NEW
Font size
WorksheetsReviewer Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 4
Total questions: 46
Worksheet time: 46mins
Ano ang tawag sa mga bagay, pagkain, o produktong karaniwang nakikita at nakukuha sa ating kalupaan?
yamang mineral
yamang lupa
yamang tubig
yamang tao
Ano ang tawag sa yamang nagmumula sa mga ilog, lawa, dagat, at iba pang anyong-tubig?
yamang mineral
yamang lupa
yamang tubig
yamang tao
Anong uri ng yamang-likas ang kinabibilangan ng mga punong kahoy na ginagamit sa paggawa ng kasangkapan at bahay?
yamang mineral
yamang gubat
yamang tubig
yamang tao
Ito ay tumutukoy sa mga likas na yaman na matatagpuan sa ilalim ng lupa na ginagawang gamit sa konstruksyon, transportasyon, alahas, gamit sa bahay at iba pa.
yamang gubat
yamang mineral
yamang tubig
yamang tao
Ito ay tumutukoy sa lahat ng mga kakayahan, talento, at kasanayan ng mga tao.
yamang gubat
yamang tao
yamang tubig
yamang mineral
Ano ang pakinabang ng yamang tao sa isang pamayanan o bansa?
Pinamamahalaan nila ang isang bansa.
Maaari silang makabuo ng isang pamilya
Sa isang barangay na malapit sa lawa, napapansin ng mga residente na unti-unting bumabaho at nagiging marumi ang tubig sa kanilang paligid. Marami ang nagtatapon ng basura at langis sa ilog. Ano ang pinakamabuting paraan upang mapanatiling malinis ang mga yamang tubig sa isang komunidad?
Pagtatapon ng mga patapong langis sa ilog.
Pagtatayo ng mga dam para sa agrikultura.
Pagsasagawa ng regular na paglilinis sa mga ilog at lawa.
Pagkuha ng mga isda kahit sa mga lugar na ipinagbabawal.
Paano makakatulong ang mga mamamayan sa pangangalaga ng yamang lupa?
Pagtatapon ng basura sa mga kanal at ilog.
Pagtayo ng mga pabrika sa mga malalayong lugar.
Pag-abandona ng mga lupain pagkatapos gamitin para sa agrikultura.
Pagsasagawa ng mga programa sa reforestation o pagtatanim ng puno.
Ang mga likas na yaman ng bansa ay nakatutulong sa pag-angat ng ekonomiya sa pamamagitan ng___________.
enerhiya
kalakal at produkto
turismo
lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pakinabang ng yamang-mineral sa ekonomiya ng bansa?
pinagkukunan ng pagkain
nagpapalakas ng turismo
nagpapabuti ng kalusugan
paggawa ng alahas at iba pang kagamitan
Ang Bagui Windmills sa Ilocos Norte ay madalas puntahan ng mga turista. Maliban sa pakinabang ng lalawigan sa turismo, ito ay nakatutulong rin sa __________.
enerhiya
kalakal at produkto
turismo
lahat ng nabanggit
Ang Bulkang Mayon sa Albay ay dinarayo ng maraming tao na mula sa ibang lalawigan at maging ng mga tao sa ibang bansa dahil sa malaperpekto nitong hugis apa. Papaano ito nakatutulong sa ekonomiya ng bansa?
nagpapalakas ng turismo
pinagkukunan ng enerhiya
pinagkukunan ng mga kalakal
pinagkukunan ng iba’t ibang mineral
13. Ang pangunahing pakinabang ng yamang enerhiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino ay:
Nagbibigay ng kuryente sa mga tahanan at industriya
Nagpapataas ng polusyon sa kapaligiran
Nagpapababa ng kalidad ng edukasyon
Nagpapalimit ng transportasyon
Maraming mga tao ang kumukuha ng panggatong at prutas mula sa kagubatan. Pero napansin ng mga naninirahan dito na unti-unti nang nawawala ang mga puno at humihina ang kabuhayan ng mga pamilya. Alin sa mga sumusunod na gawain ang may pinakamalaking epekto sa yamang-gubat ng bansa na nagdudulot ng kahirapan sa mga lokal na komunidad?
