wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GMRC

Total questions: 40

Worksheet time: 40mins

Name
Class
Date
1.

Bakit mahalaga ang paglahok sa mga programang pampaaralan na nagpapakita ng iyong kakayahan at talento?

a)

Para makilala ng mga kaklase

b)

Para ipakita na mas magaling ka kaysa iba

c)

Para maipakita ang tiwala sa sarili at mapaunlad ang kakayahan

d)

Para hindi mapagalitan ng guro

2.

Paano ka matutulungan ng iyong pamilya sa pagpapalakas ng tiwala sa sarili kapag lumalahok ka sa mga programang pampaaralan?

a)

Bibigyan ka nila ng premyo kapag nanalo ka

b)

Papayagan ka nilang gawin ang lahat ng gusto mo

c)

Babalewalain nila ang mga pagkakamali mo

d)

Tutulungan ka nilang magsanay at magbigay ng suporta

3.

Ano ang dapat mong gawin kung hindi ka nanalo sa isang paligsahan sa paaralan?

a)

Magsikap pa at tanggapin ang pagkatalo bilang bahagi ng pagkatuto

b)

Huwag nang sumali ulit

c)

Sisihin ang mga guro at hurado

d)

Huwag na huwag ipakita ang talento mo sa iba

4.

Alin sa mga sumusunod ang tamang dahilan sa pagsali sa mga programang pampaaralan?

a)

Para mapuri ng lahat ng guro

b)

Para masubok at mapaunlad ang iyong talento

c)

Para mapahiya ang mga kaklase

d)

Para magamit ang oras sa ibang bagay

5.

Paano mo ipapakita ang tiwala sa sarili habang lumalahok sa isang pampaaralang programa?

a)

Tularan ang ginagawa ng iba para hindi magkamali

b)

Magpakita ng tapang kahit kinakabahan at gawin ang pinakmabuti

c)

Iwasang sumali kung hindi sigurado sa gagawin

d)

Hintayin na lang ang resulta ng iba bago magdesisyon

6.

Paano mo maipapakita ang pagiging matiyaga kapag may itinuro sa iyo ang miyembro ng pamilya na bagong gawain?

a)

Tatapusin agad kahit hindi naiintindihan

b)

Gagawin nang mabagal para hindi mapagod

c)

Magtatano ng mga paraan upang mas mapabuti ang paggawa

d)

Hihintayin na lang na matapos ng iba ang gawain

7.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging matiyaga sa paggawa ng mga gawaing pambahay?

a)

Magpatuloy sa paggawa kahit maraming beses na nabibigo

b)

Sumuko agad kapag nahihirapan

c)

Gawin ang gawin nang mabilis kahit may pagkakamali

8.

Bakit mahalaga ang pagtanggap ng mungkahi mula sa miyembro ng pamilya kapag gumagawa ng isang gawain?

a)

Para maipakita ang pagiging matiyaga at handang matuto

b)

Para malaman kung ano ang mas madaling paraan sa paggawa

c)

Para sila ang magdesisyon para sa iyo

d)

Para maiwasan ang anumang responsibilidad sa gawain

9.

Paano ka matutulungan ng iyong pamilya na maging mas matiyaga sa iyong mga ginagawa?

a)

Sabihan kang bilisan ang gawain kahit mali-mali

b)

Panoorin kang magkamali nang hindi tumutulong

c)

Magbigay ng payo at suporta upang matapos ang gawain nang tama

d)

Ibigay ang lahat ng gawain sa iyo para masanay ka agad

10.

Ano ang dapat mong gawin kung hindi mo agad magawa nang tama ang isang gawain kahit may payo na mula sa miyembro ng pamilya?

a)

Huwag nang ulitin ang gawain at hayaan na lang

b)

Subukan muli at humingi ng karagdagang mungkahi

c)

Ipagpatuloy kahit mali basta matapos agad

d)

Hayaan ang ibang tao na gawin ito para sa iyo

11.

Bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na pananalita kapag nakikipag-usap sa kapuwa?

a)

Para makuha ang gusto mo agad

b)

Para maiwasan ang hindi pagkakaintindihan at masaktan ang damdamin ng iba

c)

Para matakot ang kausap at sumunod sa iyo

d)

Para magmukhang magalang kahit hindi totoo

12.

Ano ang pinakamahalagang natutunan mula sa pamilya tungkol sa pakikipag-usap sa ibang tao?

a)

Maging palaging tama sa usapan

b)

Magsalita nang malakas para marinig ng lahat

c)

Gumamit ng mahinahong pananalita at isaalang-alang ang damdamin ng kausap

d)

Iwasang makipag-usap sa mga hindi kilala

13.

