NEW
Font size
WorksheetsPKLP Review
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
1. Sa isang opisina, napansin ni Mr. Ramos na ang mga babae ay madalas lamang inaatasan sa mga gawaing administratibo, habang ang mga lalaki ay sa mga proyektong pang-field. Nais niyang imungkahi ang pagbabago, ngunit natatakot siyang baka isipin ng iba na siya ay nakikialam. Ano ang pinakamahusay na hakbang na maaari niyang gawin?
A. Ikausap nang pribado ang kanyang pinuno at magmungkahi ng mas pantay na paghahati ng mga tungkulin
B. Magpahayag agad ng reklamo sa social media tungkol sa diskriminasyon sa opisina
C. Balewalain ito dahil hindi naman siya direktang naaapektuhan
D. Magpatawag ng pulong at tuligsain ang pamunuan sa harap ng lahat
2. Kailan itinatag ang Hunters ROTC?
A. Noong panahon ng Amerikano
B. Noong panahon ng mga Espanyol
C. Noong panahon ng pananakop ng mga Hapones
D. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
3. Ang Kilusang Agraryo noong ika-18 at ika-19 na siglo ay pangunahing naglalayong palayain ang mga Pilipino mula sa pang-aapi ng mga prayle at haciendero.
Tama
Mali
4. Si Jose Rizal ang itinuturing na “Ama ng Katipunan” dahil siya ang unang nagturo ng paggamit ng lihim na samahan laban sa mga Espanyol.
Tama
Mali
5. Sa isang unibersidad, may proyekto tungkol sa paggawa ng makinarya. Sinabi ng ilang miyembro ng grupo na mas mainam kung lalaki ang mamuno dahil mas “sanay sa teknikal na gawain.” Si Lira ay may karanasan sa ganitong proyekto at nais niyang mamuno. Ano ang pinakamaingat ngunit makabuluhang paraan para ipakita ang kanyang paninindigan?
A. Manahimik na lang at hintaying may magbago sa opinyon ng grupo
B. Ipahayag ang kanyang karanasan at magmungkahi ng patas na paraan sa pagpili ng lider
C. Tumanggi nang direkta at gumawa ng sariling proyekto
D. Ipagsigawan na siya ang mas karapat-dapat mamuno kaysa sa mga lalaki
6. Ang mga Igorot ay gumamit ng kanilang kaalaman sa kabundukan upang maging epektibo sa pakikidigma laban sa mga mananakop.
Tama
Mali
7. Ano ang ipinaglaban ng mga Huk Amazons?
A. Karapatan ng mga kababaihan
B. Kalayaan ng Pilipinas laban sa mga Hapon
C. Edukasyon ng mga bata
D. Kapayapaan sa buong mundo
8. Paano ipinakita ng mga Huk Amazons ang kanilang katapangan?
A. Sa pamamagitan ng pagtakbo mula sa labanan
B. Sa pagtulong sa mga sundalo at pakikibaka sa digmaan
C. Sa pagtatago sa mga bundok
D. Sa paggawa ng mga kasuotan
9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng Kilusang Propaganda?
A. Paghingi ng reporma sa pamahalaan
B. Pagpapalaganap ng edukasyon
C. Pagsuporta sa ganap na rebolusyon laban sa Espanya
D. Pagkakapantay-pantay ng mga Espanyol at Pilipino sa batas
10. Ano ang pangunahing ipinaglaban ni Andres Bonifacio sa Rebolusyon ng 1896?
A. Karapatang bumoto ng mga Pilipino
B Kalayaan mula sa kolonyalismong Espanyol
C. Pagkakapantay ng kababaihan
D. Pagpapalawak ng edukasyon sa kabataan
11. Sino ang isa sa mga nagtatag ng Hunters ROTC?
A. Andres Bonifacio
B. Miguel Malvar
C. Terry Adevoso
D. Emilio Jacinto
12. Sa kasalukuyang panahon, paano mo maisasabuhay ang diwa ng Aktibismong Panuelo?
A. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng pagkakapantay-pantay sa paaralan o komunidad
B. Sa pagtahimik sa harap ng diskriminasyon
C. Sa pagbibigay lamang ng suporta sa likod ng mga lalaki
D. Sa pagtalikod sa isyu ng karapatang pantao
13. Ano ang pinakamabisang paraan na ginamit ng mga Sufragista upang maisulong ang kanilang layunin?
A. Tahimik na pagprotesta at hindi pakikialam sa pamahalaan
B. Pagbuo ng mga samahan at pagsusulong ng petisyon para sa karapatang bumoto
C. Pagtutok lamang sa edukasyon ng kababaihan
D. Paghingi ng tulong sa ibang bansa upang makamit ang boto
14. Isang kompanya ang hindi tumatanggap ng kababaihan sa posisyong pamunuan. Bilang tagapagtaguyod ng diwa ng Aktibismong Panuelo, ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Pumayag na lang dahil "batas ng kompanya" iyon
B. Magreklamo at hikayatin ang iba na ipaglaban ang pantay na karapatan
C. Lumipat ng trabaho nang walang ginagawa
D. Manahimik upang hindi magulo
15. Ang Kilusang Propaganda ay binubuo ng mga intelektuwal na Pilipino na nanirahan sa Espanya noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Layunin nilang ipahayag sa pamahalaang Espanyol ang mga hinaing ng mga Pilipino at humingi ng mga pagbabago sa sistemang pampulitika at panlipunan. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga repormang kanilang hinihingi?
A. Pagkakaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Cortes ng Espanya
B. Pagpapantay ng karapatan ng mga Pilipino at Espanyol sa ilalim ng batas
C. Ganap na kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng armadong rebolusyon
D. Sekularisasyon ng mga simbahan at pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag
