wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

REVIEWER IN VE 7 Q2

Total questions: 40

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing institusyon na humuhubog sa pagkatao ng bata?

a)
A. Paaralan
b)
B. Simbahan
c)
C. Pamilya
d)
D. Pamahalaan
2.

Alin sa mga sumusunod ang uri ng pamilyang binubuo ng ama, ina, at anak lamang?

a)
A. Joint na Pamilya
b)
B. Pinalawak na Pamilya
c)
C. Nukleyar na Pamilya
d)
D. Blended na Pamilya
3.

Anong uri ng pamilya ang may tatlo o higit pang henerasyon na magkakasama sa iisang tahanan?

a)
A. Blended na Pamilya
b)
B. Joint na Pamilya
c)
C. Nukleyar na Pamilya
d)
D. Pinalawak na Pamilya
4.

Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng "blended" na pamilya?

a)
A. Pamilyang pinagsama mula sa dating relasyon
b)
B. Pamilyang may kasamang lolo at lola
c)
C. Pamilyang may iisang magulang
d)
D. Pamilyang may magkakapatid na naninirahan sa iisang bubong
5.

Anong uri ng pamilya ang binubuo ng magkakapatid na kasama ang kani-kanilang pamilya sa isang bubong?

a)
A. Joint
b)
B. Nukleyar
c)
C. Blended
d)
D. Solo
6.

Bakit sinasabing ang bata ay sumasalamin sa kanyang pamilya?

a)
A. Dahil nakikita sa bata ang mga pagpapahalagang itinuro ng pamilya
b)
B. Dahil ginagaya ng bata ang ibang tao
c)
C. Dahil ito ang utos ng guro
d)
D. Dahil ito ay likas sa lahat ng tao
7.

Sa panahon ng kalamidad, alin sa mga sumusunod ang pinakamalinaw na nagpapakita ng pamilya bilang sandigan ng mga pagpapahalaga?

a)
A. Pagpapasya ng bawat isa nang hiwalay upang mas mabilis ang kilos sa oras ng sakuna.
b)
B. Pagbibigay ng malinaw na utos ng pinuno ng pamilya sa lahat ng miyembro.
c)
C. Pagtutulungan ng pamilya sa paggawa ng emergency plan batay sa pangangailangan.
d)
D. Pagtitiwala sa lokal na pamahalaan at hindi na kinokonsulta ang pamilya.
8.

Ayon sa kultura ng Tsina, sino ang itinuturing na pinuno ng pamilya?

a)
A. Ama
b)
B. Anak
c)
C. Ina
d)
D. Nakakatanda
9.

Anong hamon ang kinakaharap sa pantay na gawain sa tahanan?

a)
A. Kakulangan sa pagkain
b)
B. Tradisyonal na paniniwala na babae lang ang dapat sa gawaing-bahay
c)
C. Kawalan ng mga kagamitan sa bahay
d)
D. Kawalan ng edukasyon sa mga anak
10.

Siya ang kasapi ng pamilya na kinikilala na haligi ng tahanan at lider ng pamilya.

a)
A. Tatay
b)
B. Lolo
c)
C. Kuya
d)
D.Tiyo
11.

Siya ang kasapi ng pamilya na nagsisilbing ate at hingahan ng problema ng pamangkin.

a)
A. Nanay
b)
B. Tiya
c)
C. Ate
d)
D. Lola
12.

Siya ang kasapi ng pamilya na tumutulong sa tatay sa mga mabibigat na gawain.

a)
A. Tatay
b)
B. Lolo
c)
C. Kuya
d)
D.Tiyo
13.

Ano ang pangunahing layunin ng pamilya sa lipunan?

a)
A. Magtaguyod ng negosyo
b)
B. Magpakalat ng relihiyon
c)
C. Magsilbing unang guro ng aral at pagpapahalaga
d)
D. Mag-organisa ng pamahalaan
14.

Ano ang ipinagdiriwang tuwing Pebrero 25 sa Pilipinas?

a)
A. Araw ng Kagitingan
b)
B. Araw ng Kalayaan
c)
C. Araw ng Rebolusyong EDSA
d)
D. Araw ng Manggagawa
15.

Ano ang kahalintulad ng pamilya ayon kay Siason (2023)?

a)
A. Bato sa ilog
b)
B. Punong kahoy
c)
C. Liwanag ng buwan
d)
D. Sapot ng gagamba
16.

Aling love language ang kinakatawan ng pagbibigay ng yakap, halik, o masahe?

a)
A. Quality Time
b)
B. Physical Touch
c)
C. Gifts
d)
D. Words of Affirmation
17.

Paano nakakatulong ang pamilya sa edukasyon sa seksuwalidad?

a)
A. Sa pamamagitan ng tamang edukasyon at pagpaplano
b)
B. Sa pamamagitan ng pag-uusap
c)
C. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagsasama-sama bilang pamilya
d)
D. Sa pamamagitan ng media
18.

Ano ang maaaring maging epekto ng magulong pamilya sa mga bata?

a)
A. Mas mataas ang posibilidad na huminto sa pag-aaral
b)
B. Malusog ang relasyon
c)
C. Mas mahusay sa eskwela
d)
D. Nagiging lider ng komunidad
19.

Ayon kay Pierangelo Alejo, paano nabubuo ang isang pamilya?

a)
A. Sa pamamagitan ng pagkakaibigan
b)
B. Sa pamamagitan ng edukasyon
c)
C. Sa pamamagitan ng pagpapakasal batay sa pagmamahalan
d)
D. Sa pamamagitan ng batas ng pamahalaan
20.

Ito ay isang lipunan o samahan na itinatag para sa isang relihiyon, pang-edukasyon, panlipunan, o mga katulad na layunin.

a)
A. Pamilya
b)
B. Pundasyon
c)
C. Institusyon
d)
D. Pamahalaan
21.

