wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Part 1: Wika, Katangian, at mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika

Total questions: 95

Worksheet time: 48mins

Name
Class
Date
1.

Ang salitang “lingua” na pinagmulan ng salitang “wika” ay nangangahulugang:

a)

Bibig

b)

Dila

c)

Dila

d)

Labi

2.

Ang wika ay may kaayusan o istruktura, na tinatawag na:

a)

Arbitraryo

b)

Masistemang Balangkas

c)

Nakaugnay sa kultura

d)

Daynamiko

3.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng katangiang “Sinasalitang Tunog” ng wika?

a)

Pagsusulat ng liham

b)

Pagbabago ng kahulugan batay sa diin ng pantig

c)

Pagtuturo sa paaralan

d)

Pagsasalin ng dokumento

4.

Ang wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad. Ito ay tinutukoy bilang:

a)

Daynamiko

b)

Masistemang Balangkas

c)

Arbitraryo

d)

Nakaugnay sa kultura

5.

Ang katangiang “Nakaugnay sa Kultura” ay nangangahulugang:

a)

Ang wika ay ginagamit lamang sa paaralan

b)

Madaling makilala ang isang tao sa wikang ginagamit niya

c)

Ang wika ay walang kinalaman sa kultura

d)

Ang wika ay nagmula sa batas

6.

Ang Arbitraryo ay nangangahulugang:

a)

Nakabatay sa emosyon

b)

Nakabatay sa kultura

c)

Nakabatay sa personal na kasunduan ng mga gumagamit

d)

Nakabatay sa tunog

7.

Ayon sa teoryang Bow-Wow, paano nagsimula ang wika?

a)

Sa matinding emosyon

b)

Sa panggagaya ng tunog ng kalikasan

c)

Sa paggawa ng tao ng bagong tunog

d)

Sa paggamit ng simbolo

8.

Ang tunog ng “tiktak” ng orasan ay halimbawa ng anong teorya?

a)

Bow-Wow

b)

Pooh-Pooh

c)

Ding-Dong

d)

La-La

9.

Ayon sa teoryang Pooh-Pooh, nagsimula ang wika sa:

a)

Tunog ng kalikasan

b)

Tunog ng mga bagay

c)

Matinding emosyon tulad ng sakit o galak

d)

Tunog ng mga hayop

10.

Ang wikang pinagtibay ng pamahalaan bilang daluyan ng komunikasyon ay tinatawag na:

a)

Wikang Panturo

b)

Wikang Opisyal

c)

Wikang Pambansa

d)

Wikang Rehiyonal

11.

Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng 1987 Konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay:

a)

Tagalog

b)

Pilipino

c)

Filipino

d)

Ingles

12.

Alin sa mga ito ang ginagamit sa mga dokumento, batas, at talumpati ng pamahalaan?

a)

Wikang Panturo

b)

Wikang Opisyal

c)

Wikang Rehiyonal

d)

Wikang Panrelihiyon

13.

Ang wikang ginagamit sa mga paaralan ay tinatawag na:

a)

Wikang Pambansa

b)

Wikang Panturo

c)

Wikang Opisyal

d)

Wikang Teknikal

14.

Batay sa Konstitusyon, anong wika ang ginagamit bilang wikang panturo sa Pilipinas?

a)

Ingles

b)

Filipino

c)

Kastila

d)

Nihongo

15.

Si Ana ay nagsulat ng isang artikulo tungkol sa “Pagpapahayag ng Damdamin sa Wika.” Sa kanyang isinulat, ipinaliwanag niya kung paanong ang wika ay salamin ng kultura. Aling katangian ng wika ang ipinapakita?

a)

Arbitraryo

b)

Nakaugnay sa Kultura

c)

Masistemang Balangkas

d)

Sinasalitang Tunog

16.

Habang nag-uusap sina Marco at Liza, napansin nilang nag-iiba ang kahulugan ng salitang “buhay” depende sa diin ng bigkas. Anong katangian ng wika ito?

a)

Sinasalitang Tunog

b)

Arbitraryo

c)

Daynamiko

d)

Nakaugnay sa Kultura

17.

Isang guro ang nagtuturo ng Filipino at ginagamit ang wikang ito upang linangin ang kaalaman ng mga bata. Anong uri ng wika ang kanyang ginagamit?

a)

Wikang Opisyal

b)

Wikang Panturo

c)

Wikang Pambansa

d)

Wikang Rehiyonal

18.

