NEW
Font size
WorksheetsMaikling Pagsusulit Sa Mabisang Komunikasyon:
Total questions: 10
Worksheet time: 5mins
1. Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkomunikasyon?
A. Pagsayaw sa harap ng tao
B. Pagpapalitan ng ideya, impormasyon, o damdamin
C. Paglalaro ng mga salita
D. Pagpapakita ng kilos lamang
2. Alin sa mga ito ang halimbawa ng pasalitang komunikasyon?
A. Pag-text sa kaibigan
B. Pagsulat ng liham
C. Pakikipag-usap nang harapan
D. Pagsenyas gamit ang kamay
3. Ano ang tawag sa komunikasyong gumagamit ng katawan o ekspresyon ng mukha?
A. Pasalita
B. Pasulat
C. Di pasalita
D. Elektroniko
4. Kapag nagsusulat tayo ng liham o mensahe, anong paraan ng komunikasyon ang ginagamit natin?
A. Pasulat
B. Pasalita
C. Di-pasalita
D. Digital
5. Ano ang unang bahagi ng proseso ng komunikasyon?
A. Mensahe
B. Tagatanggap
C. Pinagmulan (Sender)
D. Tugon
6. Sino ang taong nakakatanggap ng mensahe?
A. Tagapagsalita
B. Tagatanggap
C. Tagabasa
D. Tagasulat
7. Ano ang tawag sa reaksyon o sagot ng tagatanggap sa mensahe?
A. Mensahe
B. Tugon (Feedback)
C. Pinagmulan
D. Komento
8. Alin sa mga ito ang elektronikong komunikasyon
A. Pagsulat ng liham sa papel
B. Pagpapadala ng mensahe sa cellphone
C. Pakikipag-usap sa kaibigan
D. Pagpirma sa dokumento
9. Bakit mahalaga ang pakikipagkomunikasyon?
A. Para mag-away
B. Para lang makipagkwentuhan
C. Para magkaunawaan at magkaroon ng mabuting ugnayan
D. Para maging sikat
10. Paano natin mapapabuti ang pakikipagkomunikasyon?
A. Sa pamamagitan ng pagsigaw
B. Sa malinaw na pagpapahayag at maingat na pakikinig
C. Sa pag-iwas makinig sa iba
D. Sa pagdaldal nang walang tigil.