Paano mo maipapakita ang pagiging mapagpasensiya kapag may kausap na hindi ka nauunawaan agad?

a)

Taasan ang boses para maintindihan agad

b)

Pakinggan ang sinasabi niya at magpaliwanag nang mahinahon

c)

Balewalain ang kanyang sinasabi at umalis na lang

d)

Magalit para sumunod siya sa gusto mo

14.

Ano ang epekto ng maayos na komunikasyon sa ugnayan ng mga kasapi ng pamilya at ng ibang tao?

4 lines
15.

Paano mo mailalapat ang natutunan mula sa pamilya tungkol sa maayos na pakikipag-usap kapag nakikipag-ugnayan sa ibang tao?

a)

Gumamit ng salitang magalang at intindihin ang damdamin ng iba

b)

Gamitin lamang ang magalang na salita kapag kinakailangan

c)

Magsalita nang mabilis upang matapos agad ang usapan

d)

Iwasan ang mga hindi mahalagang usapan para hindi masayang ang oras

16.

Paano mo maipapakita ang pagiging masunurin sa iyong pamilya?

a)

Gawin lamang ang mga utos kung gusto mo

b)

Sumunod sa mga utos ng magulang nang walang reklamo

c)

Magtago para hindi makita at mapilitang gumawa

d)

Magreklamo bago sundin ang utos ng magulang

17.

Ano ang dapat mong gawin kapag may hindi pagkakaintindihan sa loob ng pamilya?

a)

Sumigaw para marinig ang iyong panig

b)

Manahimik at huwag nang makialam

c)

Gamitin ang mga aral ng pananampalataya para magkaayos

d)

Iwanan ang pamilya at maghanap ng ibang kasama

18.

Bakit mahalaga ang pagiging masunurin sa mga magulang?

a)

Para mabigyan ka ng paboritong pagkain

b)

Para ipakita ang respeto at pagmamahal sa kanila

c)

Para makaiwas sa mga gawain sa bahay

d)

Para maging masaya ang mga kapatid mo

19.

Ano ang pinakanamainam na gawin kapag inutusan ka ng magulang na gawin ang isang bagay na hindi mo gusto?

a)

Magpanggap na hindi mo narinig

b)

Sumunod nang may galang at kausapin ang magulang kung may tanong

c)

Tumanggi nang direkta at magbigay ng dahilan

d)

Gawin lamang kung may gantimpala

20.

Paano mo mailalapat ang mga aral ng pananampalataya sa mga sitwasyon sa pamilya?

a)

Sumunod lamang kapag may kapalit

b)

Maging mapagpatawad at mapagkalinga sa mga kasapi ng pamilya

c)

Iwasan ang mga gawain ng pamilya para hindi maabala

d)

Ipapaliban ang mga utos hanggang sa huli

21.

Kapag may pagtatalo sa pagitan ng iyong mga kapatid, ano ang maaari mong gawin upang maipakita ang aral ng pananampalataya?

4 lines
22.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapagkalingang pakikitungo sa mga kasapi ng pamilya?

a)

Pagtulong sa mga gawaing bahay kahit hindi inuutosan

b)

Pagtulong buong araw para hindi makaistorbo

c)

Pag-iwas sa anumang pagtatalo kahit tama ka

d)

Pagtanggi sa mga gawain dahil gusto mong maglaro

23.

Ano ang dapat mong gawin kung ang iyong magulang ay nagbigay ng payo na hindi mo naiintindihan?

a)

Sundin agad kahit hindi malinaw

b)

Magtanong nang maayos upang maliwanagan

c)

Hindi na sundin dahil hindi mo naiintindihan

d)

Sumunod kapag naintindihan mo na ang lahat

24.

Bakit mahalaga ang paglalapat ng mga aral ng pananampalataya sa pamilya?

a)

Para magkaroon ng kapangyarihan sa loob ng pamilya

b)

Para gabayan ang pamilya tungo sa kapayapaan at kasiyahan

c)

Para hindi mapagalitan ng magulang

d)

Para magmukhang mabait sa harap ng ibang tao

25.

Paano mo maipapakita ang pagiging masunurin at mapagkalinga kung may hinihiling ang iyong mga magulang na gawain sa bahay?

a)

Gawin agad nang may galak sa puso at walang reklamo

b)

Gawin ito pagkatapos mong maglaro

c)

Sabihin na iba na lang ang gumawa

d)

Ipagpaliban ang gawain hangga't gusto mo

26.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig sa tahanan?

a)

Magtapon ng basura sa ilog kapag walang nakatingin

b)

Iwanan ang gripo na bukas habang naglalaba

c)

Gumamit ng maraming tubig kahit hindi kailangan

d)

Tiyaking hindi tumatagas ang mga gripo sa bahay

27.