Isang patalastas sa telebisyon ang gumagamit ng wikang Filipino upang hikayatin ang mga mamimili. Anong uri ng wika ito ayon sa paggamit?

a)

Wikang Panturo

b)

Wikang Opisyal

c)

Wikang Pambansa

d)

Wikang Panrelihiyon

19.

Ang kakayahang makapagsalita at makagamit ng dalawang wika ay tinatawag na:

a)

Monolingguwalismo

b)

Multilingguwalismo

c)

Bilingguwalismo

d)

Linggwistikong Komunidad

20.

Kapag halos pantay ang kahusayan ng isang tao sa dalawang wika, siya ay tinatawag na:

a)

Bilingual Speaker

b)

Balanced Bilingual

c)

Multilingual Speaker

d)

Monolingual Speaker

21.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Bilingual Education Policy sa Pilipinas?

a)

Paggamit ng isang wika sa lahat ng asignatura

b)

Pagsasanib ng Ingles at Filipino bilang wikang panturo

c)

Pagpapalit ng wikang pambansa

d)

Pag-alis ng wikang Filipino sa kurikulum

22.

Alin sa mga asignatura ang itinuturo sa wikang Filipino ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1994?

a)

Science at Math

b)

Work Education, Social Studies, PE

c)

English at Literature

d)

Technology and Economics

23.

Alin sa mga asignatura ang itinuturo sa wikang Ingles batay sa parehong kautusan?

a)

PE at Health

b)

Filipino at Araling Panlipunan

c)

Science at Math

d)

MAPEH

24.

Ang paggamit ng iisang wika lamang sa pamahalaan, paaralan, at komersiyo ay tinatawag na:

a)

Bilingguwalismo

b)

Multilingguwalismo

c)

Monolingguwalismo

d)

Linggwistikong Homogeneity

25.

Ang bansang gumagamit lamang ng isang wika sa lahat ng larangan ay isang:

a)

Multilingual Nation

b)

Monolinggwal na bansa

c)

Bilinggwal na bansa

d)

Heterogenous na bansa

26.

Ang Pilipinas ay itinuturing na multilinggwal sapagkat:

a)

Mayroon lamang itong dalawang wika

b)

May mahigit sa 150–180 wikang umiiral sa bansa

c)

Isang wika lamang ang ginagamit sa lipunan

d)

Wala itong wikang pambansa

27.

Ano ang pangunahing patakarang pangwika sa edukasyon ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 74 s. 2009?

a)

Monolingguwal na Pagtuturo

b)

Bilingual Education Policy

c)

Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE)

d)

Ingles Lamang Policy

28.

Ayon sa pananaliksik nina Dutcher at Tucker (1977), bakit mahalaga ang unang wika bilang wikang panturo?

a)

Dahil mas madaling matutunan ang aralin gamit ito

b)

Dahil ito ang wikang banyaga

c)

Dahil ito ay tradisyon

d)

Dahil ito ang wikang opisyal ng bansa

29.

Ang unang wikang natutunan ng isang tao mula sa pagkabata ay tinatawag na:

a)

Pangalawang Wika

b)

Unang Wika

c)

Wikang Banyaga

d)

Wikang Panturo

30.

Ang wikang natututuhan sa labas ng tahanan tulad ng sa paaralan o komunidad ay:

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Wikang Pambansa

d)

Wikang Rehiyonal

31.

Si Mia ay marunong magsalita ng Filipino sa bahay, ngunit gumagamit ng Ingles kapag nasa paaralan. Anong uri ng kakayahan sa wika ang ipinapakita niya?

a)

Monolingguwalismo

b)

Bilingguwalismo

c)

Multilingguwalismo

d)

Heterogenous na Wika

32.

Si Patrick ay lumaki sa Davao at unang natutong magsalita ng Cebuano. Nang lumipat siya sa Maynila, natuto siyang magsalita ng Tagalog. Ang Tagalog para kay Patrick ay:

a)

Unang Wika

b)

Pangalawang Wika

c)

Wikang Banyaga

d)

Wikang Opisyal

33.

Sa isang paaralan, ginagamit ang wikang kinagisnan ng mga estudyante bilang wikang panturo mula Kinder hanggang Grade 3. Anong patakaran ang sinusunod dito?

a)

MTB-MLE

b)

Bilingual Policy

34.

Si Mr. Reyes ay nagtuturo ng Math sa Ingles, at nagtuturo ng Araling Panlipunan sa Filipino. Ano ang ipinatutupad na polisiya sa kanyang paaralan?

a)

Monolingguwalismo

b)

Bilingguwalismo

c)

Multilingguwalismo

d)

Homogenous na Sistema

35.

