wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PASULIT 2.4 (PAGGAWA-ISYU AT TUGON)

Total questions: 44

Worksheet time: 33mins

Name
Class
Date
1.
1. Si Maria ay isang call center agent sa isang Business Process Outsourcing na kompanya sa ating lungsod. Alin sa mga sumusunod ang maaring suliranin niya bilang maggagawa?
a)
Ang mataas na sahod
b)
Ang pagtaas ng posisyon o promosyon sa kompanya
c)
Ang pagtaas ng matatanggap na incentives and allowance
d)
Ang mga sakit na nakukuha mula sa trabaho lalo na sa hanay ng mga mga manggagawa sa BPO dahil na rin sa hindi normal na oras ng pagtatrabaho.
2.
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng halimbawa ng “job-mismatch”?
a)
Si Jade na isang registered Nurse na naging Call Center Agent.
b)
Si Jake na bilang isang Certified Public Accountant sa pinapasukang financial firm sa bansa.
c)
Si Junel na isang NC II holder sa commercial cooking at ngayon ay nagtratraho sa isang international cruise ship bilang kitchen assistant.
d)
Si Albert na isang lisenyadong Civil Engineer na nagtratrabaho sa isang construction firm bilang Project Manager.
3.
3. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto dulot ng globalisasyon sa manggagawa?
a)
Ang pagpapatupad ng murang pasahod at paglimita sa panahon ng paggawa
b)
Ang paglaki ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
c)
Ang nabibigyan ng pagkakataon sa mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan.
d)
Ang binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa.
4.
4. Alin sa mga sumusunod ang nagdudulot ng negatibong epekto ng globalisasyon sa paggawa?
a)
Ang pagdami ng opportunidad sa trabaho ng bansa
b)
Ang nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigdigang pamilihan
c)
Ang pagtaas sa bilang ng magagawa na walang ng trabaho dahil sa pagkalugi ng lokal na namumuhunan
d)
Ang pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally standard.
5.
5. Alin sa mga sumusunod ang suliranin sa sektor ng agrikultura naaapektuhanng pagdami ng dayuhang kompanya?
a)
Ang job mismatch
b)
Ang modernong kagamitan sa pagsasaka
c)
Ang hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
d)
Ang pagkonbert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng mga subdibisyon
6.
6. Ang Employment Pillar ay tumutukoy sa paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa mga manggawa. Alin sa sitwasyon ang patunay dito?
a)
Ang pagkatanggal ni Paul sa trabaho
b)
Ang kawalan ng overtime pay sa mga mangagawa ng kompanya
c)
Ang promosyon ni Karl bilang manager dahil sa kanya ipinakitang galing at sipag sa kompanya
d)
Ang hindi pagbabayad at pagtupad ng sales at salary incentives ng kompanya ayon sa nakapagsunduan
7.
7. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa suliranin sa industriya.
a)
Seguridad para sa mga manggagawa
b)
Mababang sahod at kawalan ng overtime pay
c)
Tamang pasahod at benepisyo sa mangagawa
d)
Pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado
8.
8. Ang mga sumusunod ay apat na haligi para sa isang disente at marangal na paggawa (DOLE, 2016). Alin ang HINDI kabilang.
a)
Worker’s Rights Pillar
b)
Social Protection Pillar
c)
Social Equality Pillar
d)
Social Dialogue Pillar
9.
9. Ano ang pinakamalaking bahagdan ng empleyadong manggagawa ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong Abril 2018 at 2019?
a)
Sektor ng Serbisyo
b)
Sektor ng Agrikultura
c)
Sektor ng Industriya
d)
Sektor ng Mamumuhan
10.
10. Alin sa mga sumusunod ang naaangkop na kasanayan para sa ika-21 siglo sa globally standard na paggawa ayon sa DepEd noong 2012?
a)
Ang kasanayan sa military and combat skills
b)
Ang kasanayan sa dancing and theather arts
c)
Ang kasanayan sa learning and innovation skills
d)
Ang kasanayan sa social and intrepreneurial skills
11.
11. Bakit mahalaga ang pagpapatupad ng DepEd sa K-12 Curriculum bilang pagtugon sa suliranin sa paggawa?
a)
Upang bigyan proteksyon ang mangagagawa
b)
Nalilinang ang kakayahan ng mga mangagawang Pilipino sa sektor ng agrikultura
c)
Mabibigyang protekston ang pamilyang Pilipino sa ibat-ibang hamon sa lipunan at kalusugan.
d)
Naaangkop ang kasalukuyang kurikulum para sa demand ng globally standard na paggawa.
