wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan 8 - Ikalawang Markahan Summative #2

Total questions: 30

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa sumusunod na pahayag ang nilalaman ng Kasunduan sa Tordesillas?

a)

Pagpapaunlad sa mga bansang masasakop ng Spain at Portugal

b)

Pagpapatatag ng mga daungan bilang sentro ng kalakalan sa mga nasakop na bansa

c)

Pagpayag ni Pope Alexander VI na ang Spain at Portugal ay maaaring manakop ng mga lupain sa daigdig

d)

Paghahati sa mga maaaring sakuping lupain sa daigdig; sa Kanluran bahagi para sa Spain at sa Silangan bahagi para sa Portugal

2.

Ano ang layunin ng pagpapatupad ng Sakoku Policy sa Japan?

a)

Kagustuhan ng Japan na makipagkalakalan sa mga Kanluranin

b)

Tanggapin at yakapin ang Kristiyanismo bilang bagong relihiyon sa bansa

c)

Pagsuporta sa mga Kanluranin kaya ginawan pa nila ito ng isang artipisyal na isla sa Dejima, Nagasaki

d)

Nais na protektahan ang bansa laban sa pananakop at impluwensiya sa pamamagitan ng pagsasara ng kanilang teritoryo

3.

Paano tinanggap ng Japan ang impluwensya ng mga Kanluranin sa panahon ng Meiji Restoration?

a)

Nag-aklas laban sa mga Kanluranin

b)

Ang mga Hapones ay nagbabayad bilang mga Kristiyano

c)

Ginamít ng mga Hapones ang ideya ng mga Kanluranin sa pagpaunlad ng kanilang bansa

d)

Nabigyan ng hustong kapangyarihan ang ang emperador at nagdulot ng pagpapawalang bisa sa kapangyarihan ng mga shogun

4.

Ano ang pangunahing ideya ang binigyang-diin sa panahon ng Enlightenment?

a)

pangangatwiran o reason

b)

relihiyon sa pag-oobserba ng mga bagay bagay

c)

pakiramdam sa pananaliksik

d)

tradisyonal na kaalaman noong panahong Medieval

5.

Ano ang pinakamainam na paglalarawan sa kaganapan ng Enlightenment sa Europa?

a)

Paggamit ng rason sa pagpapaliwanag ng mga bagay-bagay

b)

Pagangat ng sistema ng ekonomiya sa pagpagunlad ng buong Europa

c)

Paggamit ng politika upang maipaliwanag ang sistema ng lipunan at ng estado

d)

Paggamit ng mga ideyolohiya bilang basehan ng sistema ng buhay at ng pamahalaan sa Europa

6.

Ano ang naging implikasyon ng Enlightenment sa Rebolusyong Amerikano?

a)

Nagkaroon ng kaliwanagan ang mga tao sa kalayaan at pagkaka-pantay-pantay

b)

Sa pangyayaring ito napag-isa ng mga Amerikano ang lahat ng mga estado sa Amerika

c)

Dahil dito hindi na muli pa nabigyan ng pagkakataon ang komunismo laban sa demokrasya

d)

Dahil sa mga kaisipan ng na hatid ng Enlightenment nabuksan ang isipan ng mga tao na lumaban sa estado

7.

Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng pagsisimula ng pagtatatag ng mga imperyo ng England at France?

a)

Pagkatapos ng Renaissance

b)

Pagkatapos ng Hundred Years’ War

c)

Pagkatapos ng Rebolusyong Siyentipiko

d)

Pagkatapos ng Tokugawa Shogunate

8.

Alin sa sumusunod ang naging aksiyon ng mga rebolusyonaryo sa France laban sa kanilang hari?

a)

Pinatawad ang kanilang hari sa kanyang ginawang pagkakamali

b)

Hinayaan mabuhay ang kanilang hari at mamuno sa gitna ng pagtataksil sa bayan

c)

Pinatawan ng parusang kamatayan ang kanilang hari kasama ng kanyang mga tagasunod gamit ang guillotine

d)

Sapilitang pinalais ang kanilang hari sa kanyang trono upang maging isang malayang mamamayan at magtalaga ng bagong hari

9.

 Paano maituturing na aktibong nasyonalismo ang paglahok sa mga martsa at kilos-protesta?

a)

Inorganisa ng mga pamahalaan

b)

Ginagawa ito ng mga dayuhan

c)

Tahimik na paraan ng pagtutol

d)

Direktang aksyon upang ipahayag ang saloobin

10.

Ano ang paraang ginamit ni Mahatma Gandhi upang mapalaya ang India mula sa mga British?

a)

Sa pamamagitan ng isang malaking rebolusyon

b)

Sa pamamagitan ng paghingi ng pagtulong sa kapwa bansa

c)

Sa pamamagitan ng passive resistance at sa hindi marahas na paraan

d)

Sa pamamagitan ng pagpatay sa mga mga namumuno para bigyan ng hustisya ang mga tao

11.

