Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 2ND QUARTER

Total questions: 117

Worksheet time: 2hrs 34mins

Name
Class
Date
1.

TAMA O MALI

Ang bawat bata ay sumasalamin sa kanilang pamilyang kinabibilangan.

a)

Tama

b)

Mali

2.

TAMA O MALI

Sa paglipas ng panahon, maraming hamon ang kinakaharap ng pamilyang Pilipino tulad ng pagbabago sa est sa estruktura nito.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Sa pananaliksik ng mga sosyologo, kinikilala nila ang pagbabago sa estruktura at komposisyon ng mga pamilyang Pilipino dulot ng iba't ibang isyu tulad ng:

a)

pagbabago sa edukasyon

b)

urban at global migration

c)

pagbabago ng papel ng kababaihan

d)

mga isyung panlipunan

4.

(5) MGA URI NG PAMILYA

May ama at ina na gumagabay at nagtuturo ng mabuting asal at pagpapahalaga sa mga anak. Ang mga magulang ang nagsisilbing modelo ng pagpapahalaga at sila ang nagkikintal sa puso at isip ng mga anak ng mga dapat gawin sa bawat situwasyon.

(a)  

5.

(5) MGA URI NG PAMILYA

Ito ay binubuo ng tatlo o higit pang henerasyon ng pamilya mula sa lolo't lola, mga magulang, mga anak, at apo sa tuhod. Ang mga pagpapahalagang itinuturo ng mga magulang ay maaaring palakasin ng mga lolo't lola. Mas mabilis din matuto ang mga bata sa pakikipag-ugnayan sa iba dahil mula pagkabata marami na silang nakakasalamuha.

(a)  

6.

(5) MGA URI NG PAMILYA

Ang EXTENDED na PAMILYA ay tinatawag ding...

(a)  

7.

(5) MGA URI NG PAMILYA

Ito ay pinalawak na nuclear na pamilya. Nagsasama ang mga magkakapatid sa isang bubong kasama ang kani-kanilang pamilya. Sa kontekstong ito ng pamilya, maaaring mapalakas ang pagtuturo ng pagpapahalaga sa mga anak at maaari ring matuto ang mga anak sa mga pinsan, tiyo at tiya na kasama sa pamilya

(a)  

8.

(5) MGA URI NG PAMILYA

Kapag ang mag-asawa ay may mga anak mula sa nakaraang relasyon at nagsama sa isang tahanan, maaaring magkaroon ng pagkakaiba sa pagpapahalaga ng mga bata. Maaaring mas mapanghamon ang pagtuturo at mas mangailangan ng pagsisikap at komunikasyon ang bawat kasapi ng pamilya.

(a)  

9.

(5) MGA URI NG PAMILYA

Ang ganitong pamilya ay humaharap sa karagdagang hamon sa pagtuturo ng pagpapahalaga sa anak. Nahahati ang oras ng magulang sa kaniyang anak, trabaho, at iba pang responsibilidad dahil mag-isa niyang titinataguyod ang kaniyang anak. Maaari ring makaapekto sa epektibong pagtuturo ng pagpapahalaga ang hamon sa pinansiyal at emosyonal na stress. Ang mabuting dulot nito ay hindi naririnig ng bata ang magkasalungat na opinyon o pagtuturo dahil isang magulang lang ang kaniyang nakakasama.

(a)  

10.

Ang Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya ay nagsisilbing Moral na Kompas

a)

Tama

b)

Mali

11.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang walang-kondisyong pagmamahal, pagtanggap, at emosyonal na suporta na ibinibigay, na nagpapaunlad ng pakiramdam ng seguridad, pag-aari, at kagalingan sa lahat ng kasapi ng pamilya.

a)

Pagmamahal at Suporta

b)

Respeto o Paggalang

c)

Responsibilidad

d)

Mapagbigay o Pagkabukas-palad

e)

Pangako (commitment)

