wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP8_WAM

Total questions: 65

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang kinikilalang nagtatag ng kapangyarihan ng mga Turk sa Anatolia at siyang itinuturing na tagapagtatag ng dakilang Imperyong Ottoman?

a)

Suleiman the Magnificent

b)

Mehmed II

c)

Osman

d)

Saladin

2.

Ano ang pangalan ng dating kabisera ng Byzantine Empire na tuluyang nasakop ng mga Ottoman Turks noong taong 1453?

a)

Rome

b)

Constantinople

c)

Venice

d)

Athens

3.

Matapos masakop ng mga Ottoman ang Constantinople, anong bagong pangalan ang ibinigay nila sa lungsod na ito na kalaunan ay naging kabisera ng kanilang imperyo?

a)

Ankara

b)

Istanbul

c)

Bursa

d)

Izmir

4.

Sino sa mga sultan ng Imperyong Ottoman ang namuno sa matagumpay na pagsakop ng Constantinople, na nagbunsod ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng Europa at Asya?

a)

Osman

b)

Mehmed II

c)

Suleiman I

d)

Bayezid I

5.

Ano ang tawag sa mga batang Kristiyano mula sa Balkan na binihag, pinalaki, at sinanay upang magsilbi bilang mga sundalo at tagapamahala ng Imperyong Ottoman?

a)

Samurai

b)

Crusaders

c)

Janissaries

d)

Knights

6.

Ang panahong nagsimula ng muling pagsigla ng sining, agham, at humanismo sa Europa matapos ang Medieval Age ay tinatawag na _________.

a)

A. Renaissance

b)

B. Rebolusyong Industriyal

c)

C. Panahon ng Pagsusuri

d)

D. Panahon ng Imperyalismo

7.

Saang bansa sa Europa unang sumibol ang Renaissance, na naging sentro ng sining, agham, at kulturang klasikal?

a)

France

b)

Germany

c)

Italy

d)

England

8.

Alin sa mga lungsod-estado ng Italya ang naging tanyag bilang sentro ng sining at agham dahil sa pamilyang Medici na nagtaguyod at nagpondo sa mga artista?

a)

A. Venice

b)

B. Florence

c)

C. Rome

d)

D. Milan

9.

Ano ang tawag sa mga mayayamang pamilyang naglaan ng malaking pondo upang suportahan ang mga artist, manunulat, at siyentipiko sa panahon ng Renaissance?

a)

Bourgeoisie

b)

Patron

c)

Guild

d)

Noble

10.

Sino ang Aleman na nag-imbento ng movable type printing press na nagbunsod ng mabilis na pagkalat ng mga aklat at ideya sa buong Europa?

a)

Isaac Newton

b)

Johannes Gutenberg

c)

Galileo Galilei

d)

Francis

11.

Ano ang unang aklat na nalimbag gamit ang makabagong printing press ni Johannes Gutenberg noong kalagitnaan ng ika-15 siglo?

a)

Dictionary

b)

Gutenberg Bible

c)

Prayer Book

d)

Atlas

12.

Ano ang pangunahing epekto ng pagkakaimbento ng printing press sa lipunang Europeo noong panahon ng Renaissance?

a)

Naitaguyod ang monarkiya

b)

Napabilis ang paglalakbay

c)

Lumaganap ang kaalaman sa mga tao

d)

Nawala ang Simbahang Katolika

13.

Sino ang kinikilalang "Ama ng Repormasyon" na nagpasimula ng pagbabago sa Simbahang Katolika sa pamamagitan ng kaniyang mga aral tungkol sa pananampalataya?

a)

Ignatius de Loyola

b)

John Calvin

c)

Martin Luther

d)

Henry VIII

14.

Ano ang pamagat ng dokumentong isinulat ni Martin Luther noong 1517 upang tuligsain ang pagbebenta ng indulhensiya ng Simbahang Katolika?

a)

Magna Carta

b)

Ninety-Five Theses

c)

Book of Common Prayer

d)

Council of Trent

15.

Ayon sa turo ni Martin Luther, ano ang tanging daan upang makamit ng tao ang kaligtasan ayon sa pananampalatayang Kristiyano? Sa _____________.

a)

B. pananampalataya lamang

b)

A. paggawa ng mabuti

c)

C. pagsunod sa mga utos ng simbahan

d)

D. pagbibigay ng limos

16.

