wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ASSESSMENT - AP 7 2

Total questions: 33

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kahulugan ng konseptong “terra nullius” sa konteksto ng kolonyalismo?

a)

Ang “terra nullius” ay tumutukoy sa lupang nasa ilalim ng pamumuno ng isang kolonya.

b)

Ang “terra nullius” ay tumutukoy sa lupang may kasunduan ng kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa.

c)

Ang “terra nullius” ay tumutukoy sa lupang walang naninirahan at maaaring angkinin ng sinumang bansa.

d)

Ang “terra nullius” ay tumutukoy sa lupang ipinagkaloob ng isang monarkiya sa ibang bansa bilang pabuya.

2.

Ano ang pangunahing layunin ng mga bansang Europeo sa pagsisimula ng kolonisasyon noong panahon ng eksplorasyon?

a)

pagpapalakas ng kapangyarihan ng bansa

b)

pagpapanatili ng kapayapaan sa buong mundo

c)

pagbibigay ng proteksiyon sa mahihinang bansa

d)

pagpapalaganap ng kultura ng mga nasasakupan

3.

Ang isang bansa ay may sariling pamahalaan at batas, ngunit ang mga desisyon nito sa ugnayang panlabas ay kontrolado ng isang makapangyarihang bansa. Anong uri ng imperyalismo ang inilalarawan ng sitwasyon?

a)

Concession

b)

Protectorate

c)

Sphere of Influence

d)

Economic Imperialism

4.

Paano naiiba ang tuwirang kolonyalismo sa di-tuwirang kolonyalismo batay sa paraan ng pamumuno?

a)

Ang tuwirang kolonyalismo ay pinamumunuan ng dayuhan, samantalang ang di-tuwiran ay walang pakikialam sa pamahalaan ng nasasakupang bansa.

b)

Ang tuwirang kolonyalismo ay gumagamit ng lokal na pinuno, samantalang ang di-tuwiran ay walang pakikialam sa pamahalaan ng nasasakupang bansa.

c)

Ang tuwirang kolonyalismo ay pinamumunuan ng dayuhan, samantalang ang di-tuwiran ay gumagamit ng lokal na lider.

d)

Ang tuwirang kolonyalismo ay gumagamit ng lokal na pinuno, samantalang ang di-tuwirang kolonyalismo ay may direktang presensya ng dayuhang opisyal.

5.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na pagkakaiba ng kolonyalismo at imperyalismo batay sa kanilang layunin at pamamaraan?

a)

Ang kolonyalismo ay palaging isinasagawa sa mapayapang paraan, samantalang ang imperyalismo ay palaging marahas.

b)

Ang kolonyalismo ay pisikal na pagsakop ng teritoryo, samantalang ang imperyalismo ay mas malawak na kontrol sa politika, ekonomiya, o kultura.

c)

Ang kolonyalismo ay nakabatay sa pagpapalaganap ng kultura, samantalang ang imperyalismo ay nakatuon sa pagpapalaganap ng relihiyon.

d)

Ang kolonyalismo ay karaniwang may direktang pamumuno sa nasasakupang teritoryo, samantalang ang imperyalismo ay maaaring isagawa kahit walang tuwirang pamamahala.

6.

Alin ang higit na nagpapakita ng mas malalim at pangmatagalang epekto sa kasalukuyang lipunan: kolonyalismo o imperyalismong kultural?

a)

Ang kolonyalismo ang may mas malalim na epekto dahil ito ay direktang sumakop at namahala sa mga teritoryo.

b)

Ang kolonyalismo ang may makabuluhang epekto sa kasalukuyan, dahil tumatagal ito nang hindi namamalayan.

c)

Ang imperyalismong kultural ang mas nakaapekto dahil ito ay patuloy na nakikita sa edukasyon, at pananaw ng lipunan.

d)

Ang imperyalismong kultural ay may patuloy na impluwensiya sa paghubog ng paniniwala, asal, at pagkakakilanlan ng lipunan.

7.

Paano nakaambag ang Rebolusyong Industriyal sa pag-usbong ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo ng mga bansang Europeo?

a)

nagbigay-daan ito sa mas mabilis na pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga kolonya sa Asya

b)

nagpalala ito ng kompetisyon sa pagitan ng mga bansang Europeo sa pag-angkin ng mga teritoryo

c)

nagdulot ito ng mas mataas na pangangailangan sa hilaw na materyales at bagong pamilihan para sa mga produktong Europeo

d)

nagpabilis ito sa global na kalakalan sa pagitan ng mga rehiyon gaya ng Asya at Africa sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya

8-11.