12.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagkakaroon ng kamalayan na ang iyong mga aksiyon ay may kahihinatnan na mabuti at masama, at iyon ang dahilan kung bakit dapat ingatan at maging responsible sa iyong mga aksiyon.

a)

Pagmamahal at Suporta

b)

Respeto o Paggalang

c)

Responsibilidad

d)

Mapagbigay o Pagkabukas-palad

e)

Pangako (commitment)

13.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagsasaalang-alang sa mga damdamin, kagustuhan, karapatan, o tradisyon ng iba. Tratuhin ang mga miyembro ng pamilya at iba pang mga tao nang may pag-iingat at pagiging magalang.

a)

Pagmamahal at Suporta

b)

Respeto o Paggalang

c)

Responsibilidad

d)

Mapagbigay o Pagkabukas-palad

e)

Pangako (commitment)

14.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagtatakda ng mga layunin at pagsisikap na makamit ang mga ito sa mahabang panahon. Italaga ang iyong sarili sa pagtupad ng mga pangako at layunin.

a)

Pagmamahal at Suporta

b)

Respeto o Paggalang

c)

Responsibilidad

d)

Mapagbigay o Pagkabukas-palad

e)

Pangako (commitment)

15.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagmamalasakit sa mga pangangailangan ng iba at pagbabahagi nang hindi umaasa ng anumang kapalit.

a)

Pagmamahal at Suporta

b)

Respeto o Paggalang

c)

Responsibilidad

d)

Mapagbigay o Pagkabukas-palad

e)

Pangako (commitment)

16.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagkilala na walang perpekto, na ang bawat isa ay may kanya-kanyang lakas at kahinaan din.

a)

Kapakumbabaan

b)

Pasasalamat

c)

Katapatan

d)

Pakikipagkaibigan

e)

Pasensya

17.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagsasabi ng totoo, hindi pagsisinungaling o pagbabago ng mga katotohanan.

a)

Kapakumbabaan

b)

Pasasalamat

c)

Katapatan

d)

Pakikipagkaibigan

e)

Pasensya

18.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagpapahalaga sa mga pagsisikap at kabutihan ng iba. Ito rin ay ang pagkilala na nag lahat ng mabuti ay galing sa isang mas mataas at mas makapangyarihang nilalang.

a)

Kapakumbabaan

b)

Pasasalamat

c)

Katapatan

d)

Pakikipagkaibigan

e)

Pasensya

19.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan, pagbibigay ng suporta, pag-imbita ng mga kaarawan, pagbabahagi at pakiramdam na pinahahalagahan tayo ng ibang tao.

a)

Kapakumbabaan

b)

Pasasalamat

c)

Katapatan

d)

Pakikipagkaibigan

e)

Pasensya

20.

Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya na nagsisilbing Moral na Kompas

Ang pagpapaliban ng mga kasiyahan, upang maunawaan na na sa maraming pagkakataon ay kailangan maghintay bago makuha ang pinakahihintay na gantimpala.

a)

Kapakumbabaan

b)

Pasasalamat

c)

Katapatan

d)

Pakikipagkaibigan

e)

Pasensya

21.

Mga Panlipunang Tradisyon at Kultura

Ang bawat pamilya ay bahagi ng isang (a)   . Sa English ay society.

22.

Mga Panlipunang Tradisyon at Kultura

Ito ang humuhubog sa ating mga pananaw sa mga pangunahing isyu tulad ng mga tungkulin at layunin ng pamilya, mga kasanayan sa pangangalaga ng pamilya, pag-aaral, edukasyon, kahandaan sa paaralan, pag-uugali ng bata, at iba pa.

(a)  

23.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Pagsasabi ng "mahal kita"

(a)  

24.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Pagiging magalang sa salita at kilos. Kung may hindi pagkakaunawaan, matutong makinig at intindihin in ang damdamin ng iba.

(a)  

25.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Ang paghingi ng paumanhin at tawad kapag may nagawang pagkakamali.

