wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 7 Q2 Week 5-6 Quiz

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

1.      Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kabilang sa Pangkontinenteng Timog Silangang Asya?

a)

Cambodia

b)

Laos

c)

Myanmar

d)

 Pilipinas

2.

2.      Anong kanluraning bansa ang sumakop sa Cambodia, Laos at Vietnam?

a)

France

b)

England

c)

Netherlands

d)

Portugal

3.

3.      Ano ang dating pangalan ng bansang Myanmar?

a)

Burma

b)

Formosa

c)

 Siam

d)

Las Islas Felipinas

4.

4.Ano ang labis na naaapektuhan dulot ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya?

a)

Ekonomiya

b)

Kultura

c)

 Pulitika

d)

lahat ng nabanggit

5.

5.      Ilang Anglo-Burmese War ang naganap sa pagitan ng Burma at England?

a)

isa

b)

dalawa

c)

tatlo

d)

apat

6.

6.      Anong bansa ang kilala sa tawag na “Land of the Free”?

a)

Cambodia

b)

Myanmar

c)

Thailand

d)

 Vietnam

7.

7.      Ano ang pinakapangunahing nawawala pagkatapos masakop ang isang bansa?

a)

kalayaan

b)

kalakalan

c)

kaligayahan

d)

kayamanan

8.

8.      Ang mga mananakop ay nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, ospital, paaralan at simbahan. Ano ang tawag sa mga ito?

a)

arkitektura

b)

imprastraktura

c)

literatura

d)

sining

9.

9.      Bakit tinawag na Indochina ang mga bansang Cambodia, Laos at Vietnam?

a)

Magkalapit lamang ang mga bansang ito sa China at India.

b)

Maraming Tsino at Indiano ang nakatira sa mga bansang ito

c)

Malalim ang impluwensiya ng kultura ng China at India sa mga bansang ito

d)

Magkakamag-anak ang mga mamamayan dito sa mga mamamayan ng China at India

10.

10.      Alin sa mga sumusnod ang HINDI kabilang sa mga pangunahing dahilan ng pananakop ng mga kanluranin sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya?

a)

Pagpapalawak ng kolonyal na teritoryo

b)

   Pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan

c)

   Paggalugad at pagkuha ng mga likas na yaman

d)

    Pakikipagsundo at pagtutulungan sa mga Asyano

11.

11.      Anong pamamaraan ang ginamit ng France at England upang mapadali ang kanilang pananakop sa mga bansa sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya?

a)

  Paggamit ng puwersang militar

b)

     Pakikipagkalakalan sa mga katutubo

c)

    Pakikipag-usap ng maayos o diplomasya

d)

Pakikipagsanduguan sa mga lokal na pinuno

12.

12.   Anong bansa ang kilala noon na Siam?

a)

Laos

b)

Myanmar

c)

Thailand

d)

 Vietnam

13.

13.   Anong kasunduan ang nilagdaan ng Burma pagkatapos ng Unang Digmaang Anglo-Burmese?

a)

Kasunduan sa Paris

b)

Kasunduang Tordesillas

c)

Kasunduang Zaragoza

d)

Kasunduang Yandabo

14.

14.   Ano ang pinakamalaki at pinakamahalagang teritoryo ng mga British sa Asya?

a)

India

b)

Indonesia            

c)

Malaysia

d)

Malaysia

15.

15.      Ano ang naging bunga ng pagsasamantala ng France at England sa mga likas na yaman ng Asya?

a)

Pag-unlad ng ekonomiya ng Aya

b)

Pagkasira at pagkaubos ng likas na yaman

c)

   Pagiging popular ng mga produktong Asyano

d)

   Pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan

16.

16.      Bakit mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng pananakop ng mga kanluranin sa Timog Silangang Asya?

a)

  Maibaon sa limot ang nakaraan

b)

  Maunawaan ang kasalukuyang kalagayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya

c)

  Malaman kung paano magiging isang malakas na bansa

d)

  Malaman ang mga magagandang bagay na ginawa ng mga mananakop sa Timog Silangang Asya

17.

17.      Ano ang ibig sabihin ng “Resident System”?

a)

   Isang patakaran na kailangang magbayad ng buwis ang mga Burmese sa England

b)

   Isang sistema na kung saan ang mga Burmese ay dapat magtrabaho sa pamahalaang British

c)

Isang sistema na kung saan nagpapadala ng kinatawan ang England upang pamahalaan ang Burma

d)

  Isang patakaran na kung saan kailangang magtanim ng iba’t ibang uri ng pampalasa ang mga Burmese

18.

18. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang British   Resident?

a)

   Magpaliwanag sa mga batas sa Burma

b)

   Magturo ng wikang Ingles sa mga Burmese

c)

   Mangolekta ng buwis sa mga mamamayan

d)

Magdesisyon sa mga usaping panlabas ng Burma

19.

19.    Ano ang ibig sabihin ng “protektorado” sa konteksto ng relasyon ng Cambodia at France?

a)

Ang Cambodia ay kaalyado ng France

b)

Ang Cambodia ay tumutulong sa France

c)

Ang Cambodia ay ganap na kontrolado ng bansang France

d)

Ang Cambodia ay may sariling pamahalaan ngunit kontrolado pa rin ng France

20.

20. Bakit humingi ng tulong si Haring Norodom sa mga Pranses?

a)

  Upang makalaya mula sa Kaharian ng Siam

b)

  Upang makapagsimula ng sariling pamahalaan

c)

Upang magkaroon ng kaalaman sa usaping panlabas

d)

   Upang makamit ang kaunlaran sa aspektong pang-ekonomiya