WorksheetsKwentong Bayan Quiz
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ang kwentong bayan ay mahalaga sa kasaysayan dahil ito ay ________.
A. Nagpapakita ng imahinasyon ng mga manunulat
B. Nagpapanatili ng kultura at paniniwala ng ating mga ninuno
C. Ginagamit lamang bilang libangan sa tahanan
D. Nakatuon lamang sa kababalaghan
Bakit mahalaga ang kwentong bayan sa paghubog ng pagkakakilanlan ng isang bansa?
A. Sapagkat itinuturo nito ang wastong paggamit ng wika
B. Sapagkat ipinapakita nito ang mga kaugalian at paniniwala ng mga mamamayan
C. Sapagkat ito ay bahagi ng mga kasalukuyang isyu
D. Sapagkat ito ay binabasa sa paaralan
Kung ipapaliwanag mo ang pinagmulan ng “Alamat ng Araw at Buwan,” anong uri ng pag-iisip ang iyong ginagamit?
A. Pagsusuri
B. Paggunita
C. Pagbibigay ng opinyon
D. Paglalarawan
Ang “Alamat ng Pinya” ay nagtuturo ng aral tungkol sa pagiging masunurin. Kung ikaw ang nasa lugar ni Pina, ano ang dapat mong ginawa?
A. Umalis sa bahay upang makaiwas sa utos
B. Humingi ng tulong sa kapitbahay
C. Sinunod ang ina upang magpakita ng respeto
D. Nagpanggap na may sakit
Paano nagkakaiba ang alamat at mitolohiya?
A. Ang alamat ay totoo samantalang kathang-isip ang mitolohiya
B. Ang alamat ay tungkol sa pinagmulan ng bagay, samantalang ang mitolohiya ay tungkol sa mga diyos
C. Parehong nagpapaliwanag ng agham
D. Ang alamat ay mahaba at ang mitolohiya ay maikli
Kung ang isang kwento ay tungkol sa mga diyos ng hangin, ulan, at apoy, anong uri ito?
A. Pabula
B. Mitolohiya
C. Alamat
D. Kwentong Kababalaghan
Kung ang kwento ay tungkol sa isang hayop na nagturo ng kabutihan, ito ay isang ________.
A. Mitolohiya
B. Alamat
C. Pabula
D. Kababalaghan
Ano ang ipinapakita ng mga tauhan sa pabula?
A. Kilos at asal ng tao sa pamamagitan ng mga hayop
B. Lakas ng mga diyos at diyosa
C. Takot sa mga kakaibang nilalang
D. Pananampalataya sa kalikasan
Paano makatutulong ang mga alamat sa pagpapahalaga sa kapaligiran?
A. Ipinapakita nito ang kapangyarihan ng tao
B. Ipinapaliwanag nito ang pinagmulan ng mga bagay sa kalikasan
C. Ipinapakita nito ang kahinaan ng mga hayop
D. Tinuturuan nitong huwag maniwala sa mito
Kung babaguhin mo ang wakas ng isang alamat, anong kakayahan mo ang ginagamit?
A. Paggunita
B. Pagsusuri
C. Pagkamalikhain
D. Pagpapakahulugan
Ang pangunahing tema ng kwentong kababalaghan ay ________.
A. Aral sa kabutihan
B. Katatakutan at hiwaga
C. Katapatan at karangalan
D. Pag-ibig at pag-asa
Kung ang isang bata ay natutong huwag mandaya matapos basahin ang “Ang Matsing at Pagong,” anong uri ng pagkatuto ito?
A. Akademiko
B. Pangmoral
C. Panlipunan
D. Pisikal
Ang tauhang may kapangyarihang kontrolin ang kidlat ay maaaring mula sa isang ________.
A. Mitolohiya
B. Pabula
C. Alamat
D. Kababalaghan
Ano ang karaniwang pagkakatulad ng lahat ng uri ng kwentong bayan?
Paano naiiba ang kwentong bayan sa makabagong nobela?
Ang kwentong bayan ay mas mahirap intidihin kaysa sa makabagong nobela.
Ang kwentong bayan ay tradisyunal at nakaugat sa kultura, samantalang ang makabagong nobela ay mas kumplikado at tumatalakay sa iba't ibang tema.
Kung nais mong maipakita ang kultura ng mga sinaunang Pilipino, alin sa mga ito ang babasahin mo?
Mga kwentong pambata na isinulat sa kasalukuyan.
Mga epiko at kwentong bayan ng mga sinaunang Pilipino.
Ang pagkakaroon ng mga tauhang gaya ni Bathala sa isang akda ay nagpapahiwatig na ito ay isang ________.
Kung ang isang mag-aaral ay gumagawa ng sariling bersyon ng “Alamat ng Bulkan,” anong kasanayan ang ginagamit niya?
Kasanayan sa paglikha ng musika
Kasanayan sa pagsulat at paglikha ng kwento
Kung ang isang alamat ay nagpapakita ng parusa sa mga tamad, ano ang mensaheng nais iparating?
Kung ikaw ay maghahambing ng “Alamat ng Bulkang Mayon” at “Si Zeus at ang Kidlat,” ano ang iyong mapapansin?
Parehong nagpapaliwanag ng kapangyarihan ng kalikasan