(a)  

26.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Kung mayroon kang maibabahagi sa mga pangangailangan ng mga kasapi ng pamilya materyal man o hindi ay maaring ibahagi ito sa kanila ng buong puso.

(a)  

27.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Panindigan ang mga binibiwang salita at angako kahit na may mga balakid sa pagtupad ng mga ito. Tinatawag din itong commitment sa English.

(a)  

28.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Matutong magsabi ng "sorry" kung nagkamali at laging isiping hindi mo alam ang lahat ng bagay.

(a)  

29.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Magpasalamat sa lahat ng pagkakataon maliit man o malaki ang mga nagawa ng kapamilya. Kahit dumaraan sa mga pagsubok, sikaping tingnan ang mga bagay na maaring ipagpasalamat sa mga situwasyon.

(a)  

30.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Piliin araw-araw na magsabi ng katotohanan at hindi magsinungaling. Sumunod sa mga alituntunin upang hindi at tagubilin ng magulang upang hindi malagay sa situwasyon na kailangan magsinungaling.

(a)  

31.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Ugaliing ngumiti sa iba, bumati ng magandang umaga o magandang gabi. Kausapin ng maayos at makinig kung sa tingin mo ay kailangan nila ng kausap.

(a)  

32.

Paraan ng pagsasabuhay sa mga Pagpapahalagang Natutuhan sa Pamilya

Iwasang magsalita ng makakasakit sa iba kapag hindi nakuha ang nais.

(a)  

33.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-haligi ng tahanan at lider ng pamilya

-nagdidisiplina sa mga anak

-nagbibigay ng proteksyon sa pamilya

-nagtatrabaho at nagbibigay ng pinansyal na pangangailangan

(a)  

34.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-nag-aalaga sa mga anak

-gumagawa ng gawaing-bahay

-nagbabadyet

(a)  

35.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-tumutulong sa nanay sa gawaing bahay

-nag-aalaga ng mga kapatid

-masinop sa pag-aaral

(a)  

36.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-tumutulong sa tatay sa mga mabibigat na gawain

-nag-iigib at nagsisibak ng kahoy

(a)  

37.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-kakampi ng apo

-kahalili ng nanay

(a)  

38.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-tagapayo ng mga lalaking apo

-tagabuhat ng mga apo

-halili ng tatay

(a)  

39.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-nagsisilbing nakatatandang ate

-hingahan ng problema ng pamangkin

-taga-alalay sa mga pampaaralang gawain ng pamangkin

(a)  

40.

KASAPI/MIYEMBRO NG PAMILYA

-nagsisilbing nakatatandang kuya

-kaagapay ng pamangkin na lalaki sa mga lakaran

(a)  

41.

Isang mahalagang yunit sa ating lipunan at paaralan kung saan natutututo ng mga aral at halaga na magbubukas ng landas sa kinabukasan o maaari silang magkamag-anak sa pamamagitan ng pagsulang sa iisang pamilya, sa pag-aasawa, sa pag-ampon o sa pagsasama-sama sa iisang tahanan

(a)  

42.

Ideya tungkol sa mga bagay at nagmula sa mga partikular na pagkakataon o pangyayari

(a)  

43.

Tumutukoy sa iba't ibang katangiang pisikal, hormonal, at biyolohikal na tumutukoy sa isang indibidwal bilang lalake, babae o ibang kategorya ng kasarian

(a)  

44.

Tumutukoy sa proseso ng pagbabago at pag-unlad dala ng paglipas ng panahon

(a)  

45.

Pananagutan o responsibilidad na dapat gampanan ng isang tao

(a)  

46.

Isang lipunan o samahan na itinatag para sa isang relihiyon, pang-edukasyon, panlipunan o mga katulad na layunin

(a)  

47.

Maaari itong tumukoy sa isang matibay na bagay na umaalalay para hindi mawasak ang kabuuan ng isang bahay, gusali, bahay, at iba pa

(a)  

48.

Maliit na pangkat sa lipunan na nagsisilbing unang tanggapan sa pagbibigay suporta, gabay, at pagmamahal sa isang indibidwal

(a)  

49.

