wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 5 QUARTER 2

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol noong 1521 ay may pagkakakilanlang kultural na ang mga sinaunang Pilipino, ano ang tawag sa isang pangkalahatang kultura ng isang bansa o pamamaraan ng pamumuhay ng mga mamamayan?

a)

Kultura

b)

Pamahiin

c)

Kalinangang bayan

d)

Pananampalataya

2.

Mayroon nang manunulat na kultura ang mga sinaunang Pilipino bago pa tayo masakop ng Espanya, ayon ito sa aklat na isinulat ni Antonio de Morga, ano ang pamagat ng aklat na ito?

a)

Fray Botod

b)

La Liga Filipina

c)

Succesos de las Palmas

d)

Sucesos de las Islas Filipinas

3.

Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa isang dakilang lumikha na mas nakakataas sa kanila. Sinasamba rin nila ang kalikasan dahil sa paniniwalang ito ay pinananahanan ng mga Espiritu, ano ang tawag sa paniniwalang ito?

a)

atheism o ateismo

b)

politeismo o politeismo

c)

Animism o animismo (anitusmo)

d)

monoteismo o monoteismo

4.

Malaki ang pagpapahalaga ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang mga patay o yumao, ano ang tawag sa paglalamay sa patay na lalaki?

a)

Bangaw

b)

Maglahe

c)

Laraw

d)

Morotal

5.

Ang mga sinaunang Pilipino ay inilalaag nila ang mga buto ng mga yumao sa malalaking banga o palayok, ano ang nagsilbing kabaong o libingan ng mga sinaunang Pilipino noon?

a)

Bangar jar

b)

Mananggul jar

c)

Bungul jar

d)

Manunggul jar

6.

Maliban sa pagsamba sa mga Espiritu ang ilan naman ay naniniwala at sumasamba sa maraming diyos at diyosa, ano ang tawag sa paniniwalang ito?

a)

atheism o ateismo

b)

politeismo o politeismo

c)

Animismo o animismo (anitusmo)

d)

monoteismo o monoteismo

7.

Upang makuha ang pabor ng kanilang mga diyos ay nag-aalay ng ritwal ang mga sinaunang Pilipino at mga handog tulad ng alak, pagkain, ginto, at iba pang bagay. Ang ritwal ay pinangungunahan ng mga paring babae na tinatawag na ______?

a)

Babalyan o Katalonan

b)

Pintados

c)

Pandot

d)

Mumbaki

8.

Ang paglalamay sa mga datu ay may katawagan, sa panahong ito ipinagbabawal ang away, ang mga sibat ay dinadala na nakababa ang talim, at walang umaawit sa isang papawang bangka, ano ang tawag dito?

a)

Bangaw

b)

Maglahe

c)

Laraw

d)

Morotal

9.

Isa ito sa pinakatanyag na eskultura ng Hilagang Luzon, lalo na sa Cordillera na estawang kahoy na anyong-tao at kumakatawan sa diyos ng palay ng mga Ifugao

a)

Bul-ul

b)

Ling-ling-o

c)

Hanging coffin

d)

Manunggul jar

10.

Ang mga Muslim ay may relihiyon na hango sa salitang Arabe na nangangahulugang “pagsuko” o “dedikasyon kay Allah, ano ang tawag sa relihiyong ito?

a)

Animismo

b)

Islam

c)

Hudaismo

d)

Protestantismo

11.

Ang relihiyong Islam ay may limang haligi, ano ang tawag sa pagbibigay-limos o pagtulong sa oras ng pangangailangan sa kapwa tulad ng mahihirap, mga nauulila, at nasalanta ng trahedya o kalamidad?

a)

Salat

b)

Shahada

c)

Saum

d)

Zakat

12.

Bago mapasagot ang mga dalaga noong unang panahon ay maraming pagdadaanan ang mga kalalakihan, paano sila manligaw noon?

a)

Sumisid sa ilog para mang karapat-dapat

b)

Umaakyat ng bundok at nag-aalay ng mga hayop sa dalaga

c)

Sila ay nangangharana at pinagsibisibilan ang mga mag kadalagahan

d)

Nagpapakagat sa mga tigangulang upang patunayan tunay ang kanilang pag-ibig

13.

Alin sa pahayag ang IJAMA tungkol sa bigay-kaya o dote?

a)

Ito ay ibibigay sa lolo at lola ng dalaga

b)

Ito ay ibibigay sa mga kamag-anak na mahihirap ng dalaga

c)

Ito ay ibibigay sa mga magulang ng dalaga

d)

Ito ay ibibigay sa mga kapatid na lalaki ng dalaga

14.