Ano ang tawag sa simbahan na itinatag ni Haring Henry VIII ng Inglatera matapos niyang putulin ang ugnayan sa Papa ng Roma?

a)

Roman Catholic Church

b)

Lutheran Church

c)

Church of England

d)

Anglican Synod

17.

Sino ang anak ni Henry VIII na nakilala bilang "Bloody Mary" dahil sa kaniyang marahas na pamumuno?

a)

Mary I

b)

Elizabeth I

c)

Edward VI

d)

Anne Boleyn

18.

Ano ang pangunahing layunin ng Simbahang Katolika sa Kontra-Repormasyon noong ika-16 na siglo?

a)

Palawakin ang Protestantismo

b)

Ibagsak ang monarkiya

c)

Palakasin muli ang Simbahang Katolika

d)

Itag ang Islam sa Europa

19.

Sino ang Espanyol na pari na nagtatag ng Society of Jesus o mga Heswita upang ipagtanggol ang pananampalatayang Katolika sa panahon ng Kontra-Repormasyon?

a)

Ignatius de Loyola

b)

Martin Luther

c)

John Calvin

d)

Erasmus

20.

Anong konseho ng Simbahang Katolika pinagtibay ang mga reporma sa doktrina, disiplina ng mga pari, at pagpapalakas ng pananampalataya sa gitna ng Repormasyon? Council of _____?

a)

Nicaea

b)

Trent

c)

Florence

d)

Rome

21.

Paano nakaambag ang mga ideya ng humanismo sa pagbabago ng pananaw ng mga tao sa panahon ng Renaissance?

a)

Tinuruan nito ang mga tao na umasa lamang sa simbahan

b)

Pinahalagahan nito ang dignidad ng tao

c)

Hinikayat nito ang pagtalikod sa edukasyon at agham

d)

Pinagtibay nito ang kapangyarihan ng mga hari at reyna

22.

Bakit itinuturing na mahalaga ang papel ng pamilyang Medici sa kasaysayan ng Renaissance sa Florence? Dahil sila ang ____________________________.

a)

nagtatag ng Unibersidad ng Paris

b)

sumusuporta ng mga artist, iskolar, at siyentipiko

c)

unang nag-imbento ng printing press

d)

nagpatupad ng mga batas sa buong Europa

23.

Paano nagbago ang pagtingin ng mga tao sa relihiyon at agham sa panahon ng Renaissance?

a)

Mas mapanuri sila at naghahanap ng paliwanag batay sa obserbasyon at karanasan

b)

Naging mas mahigpit ang kanilang pagsunod sa simbahan

c)

Tuluuyang tinalikuran nila ang pag-aaral ng kalikasan

d)

Lumayo sila sa pag-aaral ng matematika at pilosopiya

24.

Bakit itinuturing na isa sa pinakamahalagang imbensyon sa kasaysayan ng daigdig ang printing press ni Johannes Gutenberg? Dahil ____________________________.

a)

ito ang nagpasimula ng rebolusyon sa larangan ng komunikasyon at edukasyon

b)

ito lamang ang nagamit sa paggawa ng mga sandata

c)

nagbawas ito ng interes sa pagbabasa

d)

tanging simbahan lamang ang pinayagang gumamit nito

25.

Ano ang naging epekto ng mabilis na pagkalat ng mga aklat at ideya sa Europa pagkatapos ng pag-imbento ng printing press?

a)

Naging limitado ang edukasyon sa mga maharlika

b)

Lumawak ang kaalaman at kamalayan ng mga mamamayan

c)

Nawala ang interes ng mga tao sa relihiyon

d)

Mas lalong naging sarado ang simbahan sa pagbabago ng pamumuhay

26.

Bakit tinuligsa ni Martin Luther ang pagbebenta ng indulhensiya ng Simbahang Katolika? Dahil ____________________________.

a)

ang kaligtasan ay makakamtan sa pananampalataya at hindi ng pagbabayad

b)

gusto niyang palitan ang Santo Papa at siya ang magiging hari o Santo

c)

siya ay inutusan ng hari ng Alemanya

d)

ayaw niyang makasama sa simbahan

27.