12.
12. Ito ay tumutukoy sa batas na nagbigay ng buong laya sa daloy ng puhunan at kalakal sa bansa ay na may malawak na impluwensiya ng mga kapitalista upang ilipat lipat ang kanilang produksyon sa mga itinayong branch companies sa panahong na may labor dispute sa kanilang itinayong kompanya.
a)
RA 11058
b)
RA 6715
c)
Department Order 18-02 ng DOLE
d)
Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991
13.
13. Ano ang dulot ng RA 6715 na pinanukala ni Senator Ernesto Herrera?
a)
Pagpapatayo ng Bataan Export Processing Zone
b)
Nagbigay ng istriktong pagsunod ng mga employers sa safety and health standasrds sa negosyo at paggawaan.
c)
Nagkaroon ng probisyon sa batas ang pamumuhunan at kalalakalan at batas paggawa, madaling naipataw ng mga kapitalista ang patakarang mura at flexible labor o kontraktwalisasyon
d)
Pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa.
14.
14. Isinaad dito ang pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang oras o araw ng paggawa.
a)
Department Order 18-02 ng DOLE
b)
R.A. 8759 o PESO Act of 1999
c)
Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991
d)
Republic Act 11058, Occupational Safety and Health Standards Law
15.
15. Alin ang HINDI kabilang sa pangkat?
a)
PD 442
b)
RA 11058
c)
RA 5490
d)
INVESTMENT INCENTIVE ACT of 1967
16.
16. Ano ang negatibong dulot ng kontraktwalisasyon sa paggawa?
a)
May mataas na sahod at allowance
b)
Kawalan seguridad sa trabaho ng manggagawa
c)
May sapat na benepisyo at allowance tulad ng regular na manggagawa
d)
Mayroong laya ang mangagawa na maghanap ng ibang trabaho matapos ang kontrata sa kompanya
17.
17. Bilang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang mga suliranin sa paggawa tulad ng job-mismacth or hard-to-fill job?
a)
Huwag isipin dahil ito ay hindi mahalaga
b)
Pumili ng kurso sa kolehiyo ayon sa gusto at impluwensya ng barkada
c)
Kumuha ng kahit anong kurso sa kolehiyo ang mahalaga ikaw ay makapag-aaral
d)
Maging mapanuri at magsaliksik upang magkaroon ng sapat na kaalaman upang iakma sa sariling interes at kakayahan para sa matalinong pagpapasya sa kursong pipiliin sa kolehiyo.
18.
18. Ano ang tawag sa batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte noong Agosto 2018, at nakasaad ang istriktong pagsunod ng mga employers sa safety and health standards sa negosyo at pagawaan?
a)
Republic Act 6715 o Herrera Law
b)
Investment Incentive Act of 1967
c)
Omnibus Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991
d)
Republic Act 11058 or Occupational Safety and Health Standards Law
19.
19. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa ng bansa?
a)
Department of Education
b)
Department of Labor and Employment
c)
Association of Labor Union
d)
Workers Association of the Philippines
20.
21. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?
a)
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
b)
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
c)
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
d)
Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa
21.
21. Ang mga pahayag sa ibaba ay mga pamamaraan upang maipapakita ang pangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa MALIBAN sa isa, ano ito?
a)
Pagbibigay ng sapat at karapat-dapat na pasahod para sa makataong pamumuhay.
b)
Pagbabawal ng manggagawa na makasali sa anumang union upang maiiwas sila sa kapahamakan.
c)
Pagsiguro sa kaligtasan ng iyong mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligtas na kapaligiran sa paggawa.
d)
Pagbabawal sa lahat ng anyo ng diskriminasyon sa trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay ng pantay na suweldo sa parehong trabaho.
22.
22. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?
a)
Pag-boycot sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.
b)
Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).
c)
Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista
d)
Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya
23.
23. Mahalaga sa isang manggagawa ang seguridad sa paggawa sa kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?
a)
Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
b)
Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
c)
Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
d)
Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.
24.