Bago magpakasal ang dalaga sa binata noong unang panahon may ibinibigay ang binata sa mga magulang ng dalaga na maaaring salapi na tinatawag na panghimuyat, para saan daw ito?

a)

Bilang pabuya sa magulang na nagsilang sa dalaga

b)

Bilang alay o pasasalamat sa pagsilang sa dalaga

c)

Bilang pagkilala sa pagkakaroon ng mabait at magandang anak

d)

Bilang bayad sa mga araw at gabi ng pagbabantay at pagpupuyat ng mga magulang mula pagkabata hanggang magdalaga.

15.

Ayon kay Padre Chirino, sinabi niya na pangkaraniwan nang hindi pa man isinilang ang mga bata ay ipinagkakasundo na ng mga magulang ng magkaibang angkan. Paano kung magkaparehong kasarian ang isinilang ng dalawang panig, paano ito natutupad?

a)

hindi na matutuloy ang kasunduan

b)

ipapakasal pa rin sila kahit parehong kasarian

c)

ang kasunduan ay tinutupad sa susunod na pagsisilang

d)

mag-uusap ang dalawang panig at puputulin na ang kasunduan

16.

Bago pa man dumating ang mga Espanyol ay halos lahat ng babae at lalaki ay marunong nang bumasa at sumulat, ang pahayag ay _____?

a)

Mali

b)

Tama

c)

Maari

d)

Hindi sigurado

17.

Ang pamilya ay kinikilalang pinakamalilit at pinakamahalagang pangkat ng Lipunan. Ano ang salitang maring maglarawan sa pamilyang Patriarka?

a)

Kung magkakasama ang pamilya kasama sina lolo at lola

b)

Kung ang ama lamang ang kasama sa bahay ng mag-anak

c)

Kung ang ina o ang ama lamang ang bumubuhay sa pamilya

d)

Kung ang ama ang kinikilalang puno, tagapagbigay ng mga pangangailangan at tagapagtanggol ng kanyang mga anak

18.

Pinaunlad ng mga sinaunang Pilipino ang paggawa ng mga sasakyang pandagat para sa iba’t-ibang gamit, tinawag na Karakoa ang malalaking sasakyang pandagat na ginamit sa digmaan, ang salitang nasalungguhitan ay _______

a)

Tama

b)

Mali

c)

Maari

d)

Hindi sigurado

19.

Mayroong awit at sayaw ang mga sinaunang Pilipino para sa iba’t ibang pagdiriwang at gawain. Paano inilalarawan ang tinatawag na Dallot?

a)

sinasayaw ito sa bukid

b)

inaawit ito pag namimitngwit

c)

sinasayaw ito kapag sila ay nag-aani

d)

binibigkas ito ng paawit-hinranga ng sinaunang Ilocano ang kanilang iniirong panauhin

20.

Ang Dantay ng sugay ng kalabaw na hinihiinan ng mga Tagalog, paano naman pinatutunog ang kaleleng ng mga taga-Bontok?

a)

pinatutunog gamit ang ngipin

b)

pinatutunog gamit ang ilong

c)

pinatutunog gamit ang patpat

d)

pinatutunog gamit ang daliri

21.

May mga sayaw rin sila noong unang panahon na bahagi ng ritwal nila, may mga sayaw kapag sila ay mglilibiling, magpapatuyo ng isda, mag-aani at magtataniam. Ano ang maaari nating mahinuha sa mga sayaw nila noong unang panahon?

a)

Sumasayaw sila kailanman nila gustuhin

b)

Sumasayaw sila kapag masaya sila o nalulungkot

c)

May iba’t-ibang sayaw sa bawat okasyon o gawain

d)

Sumasayaw sila kapag sila ay may mga handaan o kainan

22.

Ang Pagdindata ay awit na pasasalamat para sa magandanang ani ng mga Tagbanwa sa Palawan, ano naman ang Salsid si mga taga-Kalinga?

a)

sayaw ng panliligaw

b)

sayaw sa pag-aani

c)

sayaw sa pagpatuyo ng isda

d)

sayaw sa paglibing

23.

Naglalagay ang mga sinaunang Pilipino sa kanilang katawan ng mga tato o mga permanenteng disenyo at marka sa balat. Bakit sila naglalagay ng tato sa katawan?

a)

tanda ito ng pagiging mahirap

b)

tanda ito ng mga duwag sa labanan

c)

tanda ito ng may maraming asawa

d)

tanda raw ito ng tapang at mga tagumpay ng mga mandirigma

24.

Ang paglaganap ng Islam ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng pamahalaang Sultanato. Paano naiiba ang Sultanato sa Barangay?

a)

Mas malaki ang Sultanato sa barangay

b)

Mas organisado ang barangay sa Sultanato

c)

Mas kaunti ang sakop ng Sultanato kumpara sa Barangay

d)

Mas makapangyarihan at mas matapang ang pinuno sa barangay

25.