Thailand: Isang Malayang Bansa sa Panahon ng Imperyalismo

8.

Alin sa mga sumusunod na kasunduan ang nilagdaan noong 1909 na nagtakda ng malinaw na hangganan ng Thailand sa mga karatig-teritoryo? A. Treaty of Paris B. Versailles Treaty C. Tordesillas Treaty D. Anglo-Siamese Treaty

a)

Treaty of Paris

b)

Versailles Treaty

c)

Tordesillas Treaty

d)

Anglo-Siamese Treaty

9.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nanatiling malaya ang Thailand sa kabila ng malawakang imperyalismo ng mga Europeo noong ika-19 na siglo?

a)

dahil sa limitadong pinagkukunang yaman ng Thailand

b)

dahil sa pagkakaroon ng maayos na hukbong sandatahan ng Thailand

c)

dahil sa pakikipag-alyansa ng Thailand sa mga karatig-bansa tulad ng China

d)

dahil sa matalinong diplomasya at patuloy na modernisasyon ng pamahalaang Thailand

10.

Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng Thailand sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan noong panahon ng imperyalismo?

a)

naging sentro ng kalakalan ng mga Europeo

b)

nagbigay ng masaganang likas na yaman sa bansa

c)

nagsilbing buffer state sa pagitan ng Britian at France

d)

nagpatibay ng ugnayan sa mga karatig-bansa tulad ng China

11.

Kung ihahambing sa kasalukuyang panahon, paano maaaring gamitin ng isang maliit na bansa ang estratehiyang ginamit ng Thailand upang mapanatili ang soberanya sa gitna ng malalaking makapangyarihang bansa?

a)

manatiling sarado at umiwas sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa

b)

ipagkaloob ang ilang teritoryo kapalit ng proteksiyon mula sa mas malakas na bansa

c)

makipagkasundo at panatilihin ang balanseng ugnayan sa iba’t ibang kapangyarihang pandaigdig

d)

umasa sa heograpikal na lokasyon bilang panangga sa impluwensiya ng mga makapangyarihang bansa sa daigdig

12.

Ano ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pagtatatag ng lungsod ng Maynila bilang kabisera noong 1571?

a)

Itinatag ang Maynila upang magsilbing lugar ng pamamahinga ng gobernador-heneral.

b)

Itinatag ang Maynila upang ipakita ang yaman at kapangyarihan ng mga Espanyol sa mga katutubo.

c)

Itinatag ang Maynila upang maging sentro ng relihiyosong Kristiyanismo sa Asya.

d)

Itinatag ang Maynila upang magsilbing pangunahing daungan at sentro ng kalakalan at pamahalaan.

13.

Paano ginamit ng sistemang encomienda ng mga Espanyol upang mapanatili ang kanilang kapangyarihan sa Pilipinas?

a)

ginamit ang sistemang encomienda sa pagtatayo ng mga kalsada at simbahan bilang bahagi ng kolonisasyon

b)

ginamit ang sistemang encomienda sa pagtuturo ng Kristiyanismo upang baguhin ang paniniwala ng mga katutubo

c)

ginamit ang sistemang encomienda sa pagkuha ng buwis at sapilitang paggawa mula sa mga mamamayan

d)

ginamit ang sistemang encomienda sa pag-angkin ng lupa at paggamit sa mga Pilipino bilang murang lakas-paggawa

14.

Sino ang nagpatupad ng Cultivation System sa Indonesia noong 1830?

a)

Eduard Douwes Dekker

b)

Ferdinand Magellan

c)

Johannes van den Bosch

d)

Miguel Lopez de Legazpi

15.

Ano ang pangunahing layunin ng pagpapatupad ng Cultivation System sa Indonesia noong panahon ng kolonyalismong Dutch?

a)

Ipinatupad ang sistema upang makontrol ng mga Dutch ang pamahalaan ng Indonesia.

b)

Ipinatupad ang sistema upang mapalitan ang Kristiyanismo ng Islam sa mga kolonya.

c)

Ipinatupad ang sistema upang magtanim ng mga produktong pang-eksport para sa Netherlands.

d)

Ipinatupad ang sistema upang magbigay ng libreng lupa sa mga magsasaka bilang insentibo sa pagtatanim.