IBA PANG MODERNONG URI NG PAMILYA

Pamilyang may iisang magulang

a)

Single-parent family

b)

Pamilyang Kinakapatid

c)

Same-sex couple

d)

Childfree family

50.

IBA PANG MODERNONG URI NG PAMILYA

Foster Family

a)

Single-parent family

b)

Pamilyang Kinakapatid

c)

Same-sex couple

d)

Childfree family

51.

IBA PANG MODERNONG URI NG PAMILYA

Mga magulang na may magkaparehong kasarian

a)

Single-parent family

b)

Pamilyang Kinakapatid

c)

Same-sex couple

d)

Childfree family

52.

IBA PANG MODERNONG URI NG PAMILYA

Pamilyang walang anak

a)

Single-parent family

b)

Pamilyang Kinakapatid

c)

Same-sex couple

d)

Childfree family

53.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL SA KASAPI NG PAMILYA

Sino ang gumawa ng 5 PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL o 5 LOVE LANGUAGES?

(a)  

54.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Words of Affirmation

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

55.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Receiving Gifts

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

56.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Quality Time

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

57.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Acts of Service

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

58.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Physical Touch

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

59.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Nangangahulugan ito na kapag kasama sila, ibababa ang cell phone, patayin ang computer, makipag-eye contact, at aktibong making sa kanila.

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

60.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Kapag ito ang pangunahing wika ng pag-ibig ng isang tao, nasisisyahan sila sa mabubuting salita at pampatibay-loob, nakapagpapasiglang mga kasabihan (quote), mensahe ng pag-ibig, at nakatutuwang mga text message. Nararamdaman nila ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagpupuri sa kanila o pagsabi kung ano ang mahusay nilang ginagawa

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

61.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Ang mga taong nasisiyahan dito ay hindi kinakailangang umasam ng malaki o mamahaling bagay; mas mahalaga ang pagsisikap at pag-alaala sa likod ng ibinigay.

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

62.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Nararamdaman nilang mahal sila sa pamamagitan ng paghawak sa kanilang kamay, pagyakap, paghalik, paghaplos sa likod, o binibigyan sila ng masahe sa pagtatapos ng nakakapagod na araw.

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

63.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL O 5 LOVE LANGUAGES

Mapapansin at pahahalagahan nila ang maliliit na bagay na ginagawa mo para sa kanila. May posibilidad din na isinasagawa rin nila ito sa iba.

a)

Mga Salita ng Pagpapatibay

b)

Kalidad na Oras

c)

Pisikal na Pagpaparamdam

d)

Mga Gawa ng Serbisyo

e)

Pagtanggap mga ng Regalo

64.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL o 5 LOVE LANGUAGES

Pagpapahayag ng pagmamahal sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga salita, papuri, o pagpapahalaga sa kasapi ng pamilya. (Isulat ang sagot sa Filipino)

(a)  

65.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL o 5 LOVE LANGUAGES

Para sa isang taong gumagamit at tumutugon sa wikang ito ng pag-ibig, ang pagbibigay ng regalo ay nagpapahiwatig ng pagmamahal. Pinahahalagahan nila hindi lamang ang regalo mismo kundi pati na rin ang oras at pagsisikap na inilaan ng nagbigay ng regalo. (Isulat ang sagot sa Filipino)

(a)  

66.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL o 5 LOVE LANGUAGES

Ang mga magagandang bagay na ginagawa mo para sa iba na nagpapadama sa kanila na minamahal at pinahahalagahan mo sila, gaya ng pagtulong sa gawaing bahay ng mga anak o pagtulong ng mga magulang sa paghahanap ng mga materyales na kakailanganin ng anak sa eskuwela.

(Isulat ang sagot sa Filipino)

(a)  

67.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL o 5 LOVE LANGUAGES

Ang isang taong may ganitong wika ng pag-ibig ay nagnanais ng lubos na atensiyon. Pakiramdam nila ay mahal sila kung naroroon ang ibang kasapi at nakatutok sa kanilang pangangailangan.

