Worksheetsap reviewer
Total questions: 46
Worksheet time: 23mins
Ang paniniwalang may espiritu sa kalikasan ay tinatawag na _________.
Islam
Animismo
Kristiyanismo
Atheismo
Anong uri ng kalinangan ang mummification?
Di-materyal na paniniwala
Materyal na kagamitan
Panlipunang gawain
Ekonomikong sistema
Ang Manunggul Jar ay isang halimbawa ng sinaunang tradisyon sa paglilibing. Ano ang ipinapakita nito tungkol sa ating mga ninuno?
Marunong silang magtanim ng palayok.
Mahilig silang mangolekta ng mga palayok.
Gumagawa sila ng palayok para sa paligsahan.
Pinapahalagahan nila ang paniniwala sa kabilang buhay.
Nakakita si Liza ng sinaunang palayok na ginagamit sa ritwal ng paglilibing. Saan ito maaaring gamitin upang mapalalim ang pag-aaral tungkol sa kalinangan?
sa mga palengke
sa parke
sa museo
sa simbahan
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang paggalang sa paniniwala ng mga Muslim sa iyong paaralan?
Tawanan ang kanilang pag-aayuno.
Pilitin silang sumali sa ibang relihiyon.
Huwag pansinin ang kanilang tradisyon.
Unawain at igalang ang kanilang paniniwala.
Isa sa Limang Haligi ng Islam ang Zakat. Paano ito isinasabuhay ng mga Muslim? Ito ay sa pamamagitan ng _________?
pagbibigay ng limos at pagtulong sa kapwa
pagdarasal ng limang beses sa isang araw
pag-aayuno tuwing Ramadan
paglalakbay sa Mecca
Bakit nilalagyan ng mga sinaunang Pilipino ng mamahaling bato, pabango, at magagandang kasuotan ang kanilang mga yumao?
dahil naniniwala sila sa kabilang buhay
upang magmukhang mayaman ang patay
upang ipakita ang kanilang pagiging masipag
dahil nais nilang ipagmalaki ang kanilang tradisyon sa mga Espanyol
Ano ang tawag sa mahabang berso na binibigkas ng paawit-hinarana ng sinaunang Ilocano ang kanilang iniibig?
Dallot
Ayeg-klu
Pagdiwata
Tinikling
Ito ang tawag sa sayaw sa panliligaw ng mga taga Kalinga.
Salidsid
Pagdiwata
Dallot
Tinikling
Paano ipinapakita ng mga sinaunang Pilipino ang respeto sa kanilang pamilya?
pagtulong sa gawaing bahay at pagsunod sa magulang
paglalakbay sa ibang bansa
pag-iwas sa pamilya
pagtatanim ng puno
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kagawiang panlipunan noong sinaunang panahon?
pag-aalaga ng alagang hayop
pagsuot ng uniporme sa paaralan
pagtatanim gamit ang makabagong teknolohiya
panliligaw sa pamamagitan ng harana at paninilbihan
Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa pagpapanatili ng mga sinaunang tradisyon tulad ng pag-aaral at paggalang sa nakatatanda?
Kalimutan ang mga lumang kaugalian.
Iwasan ang pakikisalamuha sa matanda.
Ipagmalaki lamang ang makabagong paraan ng pamumuhay.
Iguhit, ikwento, at ibahagi sa kapwa mag-aaral ang mga tradisyong ito.
Paano ipinapakita ng patriarkal na pamilyang Pilipino ang kanilang kalinangan?
Ang ama ang kinikilalang pinuno at tagapagtanggol, ngunit may papel din ang ina sa pagpapalaki ng anak.
Ang ama lamang ang may karapatan sa lahat ng desisyon.
Ang ina ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay.
Ang mga anak ang gumagawa ng lahat ng pasya.
Sa sinaunang lipunan, bakit mahalaga ang bigay-kaya o dote sa kasal?
Isa itong paraan upang igalang at pahalagahan ang pamilya ng babae.
Ipinapakita nito ang yaman ng magulang ng lalaki.
Ginagamit itong pondo para sa pagdiriwang.
Simbolo ito ng kapangyarihan ng datu.
Ano ang tawag sa pantas na kasuotan ng sinaunang kalalakihan?
Bahag
Baro
Kanggan
Putong
Alin sa mga sumusunod ang maluwag na palda ng kababaihan?
Tapis
Saya
Pomaras
Gambanes
Ano ang tawag sa gintong pulseras na isinusuot sa braso at binti?
Pusad
Pintados
Gambanes
Pomaras
Nakakita si Ana ng lumang alahas na ginamit ng kanyang mga ninuno. Ano ang pinakamaainam niyang gawin?
