wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino 7ABCDEFG Review Test

Total questions: 35

Worksheet time: 33mins

Name
Class
Date
1.

Sa sanaysay ni ___________, “Kasaysayan ng Kapilipinuhan”, sinabi niyang ang pamayanan ay binubuo ng limang kabanata at isa ang mga Austronesyano ang dumating at namalagi sa bansang Pilipinas.

a)

Dr. Jose Rizal

b)

Dr. Salazar

c)

Heneral Luna

d)

Andres Bonfacio

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga halimbawa ng tuluyan sa panahon ng Katutubo?

a)

Mito

b)

Sanaysay

c)

Alamat

d)

Pabula

3.

Ito ay salaysay tungkol sa pinagmulan ng sansinukob, ng mga diyos at diyosa, o ng tao.

a)

Salawikain

b)

Alamat

c)

Pabula

d)

Mito

4.

Isang uri ng kuwentong bayan na karaniwang naglalaman ng mga tauhang hayop na nagsasalita at kumikilos tulad ng tao, na may layuning magbigay ng aral.

a)

Kuwentong-bayan

b)

Alamat

c)

Mito

d)

Pabula

5.

Ang mga kuwentong-bayan o folk narratives ay nagpapakita ng ____ ng isang kultura.

a)

Paniniwala at tradisyon

b)

Lihim na samahan

c)

Araw-araw na gawain

d)

Pagsasaka at pangingisda

6.

Ang alamat ay isang uri ng pasalindilang panitikan sa Pilipinas.

a)
True
b)
False
7.

Ang alamat ay ginagamitan ng matatalinhagang salita.

a)
True
b)
False
8.

Ang alamat ay isang akda na ang paksa ay pinagmulan ng isang bagay, pook, o pangyayari.

a)
True
b)
False
9.

Ang akdang " si Pilandok at ang Batingaw ay halimbawa ng alamat.

a)
True
b)
False
10.

Ang alamat ay isang akdang pampanitikan na kapupulutan ng aral.

a)
True
b)
False
11.

Lipat-dilang paraan upang maibahagi ang Alamat sa ibang tao.

(a)  

12.

Salitang latin, na nangangahulugang "upang mabasa"

(a)  

13.

Kuwentong pinagmulan ng isang pook, bagay, halaman, hayop, pangalan o katawagan, o iba pang mga bagay.

(a)  

14.

Nagpalaganap ng Kristyanismo sa bansa. Sila rin ang nagpasunog at nagpaanod sa ilog sa mga panitikan sapagkat, ang mga ito raw ay gawa ng mga demonyo

(a)  

15.

Karaniwang tinatalakay ng alamat maliban sa kaugalian o kapaligiran.

(a)  

16.

Anong lahi ang mga dalang sariling sistema ng pamahalaan, panitikan, at pananampalatayang pagano na nakaimpluwensya sa Alamat ng ating mga ninuno.

a)

Indones

b)

Malay

c)

Arabe

d)

Pilipino

17.

Anong lahi ang sumakop sa Pilipinas na naging dahilan ng pagpapahinto sa pagpapalaganap ng mga kwentong-bayan?

a)

Espanyol

b)

Malay

c)

Indones

d)

Tsino

18.

Anong relihiyon ang ipinakilala ng mga Espayol sa mga Pilipino na naging sanhi ng pagkakasunog ng mga sinaunang kuwentong-bayan?

a)

kristyanismo

b)

Hinduismo

c)

Islam

d)

Buddhismo

19.

Ito ang pinaka-katangian ng alamat.

a)

Ito ay may sukat at tugma

b)

Binubuo ito ng mga kabanata

c)

Ito'y kuwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay

d)

Ang mga pangunahing tauhan ay ginagampanan ng mga hayop

20.

Kung ang layunin ng alamat ay magbigay-aral at magpaliwanag ng pinagmulan, paano naman naiiba ang layunin ng mitolohiya?

a)

Ipaliwanag ang misteryo ng kalikasan at paniniwala ng lipunan

b)

Ipaliwanag ang agham ng sinaunang panahon

c)

Ituro ang mga batas ng lipunan

d)

Magkuwento ng kasaysayan ng bayan

21.

Bakit mahalagang pag-aralan ang parehong alamat at mitolohiya sa pananaw ng kultura?

a)

Sapagkat pareho silang nag-uugat sa imahinasyon at tradisyon ng lipunan

b)

Sapagkat pareho silang naglalahad ng siyentipikong paliwanag

c)

Sapagkat pareho silang isinulat ng mga makata

d)

Sapagkat pareho silang nagmula sa iisang relihiyon

22.

Bakit mahalaga ang mga manonood sa isang dula?

a)

Kailangan ng saksi sa matagumpay na pagkakatanghal ng dula.

b)

Kailangan ng may gagawa ng ingay habang itinatanghal ang dula.


c)

Sila ang magbabayad sa ginastos ng produksiyon.


d)

Kailangan ng pupuna sa mga kahinaan ng pagtatanghal.

23.

Bakit sinasabing ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang dula?

a)

Sapagkat siya ang nag-interpret sa iskrip mula sa pagpapasya sa itsurang tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan.

b)

Sapagkat siya ang sumulat ng dula.

c)

Dahil siya ang nag-iisip ng sasabihin ng mga aktor na gagawin sa isang dula.

d)

Dahil siya ang nagbabayad sa mga aktor.

24.

