Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit 2.2

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Sa anong paraan naisasalin o naipahahayag ng ating mga ninunong Austronesian ang kanilang mga naiisip, nadarama, karanasan, mga kuwento at iba pang panitikan noong katutubong panahon?

a)

pasulat

b)

pasalita

c)

patanghal

d)

palarawan

2.

Sa anong anyo ng panitikan nabibilang ang mga kuwentong-bayan tulad ng alamat?

a)

tula

b)

tuluyan

c)

sayaw

d)

awit

3.

Genre ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay

a)

dula

b)

alamat

c)

epiko

d)

pabula

4.

Bahagi ng banghay ng kuwento na nagpapakilala ng tauhan, tagpuan at sulyap sa suliranin

a)

kakalasan

b)

kasukdulan

c)

simula

d)

wakas

5.

Bahagi ng banghay na may pinakamataas na kawilihan at masidhi ang tunggalian

a)

kakalasan

b)

kasukdulan

c)

simula

d)

wakas

6.

Uri ng tauhan na nagbabago ang katangian habang nagpapatuloy ang kuwento

a)

protagonista

b)

antagonista

c)

bilog

d)

lapad

7.

Elemento ng kuwento na tumutukoy sa panahon at lugar kung kailan at saan naganap ang mga pangyayari

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

tunggalian

8.

Elemento ng kuwento na tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

tunggalian

9.

Bahagi ng banghay na nagpapakita ng paglutas ng mga tauhan sa kanilang suliranin

a)

simula

b)

kasukdulan

c)

kakalasan

d)

pataas na aksyon

10.

Bahagi ng banghay na nagpapakilala ng iba pang mga tauhan sa kuwento

a)

kakalasan

b)

kasukdulan

c)

saglit na kasiglahan

d)

pataas na aksyon

11.

"Ang kaisa-isang anak na babae ng Datu ay nagkasakit. Ito ay nagdulot ng bagabag sa Datu kaya’t hindi siya mapakali sa pag-aalala sa anak."

Anong elemento ng alamat ang bahaging binasa?

a)

tunggalian

b)

suliranin

c)

banghay

d)

tagpuan

12.

"Inihanda ng mabuting anak ang Bohol para sa pagdating ng mga tao. Gumawa siya ng kapatagan, mga ilog, at maraming hayop ngunit ang ilan dito ay sinira ng masamang anak. Nagkaroon ng pagtatalo ang mabuting anak at ang masamang anak.

Anong uri ng tunggalian ang bahaging binasa?

a)

tauhan laban sa tauhan

b)

tauhan laban sa sarili

c)

tauhan laban sa kalikasan

d)

tauhan laban sa lipunan

13.

"Nagsalita ang maliit na pagong at sinubukang kumuha ng kidlat sa ulap upang makagawa ng liwanag. Isang araw, gumalaw ang ulap at tinangay ang pagong kung kaya’t nakakuha ito ng kidlat. Mula rito ay nakalikha sila ng araw at buwan na nagbigay ng init at liwanag sa dalaga.

Anong katangian ng alamat ang masasalamin sa binasang bahagi?

a)

makatotohanan

b)

may kababalaghan

c)

madulang pangyayari

d)

naglalarawan sa buhay

14.

“Kayo ay naging lalaki at babae, iiwan ko sa inyo ang katangiang kasipagan, mabuting pakikitungo, kabutihang-loob, pagpapahalaga sa kapayaan, at katapatan." Ikinasal sila ng mabuting anak at hinandugan ng iba’t ibang butong itatanim upang gawing magandang tirahan ang Bohol.

Anong paksa ang masasalamin sa binasang bahagi ng alamat?

a)

kultura at paraan ng pamumuhay

b)

paniniwala at mithiin sa buhay

c)

magagandang lugar

d)

wala sa nabanggit

15.

Tawag sa pangkat ng mga mandaragat na pinaniniwalaang pinagmulan ng lahing Pilipino?

a)

Mehikano

b)

Asyano

c)

Austronesyano

d)

Amerikano