Itapon ito.
Ibigay sa kaibigan.
Gamitin sa mga kaswal na lakad.
Ipreserba at pag-aralan bilang bahagi ng sinaunang sining.
Ang mga kababaihan ay nagsusuot ng baro at saya samantalang ang kalalakihan ay bahag at putong. Ano ang ipinapakitang kahalagahan nito?
Ang pagkakaiba ng kasuotan ay batay sa klima at lipunan.
Ang kasuotan ay walang kinalaman sa kalinangan.
Ang kasuotan ay ginagamit lamang sa pista.
Ang lahat ng kasuotan ay pareho lamang.
Ang mga gintong palamuti tulad ng gambanes at pusad ay isinusuot ng ating mga ninuno. Ano ang ipinapakita nito tungkol sa kanilang pamumuhay?
Sila ay mahusay sa paggawa ng alahas at nagpapahalaga sa kagandahan.
Ang kanilang yaman ay nakabatay lamang sa ginto.
Hindi nila pinapahalagahan ang kalinangan.
Mahilig lamang sila sa palamuti.
Bakit itinuturing ang bahay-kubo bilang batayan ng arkitekturang Pilipino? Ito ay dahil __________.
naaayon ang bahay-kubo sa ating klima at likas na yaman ng bansa
ginaya lamang ang bahay-kubo mula sa ibang bansa
ginagamit lamang tuwing pista ang bahay-kubo
gawa sa semento at bakal ang bahay-kubo
Bakit tinawag ng mga Espanyol na pintados ang ilang mga Pilipino? Ito ay dahil __________.
puno ng tato ang kanilang katawan na simbolo ng tapang at karangalan
sila ay marunong magpinta ng bahay
sila ay mahilig magkulay ng damit
mahilig silang gumuhit sa papel
Isa sa Limang Haligi ng Islam ang Sawm. Ano ang ginagawa ng mga Muslim tuwing Sawm?
pagdarasal ng limang beses sa isang araw
pag-aalay ng limos sa mahihirap
pag-aayuno tuwing Ramadan
paglalakbay sa Mecca
Ano ang ipinapakita ng pagpapatuloy ng Islam bilang pangunahing paniniwala sa maraming bahagi ng Mindanao hanggang sa kasalukuyan?
Ang matibay na paninindigan at pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang pananampalataya at kultura
Ang pagkalimot ng mga Muslim sa kanilang mga tradisyon
Ang pagtanggi ng mga Muslim sa lahat ng pagbabago
Ang pagyakap ng mga Muslim sa Kristiyanismo
Sino ang kauna-unahang Muslim na pinaniniwalaang nagpalaganap ng Islam sa Pilipinas?
Rajah Humabon
Sharif Kabunsuan
Lapu-Lapu
Miguel Lopez de Legazpi
Saang bahagi ng Pilipinas unang lumaganap ang relihiyong Islam?
Hilagang Luzon
Gitnang Visayas
Katimugang Mindanao
Hilagang Luzon
Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
Bibliya
Torah
Quran
Veda
Alin sa mga sumusunod ang isa sa pangunahing katuruan ng Islam?
paniniwala kay Allah bilang nag-iisang Diyos
paniniwala sa maraming diyos
paggalang sa kalikasan
pagdiriwang ng Pasko
Bilang mag-aaral sa isang paaralang may iba't ibang relihiyon, ano ang dapat mong gawin upang maipakita ang respeto sa mga kaklaseg Muslim?
Igalang at tanggapin ang kanilang paniniwala.
Sabihan silang mali ang kanilang paniniwala.
Pilitin silang sumama sa sariling simbahan.
Iwasan silang kausapin.
Ang isang guro ay nagbigay ng takdang-aralin tungkol sa Islam. Isa sa mga kaklase mo ay Muslim at ayaw niyang ibahagi ang ilang tradisyon nila. Ano ang dapat mong gawin?
Pagtawanan siya.
Pilitin siyang magsalita.
Ipahiya sa harap ng klase.
Intindihin at igalang ang kanyang desisyon.
Sa isang pagtitipon sa barangay, may panukalang hindi isama ang mga Muslim sa isang aktibidad. Ano ang nararapat mong ipayo?
Iwasang banggitin ang isyu.
Payagan para hindi maabala.
Ihiwalay sila upang hindi sila maimpluwensyahan.
Hikayating isama sila upang mapanatili ang pagkakaisa.