"Ang iskrip ang pinakaluluwa ng dula." Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?

a)

Sa iskrip nakasalalay ang magiging dayalog at damdamin na isasabuhay ng mga aktor.

b)

Ang iskrip ay binabayaran ng aktor.


c)

Isang kasulatan at katunayan ang iskrip upang matuloy ang dula.

d)

Walang aktor kung walang iskrip.

25.

Paano ka magiging isang mabuting manonood ng isang dula?

a)

Kuhanan ng litrato with flash ang mga aktor habang nanonood.

b)

Maging mapanuring manonood, igalang at bigyan ng respeto ang mga nagtatanghal, bigyan ng papuri kung nararapat.

c)

Sumigaw at pumalakpak kung kailan mo gusto.

d)

Pansinin ang bawat kamalian ng mga aktor sa dula at isigaw.

26.

Bilang isang aktor, paano mo magagawa nang maayos ang iyong papel sa dula?

a)

Galingan at higitan ang ibang aktor.

b)

Damhing maigi ang karakter at mag-ensayo ng buong puso.

c)

Ipakita ang talento sa pag-arte at sapawan ang iba.

d)

Gumawa ng sariling eksena kahit wala sa iskrip upang mas lalong makita ang angking talento.

27.

Alin sa sumusunod na mga pahayag sa loob ng kahon ang hindi tama tungkol sa pabula?

a)

Madalas na inilalarawan sa pabula and dalawang hayop na may magkaibang ugali at nagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang mga may mabuting ugali at nag-iiwan ng aral.

b)

Si Aesop o Esopo ay tinaguriang Ama ng sinaunang Pabula.  Siya ay pangit, tuso, at matalino ngunit sa kanyang kahusayan sa pagkukuwento ng pabula siya'y pinalaya at nagkaroon ng tungkulin.

c)

Sa paglipas ng panahon unti-unting nagbago ang mga paksa ng pabula.  Ibinatay ito sa pagbabago ng buhay ng mga tao sa pamayanan upang makaangkop sa kalagayang panlipunan.

d)

Ang Panitikang Pilipino ay kulang na kulang rin ng mga pabula at ang mga bata ay hindi naaakit na gumawa ng kanilang sariling kuwento na magtataglay ng aral.

28.

Ano sa iyong palagay ang dapat na paksain ng isang pabula?

a)

Mga pangyayari sa kasaysayan ng bansa.

b)

Mga karanasang pantao at aral sa buhay.

c)

Mga alamat at pinagmulan ng mga bagay.

d)

Mga likhaing pampanitikan na walang kabuluhan.

29.

Bakit mahalagang may malinaw na paksa ang isang pabula?

a)

Upang mas madaling matandaan ng mga mambabasa.

b)

Upang mas maging maganda ang pamagat nito.

c)

Upang magkaroon ng maraming tauhan.

d)

Upang maipahayag nang malinaw ang aral na nais nitong ituro.

30.

Paano nailalarawan ang kaugalian at katangian ng mga tao sa pamamagitan ng pabula?

a)

Sa pamamagitan ng mga hayop na kumakatawan sa ugali at asal ng tao.

b)

Sa pamamagitan ng mga pangyayari sa totoong buhay ng mga manunulat.

c)

Sa pamamagitan ng mga larawan ng mga tao sa aklat.

d)

Sa pamamagitan ng mga alamat na nakapaloob sa pabula.

31.

Kung ikaw ay gagamit ng mito sa pagtuturo ng pagpapahalaga sa kapaligiran, alin sa sumusunod ang pinakaangkop na layunin?


a)

Turuan ang mga tao tungkol sa agham ng kapaligiran.

b)

Hikayatin ang mga tao na magtanim at pangalagaan ang kalikasan.

c)

Ipakita ang pagkakaiba ng mga diyos at tao.

d)

Patunayan na ang kalikasan ay gawa ng mga diyos.

32.

Sa isang mito, sinasabi na ang kulog at kidlat ay gawa ng galit ng diyos na si Bathala sa mga taong lumalabag sa batas ng kalikasan. Ano ang nais ipahiwatig ng ganitong paglalarawan?

a)

Ipinahihiwatig na ang kulog at kidlat ay gawa ng siyensiya.

b)

Gamit ang mito, itinuturo sa tao ang paggalang sa kalikasan.

c)

Dapat katakutan ang mga diyos upang hindi tayo maparusahan.

d)

Ipinapakita na ang kalikasan ay may sariling damdamin.

33.

Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mito sa isang lipunan?

a)

Ang lipunan ay walang sariling pananampalataya.

b)

Mayaman ang lipunan sa imahinasyon, paniniwala, at pagpapahalaga.

c)

Hindi alam ng lipunan ang kasaysayan nito.

d)

Ang lipunan ay umaasa lamang sa siyentipikong paliwanag.

34.

Bakit mahalaga ang mito sa isang kultura?

a)

Dahil nakakatawa at nakaaaliw ito.

b)

Dahil naglalaman ito ng mga patakaran ng gobyerno.

c)

Dahil naglalaman ito ng tumpak na datos sa agham.

d)

Dahil naipapahayag nito ang paniniwala at pinagmulan ng isang lahi

35.

Alin sa sumusunod ang katangian ng tauhan sa isang mito?

a)

Laging tao at totoo sa kasaysayan.

b)

Mga hayop na nagsasalita.

c)

Mga diyos, diyosa, o nilalang na may kapangyarihan.

d)

Mga kilalang bayani sa kasalukuyang panahon.