wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino sa Piling Larang (Pagsusulit)-12 Diplomacy

Total questions: 31

Worksheet time: 16mins

Name
Class
Date
1.

Isulat ang pangalan - UNA ANG APELYIDO
(Last name, First Name, Middle Initial)

4 lines
2.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na layunin ng sintesis?
a)
Pagsulat ng balangkas ng katitikan ng pulong
b)
Pagsasama-sama ng mga opinyong para makabuo ng isang sintesis
c)
Pagsama-samahin ang mahahalagang ideya upang makabuo ng bagong kaalaman
d)
Paggawa ng buod ng bawat sanggunian upang makabuo ng panibagong ideya
3.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa hakbang sa paggawa ng sintesis
a)
Pagsusuri ng mga sanggunian
b)
Pagbuo ng tesis na pahayag
c)
Pagsipi ng buong artikulo
d)
Pag-uugnay ng mga ideya
4.
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng buod at sintesis?
a)
Ang buod ay mas maikli
b)
Ang sintesis ay mas organisado
c)
Ang buod ay walang analisis
d)
Ang sintesis ay gumagamit ng paghahambing at pag-uugnay ng ideya
5.
Ano ang pinakaangkop na tono ng pagsulat ng sintesis?
a)
Impormal
b)
Obhetibo at pormal
c)
Malikhaing pagsasalaysay
d)
may layuning maglibang
6.
Kung ikaw ay susulat ng sintesis, ano ang dapat mong tandaan sa pagkuha ng ideya sa internet?
a)
Tingnan kung ang website ay kapani-paniwala
b)
Tingnan kung ang website ay plagiarism at hindi nakahihikayat
c)
Tingnan ang pinagkukuhaan ng ideya sa internet kung kilala
d)
Tingnan ang pinagkukuhaan ng ideya sa internet kung ito ba ay napapanahon
7.
Kung ikaw ay kukuha ng isang pahayag at nais mo itong ilathala sa internet, ano ang pinaka-angkop na kinakailangan mong gawin?
a)
Pumili ng angkop na website kung saan ito ilalathala
b)
Alamin kung ito ba ay napapanahon
c)
Gumamit ng kredits upang hindi magkaroon ng plagiarism
d)
Ang kinuhaang pahayag ay kontakin at tanungin kung siya ba ay may kredibilidad sa paglathala ng kanyang paksa
8.
Sa papaanong paraan naisulat ang isang sintesis na may malinaw na daloy ng impormasyon
a)
Naisulat sa paraang magaganda ang sangguniang pinagkuhaan
b)
Naisulat sa paraang organisado ang nilalaman
c)
Naisulat sa paraang naintindihan ang opinyon ng bawat ideya
d)
Naisulat sa paraang naintindihan ang pagkakaroon ng bukas na isip sa pagtatala ng maraming opinyon
9.
Hindi naipakita ni Bonie ang pangunahing layunin ng isang sintesis sa isang sulatin. Ano ang naging suliranin niya sa pagsulat ng sintesis?
a)
Hindi organisado ang nagawa niyang sintesis
b)
Hindi niya nalaman na ang kinuha niyang ideya sa internet ay may kasong plagiarism at walang kredibilidad
c)
Hindi niya napagsama-sama nang maayos ang mga ideya na kanyang bubuohin sa paggawa ng sintesis
d)
Hind niya naipaliwanag nang maayos ang mga opinyon dahil ang ginamit niyang paraan ng pagsulat ay AI.
10.
Alin sa mga sumusunod ang kritikal na pag-unawa sa pagbuo ng sintesis?
a)
Pagsusuri
b)
Pagsasama ng opinyon
c)
Pagbuod
d)
ebalwasyon
11.
Alin sa mga sumusunod ang tamang daloy ng pagbuo ng sintesis?
a)