Paano kumalat ang relihiyong Islam sa Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol? Ito ay sa pamamagitan ng ________.
mga mangangalakal na Arabong Muslim
pakikipag-alyansa sa Espanya
mga misyonerong Kristiyano
pananakop ng Tsina
Ano ang pangunahing tungkulin ng isang Sultan sa pamahalaang Sultanato?
mamuno sa labanan at ipatupad ang mga batas para sa nasasakupan
mangolekta ng buwis at magtayo ng paaralan
magtinda ng produkto sa pamilihan
magbigay lamang ng payo sa datu
Paano nakatulong ang Sultanato sa pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan ng mga Muslim?
Nagbigay ito ng sistematikong pamumuno at mga batas batay sa Shariah at tradisyon.
Wala silang sapat na materyales para sa bahay-kubo.
Nagpalaganap ito ng mga pista at palaro.
Ginawa nila ito para makaiwas sa ulan.
Paano naiiba ang Sultanato sa sistemang barangay?
Ang Sultanato ay may sistematikong batas na nakaayon sa relihiyong Islam.
Ang Sultanato ay walang pinuno.
Ang barangay ay mas moderno.
Pareho lamang ang dalawa.
Anong epekto ng pamahalaang Sultanato sa pagkakakilanlan ng mga mamamayan sa Mindanao?
Nawala ang kanilang wika.
Hindi ito nagkaroon ng epekto.
Napalitan ang kanilang kultura ng Kristiyanismo.
Nalinang ang kanilang pagkakakilanlang Muslim at panlipunang sistema.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epekto ng Islam sa pamahalaang Sultanato?
pagtuon sa ritwal ng kasal
pagkakaroon ng mga pista
pagsamba sa maraming diyos
pagkakaroon ng mga batas batay sa katuruan ng Islam
Bakit mahalaga ang Sultan sa pamahalaang Sultanato?
Siya ang nag-aalaga ng kalikasan.
Siya ay tagalikha ng mga produkto.
Siya ang punong guro ng paaralan.
Siya ang tagapagpatupad ng batas at tagapangalaga ng relihiyong Islam.
Ano ang naging pangunahing epekto ng pakikipagkalakalan ng mga Pilipino sa mga Tsino?
Nawala ang sariling produkto.
Tumigil ang lokal na ekonomiya.
Lumikas ang mga Pilipino sa Tsina.
Natutunan nating gumamit ng mga produkto nila tulad ng porselana, seda at iba pa.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng ugnayan ng Pilipinas sa mga Arabe?
pagpapadala ng mga ginto
pagpapalaganap ng Islam
pagturo ng agrikultura
pagbibigay ng kastilyo
Kung ikaw ay isang sinaunang mangangalakal, anong hakbang ang maaari mong gawin upang mapanatili ang mabuting ugnayan sa mga dayuhang mangangalakal?
Hindi sila pansinin.
Magsinungaling tungkol sa presyo.
Magbenta ng mga sirang produkto.
Magpakita ng paggalang at makipagpalitan ng tapat.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng patuloy na impluwensya ng Arabia sa mga Pilipino hanggang ngayon?
pagkakabuklod ng pamilya at paggalang sa matatanda
paglaro ng sungka at pagpapalipad ng saranggola
hindi pagkain ng baboy at pagdalaw sa Mecca
pagluluto ng lumpia at pansit
Bakit mahalaga para sa mga Pilipino na pahalagahan ang ugnayan ng sinaunang Pilipinas sa Arabia at Tsina?
Nagbigay ito ng impluwensya na nakatulong sa ating kultura at pamumuhay.
Nagpapatunay lang ito na mayaman ang bansa sa likas na yaman.
Nagpapatunay ito na mahina ang pamahalaang sultanato noon.
Nagbabago ng ating mga bundok at anyong lupa.
Bakit naging mahalaga ang ugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa Arabia?
Nagturo sila ng Islam at nagdala ng mga kalakal tulad ng perlas at korales.
Nagturo sila ng paggawa ng porselana at telang seda.
Nagturo sila ng pagluluto ng pansit at lumpia.
Nagturo sila ng paggawa ng paputok at trumpo.
Bakit mahalaga ang wikang Sanskrit na impluwensya ng India sa ating bansa?
Maraming salitang Pilipino ang nagmula rito at ginagamit pa hanggang ngayon.
Ito ay nagsilbing pormal na wika ng mga Espanyol.
Ito ay naging pambansang wika ng Pilipinas.
Ito lamang ang tanging wika sa Mindanao.
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang proyekto tungkol sa ugnayang panlabas ng sinaunang Pilipino, ano ang magandang ipakita?
Ipagmalaki ang ating magagandang lugar at galing sa talento ng mga Pilipino.
Ipakita ang pagsakop ng mga dayuhan sa ating bansa.
Magpatayo ang pamahalaan ng mga paliparan.
Ipasara ang ugnayan natin sa ibang bansa.