(Isulat ang sagot sa Filipino)

(a)  

68.

MGA PARAAN NG PAGPAPAKITA NG PAGMAMAHAL o 5 LOVE LANGUAGES

Nnakadarama ng pag-ibig sa pamamagitan ng pisikal na pagmamahal.

(Isulat ang sagot sa Filipino)

(a)  

69.

(4) APAT na PANGUNAHING HAMON na kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan

a)

paghihiwalay ng pamilya dahil sa migrasyon

b)

kahirapan

c)

walang oras ang pamilya

d)

diborsyo, mga iregular na relasyon

e)

negatibong impluwensiya ng mass media

70.

SINO ANG 2 ARSOBISPONG na nagsabi ng

(4) APAT na PANGUNAHING HAMON na kinakaharap ng pamilyang Pilipino sa kasalukuyan?

a)

Gary Chapman

b)

Antonio Luis Cardinal Tagle

c)

Socrates B. Villegas

d)

Gozum

71.

Ito ang paniniwalang ang tao ang sentro at natatanging nilalang na mahalaga sa mundo.

(a)  

72.

Ang pinakamahalagang elementong nagtatakda kung ano ang pamilya ay (a)   .

73.

Naisasakilos ko ang paraan ng pagmamahal ko sa aking pamilya

sa pamamagitang ng ____ __ __________.

(a)  

74.

KAHALAGAHAN NG SAMA-SAMANG PANALANGIN NG PAMILYA

Bakit mahalagang sama-samang manalangin ang pamilya?

a)

Nagsisilbing daan para makapasok sa presensya at kalooban ng Diyos

b)

Nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos bilang isang pamilya

c)

Pinapatibay ang integridad at pananampalataya ng pamilya

d)

Pinapatatag ang pagmamahal at komunikasyon

e)

Para ipakita sa ibang tao na matatag ang pamilya

75.

KAHALAGAHAN NG SAMA-SAMANG PANALANGIN NG PAMILYA

Anu-ano ang mga hamon sa pagpapanatili ng sama-samang panalangin ng pamilya?

a)

Madaming tao sa bahay na hindi kapamilya

b)

Teknolohiya

c)

Kakulangan ng oras

d)

Pagkakaniya-kaniya sa panalangin

76.

KAHALAGAHAN NG SAMA-SAMANG PANALANGIN NG PAMILYA

Mga paraan ng panalangin ng pamilya

a)

Pag-awit ng papuri sa Diyos

b)

Lakad ng Panalangin (Prayer walk)

c)

Pagdarasal para sa iba gamit ang prayer sticks

d)

Pagdadasal mag-isa

77.

KAHALAGAHAN NG SAMA-SAMANG PANALANGIN NG PAMILYA

Ang pagdarasal ay paraan upang mapalapit sa (a)   ng Diyos.

78.

Suriin kung ano ang dapat ipagdasal

"Na una sa lahat ay maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; sapagkat ang pag-ibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan (1 Pedro 4:8)

a)

Presensiya

b)

Pagmamahalan

c)

Paggalang sa magulang

d)

Tamang pagtuturo sa mga anak

79.

Suriin kung ano ang dapat ipagdasal

"Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan" (Kawikaan 222:6)

a)

Presensiya

b)

Pagmamahalan

c)

Paggalang sa magulang

d)

Tamang pagtuturo sa mga anak

80.

Suriin kung ano ang dapat ipagdasal

"Igalang mo ang iyong ama at iyong ina: upang ang iyong mga araw ay tumagal sa ibabaw ng lupa na ibinigay sa iyo ng Panginoon mong Diyos. (Exodo 20:12)

a)

Presensiya

b)

Pagmamahalan

c)

Paggalang sa magulang

d)

Tamang pagtuturo sa mga anak

81.

Personal na pamantayang moral ng tao.

(a)  

82.

