wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Globalisasyon Activity 1

Total questions: 30

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga perspektibo o pananaw ayon sa kasaysayan kung paano nagsimula ang globalisasyon?

a)

may anim na wave o epoch

b)

taal o nakaugat na sa bawat isa

c)

nagsimula noong Panahon ng Bato

d)

isang mahabang siklo ng pagbabago

2.

Ang pagdagsa ng kaisipan at ideya mula sa iba’t ibang bansa kagaya ng musika, pelikula, artista at drama ay kabilang sa anong anyo ng globalisasyon?

a)

globalisasyong ekonomikal

b)

globalisasyong politikal

c)

globalisasyong sosyo-kultural

d)

globalisasyong teknolohika

3.

Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ang nagbibigay daan sa mas malawak na kalakalang internasyunal?

a)

Kapitalismo

b)

Komunismo

c)

Merkantilismo

d)

Sosyalismo

4.

Tumutukoy ito sa kalagayan sa paggawa kung saan ang isang indibidwal ay may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayahan o pinag-aralan.

a)

job contracting

b)

job-mismatch

c)

underemployment

d)

unemployment

5.

Si Cardo ay isang construction worker sa PNR na ginagawa. Hindi sila pinapasok tuwing holiday kung kaya’t nagkakaroon sila ng absent at wala itong bayad. Ang kanyang sitwasyon ay maituturong na flexible labor. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi sila pinapasok tuwing holiday?

a)

Upang mapanatay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino.

b)

Upang mapalaki ang maging kita ng kanilang kumpanya at makatipid.

c)

Upang makabuo ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

d)

Upang maibaba ang presyo ng mga lokal na produkto sa pandaigdigang kalakalan

6.

Alin sa mga sumusunod na haligi sa isang desente at marangal na paggawa ang tumutukoy sa paggawa at pagbuo ng mga collective bargaining unit?

a)

Employment Pillar

b)

Social Dialogue Pillar

c)

Social Protection Pillar

d)

Worker’s Rights Pillar

7.

Alin sa mga sumusunod ang taga proseso ng hilaw na sangkap gamit ang makinarya?

a)

Agrikultura

b)

Industriya

c)

Paggawa

d)

Serbisyo

8.

Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng internal migration?

a)

malawakang migrasyon

b)

maramihang migrasyon

c)

panlabas na migrasyon

d)

panloob na migrasyon

9.

Si Lina ay isang Pilipino na nakapasa bilang nurse sa America, ito rin ang naging daan niya para makakuha ng green card at dito nanirahan. Anong uri ng migrante si Lina?

a)

forced migrants

b)

irregular migrants

c)

permanent migrants

d)

return migrants

10.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente?

a)

adaptasyon

b)

asimilasyon

c)

globalisasyon

d)

migrasyon

11.

Ano ang tawag sa mga mamamayang napilitang lumikas dulot ng krisis, kalamidad, rebelyon at isyung politikal?

a)

refugees

b)

turista

c)

volunteer

d)

negosyante

12.

Suriin ang sumusunod na pahayag at alamin kung wasto ang isinasaad ng mga ito ukol sa mga Multinational Companies at Transnational Companies.

I. Ang multinational companies ay kompanyang namumuhunan sa ibang bansa na nagbebenta ng mga produkto hindi pangangailangang lokal

II. Ang transnational companies ay mga kompanyang itinatatag sa ibang bansa at ang kanilang ibenebentang produkto at serbisyo ay pangangailangang lokal.

a)

Tama ang unang pahayag

b)

Tama ang ikalawang pahayag

c)

Tama ang parehas na pahayag

d)

Mali ang parehas na pahayag

13.

Nais ni Mr. Lim na magtatag ng isang kompanya kung saan ang lahat ng mga produkto at serbisyong gagamitin ng kompanya ay magmumula lamang sa loob ng bansa. Alin sa sumusunod na kompanya ang nais itatag ni Mr. Lim?

a)

inshoring

b)

nearshoring

c)

offshoring

d)

onshoring

14.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan ng pagdadagdag ng dalawang taon sa high school?

a)

upang mabawasan ang unemployment sa Pilipinas.

b)

upang madagdagan ang taon ng mga-aaral sa pag-aaral.

c)

upang mahasa ang kasanayan at makasunod sa global standard.

d)

upang mabigyang daan ang mga bagong graduate na magkaroon ng trabaho.