Paano nakaapekto ang mga aral ni John Calvin sa pag-usbong ng iba't ibang sekta ng Kristiyanismo sa Europa?

a)

Nagturo siya ng mga doktrinang nagpapatibay sa Katolisismo

b)

Ang mga ideya ay naging batayan ng ilang grupong Protestante

c)

Tinuligsa niya ang paggamit ng Bibliya

d)

Ipinaglaban niya ang edukasyon para sa mga babae

28.

Bakit itinuturing na makabuluhan ang pamumuno ni Elizabeth I sa kasaysayan ng Inglatera? Dahil

a)

pinanumbalik niya ang Katolisismo sa bansa

b)

napagsama ang estado at relihiyosong toleransiya sa ilalim ng Protestantismo

c)

pinabagsak niya ang lahat ng simbahan

d)

tuluyan niyang ipinagbawal ang kalakalan sa Europa

29.

Paano tumugon ang Simbahang Katolika sa mga hamon ng Repormasyon sa pamamagitan ng Kontra-Repormasyon? Sa pamamagitan ng _________________________.

a)

pagbabawal ng edukasyon at pagbabasa

b)

pagpapatibay ng reporma at pananampalatayang Katoliko

c)

pag-alis ng Santo Papa sa Roma

d)

pagsasanib sa mga grupong Protestante

30.

Ano ang ipinapakita ng ugnayan ng Renaissance, Repormasyon, at Kontra-Repormasyon sa kasaysayan ng Europa?

a)

mga paagbabago ay dulot lamang ng digmaan

b)

pag-unlad ng isip, pananampalataya, at sining ay nagtulak ng pagbabago

c)

na ang relihiyon ay walang epekto sa lipunan at sa mga maharlikang tao

d)

ang mga ideya ng nakaraan ay hindi na mahalaga sa kasalukuyan

31.

Sa paglawak ng kapangyarihan ng mga Ottoman, itinatag nila ang kanilang unang kabisera. Ano ang tawag sa unang kabisera ng Imperyong Ottoman?

a)

Istanbul

b)

Burka

c)

Bursa

d)

Mecca

32.

Ang mga Janissaries ay mahalagang bahagi ng hukbong Ottoman. Ano ang katangian nila? Mga _________________________.

a)

sundalong Muslim na galing sa Arabia

b)

batang Kristiyanong sinanay upang maging hukbo ng Sultan

c)

tagapagtanggol ng mga simbahan sa Constantinople

d)

alipin na ginawang manggagawa sa palasyo

33.

Isa sa mga pinakatanyag na Sultan ng Imperyong Ottoman ang sumakop sa Constantinople at nagtatpos sa kapangyarihan ng Byzantine Empire. Sino siya?

a)

Osman II

b)

Mehmed III

c)

Mehmed II

d)

Murad I

34.

Ano ang tawag sa pinakmataas na pinuno ng Imperyong Ottoman na may kapangyarihang politikal at relihiyoso?

a)

Vizier

b)

Sultan

c)

Imer

d)

Calpin

35.

Ano ang panahon na nagpakita ng mga serye ng reporma sa simbahang Katolika?

a)

kontradiksyon

b)

kontra-repormasyon

c)

kontra-protestantismo

d)

kontra-Romano

36.

Ano ang panibagong uri ng tao na naging impluwensyal at makabago sa panahon ng Renaissance?

a)

kaparian

b)

mangangalakal

c)

patrician

d)

hari

37.

Ano ang grupo ng mga Turk na nagkonsolida ng kapangyarihan sa Anatolia at sinakop ang silangang bahagi ng Europa?

a)

Ottoman

b)

Seljuk

c)

Safavid

d)

Kurd

38.

Ang siyudad na sinakop ng mga Ottoman ay pinangalanan nilang ano pagkatapos ng pagsakop?

a)

Cappadocia

b)

Athens

c)

Istanbul

d)

Ankara

39.

Ano ang inilimbag ni Martin Luther na kompendyum ng mga pang-aabuso ng simbahan sa mga kinokolektang indulhensiya?

a)

95 theses

b)

12 tables

c)

99 problems

d)

90 krets

40.

Ano ang mahalagang imbensyon na nagpadali at mabilis na paglaganap ng impormasyon sa panahong Renaissance?

a)

fountain pen

b)

steam engine

c)

printing press

d)

ink

41.

