wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 8 REVIEWER QTR 2

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing ideyang pang-Enlightenment na nakaimpluwensya sa Rebolusyong Amerikano?

a)

Ang kapangyarihan ng hari ay galing sa Diyos.

b)

Ang pamahalaan ay dapat pinamumunuan ng simbahan.

c)

Ang pamahalaan ay dapat pinamumunuan ng simbahan.

d)

Ang digmaan ay tanging paraan upang makamit ang kapayapaan.

2.

Sino sa mga pilosopong Enlightenment ang nagsulong ng ideya ng natural rights — buhay, kalayaan, at pag-aari — na ginamit sa Rebolusyong Amerikano?

a)

Baron de Montesquieu

b)

Jean-Jacques Rousseau

c)

John Locke

d)

Voltaire

3.

Alin sa mga sumusunod na dokumento ang malinaw na nagpapakita ng mga ideya ng Enlightenment sa Rebolusyong Amerikano?

a)

Bill of Rights ng Inglatera

b)

Declaration of Independence

c)

Magna Carta

d)

Treaty of Versailles

4.

Paano nakaapekto ang Enlightenment sa pananaw ng mga Amerikano tungkol sa pamahalaan?

a)

dapat manatiling tapat ang lahat sa monarkiya

b)

dapat ang pamahalaan ay may absolutong kapangyarihan

c)

dapat isailalim ang pamahalaan sa kapangyarihan ng simbahan

d)

dapat may pahintulot ng mga mamamayan ang pamahalaan upang mamuno

5.

Ano ang pagkakatulad ng mga ideya nina Rousseau at ng mga lider ng Rebolusyong Amerikano?

a)

Parehong naniniwala sa Social Contract.

b)

Parehong tumututol sa ideya ng Kalayaan.

c)

Parehong naniniwala sa Divine Right of Kings.

d)

Parehong naniniwala sa Social Contract o kasunduan ng mamamayan at pamahalaan.

6.

Sa iyong pagsusuri, paano naging inspirasyon ng mga Amerikano ang mga pilosopong Enlightenment sa kanilang laban para sa kalayaan

a)

Itinuro nila ang kahalagahan ng digmaan.

b)

Tinuruan silang maging masunurin sa hari.

c)

Itinuro nila ang limitadong kalayaan ng tao.

d)

Itinuturo ang pagkakapantay-pantay at karapatan ng mamamayan.

7.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagsiklab ng Rebolusyong Pranses noong 1789?

a)

Paglago ng industriya at kalakalan

b)

Paglawak ng mga kolonya sa Africa

c)

Pag-alis ng monarkiya sa kapangyarihan

d)

Kakulangan ng pagkain at hindi pantay na buwis sa lipunan

8.

Kung wala ang mga ideya ng Enlightenment, ano kaya ang maaaring kinahinatnan ng Rebolusyong Amerikano?

a)

Mas mabilis na makamit ang Kalayaan.

b)

Mananatiling kolonya ng Britanya ang America.

c)

Lalawak ang impluwensya ng simbahan sa politika.

d)

Magkakaroon pa rin ng demokratikong pamahalaan.

9.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamagandang paglalarawan sa Ancien Régime bago ang Rebolusyong Pranses?

a)

Pamahalaang pinamunuan ng mga manggagawa.

b)

Pamahalaang nagsusulong ng kalayaan at reporma.

c)

Pamahalaang pinamumunuan ng hari na may tatlong uri ng lipunan.

d)

Pamahalaang sistemang demokratiko kung saan pantay ang lahat ng mamayan.

10.

Ano ang kinatawan ng Third Estate sa Rebolusyong Pranses?

a)

Hukbo ng hari

b)

Karaniwang mamamayan o bourgeoisie

c)

Maharlika

d)

Pari

11.

  Paano nakaapekto ang Rebolusyong Pranses sa pagtatag ng mga bansang estado (nation-states) sa Europa?

a)

Nag-alis ng konsepto ng nasyonalismo.

b)

Nagpatibay ito ng kapangyarihan ng simbahan.

c)

Nagturo ito ng kahalagahan ng monarkiyang absolutism.

d)

Nagpalaganap ito ng ideya ng nasyonalismo at pagkakaisa ng mga mamamayan.

12.

Sa ilalim ng pamumuno ni Napoleon Bonaparte, alin sa mga reporma ang nagpatatag sa France bilang makabagong estado?

a)

Paglikha ng Napoleonic Code

b)

Pagpapasara sa mga paaralan

c)

Pagbabalik sa sistemang pyudal

d)

Pagpapahina sa hukbong military

13.

Ano ang pinakamahalagang ideolohiyang ipinanganak ng Rebolusyong Pranses na nagbigay inspirasyon sa pagtatatag ng mga bansa sa Europa at Latin America?

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Nasyonalismo

d)

Sosyalismo

14.

Aling salik ang higit na nakatulong sa Imperyong Britanya upang mapanatili ang kontrol sa India noong ika-19 na siglo? 

a)

Mataas na teknolohiyang military.

b)

Pinag-isang nasyonalismong Indian.

c)

Pag-aampon ng mga kodigong legal ng Amerika.

15.

Ano ang pangunahing layunin ng kilusang nasyonalista sa India na pinamunuan ni Mahatma Gandhi?

a)

Paghihiganti laban sa mga Briton.

b)

Ipatupad ang sistemang monarkiya.

c)

Makipagkalakalan sa mga bansa sa Kanluran.

d)

Mapalaya ang India sa mapayapang paraan gamit ang non-violent resistance.

16.

   Sino sa mga sumusunod ang nanguna sa pakikibaka para sa kalayaan ng mga bansang Latin America laban sa Espanya?

a)

Mohandas Gandhi

b)

Napoleon Bonaparte

c)

Simón Bolívar

d)

Toussaint Louverture

17.

Ano ang pagkakatulad ng mga tugon ng mga bansa sa Asya, Africa, at Latin America sa imperyalismo?

a)

Lahat ay nagtagumpay agad sa paglaya.

b)

Lahat ay sumali sa mga digmaang pandaigdig.

c)

Lahat ay tumanggap ng pamahalaang dayuhan

d)

Lahat ay lumaban at nagsikap na makamit ang kalayaan at reporma.

18.

Paano tumugon ang mga bansa sa Latin America sa kontrol ng mga Europeo noong ika-19 na siglo?

a)

Lumipat sa ibang kontinente.

b)

Nakipag-alyansa sa Espanya.

c)

Tinanggap ang pananakop bilang tungkulin.

d)

Nagkaroon ng mga rebolusyon upang makamit ang Kalayaan.

19.

Ano ang naging bunga ng matagumpay na pagtutol ng Ethiopia sa kolonisasyon ng Italya?

a)

Naging kolonya ng Britanya.

b)

Naging sentro ng kalakalan sa Asya.

c)

Naging bahagi ng French West Africa.

d)

Naging tanging bansang nanatiling malaya sa Africa sa panahon ng imperyalismo

20.

Aling pangyayari ang direktang nag-ambag sa paghahanap ng mga Europeo ng mga bagong ruta ng kalakalan noong kalagitnaan ng ika-15 siglo?

a)

simula ng Renaissance 

b)

pagbagsak ng Constantinople 

c)

pagpapalabas ng Edict of Sakoku 

d)

pagtatatag ng Imperyong Mughal