Buod --> Paksa --> Konklusyon
b)
Paksa --> Konklusyon --> Pagninilay
c)
Paksa --> buod --> konklusyon
d)
Konklusyon --> buod --> Paksa
12.
Alin sa mga sumusunod na paraan upang makabuo ng isang malawak na pag-unawa sa gagawing sintesis?
a)
Magbigay ng mas malalim na pagsusuri
b)
Bumuo ng bagong ideya o konklusyon
c)
Pagsamahin ang mga ideya
d)
Pagbibigay ng opinyon
13.
Saang bahagi ng katitikan ng pulong makikita ang sintesis?
a)
Sa simula ng isang dokumento
b)
Sa gitna ng talakayan
c)
Sa dulo bilang lagom o buod ng pulong
d)
Hindi ito maaaring maging bahagi ng katitikan ng bulong
14.
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tamang paggamit ng sintesis sa katitikan ng pulong?
a)
"Si Bb. Reyes ay nagsimula sa magandang umaga at nanalangin"
b)
"Batay sa napagkasunduan ng kapisanang ito, gaganapin ang pulong tuwing Biyernes at gagamitin para sa pagpaplano ng proyekto."
c)
"Batay sa sinabi ni Carlo, ito ang aking opinyon, hindi na dapat siya sumali sa isang funwalk sapagkat ito ay dagdag gastusin lamang sa ating organisasyon at may mas magandang salihan kaysa rito."
d)
"Nagkaroon ng palitang ng opinyon tungkol sa iba pang paksa. Ang opinyon ko rito ay kinakailangang isa lamang ang magsasalita upang hindi maging suliranin sa oras ng pulong"
15.
Bakit kailangang gumamit ng maraming sanggunian sa paggawa ng sintesis?
a)
Upang maging mahaba ang teksto
b)
Upang makakuha ng mas maraming kopya
c)
Upang makabuo ng mas malawak pang pag-unawa
d)
Upang hindi na gumawa ng sariling ideya o opinyon
16.
Anong layunin ang taglay ng isang sintesis?
a)
Manghikayat ng mga mambabasa
b)
Mag-ugnay ng impormasyon mula sa iba't ibang teksto
c)
Magkwento ng personal na opinyon
d)
manlibang para maging kwili-wili ang ginawang sintesis
17.
Ano ang kinakailangang bago maisulat ang katitikan ng pulong?
a)
Isang kalihim
b)
Adyenda at dokumento
c)
ulat ng ingat yaman
d)
Mga dumalo sa pulong
18.
Ano ang ibigsabihin ng KATITIKAN?
a)
Tala ng ulat
b)
Opisyal na tala ng pulong
c)
Tala ng adyenda at memorandum
d)
tala ng ingat yaman at kalihim
19.
Anong bahagi ng katitikan ang tumutukoy sa mga hindi nakadalo?
a)
Dumalo
b)
panauhin
c)
pangalawang panauhan
d)
liban
20.
Kailan dapat gawin ang katitikan ng pulong?
a)
Ginagawa ito ng isang kalihim habang nagpupulong sa pagtala ng mahahalagang impormayson
b)
Ginagawa ito sa umpisa ng pulong upang hindi makalimot sa mga napag-usapan
c)
Ginagawa ito habang nasa talakayan ng paksa ng adyenda
d)
Ginagawa ito pagkatapos ng pulong
21.
Alin sa mga sumusunod ang hindi sinasama sa katitikan ng pulong?
a)
Mga liban
b)
Kung ano oras nag-umpisa ang pulong
c)
Mga aksyon na gagawin
d)
opinyon ng kalihim sa mga talakayan
22.
Bakit mahalagang may katitikan ng pulong?
a)
Para sa dokumentasyon
b)
Para sa pagsusuri
c)
Para sa transparency
d)
Lahat ng nabanggit
23.
Sa pagsulat ng katitikan, bakit mahalaga ang pagiging obhetibo?
a)
Para maging maganda ang daloy
b)
Para maipakita ang damdamin ng manunulat
c)
Para walang kinikilingan at tumpak ang tala
d)