Sa paaralan ni Jenny, ginagamit nila ang Bikolano sa mga unang taon ng pag-aaral bago sila lumipat sa paggamit ng Filipino at Ingles. Anong katangian ng edukasyon ito?

a)

Monolingguwal na Edukasyon

b)

Mother Tongue-Based Multilingual Education

c)

Bilingual Policy

d)

Wikang Opisyal Program

36.

Ang pagkakaiba-iba ng wika batay sa lugar, interes, edad, at antas sa lipunan ay tinatawag na:

a)

Katangian ng Wika

b)

Baryati ng Wika

c)

Lingguwistika

d)

Teorya ng Wika

37.

Ang dayalek ay baryasyon ng wika batay sa:

a)

Lugar o rehiyon

b)

Edad o kasarian

c)

Antas ng pinag-aralan

d)

Trabaho o propesyon

38.

Ang sosyolek ay baryasyon ng wika batay sa:

a)

Rehiyon

b)

Katayuang panlipunan

c)

Edad

d)

Lugar

39.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng sosyolek?

a)

Tagalog-Bulakan

b)

Gaylingo (charot, jowa, ganern)

c)

Tagalog-Batangas

d)

Cebuano-Visayas

40.

Ang pansariling paraan ng pagsasalita ng isang tao ay tinatawag na:

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Dayalek

d)

Rehistro

41.

Ang wika na umiiral at ginagamit sa loob ng tahanan ay tinatawag na:

a)

EkoIek

b)

Rehistro

c)

Sosyolek

d)

Pidgin

42.

Ang salitang “mommy,” “ate,” at “kuya” ay halimbawa ng:

a)

Idyolek

b)

EkoIek

c)

Dayalek

d)

Sosyolek

43.

Ang pormal at di-pormal na estilo ng paggamit ng wika sa partikular na disiplina ay tinatawag na:

a)

Rehistro ng Wika

b)

Baryasyon

c)

Dayalek

d)

Ekolet

44.

Ang salitang “DRS,” “racing line,” at “box box” na ginagamit sa Formula 1 ay halimbawa ng:

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

Jargon

d)

Ekolet

45.

Ang “Pidgin” ay tumutukoy sa:

a)

Wikang unang natutunan ng tao

b)

Wikang walang pormal na estruktura na umuusbong para magkaintindihan

c)

Wikang ginagamit sa tahanan

d)

Wikang opisyal ng bansa

46.

Kapag ang “Pidgin” ay nadebelop at naging unang wika ng isang komunidad, ito ay nagiging:

a)

Idyolek

b)

Creole

c)

Rehistro

d)

Sosyolek

47.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Creole sa Pilipinas?

a)

Taglish

b)

Chavacano

c)

Jejemon

d)

Gaylingo

48.

Ang sitwasyong pangwika kung saan pare-pareho ang wikang ginagamit ng lahat ay tinatawag na:

a)

Homogeneous

b)

Heterogeneous

c)

Multilingguwal

d)

Monolingguwal

49.

Ang Pilipinas ay itinuturing na:

a)

Homogeneous

b)

Monolingguwal

c)

Heterogeneous at Multilingguwal

d)

Bilingguwal lamang

50.

Ang Linggwistikong Komunidad ay tumutukoy sa:

a)

Mga taong may magkaibang wika

b)

Grupong may isang barayti ng wika at nagkakaunawaan sa paggamit nito

c)

Grupo ng mga dayuhan

d)

Mga taong may magkakaibang interes

51.

Si Tita Nena ay kilala sa kanyang natatanging paraan ng pagbati: “Magandang gabi, bayan!” Anong barayti ng wika ang ipinapakita niya?

a)

Sosyolek

b)

Idyolek

c)

EkoIek

d)

Dayalek

52.

Ang wika ng mga “coño” na gumagamit ng “Let’s kain na, guys!” ay halimbawa ng:

a)

Sosyolek

b)

EkoIek

c)

Dayalek

d)

Pidgin

53.

Sa Batangas, karaniwang naririnig ang “Ala eh!” habang sa Maynila ay “Grabe!” Anong baryati ng wika ito?

a)

Sosyolek

b)

Dayalek

c)

EkoIek

d)

Idyolek

54.

Isang Amerikano at Pilipino ang nag-uusap: American: “How much banana?” Pilipino: “You buy, two fifty kilo.” Anong uri ng wika ang ginamit nila?

a)

Pidgin

b)

Creole

c)

Sosyolek

d)

Dayalek

55.

Ang wikang Chavacano sa Zamboanga ay isang kombinasyon ng Espanyol at Tagalog na naging unang wika ng komunidad. Ito ay halimbawa ng:

a)

Pidgin

b)

Creole

c)

Sosyolek

d)

Idyolek

56.

