wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 10

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapapaliwanag tungkol sa dimensyon ng globalisasyong teknolohikal at sosyo-kultural?

a)

Paglago ng mga Business Processing Outsourcing sa bansa.

b)

Pag-usbong ng pandaigdigang kalakalan tulad ng MNCs at TNCs.

c)

Pagkakahilig ng mga kabataang Pilipino sa banyagang musika tulad ng Korean Pop Music.

d)

Pakikipaksunduan ng mga bansa sa pamamagitan ng ASEAN ay nauuwi sa mabilisang pagpapalitan ng produkto at serbisyo.

2.

Alin sa sumusunod na mga pahayag ang HINDI dahilan ng pagkakaroon ng globalisasyon?

a)

paghahangad ng mga tao na mapanatiling buo ang pamilya

b)

paghahangad ng mga tao na matugunan ang pangangailangan sa buhay

c)

pagbagsak ng Soviet Union na naging dahilan sa pagsisimula ng Cold War

d)

pag-usbong ng Estados Unidos bilang global power matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

3.

Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng tao sa larangan ng komunikasyon?

a)

pagpasok ng mga dayuhang produkto at serbisyo sa loob ng bansa

b)

pagpapadala ng mensahe gamit ang iba’t ibang social media platforms

c)

paglalaganap ng mga imbensyon at gadgets upang mapabilis ang pamumuhay ng tao

d)

pyakap ng mga Pilipino sa iba’t ibang paniniwala at kultura mula sa ibang bansa

4.

Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng epekto ng globalisasyon sa kasalukuyan?

a)

Naging bukas ang Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa sa pamamagitan ng pandaigdigang samahan.

b)

Nakaraating ang mga produkto ng Pilipinas sa Spain sa pamamagitan ng barkong Galleon.

c)

Lumaganap ang relihiyong Romano Katolisismo sa pamamagitan ng kolonisasyon.

d)

Nagpapalitan ng produkto ang mga Pilipino sa pamamagitan ng barter system.

5.

Alin sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapaliwanag tungkol sa globalisasyong ekonomiko?

I. paglago ng outsourcing sa sektor ng serbisyo

II. pagsisimula ng mga pandaigdigang samahan tulad ng ASEAN

III. paglagda ng mga bansa sa mga bilateral at multi-lateral na kasunduan

IV. pag-usbong ng mga Multinational Companies (MNCs) at Transnational Companies (TNCs)

a)

I at IV

b)

III at IV

c)

II at III

d)

I, II, at III

6.

Alin sa sumusunod ang epekto sa pagdami ng mga korporasyon sa bansa?

a)

pagtaas ng unemployment rate

b)

paglaganap ng mga social networking sites

c)

paglika ng oportunidad sa mga Pilipino upang makapagnegosyo

d)

pagdami ng ng mga produkto at serbisyong pagpipilian ng mga konsyumer

7.

Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong dulot ng globalisasyon?

a)

nagkakaroon ng kontraktwalisasyon sa trabaho

b)

pagkalat ng mga spam messages and viruses sa mga kompyuter at mobile devices

c)

napapadali ang paghingi ng tulong at pagkalat ng impormasyon sa panahon ng kalamidad

d)

napapadali ang pag-copy at paste ng mga konsepto at kaisipan ng ibang tao na maaaring ma download mula sa internet

8.

Alin sa sumusunod ang maituturing na isa sa mga epekto ng globalisasyon sa kultura ng tao?

a)

Pagkawatak-watak ang pamilya

b)

Pagbago ng mga nakagisnang gawi ng tao

c)

Pagdami ng mga korporasyon sa bansa

d)

Pagpadali ng komunikasyon ng mga tao sa lipunan

9.

Ayon sa ulat ng Manila Times, ang pagkakaroon ng Business Processing Outsourcing (BPOs) ay nagbukas ng oportunidad sa mga manggagawang Pilipino. Sa iyong palagay, nakabuti ba ito sa ating ekonomiya?

a)

Oo, dahil tanda ito ng pag-unlad ng buhay ng tao.

b)

Oo, dahil nagbigay ito ng trabaho sa mga Pilipino.

c)

Oo, dahil tinugunan ang kinakailangang serbisyo ng mga Pilipino.

d)

Oo, dahil nakatulong ito sa pang-araw-araw na pangangailangan ng tao.

10.

Bilang mag-aaral, may positibong dulot ba ang globalisasyon sa iyo?

a)

Oo, dahil may mabibili na akong pagkaing masasarap.

b)

Oo, dahil mas napag-aaralan ko nang mabuti ang mga konsepto ng globalisasyon.

c)

Oo, dahil nagkaroon ako ng maraming kaibigan mula sa ibang bansa.

d)

Oo, dahil nagkaroon ng makabagong kagamitan at ideya na nakatulong sa aking pag-aaral.