16.

Bakit nagkaroon ng kagutuman at paglaganap ng sakit sa Java noong ipinatu pad ang Cultivation System?

a)

dahil ipinagbawal ang mga katutubong magsasaka na manirahan sa Java

b)

dahil ibinenta ng mga Dutch ang lahat ng lupa sa mga mangangalakal na na galing China.

c)

dahil hindi nakapagtanim ng pagkain ang mga magsasaka at napilitang magtrabaho para sa pamahalaan

d)

dahil nagkaroon ng matinding digmaan sa pagitan ng mga Dutch at Indones Ian na humantong malawakang kagutuman

17.

Batay sa nilalaman ng aklat na Max Havelaar ni Eduard Douwes Dekker, paano nito sinuri ang pamamahala ng mga Dutch sa Indonesia?

a)

Inilarawan ng aklat ang pagsasamantala ng mga Dutch sa mga Indonesian.

b)

Ipinakita ng aklat ang kalayaan ng mga magsasaka sa Java sa ilalim ng pamahalaang Dutch.

c)

Inilarawan ng aklat ang tamang paraan ng pagtatanim sa Java upang mapaunlad ang agrikultura.

d)

Ipinakita ng aklat ang mga reporma ng mga Dutch sa Indonesia bilang hakbang tungo sa kaunlaran.

18.

Sino ang pinuno ng pag-aalsa sa Leyte noong 1565 laban sa pangongolekta ng tributo at pagpapalaganap ng Kristiyanismo?

a)

Dagami

b)

Magalat

c)

Tamblot

d)

Tapar

19.

Ano ang pangunahing dahilan ng pagkabigo ng mga unang pag-aalsa laban sa mga Espanyol?

a)

kakulangan sa armas at kagamitan ng mga Pilipino

b)

kakulangan sa pagkakaisa at ugnayan ng mga Pilipino

c)

pagtutol ng simbahan sa pag-aalsa isinagawa ng mga Pilipino

d)

pagiging mahusay sa larangan ng pakikidigma ng mga Espanol

20.

Anong estratehiya ang ginamit ng mga Indonesian sa pamumuno ni Diponegoro upang labanan ang Dutch?

a)

Blockade system

b)

Gerilya warfare

c)

Open-field battle

d)

Scorched earth

21.

Bakit itinuturing na mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Indonesia ang Java War na naganap noong 1825–1830?

a)

Itinuturing ang Java War na mahalaga dahil nagpatigil ito sa kolonisasyon ng Dutch sa rehiyon.

b)

Itinuturing ang Java War na mahalaga dahil nagbigay ito ng malaking kayamanan sa Indonesia mula sa mga nasamsam na ari-arian.

c)

Itinuturing ang Java War na mahalaga dahil ito ang huling malawakang digmaan ng mga katutubo laban sa pamahalaang Dutch.

d)

Itinuturing ang Java War na mahalaga dahil naglatag ito ng pundasyon para sa nasyonalismong Indonesian sa mga susunod na henerasyon.

22.

Bilang isang makabayang Malay noong ika-20 siglo, paano mo maaaring gamitin ang estratehiyang "divide and rule" ng mga British upang labanan ang kanilang pamumuno?

a)

Pagbubuklurin ang iba’t ibang pangkat etniko upang magkaisa sa paglaban sa pamahalaang British.

b)

Gamitin ang tensyon sa pagitan ng mga etniko upang ipakita ang kahinaan ng pamahalaang kolonyal.

c)

Makipag-ugnayan sa mga piling pangkat upang makabuo ng alyansang pampolitika laban sa mga dayuhan.

d)

Hikayatin ang mga Sultan na ipaglaban ang kanilang karapatan na mamahala sa mga teritoryong Malay sa kabila ng pamahalaang kolonyal.

23.