Sa isang kumpanya, ginagamit ng mga empleyado ang mga salitang “deadline,” “brief,” at “output.” Anong baryati ng wika ito?

a)

Rehistro ng Wika

b)

Sosyolek

c)

EkoIek

d)

Dayalek

57.

Ilan ang tinatayang wikaing na umiiral sa Pilipinas ayon sa tala?

a)

50–80

b)

100–120

c)

150–180

d)

Higit sa 200

58.

Sino ang nagmungkahi noong 1934 na ang wikang pambansa ay ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas?

a)

Manuel L. Quezon

b)

Jose Romero

c)

Lope K. Santos

d)

Norberto Romualdez

59.

Sino ang sumuporta sa mungkahi ni Lope K. Santos at nagpatibay nito bilang pangulo ng Komonwelt?

a)

Jose P. Laurel

b)

Manuel L. Quezon

c)

Sergio Osmeña

d)

Ferdinand Marcos

60.

Anong batas ang nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) noong 1936?

a)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

b)

Batas Komonwelt Blg. 184

c)

Artikulo XIV, Seksiyon 6

d)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

61.

Ano ang naging batayan ng wikang pambansa ayon sa rekomendasyon ng SWP?

a)

Cebuano

b)

Ilokano

c)

Tagalog

d)

Waray

62.

Kailan ipinroklama ni Pangulong Quezon ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa?

a)

Hunyo 12, 1898

b)

Disyembre 30, 1937

c)

Hulyo 4, 1946

d)

Agosto 13, 1959

63.

Kailan nagsimulang ituro sa mga paaralan ang wikang pambansa batay sa Tagalog?

a)

1937

b)

1940

c)

1946

d)

1950

64.

Ano ang kautusan ni Jose E. Romero na nagpalit ng pangalan ng wikang pambansa mula “Tagalog” tungo sa “Pilipino”?

a)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

b)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

c)

Batas Komonwelt Blg. 184

d)

Proklama Blg. 1041

65.

Sa dekada 1950s, bakit pinalitan ang “Tagalog” bilang “Pilipino”?

a)

Dahil nais maging mas inklusibo sa ibang wika

b)

Dahil tinutulan ng mga Amerikano

c)

Dahil wala nang gumagamit ng Tagalog

d)

Dahil utos ng mga prayle

66.

Ano ang pangunahing probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973?

a)

Magpapatibay sa wikang Filipino bilang pambansang wika

b)

Pagtanggal ng wikang pambansa

c)

Paggamit ng Ingles lamang

d)

Pagpapatupad ng monolingguwalismo

67.

Ayon sa 1987 Konstitusyon, Artikulo XIV, Seksyon 6, ang wikang pambansa ay:

a)

Pilipino

b)

Filipino

c)

Tagalog

d)

Ingles

68.

Ano ang layunin ng probisyong “payamanin at payabungin ang wikang Filipino”?

a)

Pagsama ng iba’t ibang wika ng Pilipinas

b)

Pag-alis ng mga wikang rehiyonal

c)

Pagtutok sa Tagalog lamang

d)

Paggamit ng banyagang wika

69.

Anong mga titik ang idinagdag sa modernong alpabeto ng wikang Filipino?

a)

C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z

b)

A, B, C, D

c)

Ñ lamang

d)

P, R, S, T

70.

Ang kasalukuyang ahensiyang nangangasiwa sa pagpapaunlad ng wikang pambansa ay:

a)

SWP

b)

Komisyon ng Wikang Filipino

c)

CHED

d)

DepEd

71.

Ang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga katutubo ay tinatawag na:

a)

Alibata

b)

Baybayin

c)

Kawi Script

d)

Arabic Script

72.

Ang teorya ni Paul Rodriguez Verzosa na nagsasabing galing sa Arabic Script ang ating sinaunang pagsusulat ay tinatawag na:

a)

Baybayin Theory

b)

Alibata Theory

c)

Kawi Hypothesis

d)

Laguna Copperplate Theory

73.

Ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas na may baybayin ay:

a)

Doctrina Christiana

b)

Noli Me Tangere

c)

El Filibusterismo

d)

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

74.

Ano ang layunin ng mga Espanyol sa paggamit ng wikang katutubo sa kanilang misyon?

a)

Upang mapanulad ang kultura ng mga Pilipino

b)

Upang mas madali nilang maipalaganap ang Kristiyanismo

c)

Upang makamit ang pagkakapantay-pantay

d)

Upang turuan ng Ingles ang mga Pilipino

75.

