wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer #4 - Grade 10

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito’y isang akdang pampanitikang nagtataglay ng nakawiwiling

pangyayari at sumasalamin sa kultura ng isang lugar. Binubuo ito ng

iba’t ibang mga kabanata.

a)

Mito

b)

Maikling Kuwento

c)

Nobela

d)

Talumpati

2.

“Sa loob ng 84 araw, ang matandang mangingisdang si Santiago ay

wala pang huling isda.” Anong elemento ng nobela ang lumitaw sa

bahaging ito ng nobelang “Ang Matanda at ang Dagat”?

a)

Tema

b)

Tauhan

c)

Banghay

d)

Tagpuan

3.

“Siya ay maglalayag sa malayong bahagi ng dagat, hilaga ng Cuba sa

kipot ng Florida para mangisda.” Anong elemento ng nobela ang

naipakita sa bahaging ito?

a)

Tema

b)

Tauhan

c)

Banghay

d)

Tagpuan

4.

“Si Santiago ay nakaranas ng diskriminasyon sa kaniyang nayon,

nilayuan siya ng ibang mga mangingisda o taganayon dahil sa

paniniwalang siya ay malas.” Anong tunggalian ang lumitaw sa

bahaging ito ng teksto?

a)

tao laban sa tao

b)

tao laban sa lipunan

c)

tao laban sa sarili

d)

tao laban sa kalikasan

5.

Sa teoryang ito, ipinakikita o mas pinalulutang na ang naganap sa

buhay ng tauhan at mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling

pagpili o pagpapasya.

a)

Eksistensiyalismo

b)

Realismo

c)

Humanismo

d)

Romantisismo

6.

Lumitaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang teoryang ito

sapagkat sinasalamin nito ang katotohana sa lipunan. Nakatuon ito sa

nilalaman ng teksto at ang matapat nitong paggagad sa lipunan.

a)

Eksistensiyalismo

b)

Realismo

c)

Humanismo

d)

Romantisismo

7.

Layunin nitong ipakita na ang tao ang sentro ng mundo at
bibibigyang-tuon ang kalakasan, kakayahan, at mabubuting katangian ng
tao.

a)

Eksistensiyalismo

b)

Realismo

c)

Humanismo

d)

Romantisismo

8.

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,’’ sabi niya. Maaaring wasakin

ang isang tao pero hindi siya magagapi.” Ang naturang pahayag ay

nagpapahiwatig na _____________.

a)

May pagsubok mang dumating, lilipas din

b)

Hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay

c)

Kung may dilim may liwanag ding masisilayan.

9.

Ano ang ipinakitang katangian ng pangunahing tauhan habang

hinihila siya ng marlin?

a)

maalalahanin

b)

mapagpahalaga

c)

masungit

d)

mahiyain

10.

Alin sa sumusunod na katangian ang HINDI ipinakita ni Santiago?

a)

Hindi siya sumusuko sa buhay.

b)

Sinukuan niya ang paghuli sa pating.

c)

Matapang niyang hinarap ang hamon ng buhay

d)

Hindi siya naghihinakit sa mga taong nanghuhusga sa kaniya.

11.

_________ mahusay ang pagganap ng bawat artista sa pelikula. (Pagsang-ayon)

a)

Talagang

b)

Siguro

c)

Subalit

d)

Baka

12.

Totoo naman na kakaunti ang kaniyang eksena ngunit nagpakita pa
rin siya ng kahusayan sa pagganap. Ano ang ipinahihiwatig ngnasalungguhitang salita?

a)

Paghamak

b)

Paghinuha

c)

Pagsang–ayon

d)

Pagtanggi

13.

Hindi maganda ang visual effects na ginamit sa pelikula, masyado itong

madilim. Ano ang isinasaad ng nasalungguhitang salita?

a)

Paghamak

b)

Paghinuha

c)

Pagsang–ayon

d)

Pagtanggi

14.

Tama ka sa iyong reaksiyon subalit pakinggan din natin ang hinaing
ng nakararami.

a)

Paghamak

b)

Paghinuha

c)

Pagsang–ayon na may pasubali

d)

Pagtanggi na may pagsang-ayon

15.

Hindi man maganda ang tono ng kaniyang pananalita subalit marami
naman siyang nagawang pagbabago para sa bansa.

a)

Paghamak

b)

Paghinuha

c)

Pagsang–ayon na may pasubali

d)

Pagtanggi na may pagsang-ayon