Batay sa mga pangyayari sa Malayan Emergency noong 1948 hanggang 1960, alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na nagpapakita ng tugon ng ilang Malay sa kolonyalismo ng British?

a)

Ipinakita ng Malayan Emergency ang kagustuhan ng ilang Malay na manatiling bahagi ng pamahalaang kolonyal ng British.

b)

Ipinakita ng Malayan Emergency ang pagnanais ng ilang Malay na panatilihin ang sistemang parlyamentaryo ng British sa pamahalaan.

c)

Ipinakita ng Malayan Emergency ang suporta ng ilang Malay sa estratehiyang divide and rule ng pamahalaang kolonyal ng British.

d)

Ipinakita ng Malayan Emergency ang pagtutol ng ilang Malay at ang kanilang pakikibaka upang makamit ang kalayaan mula sa kolonyal na pamahalaan.

24.

Bakit hinati ng mga British ang Myanmar sa siyam na lalawigan at ilang distrito na direktang pinamunuan ng mga opisyal na Briton?

a)

Hinati ng mga British ang Myanmar upang mas madaling makontrol ang populasyon at mga pag-aalsa.

b)

Hinati ng mga British ang Myanmar upang maibalik ang dating sistema ng pamamahala ng mga hari sa bawat lalawigan.

c)

Hinati ng mga British ang Myanmar upang mapabilis ang distribusyon ng bigas at iba pang produktong pang-eksport sa rehiyon.

d)

Hinati ng mga British ang Myanmar upang maipakita ang respeto sa tradisyong pampolitika ng mga mamamayan ng Burma.

25.

Ano ang naging kalagayan ng Myanmar sa ilalim ng pamamahala ng Britian mula 1919 hanggang 1937?

a)

Naging malayang kaharian

b)

Naging lalawigan ng British India

c)

naging protektorado ng Thailand

d)

naging bahagi ng French Indochina

26.

Ano ang pangunahing layunin ni Son Ngoc Thanh sa pamumuno ng Bhumbiol Rebellion noong 1936?

a)

palakasin ang kapangyarihan ng mga Pranses sa Cambodia

b)

itaguyod ang impluwensya ng France sa edukasyon at kultura

c)

labanan ang kolonyal na pamahalaan at ipaglaban ang kasarinlan

d)

pahusayin ang ekonomiya ng mga plantasyon para sa mamamayan

27.

Alin sa mga sumusunod ang pinaka-epektibong hakbang ng mga Pranses para baguhin ang kulturang Vietnamese?

a)

Ipinailit ang arkitekturang Pranses sa mga gusali at pagoda ng Vietnam.

b)

Ipinatayo ng mga Pranses ang mga plantasyon upang mapalakas ang produksyon ng agrikultura sa buong Vietnam.

c)

Ipinagawa ng mga Pranses ang mga lansangan at pasilidad upang mapabuti ang imprastruktura ng mga pamayanang Vietnamese.

d)

Itinalaga ng mga Pranses ang mga gobernador sa lalawigan upang mapalakas ang kontrol sa lokal na pamahalaan ng Vietnam.

28.

Ano ang maaaring ituring na pangunahing epekto ng sapilitang pagtatrabaho at corvée sa mga mamamayang Vietnamese noong panahon ng kolonyalismong Pranses?

a)

nagdulot ito ng pagkakaisa ng mga etniko sa Vietnam sa gitna ng kolonyal na pamumuno.

b)

lumaki ang kita at yaman ng bansa para sa lahat ng mamamayan sa ilalim ng sistemang corvée.

c)

lahat ng mamamayan ay nakatanggap ng pantay na kita mula sa kanilang sapilitang pagtatrabaho.

d)

nagdulot ito ng matinding paghihirap at nabawasan ang pagkakataon ng mga mamamayan para sa sariling kabuhayan.

29.

Kung ikaw ay kasapi ng Viet Nam Quang Phuc Hoi, aling estratehiya ang maaaring gamitin upang mapabagsak ang kolonyal na pamamahala ng Pranses?

a)

Pagpapalaganap ng edukasyon tungkol sa kalayaan

b)

Magtatag ng lokal na pamiliihan na pinamumunuan ng mga Pranses

c)

Pagtaas ng buwis sa mga Vietnamese upang masuportahan ang pamahalaan

d)

Pagpapalawak ng mga plantasyon sa ilalim ng korporasyon ng Pranses

30.