(2) URI NG KONSENSIYA

Paghuhusga kung ang kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisasakaturapan nang walang pagkakamali.

a)

Tama

b)

Mali

83.

(2) URI NG KONSENSIYA

Paghuhusga na nakabatay sa maling prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.

a)

Tama

b)

Mali

84.

Ito ang dahilan kung bakit maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya.

(a)  

85.

(2) URI NG KAMANGMANGAN or IGNORANCE

Magagawa ng isang tao na magkaroon ng kaalaman sa pamamagitan ng pag-aaral

a)

Kamangmangang madaraig

(vincible ignorance)

b)

Kamangmangang di-madaraig

(invincible ignorance)

86.

(2) URI NG KAMANGMANGAN or IGNORANCE

Walang magagawa ang isang tao para malampasan

a)

Kamangmangang madaraig

(vincible ignorance)

b)

Kamangmangang di-madaraig

(invincible ignorance)

87.

(3) Pagkilos ng Konsensiya

Tumutulong ang konsensiya para suriin ang pasya o kilos bago ito isagawa.

a)

Bago ang kilos

(antecedent)

b)

Habang isinasagawa ang kilos

(Concomitant)

c)

Pagkatapos gawin ang kilos

(Consequent)

88.

(3) Pagkilos ng Konsensiya

Kamalayan ng isang tao sa mabuti o masama habang angk kilos ay isinasagawa.

a)

Bago ang kilos

(antecedent)

b)

Habang isinasagawa ang kilos

(Concomitant)

c)

Pagkatapos gawin ang kilos

(Consequent)

89.

(3) Pagkilos ng Konsensiya

Pagbabalik-tanaw o pagninilay sa isang pasya o kilos na naisagawa.

a)

Bago ang kilos

(antecedent)

b)

Habang isinasagawa ang kilos

(Concomitant)

c)

Pagkatapos gawin ang kilos

(Consequent)

90.

(6) Paraan ng Paghubog ng Konsensiya

a)

Edukasyon at moral na pormasyon

b)

Etikal na pagnninilay-nilay at pagsusuri sa sarili

c)

Pagsasanay ng mga birtud

d)

Pagkakaroon ng social support o modelong moral

e)

Regular na panalangin kasama ang pamilya

91.

(6) Paraan ng Paghubog ng Konsensiya

a)

Etikal na pagnninilay-nilay at pagsusuri sa sarili

b)

Pagsasanay ng mga birtud

c)

Pagkakaroon ng social support o modelong moral

d)

Regular na panalangin kasama ang pamilya

e)

Relihiyosong gabay at banal na kasulatan

92.

PAGSUSULIT

Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensiya?

a)

Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.

b)

Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.

c)

Makakamit ng tao ang kapayapaan at katarungan.

d)

Lahat ng nabanggit.

93.

PAGSUSULIT

Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay: A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.

a)

Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.

b)

Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.

c)

Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama.

d)

Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.

94.

PAGSUSULIT

Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?

a)

Mapalalaganap ang magandang buhay.

b)

Makakamit ng tao ang tagumpay.

c)

Maaabot ng tao ang kaniyang kaganapan.

d)

Mabubuhay ang tao nang walang hanggan.

95.

PAGSUSULIT

Ang sumusunod ay katangian ng konsensiya maliban sa:

a)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginawa o hindi ginawa

b)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nakikilala ng tao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat may pagdadalawang-isip pa.

c)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa nang di-maayos o mali.

d)

Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isagawa subalit ginawa.

96.

PAGSUSULIT

Paano nakatutulong ang konsensiya ng isang tao sa paggabay sa kaniya na pumili ng makatarungan at etikal na desisyon sa gitna ng mapaghamong buhay?

a)

Nagbibigay ito ng patnubay sa pag-unawa ng tamang kilos na dapat gawin.

b)

Nakikiramdam ito sa mali na dapat iwasan.

c)

Nagpapasya ito ayon sa subhektibong pang-unawa ng tao.

d)

Hindi ito nagbibigay ng anomang epekto sa desisyon

97.