Nakipag-ugnayan ang iba’t-ibang mga dayuhan sa ating bansa upang makipagkalakalan, alin sa mga sumusunod ang HINDI dala sa atin ng mga Arabe?

a)

Alibata

b)

kalendar­yo

c)

guhit-okir ng Tausug

d)

sari­manok ng Maranao

26.

Ang mga wikang tulad ng sulat, pilat, alamat, apo, bukas, alak at maalam ay impluwensiya mula sa mga ________?

a)

Arabe

b)

Hapon

c)

India

d)

Tsina

27.

Sa mahabang panahon ng pakikipag-ugnayan natin sa ibang bansa, malaki ang naging impluwensiya nila sa ating kultura, kanino galing ang mga kagamitang tulad ng tapayang porselana, kristal, plorera, patalim, telang seda at jade?

a)

Arabe

b)

Hapon

c)

India

d)

Tsina

28.

Tayo ay may pagkakaiba ng relihiyon, wika, kaugalian, at hanapbuhay sa ibang mga bansa, ano ang tawag sa paghahambing sa pagkakaiba ng dalawa o higit pang kultura?

a)

Cultural Diversity

b)

Cultural Relativism

c)

Ethnocentrism

d)

Socio-cultural

29.

Ang mga sinaunang Pilipino ay nanirahan sa mga kagubatan, yungib at kabundukan, alin sa mga sumusunod na yungib ang HINDI pinaninirahan ng mga ninuno natin?

a)

Yungib ng Callao sa Cagayan

b)

Yungib ng Tabon sa Palawan

c)

Yungib ng Bato sa Sorsogon

d)

Yungib ng Pinagre­alsan sa Bulacan

30.

Sa pagdaan ng panahon, lumikas at nabawasan ang mga nanirahan sa mga kuweba o yungib at lumipat sila sa kapatagan at nagtayo sila ng kanilang silungan na tinatawag na ________?

a)

Rakuh

b)

Torogan

c)

Tree house

d)

Lean-to at Double-Sided Lean-to

31.

Ang iba sa mga ninuno natin ay piniling manirahan sa mga sanga ng matataas na puno at doon gumawa ng bahay. Ano ang tawag sa ganitong uri ng bahay?

a)

Bahay-kubo

b)

Bangkang tirahan

c)

Bahay sa baybay-dagat

d)

Tirahan sa punongkahoy

32.

Ang ibang bahay naman na itinayo ay nakaangat sa tubig, karaniwang mayroon lamang na isang palapag at ang sahig ay pawang may mga siwang upang mas madali sa mga nakatira dito ang paglilinis. Anong uri ng bahay ito?

a)

Bahay-kubo

b)

Bangkang tirahan

c)

Bahay sa baybay-dagat

d)

Tirahan sa punongkahoy

33.

Sari-sari ang mga disenyo, laki at mga anyo ng mga tirahang ito. Pawang yari sa kahoy at kawayan ang mga ito at mayroon ring mga kagamitan gaya ng ilaw, lampara, lutuan, plato, banig, unan at sisidlan ng tubig. Ito ay ang ________?

a)

Bahay-kubo

b)

Bangkang tirahan

c)

Bahay sa baybay-dagat

d)

Tirahan sa punongkahoy

34.

Ang mga sinaunang Pilipino ay nanirahan sa bahay-kubo, paano naman ang tirahang ito ng ating mga ninuno?

a)

konkreto ito at malaki

b)

matibay ito at gawa sa semento

c)

maluwang ang sala nito at may mga silid

d)

ang dingding nito ay kadalasang yari sa kawayan, kahoy, kogon o pawid, at ang bubong sa dahon ng nipa o anahaw

35.

Dumating siya mula sa Palembang at ipinahayag niya ang Islam sa Sulu. Pinagkalooban siya ng pangalang Sharif ul- Hashim nang maging kauna-unahang sultan ng itinatag niyang pamahalaang batay sa Sultanato.

a)

Abu Bakr

b)

Karim-Ul-Makdum

c)

Rajah Baginda

d)

Tuan Mashai’ka

36.

Ang Islam ang pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa mundo. Sinong propeta ang nagtatag nito sa Saudi Arabia?

a)

Propeta­ng David

b)

Propeta­ng Elias

c)

Propetang Isaias

d)

Propeta­ng Muhammed

37.

Ang relihiyong Islam ay hindi lamang sa ating bansa lumaganap, maging sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI narating ng relihiyong ito?

a)

Africa

b)

America

c)

India

d)

Indonesia

38.

Ang mga Muslim ay naniniwala sa kanilang Dios na kung tawagin ay “Subhanahu Wa Taala” o ________?

a)

Allah

b)

Bathala

c)

Brahma

d)

Vishnu

39.