Ano ang kahulugan ng panalangin?

a)
A. Paraan ng pagsamba sa idolo
b)
B. Paraan ng pakikipag-usap sa Diyos
c)
C. Paraan ng pagbasa ng Biblia
d)
D. Paraan ng paggawa ng Milagro
22.

Bakit mahalaga ang sama-samang panalangin ng pamilya?

a)
A. Upang magkaisa ang pamilya
b)
B. Upang matuto ng iba't ibang relihiyon
c)
C. Upang mapalapit sa Diyos at maipasa ang pananampalataya
d)
D. Upang makaiwas sa gawaing bahay
23.

Alin sa mga ito ang nakatutulong sa pagpapalalim ng komunikasyon sa pamilya?

a)
A. Sama-samang panonood ng TV
b)
B. Tahimik na pagtulog
c)
C. Pagkakanya-kanya ng gamit ng gadget
d)
D. Sama-samang panalangin
24.

Anong salitang tumutukoy sa taong pinagkakatiwalaan ng ari-arian?

a)
A. Tagapagligtas
b)
B. Katiwala
c)
C. Manlalakbay
d)
D. Tagapamagitan
25.

Anong teknolohikal na bagay ang nakaaapekto sa sama-samang panalangin?

a)
A. Midya at gadgets
b)
B. Radyo lamang
c)
C. Kalendaryo
d)
D. Bibliya
26.

Paano ipinapakita ng panalangin ang pagmamahal sa Diyos?

a)
A. Sa paglalaan ng oras at lakas para sa Kanya
b)
B. Sa pagdalo sa sayawan
c)
C. Sa pagbili ng gamit sa simbahan
d)
D. Sa pagtulog sa oras ng misa
27.

Ang panalangin ay nagdudulot ng:

a)
A. Ingay sa tahanan
b)
B. Kapayapaan at pagbabago ng buhay
c)
C. Takot sa Diyos
d)
D. Paniniwala
28.

Kailan ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan?

a)
A. Hunyo 12
b)
B. Agosto 26
c)
C. Abril 9
d)
D. Mayo 1
29.

Ano ang epekto ng hindi nasasagot na panalangin sa ilang pamilya?

a)
A. Lalong nananampalataya
b)
B. Lumalalim ang ugnayan
c)
C. Nawawalan ng tiwala sa panalangin
d)
D. Mas madalas magbasa ng Biblia
30.

Ano ang ibig sabihin ng “Likas na Batas Moral”?

a)
A. Batas ng simbahan
b)
B. Moralidad mula sa batas ng tao
c)
C. Batas na nakaukit sa puso ng tao
d)
D. Likas na batas ng kalikasan
31.

Paano nakatutulong ang konsensiya ng isang tao sa paggabay sa kaniya na pumili ng makatarungan at etikal na desisyon sa gitna ng mapaghamong buhay?

a)
A. Nagbibigay ito ng patnubay sa pag-unawa ng tamang kilos na dapat gawin.
b)
B. Nakikiramdam ito sa mali na dapat iwasan.
c)
C. Nagpapasya ito ayon sa subhektibong pang-unawa ng tao.
d)
D. Hindi ito nagbibigay ng anomang epekto sa desisyon
32.

Ano ang kahulugan ng konsensiya?

a)
A. Panlabas na batas
b)
B. Kakayahang umangkop
c)
C. Kakayahang magpasya batay sa tama o mali
d)
D. Pag-aaral ng batas moral
33.

Anong uri ng konsensiya ang gumagamit ng tamang prinsipyo at katotohanan?

a)
A. Malabong konsensiya
b)
B. Tamang konsensiya
c)
C. Maling konsensiya
d)
D . Mapanghusgang konsensiya
34.

Ano ang ipinagdiriwang tuwing Agosto 26?

a)
A. Araw ng Kalayaan
b)
B. Araw ng mga Bayani
c)
C. Araw ng Manggagawa
d)
D. Araw ng mga Bansa
35.

Ano ang diwa ng Araw ng Manggagawa?

a)
A. Pagpaparangal sa mga bayani
b)
B. Paggunita sa Kalayaan
c)
C. Pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawa
d)
D. Pagdiriwang ng pagkakaisa ng bansa
36.

Ano ang layunin ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan?

a)
A. Paggunita sa mga manggagawa
b)
B. Pagpaparangal sa mga sundalong Pilipino sa Bataan
c)
C. Pagdiriwang ng kalayaan mula sa Espanya
d)
D. Pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan
37.

Ano ang pangunahing tungkulin ng mag-aaral sa kanyang pamilya?

a)
A. Magtrabaho agad
b)
B. Gampanan ang tungkulin upang mapanatili ang pagmamahalan at kaayusan
c)
C. Mamuno sa pamahalaan
d)
D. Maglakbay sa ibang bansa
38.

Alin sa mga ito ang hindi tuwirang makatutulong sa paghubog ng konsensiya?

a)
A. Moral na pormasyon
b)
B. Social media trends
c)
C. Pagninilay at panalangin
d)
D. Gabay ng pamilya
39.

Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:

a)
A. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao.
b)
B. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao.
c)
C. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama.
d)
D. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao.
40.

Kapag inanyayahan ka ng iyong mga kaibigan na subukan ang ipinagbabawal na gamot, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paggamit ng konsensya?

a)
A. Sumama sa kanila upang hindi ka mapag-iwanan, kahit alam mong mali ito.
b)
B. Tanggihan ang alok at alalahanin ang epekto nito sa iyong buhay at pamilya.
c)
C. Subukan lang minsan, para masabi mong naranasan mo rin.
d)
D. Manahimik na lang at huwag magsalita kahit tutol ka sa ginagawa nila.