24. Isa sa mga isyung kinakaharap ng bansa sa paggawa na kaugnay sa paglaki ng unemployment at underemployment ay ang paglaki ng bilang ng mga job-mismatch. Ang mga sumusunod ay mga dahilan nito MALIBAN sa isa, ano ito?
a)
Sapat na kakayahan na makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at makakuha ng kurso na ninanais.
b)
Hindi nakakasabay ang mga college graduate sa demand na kasanayan at kakayahan na entry requirement ng mga kompanya sa bansa.
c)
Hindi tugma sa pinag-aralan ang mga trabaho na nakalatag at yung mga pangangailangan ng mga negosyo dito sa ating bansa.
d)
Maraming kurso sa mga Higher Education Institutions (HEIs) at mga kolehiyo sa bansa ang hindi na tumutugon sa pangangailangan ng mga pribadong kompanya na nagtatakda ng mga pamantayan sa pagpili ng mga manggagawa.
25.
25. Si Dante ay isang factory worker sa isang pagagawan ng sapatos sa loob ng isang taon. Ano dapat ang kanyang employment status sa kompanya ayon sa Labor Code of the Philippines?
a)
Mandatory Employment
b)
Underemployed
c)
Probationary employment
d)
Regular employment
26.
26.Ang mga sumusunod ay mga benepisyo na matatanggap ng isang regular employee MALIBAN sa:
a)
Leave with pay
b)
Leave without pay
c)
Health Insurance
d)
Social Security
27.
27. Si James at ang mga kasamahan sa kompanya ay hindi nakatanggap ng 13thmonth pay sa kompanya. Alin sa mga sumusunod ang dapat nilang gawin?
a)
Tumigil sa trabaho at magprotesta sa labas ng kompanya
b)
Maging mas masipag sa trabaho upang bigyan ng kompanya
c)
Ipagwalang bahala dahil mas mahala merong siyang regular na trabaho
d)
Kausapin ang kompanya at ipagbigay alam sa Department of Labor and Employment para sa collective bargaining agreement
28.
28. Dapat na bang wakasan ng pamahalaan ang “endo’?
a)
Oo, dahil hindi naman ito nakakaapekto sa empleyado at kompanya
b)
Hindi, dahil pwede tayong pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho
c)
Hindi, dahil malulugi ang mga kompanya at mga dayuhang manunuhunan
d)
Oo, dahil labag ito sa batas at patuloy na nagpapahirap sa kondisyon ng manggagawang Pilipino
29.
29. Si Nadine Bernardo ay graduate ng BS Education. Dahil sa hirap siya na makapasok sa pagtuturo, siya ay namasukan sa Ayala Mall bilang isang kahera. Ang sitwasyon ni Nadine ay isang halimbawa ng underemployment. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahulugan ng underemployment?
a)
Tumutukoy sa kawalan ng trabaho ng isang tao.
b)
Isang kalagayan ng kung saan nahihirapan na makakuha ng trabaho ang isang manggagawa.
c)
Tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang isang manggagawa ay nakakuha ng trabaho na hindi angkop sa kanyang kakayahan o natapos na kurso.
d)
Tumutukoy sa sistema ng paggawa na may nakatakdang panahon o oras ng paggawa.
30.
30. Sa isinagawang survey ng ABS-CBN at Jobstreet Phils., natukoy na 5.8 oras kada araw lamang ang tulog ng mga manggagawa sa BPO na nagreresulta sa mga isyung pangkalusugan. Ano ang dapat gawin upang maprotektahan ang kalusugan ng mga call center agents?
a)
Ipagbawal ang graveyard shifts
b)
Mahigpit na ipatupad ang 8-hour labor law
c)
Ipagbawal ang mga overtime sa mga kompanya
d)
Magkaloob ng health insurance sa mga call center agents
31.
31. Ito ay isang suliranin sa paggawa kung saan ang isang kompanya ay kumukuha ng empleyado o ahensya upang tumulong na tapusin ang isang proyekto.
a)
Kontraktwalisasyon
b)
Job contracting
c)
Flexible contracting
d)
Subcontracting
32.
32. Isang kompanya ang HINDI nagbibigay ng Social Security System (SSS), PhilHealth at benepisyo kagaya ng sick leave sa mga manggagawa. Anong haligi ng disente at marangal na paggawa ang nalabag nito?
a)
Employment Pillar
b)
Workers' Rights Pillar
c)
Social Protection Pillar
d)
Social Dialogue Pillar
33.