Paano ka makatutulong sa pamilya upang maiwasan ang pagdumi ng mga ilog at lawa?

a)

Itapon ang mga gamit na kemikal sa kanal

b)

Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at daluyan ng tubig

c)

Sabihin sa iba na maglinis ng ilog, pero hindi na tumulong

d)

Gumamit ng ilog bilang tapunan ng dumi ng bahay

28.

Ano ang pinakamainam na gawin kung may nakitang mga basura sa tabi ng ilog malapit sa inyong bahay?

a)

Pulutin at itapon sa tamang basurahan

b)

Huwag pansinin

c)

Magreklamo sa barangay

d)

Magdala ng ibang tao upang tumulong

29.

What is the best way to help clean up your community?

a)

A. Manghikayat ng mga kaibigan at pamilya na tumulong linisin ito

b)

B. Pabayaan na lang dahil hindi mo naman itinanpon iyon

c)

C. Maghintay ng mga opisyal ng barangay na maglinis

d)

D. Itapon ang basura sa ilog para hindi na makita

30.

Bakit mahalagang makibahagi sa mga gawaing pangkalikasan, tulad ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig?

a)

Para makilala sa komunidad bilang aktibo

b)

Para masigurong malinis ang tubig para sa susunod na henerasyon

c)

Para makaiwas sa mga gawaing bahay

d)

Para hindi mapagalitan ng magulang

31.

Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng inyong pamilya upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig?

a)

Gumamit ng mga natural na panlinis sa halip na kemikal sa mga gawain sa bahay

b)

Gumamit ng mas maraming kemikal para mas mabilis ang paglilinis

c)

Mag-imbak ng maruming tubig para magamit muli

d)

Iwasang maglinis ng bahay upang makatipid sa tubig

32.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kaugalian Pilipino na nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya?

a)

Pagtutulungan sa gawaing bahay

b)

Pag-iwas sa usapan ng pamilya

c)

Pagtatago ng lihim sa mga magulang

d)

Pag-aaway ng mga kapatid

33.

Ano ang pinakamaainam na paraan upang maipakita ang respeto sa mga nakatatanda sa pamilya?

a)

Pagmamano sa mga nakatatanda

b)

Pagsigaw sa kanila kapag galit

c)

Pag-iwas sa kanila upang hindi mapagalitan

d)

Pag-alis ng kanilang gamit sa mesa

34.

Paano nakatutulong ang pagiging magalang at masunurin sa pamilya sa pagpapatatag ng kaugalian Pilipino?

a)

Nakatutulong ito upang magkapitbahay ang magkasundo

b)

Nagpapatibay ito ng relasyon at nagbubuklod ng pamilya

c)

Nakatutulong ito upang makuha ang gusto mo mula sa magulang

d)

Pinoprotektahan nito ang iyong personal na interes

35.

Ano ang ipinapakita mo kapag nagkakaroon kayo ng salu-salo tuwing may okasyon sa inyong pamilya?

a)

Pagiging matulungin

b)

Pagiging mapagbigay

c)

Pagpapahalaga sa tradisyon ng pamilya

d)

Pag-iwas sa gawain ng pamilya

36.

Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng bawat kasapi ng pamilya sa pang-araw-araw na buhay?

a)

Para mas mapadali ang mga gawain

b)

Para matutunan ng bawat isa ang pagkamakasarili

c)

Para makaiwas sa responsibilidad

d)

Para makaligtas sa parusa ng magulang

37.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kaugalian Pilipino na dapat ituro sa mga kabataan?

a)

Pagwawalang-bahala sa problema ng pamilya

b)

Pagtulong sa mga gawaing pampaaralan at tahanan

c)

Pag-iwas sa mga tradisyonal na kaugalian

d)

Pagiging makasarili sa lahat ng oras

38.

Paano makatutulong ang pagdalo sa mga gawaing pampamilya tulad ng pista at kasalan sa pagpapatatag ng pagmamahal sa bayan?

a)

Pinatitibay nito ang pagkakaisa ng komunidad

b)

Nagiging pagkakataon ito para makakuha ng pagkain

c)

Nakatutulong ito para magkaroon ng kaaway

d)

Nakatutulong ito upang makaiwas sa responsibilidad sa tahanan

39.

Ano ang pinakamagandang gawin upang mapanatili ang kaugalian ng pagtutulungan sa pamilya?

a)

Laging magreklamo kapag inuutusan

b)

Iwasan ang pagsali sa mga gawaing pampamilya

c)

Magtulungan at magdamayan sa mga gawain

d)

Magpanggap na abala kapag may kailangang gawin

40.

Bakit mahalaga ang pagpapatatag ng mga kaugalian Pilipino sa pamilya?

a)

Dahil nagpapakita ito ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa

b)

Dahil nagbigay ito ng mas maraming responsibilidad

c)

Para mapansin ng mga kapitbahay

d)

Para makaiwas sa mga gawaing bahay