WORD SHUFFLE: Buoin ang pinaghalo-halong mga titik para makabuo ng salita hinggil sa kahulugang ibinigay. (L I M A)

Ito ay konsensiya nakabatay sa mga baluktot na prinsipyo o nailapat ang tamang prinsipyo sa di wastong paraan.

(a)  

98.

WORD SHUFFLE: Buoin ang pinaghalo-halong mga titik para makabuo ng salita hinggil sa kahulugang ibinigay. (M A T A)

Lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan nang walang pagkakamali sa ganitong uri ng konsensiya.

(a)  

99.

WORD SHUFFLE: Buoin ang pinaghalo-halong mga titik para makabuo ng salita hinggil sa kahulugang ibinigay. (S I N A K Y E S O N)

Mula sa salitang Latin na cum ibig sabihin ay "with" o mayroon at scientia, na ibig sabihin ay "knowledge" o kaalaman.

(a)  

100.

WORD SHUFFLE: Buoin ang pinaghalo-halong mga titik para makabuo ng salita hinggil sa kahulugang ibinigay. (S H U G G A U H A P)

Ginagamit ang kognitibong proseso na ginagamitan ng isip at mabuting pagpapasya.

(a)  

101.

WORD SHUFFLE: Buoin ang pinaghalo-halong mga titik para makabuo ng salita hinggil sa kahulugang ibinigay. (G A P A P A Y A P S)

Proseso ng pagpili ng isang desisyon o hakbang na dapat gawing batayan sa iba't ibang pagpipilian.

(a)  

102.

PAGSUSULIT

Pera na ginugugol ng gobyerno sa mga proyekto na makikinabang sa mga tao.

(a)  

103.

PAGSUSULIT

Pakikisama sa mga katrabaho, pagsasabuhay ng mabubuting gawa, at pagtatrabaho sa itinakdang oras.

(a)  

104.

PAGSUSULIT

Isang obligasyon at pantay-pantay na karapatang pampolitika na ginagarantiyahan ng ating konstitusyon upang bawat mamamayan na nasa hustong gulang ay may pribiliheyong pumili ng kandidatong gustong iluklok sa puwesto.

(a)  

105.

PAGSUSULIT

Mga dakilang gawa ng katapangan at pagmamahal sa bayan.

(a)  

106.

PAGSUSULIT

Tumutukoy sa obligasyon, panangutan, o responsibilidad ng isang tao o institusyon.

(a)  

107.

PAGSUSULIT

Mga dakilang gawa ng katapangan at pagmamahal sa bayan.

(a)  

108.

PAGSUSULIT

Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ginugunita tuwing Abril 9.

SAGOT: Araw ng (a)  

109.

PAGSUSULIT

Ito ay ginugunita tuwing Hunyo 12 ng bawat taon at ipinagdiriwang ng mga Pilipino mula sa Espanya.

SAGOT: Araw ng (a)  

110.

PAGSUSULIT

Araw na ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat ng pagbabalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador.

(a)  

111.

PAGSUSULIT

Araw na ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 para bigyan ng pagpupugay ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan.

SAGOT: Araw ng (a)  

112.

PAGSUSULIT

Araw na ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taon-taon at inaalayan ng mga bulaklak at may palatuntunan pa.

SAGOT: Araw ng mga (a)  

113.

Ibigay ang Makasaysayang Pagdiriwang sa Pilipinas

Pebrero 25

(a)  

114.

Ibigay ang Makasaysayang Pagdiriwang sa Pilipinas

Abril 9

(a)  

115.

Ibigay ang Makasaysayang Pagdiriwang sa Pilipinas

Mayo 1

(a)  

116.

Ibigay ang Makasaysayang Pagdiriwang sa Pilipinas

Hunyo 12

(a)  

117.

Ibigay ang Makasaysayang Pagdiriwang sa Pilipinas

Huling Lunes ng Agosto

(a)