33. Kung ikaw ay estudyante na bahagi ng career guidance program, paano mo maipapakita ang kritikal na pag-evaluate sa mga isyu ng paggawa?
a)
Kung ikaw ay estudyante na bahagi ng career guidance program, paano mo maipapakita ang kritikal na pag-evaluate sa mga isyu ng paggawa?
b)
Pagpili ng kurso na tumutugon sa pangangailangan ng lipunan at ekonomiya
c)
Pagpili ng kursong pinakamadaling tapusin
d)
Pagpili ng kursong pinili ng magulang
34.
34. Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagpapatupad ng mga programang nagsusulong ng disenteng paggawa. Ano ang layunin ng mga programang ito?
a)
Upang padaliin ang pagkuha ng dayuhang manggagawa
b)
Upang maprotektahan ang karapatan at kapakanan ng mga manggagawa
c)
Upang palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at mga negosyo
d)
Upang patatagin ang karapatan ng mga manggagawa
35.
35. Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagpapatupad ng TUPAD program para sa mga nawalan ng trabaho. Sa pagsusuri, alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang epekto nito?
a)
Nagbibigay ng pansamantalang trabaho habang naghihintay ng permanenteng hanapbuhay
b)
Pinipilit ang mga manggagawa na manatili sa pamahalaan
c)
Nagpapababa ng bilang ng mga naghahanap ng trabao
d)
Nagpapataas ng buwis para sa mga mamamayan
36.
36. Ang RA 11058 o Occupational Safety and Health Standards Law ay ipinatupad upang matiyak ang kaligtasan ng manggagawa. Ano ang pinakamahalagang epekto ng batas na ito sa lugar ng paggawa?
a)
Nagbibigay ng parusa sa mga manggagawang lalabag sa patakaran
b)
Nagpapahintulot ng mas mahabang oras ng trabaho
c)
Nagpapababa ng panganib sa aksidente at nagtataguyod ng kaligtasan
d)
Nagpapahintulot ng pagtanggal sa mga trabahador kapag nasugatan
37.
37. Napansin mong ang iyong magulang ay nagtatrabaho nang higit sa 12 oras araw-araw ngunit hindi binabayaran ng overtime pay. Bilang mag-aaral, ano ang dapat mong gawin?
a)
Manahimik na lamang upang hindi masibak sa trabaho ang magulang
b)
Hikayatin ang magulang na makipag-ugnayan sa DOLE upang ipaalam ang sitwasyon
c)
Sabihan ang magulang na umalis agad sa trabaho
d)
Mag-post sa social media upang ipahiya ang employer
38.
38. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas dumarami na ang bilang ngmna-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktuwal kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?
a)
Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular.
b)
Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.
c)
Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuhang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa.
d)
Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya na gawing kaswal sa mga manggagawang Pilipino.
39.
39. Ang mga sumusunod ay ang mga suliranin na kinakaharap ng sekto ng agrikultura MALIBAN sa:
a)
kakulangan para sa patubig
b)
pagkonbert ng lupang sakahan
c)
kakulangan ng suporta ng pamahalaan
d)
hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga manggagawa
40.
40. Nilalayon nitong palakasin at siguruhin ang paglikha ng mga batas at para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng karapatan ng mga manggagawa. Alin sa apat na haligi ng disente at marangal na paggawa ang tinutukoy?
a)
Employment Pillar
b)
Worker’s Right Pillar
c)
Social Protection Pillar
d)
Social Dialogue
41.
A. Mga angkop na kasanayan sa ika-21 siglo (DepEd, 2012)
a)
Media and Technology Skills
b)
Social and Emotional Skills
c)
Learning and Innovation Skills
d)
Life and Career Skills
e)
Communication Skills
42.
B. Iba pang terminolihiya na tumutukoy sa kontraktwalisasyon.
a)
ENDO
b)
5-5-5
c)
Seasonal work
d)
Contract of Service
e)
Kaswal
43.
C. Mga Katagian ng Labor-Only Contracting
a)
May sariling puhunan, kagamitan at pamamalakad ang kontratista
b)
May kontrol sa paraan ng paggawa at sa kanyang mga manggagawa
c)
Walang sapat na puhunan, kagamitan o kontrol ang kontratista
d)
Ipinagbabawal ng batas
e)
Legal, kung sumusunod sa kondisyon ng batas
44.
D. Mga halimbawa ng hard to fill-in jobs o mga trabaho na mahirap punan mula sa mga major at emerging industries (DOLE, 2016)
a)
nurse
b)
mechatronics engineer
c)
dentist
d)
2D digital animator
e)
visual artist