Font size
WorksheetsQuiz
Total questions: 6
Worksheet time: 11mins
May karapatan ang bawat bata na magkaroon ng pangalan. Ano ang tungkulin na kaakibat nito?
a. Maglaro sa tuwing gusto niya
b. Pahalagahan ang pagkakakilanlan ng iba
c. Manatili sa bahay buong araw
d. Tumanggap ng regalo mula sa guro
Ano ang dapat gawin ng isang mag-aaral upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa silid-aralan?
a. Sumigaw at mag-ingay habang may klase
b. Iwasan ang pakikipaglaro sa iba
c. Mag-away sa gitna ng klase
d. Pakinggan ang pananaw ng kapuwa kahit hindi ako sang ayon
Ang bawat bata ay may karapatang magkaroon ng sapat na edukasyon. Ano ang tungkulin dito?
a. Maglaro sa oras ng klase
b. Maging tamad sa pag-aaral
c. Makipag tulungan sa kapuwa bata sa pag-aarl at pag galang sa kanilang pagsisikap
d. Manood ng TV tuwing may gawain sa paaralan
May karapatan ang bawat bata na magkaroon ng sapat na pagkain at malusog na katawan. Ano ang dapat gawin?
a. Hikayatin na pangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng tamang pagkain at gawain
b. Kumain ng kendi at matatamis na pagkain
c. Uminom ng softdrinks sa halip na tubig
d. Puyatin ang sarili sa panonood ng TV
Kapag ang isang bata ay nakararanas ng pananakit mula sa iba, ano ang tamang gawin?
a. Manahimik at huwag ipaalam
b. Manakit din ng kapwa
c. Tulungan sila sa pamamagitan ng pagbibigay alam sa guro
d. Umalis na lang at huwag pansinin
Panuto: Sagutin ang tanong sa loob ng 3–5 pangungusap. Pindutin ang "Question" upang makapagsagot.
1.Bakit mahalaga ang pagkilala at paggalang sa karapatan ng bawat bata?
2. Paano mo mapapanatili ang pagtupad ng iyong tungkulin sa karapatan ng iyong kapuwa-bata?