Ang Ottoman Turk ay nagtatag ng kapangyarihan sa Anatolia sa pamumuno ni Osman.

a)

TAMA

b)

MALI

42.

Ang Seljuk Empire ay lumakas at pinabagsak ang mga Ottoman sa Anatolia.

a)

TAMA

b)

MALI

43.

Ang Bursa ang unang kabisera ng Imperyong Ottoman bago sinakop ang Constantinople.

a)

TAMA

b)

MALI

44.

Ang mga Janissaries ay mga batang Kristiyano na sinanay upang maging tapat na sundalo ng imperyo.

a)

TAMA

b)

MALI

45.

Ang sultan ang pinakamataas na pinuno ng Imperyong Ottoman.

a)

TAMA

b)

MALI

46.

Si Mehmed II ay kilala bilang pinunong sumuko sa Constantinople noong 1453.

a)

TAMA

b)

MALI

47.

Ang pagbagsak ng Constantinople noong 1453 ay nagwakas sa pamumuno ng Byzantine Empire.

a)

TAMA

b)

MALI

48.

Tinawag na Istanbul ang Constantinople matapos itong masakop ng mga Ottoman.

a)

TAMA

b)

MALI

49.

Ang Bosporus at Dardanelles ay mga bulubundukin na naghihiwalay sa Asya at Europa.

a)

TAMA

b)

MALI

50.

Ang pagbagsak ng Constantinople ay nagdulot ng takot sa Europa at sa Panahon ng Pagtuklas.

a)

TAMA

b)

MALI

51.

Ang Renaissance ay tinatawag na muling pagsilang ng kulturang Griyego at Romano at paglayo sa relihiyosong sentro ng Medieval Age.

a)

TAMA

b)

MALI

52.

Sa panahon ng Renaissance, humina ang mga monarkiya sa Pransya, Inglatera, at Espanya.

a)

TAMA

b)

MALI

53.

Ang lungsod ng Florence ay nakilala dahil sa pamilya Medici na mga patron ng sining at agham.

a)

TAMA

b)

MALI

54.

Ang Venice ay naging sentro ng kalakalan dahil sa monopolyo nito sa mga pampalasa at ugnayan sa mga Ottoman.

a)

TAMA

b)

MALI

55.

Ang konsepto ng patronage ay tumutukoy sa samahan ng mga artisan at mangangalakal.

a)

TAMA

b)

MALI

56.

Si Johannes Gutenberg, isang Aleman, ang lumikha ng movable type printing press noong kalagitnaan ng 1400s.

a)

TAMA

b)

MALI

57.

Ang unang nalimbag sa printing press ni Gutenberg ay isang ensiklopedya tungkol sa agham.

a)

TAMA

b)

MALI

58.

Ang Repormasyon ay isang kilusang panlipunan at panrelihiyon noong ika-16 na siglo na naglayong baguhin ang Simbahang Katolika.

a)

TAMA

b)

MALI

59.

Ang Christian Humanism ay paniniwala na ang tao ay walang kakayahang umunlad nang walang tulong ng simbahan.

a)

TAMA

b)

MALI

60.

Si Desiderius Erasmus ay nagsulong ng Kristiyanismo bilang gabay sa makabuluhang pamumuhay.

a)

TAMA

b)

MALI

61.

Ang pagbebenta ng indulhensya ay itinuturing na isang uri ng katiwalian sa simbahan noong panahon ng Repormasyon.

a)

TAMA

b)

MALI

62.

Si Martin Luther ay isang mongha at propesor sa Unibersidad ng Wittenberg na nagturo ng teolohiya.

a)

TAMA

b)

MALI

63.

Ayon kay Luther, ang kaligtasan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng mabuting gawa at mga ritwal ng simbahan.

a)

TAMA

b)

MALI

64.

Ang “Ninety-Five Theses” ni Luther ay naglalaman ng batikos laban sa pagbebenta ng indulhensiya at pang-aabuso ng Simbahan.

a)

TAMA

b)

MALI

65.

Ang pagtuturo ni Luther ng “Sola fide” o pananampalataya lamang ang naging simula ng Protestant Reformation.

a)

TAMA

b)

MALI