Kung ikaw ay isang Vietnamese noong panahon ng kolonisasyon at nakasaksi ka ng paglabag sa karapatan ng mga magsasaka sa plantasyon, ano ang pinakamaainam na hakbang na maaari mong gawin upang matulungan sila?

a)

umalis sa lugar ng plantasyon at humanap ng ibang trabaho sa kalapit na bansa o rehiyon

b)

manahimik sa kabila ng sitwasyon at maghintay na matapos ang pananakop ng mga dayuhan

c)

bumuo ng lokal na samahan o kooperatiba upang ipaglaban ang karapatan at kabuhayan ng mga magsasaka

d)

iulat ang sitwasyon sa gobernador ng Pranses at sundin ang anumang desisyong kanyang ipag-utos ng walang pag-aatubili

31.

Ano ang tawag sa panahon kung kailan muling iniluklok ang emperador sa Japan bilang simbolo ng pamumuno?

a)

Taisho Era

b)

Edo Period

c)

Showa Period

d)

Meiji Restoration

32.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng militarismo at imperyalismo ng Japan?

a)

pagpapalakas ng shogunato ng Japan sa Asya

b)

pagpapalakas ng sistemang piyudal na lipunan

c)

pagkakaroon ng ideya ng pambansang superyoridad

d)

para pigilan ang impluwensya ng mga kanluranin sa Asya

33.

Bakit inilunsad ng Japan ang pag-atake sa Pearl Harbor at sinakop ang Timog-Silangang Asya, gaya ng Malaya at Indochina, noong 1941?

a)

Inilunsad ng Japan ang mga pag-atake upang tulungan ang United States sa paglaban sa mga Kanluraning bansa sa rehiyon ng Asya.

b)

Inilunsad ng Japan ang mga pag-atake upang bigyan ng proteksyon ang Indochina at Malaya mula sa pananakop ng Germany at Italy.

c)

Inilunsad ng Japan ang mga pag-atake upang tulungan ang France na ipagtanggol ang mga kolonyo nito laban sa mga puwersang Hapon.

d)

Inilunsad ng Japan ang mga pag-atake upang mapalaganap ang ideya ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere at makontrol ang mahahalagang yamang likas para sa pakikidigma.

34.

Ano ang maaaring ituring na pangunahing ugnayan sa pagitan ng pag-atake ng Japan sa Pearl Harbor at pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa rehiyon ng Asya?

a)

Ang pag-atake sa Pearl Harbor ay nagdulot ng agarang deklarasyon ng digmaan ng United States laban sa Japan sa rehiyon ng Asya.

b)

Ang pag-atake sa Pearl Harbor ay nagbigay ng mas malawak na kapangyarihan sa Japan sa mga teritoryo ng Europa at mga kolonya nito.

c)

Ang pag-atake sa Pearl Harbor ay nagtapòs sa mga operasyong militar ng Japan sa Timog-Silangang Asya at mga karatig-bansa.

d)

Ang pag-atake sa Pearl Harbor ay nagpatigil sa mga plano ng Japan na sakupin ang Indochina at iba pang bahagi ng Asya.

35.

Ano ang naging tugon ng mga Pilipino sa pananakop ng Japan?

a)

Sumunod ang mga Pilipino sa lahat ng patakaran ng pamahalaang Hapon upang mapanatili ang kaayusan sa lipunan.

b)

Nag-organisa ang mga Pilipino ng kilusang gerilya upang aktibong labanan ang pananakop ng mga puwersang Hapones.

c)

Pinabayaan ng mga Pilipino ang pamahalaan at hinayaan ang mga Hapones na mamuno sa bansa nang walang pagtutol.

d)

Tumakas ang ilang Pilipino patungong ibang bansa upang umiwas sa digmaan at mapanatili ang kanilang kaligtasan.

36.

Batay sa mga hakbang ng Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ano ang maaaring ituring na pangunahing layunin ng pagpapalawak ng imperyo nito sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pinalawak ng Japan ang imperyo upang ipalaganap ang edukasyon at kultura sa mga bansang Asyano.

b)

Pinalawak ng Japan ang imperyo upang makuha ang yamang likas, teritoryo, at strategic advantage sa rehiyon.

c)

Pinalawak ng Japan ang imperyo upang gawing kolonya ng Estados Unidos ang mga bansang nasakop.

d)

Pinalawak ng Japan ang imperyo upang tulungan ang mga bansang Europeo sa kanilang pakikidigma sa Asya.