15.

Ipagpalagay mong ikaw ay isang tagapagtanggol ng karapatan ng mga manggagawa. Alin sa mga sumusunod na hakbang ang gagamitin mo upang palawakin at siguraduhing ang paglikha ng mga batas para sa paggawa?

a)

Employment Pillar

b)

Worker’s Rights Pillar

c)

Social Dialogue Pillar

d)

Social Protection Pillar

16.

Ipagpalagay mong ikaw ay isang ekonomista na nagbibigay ng mungkahi sa gobyerno. Alin sa mga sumusunod na sektor ang bibigyan mo ng pansin upang mapagsilga ang ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Paggawa

b)

Serbisyo

c)

Industriya

d)

Agrikultura

17.

Alin sa mga sumusunod na maaaring gawin ng isang empleyado na hindi permanente ang kanyang trabaho upang magkaroon ng benepisyo tulad ng SSS at Philhealth at magkaroon ng pension sa panahon ng kanyang pagreretiro sa trabaho?

a)

magtrabaho sa ibang bansa.

b)

maghanap ang karagdagang trabaho.

c)

mag-apply ng voluntary contribution sa SSS, philhealth at PAGIBIG.

d)

humingi ng tulong pinansyal sa local na pamahalaan tulad ng DSWD.

18.

Bilang isang mamumuhunan, ano ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga manggagawa?

a)

Paghanap ng manggagawa na tatanggap ng pinakamababang pasahod

b)

Pagpili ng mga manggagawang may sapat na kakayahan at kasanayan

c)

Pagkakaroon ng maganda at maayos na kasuotan

d)

Pagiging kaibigan sa mga manggagawa

19.

Si Carlo ay isang fresh graduate na nag-aapply para sa kanyang unang trabaho. Sa isang job fair na inorganisa ng DOLE, napansin niya na maraming kumpanya ang naghahanap ng mga empleyadong may tatlo hanggang limang taong karanasan sa larangan. Bagaman marami ang bakanteng posisyon, hindi siya natanggap dahil sa kawalan ng karanasan, tulad ng ibang mga bagong aplikante. Ano ang pangunahing isyu na makikita sa sitwasyon ni Carlo?

a)

May mataas na antas ng karanasan na hinihingi ng mga kumpanya.

b)

Ang mga bagong graduate ay may higit na pagkakataong makuha ang mga trabahong mataas ang sahod.

c)

Ang mga job fair ay nag-aalok lamang ng limitadong trabaho para sa mga may sapat na karanasan at karanasan.

d)

Ang mga bagong graduate tulad ni Carlo ay madaling nakakahanap ng trabaho sa mga job fair na may mataas na hinihinging karanasan.

20.

Isang araw, si Maria, isang guro sa isang pampublikong paaralan, ay napansin ang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang mga aralin. Upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan, nag-organisa siya ng mga extra-curricular tutorial sessions na naglalayong magbigay ng karagdagang tulong at suporta sa kanyang mga estudyante. Sa ganitong sitwasyon, ano ang pangunahing layunin ni Maria bilang isang propesyonal sa sektor ng serbisyo?

a)

Lumikha ng mga bagong produkto para sa lipunan

b)

Magbigay ng serbisyong nakakatulong sa lipunan

c)

Kumita ng mas maraming pera para sa pamilya

d)

Palitan ang mga produkto

21.

Alin sa sumusunod ang nararapat gawin ng pamahalaan sa mga kaso ng pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa ibang bansa?

a)

pauuwiin ang lahat ng OFW at bigyan na lamang ng trabaho sa Pilipinas.

b)

magtatag ng mga mekanismo upang ma-monitor ang kalagayan ng mga OFW.

c)

pabayaan na lamang ang mga ito dahil isolated cases lang naman ang mga ito.

d)

ipaubaya ang gagawing aksyon sa pamahalaan ng bansa kung saan nagtatrabaho ang OFW.

22.

