NEW
Font size
WorksheetsEPP Practice Quiz 2
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ano ang kahulugan ng "ANIMAL PRODUCTION"?
Pagtatanim ng puno sa kagubatan
Pagpaparami ng halaman para sa pagkain
Pagluluto ng karne at isda para sa negosyo
Pag-aalaga at pagpaparami ng hayop para sa pagkain, kabuhayan, at iba pang gamit
Ito ay sangay ng animal production na tumutukoy sa pagpaparami ng pugo, manok, pato/itik/bibe, pabo at gansa.
Animal raising
Aquaculture
Livestock animals
Poultry animals
Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng natural poultry raising?
Mas napapabilis ang pagtaba ng hayop.
Makabebenta ng mas maraming produkto.
Makagagamit ng teknolohiya sa animal production.
Makalilikha ng masustansya at ligtas kainin na produkto.
Kung nagkaroon ng sakit ang iyong alagang mga hayop, sino ang dapat mong lapitan?
Mga nagtatrabaho sa mga ahensya ng DENR
Mga beterinaryo sa inyong lokal na pasilidad
Doktor at nars ng Barangay Health Center
Ang pamahalaang panglungsod
Ano ang layunin ng batas na tinatawag na RA 10068?
Gabayan ang mga ahensya ng pamahalaan.
Tugunan ang kakulangan sa suplay ng produkto.
Tulungan ang mga magsasaka na maibenta ang mga aning hayop.
Magsagawa ng organikong paraan ng pagpaparami ng mga halaman gayundin ng mga pagpaparami ng mga alagang hayop.
Nagkaroon ng kakulangan sa suplay ng patuka para sa mga alagang manok ni Jose. Para hindi magutom ang kanyang mga alagang manok, gumamit siya ng giniling na mais bilang patuka. Anong katangian ang ipinakita ni Jose?
Malakas ang loob
Mapamaraan
Masigasig
Matapat
Mahalagang panatilihing malinis ang kulungan ng mga alagang manok para:
makalabas kaagad kapag binuksan ang kulungan.
maiiwasan ang sakit at pagdami ng peste.
makalilipad ng mataas ang manok.
mas mabilis silang tumaba.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga salik na dapat isaalang alang sa pag-aalaga ng poultry animals sa natural na paraan?
Kagandahan ng kulungan
Pagkain o Feeds
Pagpili ng lugar na pag-aalagaan
Target market o client
Uri ng manok na mainam alagaan dahil sa masustansiyang karne nito.
Arbor acre
Cobb
Hubbard
White leghorn
Isa sa mga uri ng sakit ng poultry animals na ang palatandaan ay ang matubig o berdeng pagtatae.
Avian Flu
Enteritis
Fowl pox
Pneumonia
Napansin ni Cardo na ang ilan sa kanyang mga alagang manok ay nakararanas ng sipon at pagtatae, kaya gumawa siya ng natural na gamot na maaaring lunas sa sakit. Anong halamang gamot ang kanyang ihahanda?
Alagaw
Bayabas
Luyang dilaw
Malungay
Ito ay ginagamit para sa mga sisiw mula kapanganakan hanggang sa mga ilang linggong gulang.
Broiler House
Brooder House
Free-range
Layer House
Ang manok ay puwede nang anihin para sa karne nito kapag ito ay:
2 araw pa lang
bagong pisa
hindi na ito nangingitlog
nasa tamang timbang at edad
Ano ang dapat gawin matapos anihin ang karne o itlog ng poultry?
Itapon agad ang sobra
Ilagay sa ilalim ng araw
Ibabad sa tubig ng isang araw
Linisin at itabi sa tamang lalagyan at temperatura
Ipinagbili ni Mang Serapin ang mga alagang baboy sa halagang ₱ 20,000.00. Kung ang puhunan niya ay ₱ 9,500.00, magkano ang kinita ni Mang Serapin?
₱ 9,000.00
₱ 9,500.00
₱ 10,000.00
₱ 10,500.00