Biblia ang tawag ng mga Kristiyano sa banal na aklat, sa mga Muslim naman ito ay ang ________?

a)

Holy Bible

b)

Qur’an/Koran

c)

Mosque

d)

Tripitaka

40.

Ang mga Muslim ay may pinakabanal na pook na pinag­sasambahan na matatagpuan sa Arabia, saan ito matatagpuan?

a)

Mecca

b)

Medina

c)

Holy Bible

d)

Mosque

41.

Mahalaga sa mga Muslim ang pag-aayuno, ano ang tawag sa isang kaganapan nila tuwing ika-siyam na buwan sa kalendaryong Islam kung saan iniiwasan nila ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat ng araw hanggang paglubog ng araw?

a)

Ashura

b)

Ramadan

c)

Mawlid an-Nabi

d)

Eidl-Fitr o Hari Raya Puasa

42.

Pagkatapos ng Ramadan ay ipinagdiriwang ng mga Muslim ang Eidl-Fitr o Hari Raya Puasa, bakit sila nag-aayuno?

a)

Upang pumayat

b)

Upang maging malinis

c)

Upang maging magpapatawad

d)

Upang matutoan ang isang tao na magsakripisyo, magpakakumbaba, at maging magpaghintay

43.

Ang sultanato ang pamahalaang itinatag ng mga Muslim, sino ang pinuno na siyang tagapagpatupad ng batas, namumuno sa labanan at may tungkuling pangalagaan ang kaniyang nasasakupan?

a)

Raja Laut

b)

Sultan

c)

Raja Muda Wajir

d)

Ruma Bichara

44.

May batas na sinusunod ang mga Muslim, batas na pinagmulan ng kanilang lahi at ito ang batayan ng sultan sa kaniyang pamamahala, ito ay ang _____?

a)

Adat Law

b)

Koran

c)

Shari’ah

d)

Tarsila

45.

Ang sultan ay may katulong sa pamamahala sa sultanato, ito’y binubuo ng mga mayayaman at mga makapangyarihang dato. Sila ang tagapayo niya sa paggawa ng batas, pagpaplano, at pagpasiya sa mga usaping pananalapi.

a)

Raja Laut

b)

Raja Muda Wajir

c)

Ruma Bichara

d)

Gugurang o Lububan

46.

Malaki ang impluwensiya ng taga-India sa atin, humigit kumulang 350 na salita sa Pilipino ang hango sa sinaunang wika nila na kung tawagin ay Sanskrtit, alin sa mga sumusunod na wika nila ang hindi kabilang dito?

a)

baka

b)

dusa

c)

parusa

d)

diwata

47.

Sa mga bansang nakipagkalakalan at nakarating sa ating bansa, isa sa kanila ang mga Hapon, alin sa mga sumusunod ang impluwensiya nila?

a)

pagkain ng mga hotdog, burger at keso

b)

paglalagay ng belo at kurdon sa mga kinakasal

c)

pagtatanim ng mga mangga, langka, at aratilis

d)

paglalagay ng itik, pagpagamit ng mga isda at paggawa ng mga alahas

48.

Ang mga Hapon ay nagtungo sa ating bansa upang makipagkalakalan at manirahan, ipinakilala rin nila ang kanilang relihiyong Shintoism, sa iyong palagay bakit malaki ang impluwensiya nila sa relihiyon?

a)

Hindi, sapagkat wala namang gaanong may relihiyong Shintoism sa bansa at hindi ito kilala

b)

Oo, dahil karamihan sa mga nakatira sa Maynila ay may relihiyong Shintoism

c)

Oo, dahil marami na sa mga Pilipinong nakatira sa Japan ay may ganitong relihiyon

d)

Oo, dahil ang relihiyong Shintoism ay kilala sa buong mundo

49.

Ang mga Indiano ay may pagkamatiisin na pag-uugali, magpapabaya ng kapalaran sa Diyos, at mapagwalang bahala, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkamatiisin?

a)

Si Nora ay nananalangin bago pumasok sa paaralan

b)

Si Lito ay hinayaan lang na mababad ang kaniyang sapatos sa baha

c)

Si Rina ay hindi na nagreview ng kaniyang aralin at ipinagpasa-Dios na lamang

d)

Si Lina ay nagtityaga na pumasok sa paaralan kahit gutom at walang baon

50.

Ang putong at sarong na kasuotan ay nagmula sa India. Nauiugnay ito o nahahawig sa _____?

a)

mga kasuotan ng mga Igorota

b)

mga kasuotan ng mga taga-Manila

c)

mga kasuotan ng mga taga-Isabela

d)

mga kasuotan ng mga taga-Batanes