Dumadami ang nagtatayo ng 7 eleven, Alfamart, O save at iba pang halimbawa ng MNC at TNC sa Marilao. Mabuti ang implikasyon nito sa mga residente dahil nagkakaroon sila ng posibleng hanapbuhay. Dahil dito makikitang mas lalong naghihirap ang mga mamamayan.

a)

Tama ang lahat ng pahayag.

b)

Mali ang unang pahayag. Tama ang ikaw at ikatlong pahayag.

c)

Tama ang una at ikalawang pahayag. Mali ang huling pahayag.

d)

Tama ang unang pahayag. Tama ang ikalawa at ikatlong pahayag.

23.

Karaniwang gawain na masasabing may kaugnayan sa globalisasyon ay ang paggamit ng cellphone at internet. Si Kitty ay isang tindera ng damit, sa paanong paraan niya maaaring gamitin ang cellphone at internet upang madagdagan ang kanyang benta?

a)

Palagiang magpost ng video sa tiktok.

b)

Magpost ng kanyang produkto online at live selling.

c)

Magpost sa social media ng iyong saloobin hinggil sa pamahalaan.

d)

Magcomment sa post ng mga kilalang personalidad at makilahok sa talakayan.

24.

Isa sa mga naidulot ng globalisasyon ay pagtaas ng demand ng bansa para sa iba’t ibang kasanayan sa paggawa na globally standard. Paano ito tinutugunan ng ating bansa?

a)

Pagdaragdag ng sampung taon sa basic education sa mga mag-aaral

b)

Pagtatayo ng mga paaralan na maglilinang sa mga mag-aaral upang maging globally competitive

c)

Pagdaragdag ng mga asignatura sa sekondarya na may kinalaman sa kalakalan at pagmamanupaktura

d)

Pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education at lilinangin sa mga mag-aaral ang mga kasanayan na pang ika-21 siglo.

25.

Ang pangingibang bansa ng mga OFW upang maghanapbuhay ay nagdulot ng implikasyon kung saan marami ang nabibigyan ng hanapbuhay, nagpapasok ng dolyar, gayundin nababawasan ang bilang ng mga propesyonal (Brain Drain) at skilled workers (Brawn Drain). Alin sa mga sumusunod ang angkop na interpretasyon sa pahayag?

a)

May magandang dulot ang OFW sa bansang Pilipinas.

b)

Mabilis ang pag-alis ng mga OFW dahil sa tulong ng ating pamahalaan.

c)

Mayroong positibo at negatibong epekto ang pagtaas ng bilang nga mga OFW.

d)

Madaming paraan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay at matupad ang pangarap.

26.

Nais ni Rona na makapagtrabaho sa ibang bansa bilang caregiver ngunit wala pa siyang karanasan sa naturang propesyon. Sa aling ahensya na pamahalaan dapat makipag-ugnayan si Rona upang maturuan siya ng nararapat na kasanayang kailangan niya para maging caregiver?

a)

Department of Labor and Employment (DOLE)      

b)

Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)          

c)

Philippine Overseas Employment Agency (POEA)

d)

Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

27.

Tinaguriang Business Friendly ang lalawigan ng Bulacan noong taong 2022 dahil sa iba’t ibang mga industrya, negosyo at iba’t ibang namumuhunan ang mayroon dito. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya ng Pilipinas?

a)

Pagsigla ng ekonomiya

b)

Pagtaas sa antas ng kasanayan

c)

Pagkakaroon ng maraming produkto

d)

Pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan

28.

Ang sumusunod na mga pahayag ay nagpapakita ng positibong epekto ng migrasyon sa mga manggagawang Pilipino MALIBAN sa:

a)

Nararanasan ang konsepto ng brain waste at brain drain

b)

Nababawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa

c)

Malaki ang epekto ng remittances sa takbo ng ekonomiya ng bansa.

d)

Ang paghahanap–buhay sa ibang lugar o abroad ay nagbibigay ng mas mataas na pagtingin sa pamilya.

29.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa konsepto ng globalisasyon?

a)

mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig

b)

mabagal na pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig

c)

mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iilang panig ng daigdig

d)

mabagal na pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iilang panig ng daigdig

30.

Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagbibigay-pansin sa mga pangangailangan ng pinakamahihirap na tao sa mundo?

a)

Fair Trade      

b)

Global Standards       

c)

Guarded Globalization           

d)

Pagtulong sa Bottom Billion