Ano ang ginawa ni Hernán Cortés upang mapagtagumpayan ang pananakop sa Aztec?

a)

Pagpapalaganap na sakit sa mga katutubo tulad ng bulutong

b)

Pigilipilit na lahat ng katutubo ay sumunod sa Espanyol nang kusa

c)

Pakikipag-alyansa sa mga kaaway ng Aztec, na nagdulot ng digmaang sibil sa loob ng imperyo

d)

Purong swerte at hindi naging mahalaga ang estratehiya o alyansa sa tagumpay ng pananakop, kaya kusang bumagsak ang imperyo

12.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epekto ng kolonyalismong Espanyol ang kabihasnang Inca?

a)

Lumawak ang impluwensya ng imperyong Inca sa buong America

b)

Naging mas malaya ang mga Inca sa kanilang relihiyon at kultura

c)

Unundlag ang sistemang pamahalaan ng Inca sa ilalim ng mga Espanyol

d)

Nawalan ng kalayaan ang mga Inca at bumagsak ang kanilang kabihasnan

13.

Paano nakaapekto sa ekonomiya at lipunan ng Indochina (Vietnam, Laos, at Cambodia) ang sapilitang paggawa na ipinataupad sa ilalim ng sistemang kolonyal ng France?

a)

Sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pantay na karapatan sa lahat ng mamamayan ng Indochina

b)

Sa pamamagitan ng mabilis na pag-unlad ng lokal na industriya na hindi na kinailangan ang tulong ng France

c)

Sa pamamagitan ng pag-alis ng kontrol ng France sa kalakalan at pagbibigay-laya sa mga lokal na mangangalakal

d)

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga plantasyon at paggamit ng sapilitang paggawa na nagpayaman sa France ngunit nagpahirap sa mga katutubo

14.

Alin sa sumusunod ang naging mabuting tugon ng mga Asyano sa epekto ng unang yugto ng Imperyalismo ng mga Kanluranin sa mga Silanganing bansa?

a)

Ang mga bansang nasakop ay nagkaroon ng malawakang pagunlad

b)

Ang mga dating pagano ay napalitan ng mala-Kristyanong relihiyon

c)

Paglaganap ng nasyonalismo at patronayismo ng mga Silanganing bansa

d)

Maraming mga bansa sa Silangan ang nasadlak sa kahirapan bunga ng mga di-makataong patakaran

15.

Ano ang karaniwang epekto ng pananakop sa mga bansang nasakop sa Asya at Africa?

a)

Mataas na paghangga sa mga bansang Europeo

b)

Pagkawala ng sariling kultura, relihiyon, at kabuhayan

c)

Pagkakaroon ng makatarungang kalakalan at palitan ng kultura

d)

Pagtataas ng sahod at benepisyo ng mga katutubong manggagawa

16.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng “protectorate”?

a)

Noong pinaghatian ng mga Europeo ang China

b)

Ang aneksasyon ng Pilipinas sa ilalim ng America

c)

Pagtatalaga sa Thailand bilang Buffer State ng England at France

d)

Ang pagsunod ng mga kolonyo sa Mutual Defense treaty sa ilalim ng America

17.

Ang kapangyarihan ay nasa iisang tao lamang.

a)

Back-to-Africa Movement

b)

Absolutismo

c)

Declaration of Independence

d)

King Louis XIV

18.

Hari ng France na nagsabing “I am the State” at nagpagawa ng Palace of Versailles.

a)

Back-to-Africa Movement

b)

Absolutismo

c)

Declaration of Independence

d)

King Louis XIV

19.

Dokumentong naglalaman ng pahayag ng kalayaan ng mga Amerikano mula sa British.

a)

Back-to-Africa Movement

b)

Absolutismo

c)

Declaration of Independence

d)

King Louis XIV

20.

Kilusan na may layunin na ibalik ang mga Aprikano sa kanilang lupang pinagmulan upang muling buuin ang kanilang pagkakakilanlan.

a)

Back-to-Africa Movement

b)

Absolutismo

c)

Declaration of Independence

d)

King Louis XIV

21.

Paano nakatulong ang Act of Uniformity sa pagpapalawak ng Imperyo ng England sa mundo?

a)

Nagawa ni Elizabeth I nakontrol ang buong England sa pamamgitan ng absolute monarchy.

b)

Sa pamamagitan ng kasunduan ni Sir Walter Raleigh at Sir Francis Drake na hatiin ang mundo.

c)

Nagawa ni Elizabeth I ang pagkakasundo ng mga Portugal at Spain na makisabay ang England at France sa paghahanap ng bagong lupain.

d)

Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga Katoliko at Protestante nagkaroon ng maayos na lipunan at nakapagpokus ang pamahalaan ni Elizabeth I sa paghahanap ng bagong lupain.

22.