11.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa Worker’s Rights Pillar na isa sa mga Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa?

a)

Siguraduhing ang paglalikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

b)

Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa mga manggagawa.

c)

Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.

d)

Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod at oportunidad.

12.

Ang pagdami ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal ay nagpapahirap sa mga magsasaka. Ano ang epekto nito?

a)

Mas nabibigyang-pansin ng pamahalaan ang mga produkto ng mga dayuhan kaysa sa produktong lokal.

b)

Mas mahal ang mga produktong banyaga at tinatangkilik ng mga Pilipino dahil galing daw ito sa ibang bansa.

c)

Mas mura ang pagbebenta ng mga dayuhang produkto sa bansa kumpara sa produktong lokal kung kaya ay mas tinatangkilik ang produktong banyaga.

d)

Mas mura ang pagbebenta ng mga produkto ng magsasaka ngunit hindi dekalidad ang mga produktong ito, kaya mas bibilhin ng mga tao ang produktong banyaga.

13.

Ano ang isa sa mga isyu na kinakaharap ng mga magsasaka sa pagpasok ng dayuhang produkto?

a)

Deregularisasyon

b)

Kontraktwalisasyon

c)

Liberaliasyon

d)

Regularisasyon

14.

Naging problema ang pagpasok ng mga transnational companies para sa mga iilang manggagawa dahil sa ________.

a)

madaling trabaho na angkop sa kakayahan ng mga manggagawa.

b)

mababang pasahod at hindi sapat na benepisyong natatanggap.

c)

pagkakaroon ng karapatan at unyon ng mga manggagawa.

d)

mga makinariyang ipinapagamit sa mga manggagawa.

15.

Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng job mismatch?

a)

Ang kakayahan o kwalipikasyon ng mga manggagawa ay hindi angkop sa mga trabahong in-demand.

b)

Ang mga nalikhang trabaho ay nakatuon lamang sa sektor ng agrikultura at industriya.

c)

Kawalan ng suporta ng pamahalaan sa sektor ng paggawa.

d)

Kakulangan sa kamalayang panlipunan.

16.

Kinilala ang Pilipinas bilang isa sa mga “emerging and developing countries” dahil sa __.

a)

paglawak ng sektor ng industriya sa bansa.

b)

pagsulong ng mga agrikultura at industriya ng bansa.

c)

paglago ng Gross Domestic Product ng bansa dulot ng sektor ng serbisyo.

d)

pagtaas ng bahagdan ng mga manggagawa ay nagmumula sa sektor ng industriya

17.

Bakit hindi pinahihintulutan ng batas ang Job-contracting?

a)

Walang seguridad ang mga manggagawa.

b)

Kakulangan ng puhunan ng mga subcontractor.

c)

Hindi pinahihintulutan ang pagtatag ng mga unyon para sa mga manggagawa.

d)

Mayroong sapat na puhunan ang mga subcontractor ngunit hindi naibibigay sa mga manggagawa ang sapat na benepisyo.

18.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng unemployment rate sa bansa?

a)

Mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa pagnenegosyo.

b)

Pangingibang bansa ng mga manggagawa.

c)

Kakulangan ng oportunidad sa trabaho.

d)

Mapili ang mga Pilipino sa trabaho.

19.

Ayon sa pagtataya ng Philippine Statistics Authority (PSA), umaabot na sa 8 milyon ang kabuuang Overseas Filipino Workers (OFWs) at patuloy itong lumalaki taon-taon. Ano ang dahilan ng pagdami ng mga OFWs?

a)

Walang kasiguruhan ang trabaho sa bansa dahil sa kontraktwalisasyon.

b)

Kawalan ng oportunidad at mababang pasahod sa Pilipinas.

c)

Mas marangal at maayos ang trabaho sa ibang bansa.

d)

Angkop sa kasanayan ang trabaho sa ibang bansa.

20.

Ano ang layunin ng Social Protection Pillar para sa mga manggagawa?

a)

Hikayatin ang mga kumpanya, pamahalaan at mga sangkot sa paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod at oportunidad.

b)

Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga manggagawa at kumpanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective bargaining unit.

c)

Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at pantay na oportunidad sa paggawa at maayos na workplace para sa mga manggagawa.

d)

Siguraduhing ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.

21.

Tinatayang nagmula sa Asya ang pinakmalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa noong taong 2013. Ano ang dahilan nito?

a)

pakikipagkalakalan ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa

b)

paghahanap ng mas maayos at disenteng oportunidad

c)

pakikipagsapalaran sa ibang bansa

d)

pamamasyal bilang turista

22.

Alin sa sumusunod ang halimbawa ng push factor ng migrasyon?

a)

kaguluhan o banta sa seguridad

b)

benepisyo mula sa gobyerno

c)

paghikayat ng pamilya

d)

mataas na sahod

23.