Sa panahon ng mga Espanyol, sino lamang ang nakakapag-aral ng wikang Kastila?

a)

Mga Indio

b)

Mga Prayle

c)

Mga Illustrado at mayayaman

d)

Mga Katutubo

76.

Ang Konstitusyon ng Biak-na-Bato noong 1899 ay nagahayag na ang wikang opisyal ay:

a)

Ingles

b)

Tagalog

c)

Espanyol

d)

Nihongo

77.

Sa panahon ng Amerikano, anong wikang ginamit bilang wikang panturo?

a)

Filipino

b)

Ingles

c)

Espanyol

d)

Nihongo

78.

Sino ang mga unang guro na ipinadala ng mga Amerikano sa Pilipinas?

a)

Mga Thomatites

b)

Mga Illustrado

c)

Mga Pilipinong sundalo

d)

Mga prayle

79.

Sa panahon ng Hapon, alin ang mga naging opisyal na wika?

a)

Ingles at Tagalog

b)

Nihongo at Tagalog

c)

Nihongo at Ingles

d)

Nihongo lamang

80.

Ano ang samahang itinatag ng mga Hapones upang paunlarin ang wikang Pilipino?

a)

SWP

b)

KALIBAPI

c)

KKK

d)

Komisyon ng Wikang Filipino

81.

Anong kautusan ni Pangulong Marcos ang nag-aatas na lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa wikang Pilipino?

a)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134

b)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96

82.

Ayon sa Proklamasyon Blg. 1041 ni Fidel Ramos, kailan ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa?

a)

Hunyo

b)

Agosto

c)

Disyembre

d)

Marso

83.

Anong Executive Order ni Gloria Macapagal-Arroyo ang nagtatag ng “English-only policy” sa edukasyon?

a)

Executive Order No. 210

b)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

c)

CHED Memo No. 20

d)

DepEd Order No. 16

84.

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasunod ng mga patakarang pangwika sa edukasyon?

a)

BPE → MTB-MLE

b)

MTB-MLE → BPE

c)

Monolingual → English-only → Tagalog-only

d)

Filipino-only → BPE

85.

Anong batas ang naglalayong buhayin ang mga sinaunang sistemang pagsususlat tulad ng Baybayin?

a)

House Bill 1022 o National Writing System Act

b)

Proklamasyon Blg. 1041

c)

Kautusang Blg. 25

d)

Republic Act 1425

86.

Sa isang tanggapan ng pamahalaan, lahat ng karatula at pirma sa dokumento ay nasa wikang Pilipino. Aling kautusan ang sinusunod nila?

a)

Proklamasyon Blg. 1041

b)

Kautusang Pangkagawaran Blg. 52

c)

Batas Republika Blg. 735

d)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335

87.

A Grade 3 teacher uses the mother tongue of the children as the medium of instruction. Which law or policy is being implemented?

a)

Bilingual Education Policy

b)

MTB-MLE

c)

Executive Order 210

d)

CHED Memo 20

88.

A student made a presentation about the evolution of the national language from Tagalog to Filipino. His topic focuses on:

a)

Dialects of Language

b)

History of the National Language

c)

Use of Language in Society

d)

Theory of Language Origin

89.

The function of language used to fulfill the desires or needs of a person is:

a)

Interactional

b)

Instrumental

c)

Personal

d)

Representational

90.

Which of the following is an example of the instrumental function of language?

a)

Expressing one's feelings

b)

Requesting or ordering food

c)

Joking around

d)

Explaining the news

91.

Ang gamit ng wika na tumutukoy sa pagkontrol ng asal o ugali ng tao ay:

a)

Regulatoriyo

b)

Instrumental

c)

Interaksyonal

d)

Personal

92.

Ang regulatoriyo na wika ay karaniwang makikita sa:

a)

Liham at kwento

b)

Mga babala, patakaran, at panuto

c)

Pahayag ng damdamin

d)

Ulat sa telebisyon

93.

Ang tungkulin ng wikang nakatutulong sa pakikisalamuha o pakikipag-ugnayan sa kapwa ay:

a)

Personal

b)

Interaksyonal

c)

Instrumental

d)

Heuristiko

94.

Ang tungkulin ng wika na nagpapahayag ng damdamin, opinyon, o saloobin ay:

a)

Representasyonal

b)

Personal

c)

Interaksyonal

d)

Imahinatibo

95.

Ang tungkuling heuristiko ng wika ay ginagamit para:

a)

Magtanong o maghanap ng impormasyon

b)

Magpahayag ng damdamin

c)

Mag-ulat ng balita

d)

Gumawa ng tula