NEW
Font size
WorksheetsReview Quiz - FILIPINO 2nd Quarter
Total questions: 15
Worksheet time: 15mins
Ano ang pang-abay na sumasagot sa tanong na kailan nangyari ang isang kilos?
Pang-abay na Pamaraan
Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamanahon
Ano ang pang-abay na pamanahon ang ginamit sa pangungusap na, “Kumakain ako ng almusal
tuwing umaga.”?
a. kumakain
b. almusal
c. umaga
Alin sa mga sumusunod na salita ang halimbawa ng pang abay-na pamanahon?
a. gabi-gabi
b. naglalaro
c. matiwasay
Ano ang tawag sa pang-abay na sumasagot sa tanong na saan nangyari ang isang kilos?
a. pang-abay na pamaraan
b. pang-abay na pamanahon
c. pang-abay na panlunan
Alin sa mga sumusunod na mga salita ang halimbawa ng pang-abay na panlunan?
a. araw-araw
b. sa plaza
c. pumunta
Ano ang pang-abay na panlunan ang ginamit sa pangungusap na, “Si Aisha ay masayang
pumasok sa paaralan.”?
a. masayang
b. pumasok
c. sa paaralan
Alin sa sumusunod na pangungusap ang gumamit ng pang-abay na panlunan?
a. Si Isaac ay mabait.
b. Siya ay mabilis tumakbo.
c. Ang mga bata ay naglalaro sa kuwarto.
Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng pang-abay na panlunan?
a. sa bahay
b. noong gabi
c. sa parke
Sa pangungusap na “Kumain kami sa kusina,” ano ang sagot sa tanong na “saan”?
a. kumain
b. kami
c. sa kusina
Ano ang ginamit na pang-abay na panlunan sa pangungusap na, “Tumira sila sa probinsiya.”?
a. tumira
b. sila
c. sa probinsiya
Ano ang tawag sa isang ulat tungkol sa mahahalagang pangyayari sa lipunan na dapat
malaman ng mga tao na karaniwang matatagpuan sa radyo, telebisyon, pahayagan, at internet?
a. balita
b. alamat
c. kuwento
Anong bahagi ng balita ang pinakabungad na bahagi na nakakahuli sa atensiyon ng
mambabasa?
a. pamagat
b. gitna
c. wakas
Ano ang tawag sa bahagi ng balita na kung saan makikita ang pagsisimula ng balita?
a. simula
b. gitna
c. wakas
Saang bahagi ng balita makikita ang mga karagdagang detalye?
a. simula
b. katawan
c. wakas
Ano ang maaring makita sa isang balita?
a. mga kuwento tungkol sa buhay ng tao
b. mga nakakatawang pangyayari sa araw-araw
c. mga impormasyon tungkol sa nangyayari sa lipunan