Upang matakasan ang militarisasyon dulot ng digmaan at kaguluhan sa kanilang lugar, minabuti ng pamilya ni Jay na lumipat sa ibang lugar. Alin sa sumusunod na salik ng migrasyon ang inilalarawan ng sitwasyong ito?

a)

Pull factor, sapagkat ito ay dulot ng paghihikayat ng kanilang kapamilya na tumira sa ibang lugar.

b)

Pull factor, sapagkat ito ay dulot ng banta sa seguridad.

c)

Push factor, sapagkat ito ay dulot ng banta sa kalusugan at seguridad.

d)

Push factor, sapagkat ang paglipat nila ay dulot ng oportunidad na pang-ekonomiya.

24.

Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang TAMA tungkol sa permanent migrant?

a)

Si Cathy ay nakakuha ng permit upang makapag-aral sa ibang bansa.

b)

Si Genesis ay nakakuha ng visa upang makapagtrabaho bilang guro sa Estados Unidos.

c)

Si Cristina ay nakakuha ng citizenship sa Estados Unidos matapos maikasal sa isang Amerikano.

d)

Si Ivan ay nagpatuloy pa ring nanirahan sa Estados Unidos kahit natapos na ang kanyang kontrata sa pagiging manggagawa.

25.

Para sa aytem 25-26, suriin ang graph tungkol sa 2020 World Migration Report mula sa World Economic Forum at sagutin ang sumusunod na katanungan.

- Batay sa graph, anong taon ang may pinakamatataas na bilang ng migrants?

a)

2015

b)

2019

c)

2005

d)

1995

26.

Ilang milyong migrants ang nadagdag mula 1995 hanggang 2019?

a)

98 milyon

b)

84 milyon

c)

80 milyon

d)

75 milyon

27.

Batay sa graph, anong taon ay mayroong pinakamataas na agwat ng porsyento ng migrants?

a)

1995 at 2000

b)

2000 at 2005

c)

2010 at 2015

d)

2015 at 2019

28.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang maituturing na human trafficking?

a)

Pag-atake ng mga pirata sa mga barkong naglalayag sa karagatan.

b)

Paglaki ng mga teroristang grupo o mga radikal na nagsusulong ng pampolitikang layunin tulad ng ISIS.

c)

Paglalagap ng mail order bride na ikinakakalakal ang mga kababaihan upang maging asawa ng mga Europeong lalaki.

d)

Pagbebenta ng mga ipinagbabawal na droga sa mga bansa tulad ng Golden Triangle sa rehiyon sa Timog-Silangang Asya.

29.

Noong kasagsagan ng COVID-19, ipinanuakla ng ating pamahalaan na pigilan muna ang mga medical workers na mangibang-bansa. Sa iyong palagay, makatarungan ba ang panukalang ito?

a)

Oo, dahil kinakailangan ang kanilang kasanayan sa ating bansa subalit nararapat din na bigyang-pansin ng pamahalaan ang pagpapataas ng kanilang sahod.

b)

Oo, dahil ito ay kabilang sa kanilang sinumpaang tungkulin ang pangalagaan ang mga kababayang may sakit at nangangailangan ito ng tulog ng mga medical workers.

c)

Hindi, dahil karapatan nila na magdesisyon sa kung ano ang tatahakin.

d)

Hindi, dahil mas maraming oportunidad at mataas ang pasahod sa ibang bansa.

30.

Sang-ayon ka bang tanggapin at manirahan ang mga biktima ng digmaan o refugees sa ating bansa?

a)

Oo, nararapat na sila ay tulungan na magkaroon ng pansamantalang masisilungan.

b)

Oo, wala na silang ibang mapuntahan. kundi sa ating bansa lamang.

c)

Hindi, ilan sa kanila ay maaaring miyembro ng teroristang grupo.

d)

Hindi, magdudulot lamang sila ng kaguluhan sa bansa.

31.

Naging mahalaga ang guarded globalization sa pagharap ng hamon ng globalisasyon dahil

a)

nagsisilib ito proteksyon sa mga lokal na namumuhunan upang mahikayat na makipagsabayan sa kompetisyon laban sa malalaking negosyante.

b)

napapanatili nito ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbapabili.

c)

natutulungan nito ang mga pinakamahirap lalong lalo na ang mga nagmumula sa 181 na bansa sa Asya at Aprika.

d)

napapanagalagaan nito ang interes ng mga negosyante at kalagayang ekolohikal at panlipunan.

32.

Ano ang epekto ng pagpataw ng buwis sa mga produkto at serbisyo na nagmumula sa ibang bansa?

a)

Bumabaaba ang presyo ng mga lokal na produkto at serbisyo kaya naman mas tinatangkilik ng mga konsyumer ang mga produkto at serbisyong ito.

b)

Tumataas ang presyo ng mga dayuhang produkto at serbisyo kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal.

c)

Napapadali ang pagbebenta ng mga produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa dahil legal ang mga ito.

d)

Humihina ang mga lokal na produkto at serbisyo sa pamilihan.