Alin sa sumusunod ang naging dahilan ng mga Spain, Portugal, at Netherlands upang maggalugad at tumuklas ng mga bansa sa mundo?

a)
  1. Ang pagnanais na maisakatuparan ang impluwensya ng Kristiyanismo sa buong Silangan at mapigilan ang malaking impluwensya ng Islam.

b)
  1. Ninais ng mga Europeo mapaunlad ang kani-kanilang mga bansa sa pamamagitan ng mga spices at iba pang mga produkto galing ng Silangan

c)
  1. Isa sa pinakamabigat na dahilan ng mga Europeo ay ang magkaroon ng malaking interes sa Silangan sa larangan ng ekonomiya at politika.

23.

Paano ipinapakita ng sistemang Heerendiensten at Polo Y Servicios ang kontrol ng namumuno sa kanilang nasasakupan?

a)
  1. Sa pamamagitan ng sapilitan at obligadong pagtatrabaho ng mga katutubo sa bukid, paggawa ng mga kalsada at iba pang proyekto ng Kanluranin.

b)
  1. Sa pamamagitan ng pagtulong ng mga katutubo sa mga Kanluranin kapalit ng hindi pagbayad ng buwis.

c)
  1. Sa pamamagitan ng pagbubuwis sa mga katutubo upang makalikom ng pondo sa paggawa ng iba’t ibang proyekto sa nasasakupan.

24.

Alin sa sumusunod ang naging hakbang ng mga taga-South Africa upang simulan ang rebolusyon laban sa mga mananakop?

a)
  1. Itinatag nila ang mga kilusang naglalayong palayain ang kanilang bansa mula sa Espanya.

b)
  1. Humingi sila ng tulong sa Portugal upang palayain ang kanilang mga bansa.

c)
  1. Lumipat sila sa ibang kontinente upang umiwas sa pamamahala ng mga Espanyol.

25.

Anong ruta ang tinahak ng mga Portugal upang makarating sa Asya nang masakop ng mga Turks ang Constantinople?

a)
  • Pababa sa Baybayin ng Kanlurang Africa

  • papuntang Cape of Good Hope at

  • Paakyat sa Indian Ocean

  • Hanggang sa India (Calicut)

b)
  • Paikot sa Atlantic Ocean

  • papuntang Cape of Good Hope at

  • Paakyat sa Indian Ocean

  • Hanggang sa Spice Island

c)
  • Dadaan sa Mediterranean Sea patungong Red Sea hanggang maabot nito ang Arabian Sea

26.

Paano naapektuhan ng kolonyalismong Espanyol ang kabihasnang Inca?

a)

Naging mas malaya ang mga Inca sa kanilang relihiyon at kultura.

b)

Lumawak ang impluwensya ng imperyong Inca sa buong America.

c)

Nawalan ng kalayaan ang mga Inca at bumagsak ang kanilang kabihasnan.

d)

Umunlad ang sistemang pamahalaan ng Inca sa ilalim ng mga Espanyol.

27.

 Ano ang naging epekto ng Scramble for Africa at ang Siberian Expansion ng Russia sa pamumuhay ng mga tao?

a)
  1. Nagkaroon ng malawakang pagbabago ng teritoryo sa mga bansa.

b)
  1. Nagkaroon ng maraming digmaan na nagpabago sa buhay ng mga tao at pagbabago ng kultura at teritoryo.

28.

Paano ipinakita ng kasunduang Treaty of Paris noong 1783 ang pagwawakas ng pamumuno ng Great Britain sa mga kolonya sa Amerika?

a)
  1. Ipinakita nito na nanatiling kontrolado ng Britain ang mga teritoryo sa Amerika kahit lumagda ito sa kasunduan

b)
  1. Pinatunayan nito na kaya ng mga kolonya na mamuno nang walang impluwensiya ng Europe.

c)

Nagpatunay ito na wala pang kakayahan ang Amerika na mamahala nang mag-isa kaya nanatili ang mga British para mamahala sa kanilang kolonya

29.
  1. Ang nation-state ay tumutukoy sa isang estado na binubuo ng mamamayang may magkakatulad na wika, kultura, relihiyon, at kasaysayan.
    Ano-ano ang apat na pangunahing elemento na dapat taglayin ng isang bansa upang maituring itong isang ganap na nation-state?

a)

Tao, Pamahalaan, Karangyaan, Teritoryo

b)

Kultura, Wika, Relihiyon, at Kasaysayan

c)

Mamamayan, Teritoryo, Pamahalaan, at Soberanya

d)

Kalayaan, Kultura, Teritoryo, at Pamahalaan

30.

Paano nagkakaiba ang mga paraan ng pagtutol ng China, Pilipinas, at India sa mga Kanluranin?

a)
  1. Lahat ng bansa ay gumamit ng mapayapang paraan ng pakikipagkasundo sa mga Kanluranin na tinanggap ng mga Kanluranin

b)
  1. Lumaban ang China sa pamamagitan ng rebelyon, ang India ay pag-aalsa at ng mapayapang kilusang nasyonalista, at ang Pilipinas sa pamamagitan ng rebolusyon.

c)
  1. Ang China at India ay umasa sa tulong ng mga Kanluranin upang makamit ang kalayaan at ang Pilipinas ay dumepende sa tulong ng mga Amerikano