Para makumbinsi ang mambabasa
24.
Bilang kalihim ng klase, habang isinusulat mo ang katitikan ng pulong, napansin mong may ilang miyembro na paulit-ulit ang tanong at paligoy-ligoy ang paliwanag. Ano ang pinakaangkop na gawin mo?
a)
Isulat nang buo ang kanilang sinabi
b)
Ibuod ang mahahalagang punto ng sinabi nila
c)
Huwag na lang isulat ang bahagi nila
d)
Magdagdag ng sarili mong opinyon para malinawan ang isusulat
25.
Sa gitna ng pulong, may isang miyembro ang biglang nagbahagi ng personal na saloobin na wala sa agenda. Bilang tagagawa ng katitikan, ano ang iyong dapat gawin?
a)
Isali ito sa katitikan bilang buong pahayag
b)
Isulat lamang ito kung ito ay may kinalaman sa layunin ng pulong
c)
Iulat ito bilang mahalagang usapan
d)
Lagyan ito ng sariling pagsusuri
26.
Matapos ang pulong, napansin mong may maling impormasyon kang naisulat sa katitikan. Ano ang dapat mong gawin?
a)
Hayaang ganon na lamang
b)
I-edit ito batay sa mga opisyal na tala o recording ng pulong
c)
Tanggalin ang buong bahagi
d)
Palitan ito ng sariling interpretasyon
27.
Bilang tagagawa ng katitikan, nakita mong umabot ng tatlong oras ang pulong na maraming inulit-ulit na usapan. Ano ang pinakamabisang paraan ng pagsulat ng katitikan?
a)
Isulat lahat ayon sa pagkakasunod-sunod kahit may paulit-ulit
b)
Buodin ang mga usapang pare-pareho at itampok ang naging resolusyon
c)
Tanggalin ang mga usapan sa gitna para paikliin
d)
Ilista lamang ang agenda at ilaktawan ang diskusyon
28.
Sa huling bahagi ng pulong, walang pormal na pagtatapos mula sa tagapangulo. Bilang kalihim, paano mo ito isusulat?
a)
Hindi mo na kailangang isulat ang pagtatapos
b)
Itala ang oras ng pagtatapos ng pulong kahit walang pormal na deklarasyon
c)
Isulat na walang lider ang nagpapatakbo
d)
Isara ang katitikan gamit ang sariling salita
29.
Habang nagaganap ang pulong, may miyembrong nagmungkahi ng bagong proyekto ngunit hindi ito nakasama sa agenda. Ano ang dapat mong gawin bilang tagatala?
a)
Huwag isama dahil wala sa plano
b)
Ilagay ito sa hiwalay na dokumento
c)
Hindi ito maaaring isama dahil ito ay sariling opinyon
d)
Isama ito sa katitikan bandang iba pang napag-usapan
30.
Sa isang emergency meeting, walang pormal na agenda. Bilang tagagawa ng katitikan, ano ang pinakamainam na paraan upang maisulat ito?
a)
Hindi na maaaring gumawa ng katitikan dahil wala itong adyenda
b)
Sabihin sa simula na hindi opisyal ang pulong
c)
Gumamit ng journal-style entry
d)
Istraktura pa rin ang katitikan ayon sa mga aktwal na tinalakay at napagkasunduan
31.
Ang tagapangulo ay nagpatawag ng pulong upang pag-usapan ang problema sa proyekto, ngunit hindi siya nakadalo. Ano ang dapat mong gawin?
a)
Sabihin sa mga dadalo na walang pulong dahil libang ang tagapangulo
b)
Itala pa rin ang naging daloy ng pulong at banggitin na wala ang tagapangulo
c)
Kanselahin ang pulong at gumawa ng memorandum na kanselado ito at itutuloy sa susunod na araw
d)
Hayaan na lamang na walang dumalo dahil wala rin naman ang tagapangulo ng oorganisahing pulong