33.

Pagpapanatili ng tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon.

a)

A. Guarded Globalization

b)

B. pagtulong sa Bottom Billion

c)

C. Fair Trade o Pantay na Kalakalan

d)

D. Economic Protectionism

34.

Pangangalaga ng karapatan ng mga manggagawa, pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho anuman ang kasarian.

a)

A. Hindi Pantay na Kalakalan

b)

B. Walang Karapatan

c)

C. Fair Trade o Pantay na Kalakalan

d)

D. Manggagawa ng Bansa

35.

Pagbibigay ng pamahalaan ng tulong pinansiyal sa mga lokal na namumuhunan.

a)

Guarded Globalization

b)

pagtulong sa Bottom Billion

c)

Fair Trade o Pantay na Kalakalan

d)

Economic Protectionism

36.

Bakit nararapat na pagtuonan ng pansin ang bottom billion o ang bilyong pinakamahirap na mga tao mula sa 181 na bansa sa Asya at Africa?

a)

Nababawasan ang pundo ng mga mauunlad na bansa dahil sa pagbibigay ng economic aid sa mga mahihirap na bansa.

b)

Nakaaapekto ito sa kabuuang ekonomiya ng daigdig kaya naman maituturíng itong suliraning pang ekonomiya.

c)

Pagtataas ng insidente ng krimen dahil sa kahirapang nangyayari sa mga bansang ito.

d)

Pagdami ng populasyon ng bansa dahil sa kahirapan.

37.

Para sa aytem 37 hanggang 39, basahin at unawain ang nakapaloob sa talata: Maraming bansa ang nakinabang sa patakarang nangangalaga sa kapakanan ng mga namumuhunang lokal sa mga umuunlad na bansa (developing nations). Isa sa mga halimbawa ay ang bansang Brazil na nakinabang sa pagbebenta ng kanilang coffee bean na nagkakahalaga ng $1.29 per pound kung ihahambing sa $1.25 sa pamilihan. Upang maging kuwalipikado, kinakailangan na ang magsasaka ay makasunod sa mga alituntunin sa paggamit ng pesticide, teknik sa pagsasaka, recycling at iba pa. Samantalang, mayroon ding mga bansa ang hindi nakinabang sa patakarang ito tulad na lamang ng Ethiopia. Malaki ang kinikita ng Starbucks mula sa mataas na uri ng kape mula sa Ethiopia ngunit hindi ang mga magsasaka ng kape. Sa katunayan, isang sentimo lamang mula sa limang dolyar kada tasa ng kape ng Starbucks ang natatanggap ng mga magsasakang ito. Kaya naman, malayo pa ang lalakbayin ng programa o proyektong ito upang higit na mapakinabangan ng mga umuunlad na bansa. (Mula sa Q2 – Modyul 4: Globalisasyon: Pagtugon sa Hamon, Pahina 10)

Batay sa teksto, anong uri ng tugon sa isyu ng globalisasyon ang inilalarawan?

a)

Guarded globalization

b)

Pagtulong sa bottom billion

c)

Fair trade

d)

Economic Subsidy

38.

Naging epektibo ba ang patakarang ipinatupad sa Ethiopia?

a)

Oo, dahil binili ng Starbucks ang kanilang mga aning kape.

b)

Oo, dahil maraming magsasaka ng kape ang nagkaroon ng konsyumer.

c)

Hindi, dahil mura ang bili ng Starbucks sa kanilang kape na sinasabing isang sentimo mula sa limang dolyar na tasa ng kape.

d)

Hindi, dahil sa ibang bansa bumibili ang starbucks ng mga kapeng ginagamit nila sa kanilang tinitindang produkto kaya naman nahihirapan ang magsasaka ipagbili ang kanilang mga aning kape.

39.

Bakit naging epektibo ang fair trade sa Brazil?

a)

maayos ang pagpapatupad ng patakarang ito sa kanilang bansa

b)

umuunlad at marami ang magsasakang nangangailangan ng tulong

c)

nakasunod ang mga magsasaka sa alintuntunin ng kanilang pamahalaan

d)

marami at de kalidad ang kanilang aning kape kaya naman mas mahal ito kaysa sa kape ng dayuhan

40.

Patuloy pa rin ang pamimigay ng mga economic aid ng mga mayayamang bansa sa isang bilyong pinakamahirap mula sa Aprika at Asya. Anong pagtugon ang ipinapakita sa sitwasyong ito?

a)

economic freedom

b)

fair trade

c)

guarded globalization

d)

pagtulong sa “bottom billion”