay humahantong sa:

a)

kasalanan

b)

kabutihan

c)

kapahamakan

d)

kakulangan

59.

Alin ang hindi kabilang sa Cardinal Virtues

a)

prudence

b)

justice

c)

temperance

d)

faith

60.

Ang taong laging pumipili ng tama at mabuti ay nagtataglay ng:

a)

Konsensya

b)

Birtud

c)

Kalayaan

d)

Pananagutan