Pagbubukas ng mga bagong pabrika.
Pagtatanim ng mga gulay sa gilid ng mga bundok.
Walang habas na pagputol ng mga puno o illegal logging.
Pagkakaroon ng mga paligsahan sa palakasan sa kagubatan.
Paano nakatutulong ang likas na yamang tubig sa mga pangkabuhayang gawain ng mga Pilipino, lalo na sa mga komunidad na malapit sa dagat?
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga transportasyong panghimpapawid.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupa para sa pagtatayo ng mga gusali.
Sa pamamagitan ng pangingisda na nagbibigay ng hanapbuhay at pagkain.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga industriya ng pagkain tulad ng fast food.
Paano makatutulong ang yamang tao sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga imported na produkto.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga shopping mall sa bawat bayan.
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming pabrika na hindi sumusunod sa mga patakaran.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang edukasyon at pagsasanay sa mga manggagawa.
Napansin ni Liza na dati'y luntian at maganda ang kagubatan sa kanilang lugar. Ngunit ngayon, maraming punong pinutol at ang iba ay ginawang kalsada at gusali. Dahil dito, unti-unting nawawala ang mga hayop at tumataas ang init ng panahon. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagdudulot ng pagkasira ng mga likas na yaman?
recycling
deforestation
organic farming
lahat ng nabanggit
Maraming mangingisda ang umaasa sa dagat para sa kanilang kabuhayan. Ngunit napansin nila na kakaunti na lamang ang mga huling isda dahil may ilang gumagamit ng dinamita at nagtatapon ng basura sa dagat. Ano ang tamang paraan ng paggamit ng yamang tubig upang masigurado ang patuloy na suplay nito para sa susunod na henerasyon?
Labis na pangingisda
Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig
Paglaganap ng hindi legal na pangingisda gamit ang dinamita
Paggamit ng angkop na laki ng butas ng lambat sa pangingisda
Alin sa mga sumusunod ang maaaring gawin ng isang lokal na pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng kakulangan ng likas na yaman sa isang komunidad?
Pagpapahintulot sa walang limitasyong pagmimina
Pagdadala ng lahat ng produkto mula sa ibang bansa
Pagtatayo ng mga pabrika sa mga protektadong lugar ng kalikasan
Pagpapatupad ng mga programang nagtuturo ng alternatibong kabuhayan tulad ng agrikultura
Unti-unti nang nakakalbo ang mga kagubatan sa Pilipinas dahil sa labis na pagputol ng mga puno. Dahil dito, nagkakaroon ng pagbaha, pagguho ng lupa, at nawawala ang tirahan ng mga hayop. Anong hakbang ang maituturing na pinakaepektibo upang matugunan ang problema ng deforestation sa Pilipinas?
Pagtatayo ng mga mall at gusali sa kagubatan
Pagtatanim ng mga puno sa kagubatan na nakakalbo na
Pagpuputol ng mas maraming puno upang palitan ng mga bagong itatanim
Pag-import ng kahoy mula sa ibang bansa upang bawasan ang pagputol ng mga puno
Ang paggamit ng renewable energy, tulad ng solar at wind energy, ay makakatulong sa kapaligiran sa pamamagitan ng:
Pagpapababa ng polusyon sa hangin
Pagpapataas ng paggamit ng fossil fuels
Pagdudulot ng mas maraming basura
Pagpapalakas ng greenhouse effect
wind power sa pagtugon sa mga hamon ng kakulangan ng enerhiya sa bansa?
Magdadagdag ng tubig sa mga ilog at lawa
Magbabawas ng gastos sa importasyon ng fossil fuel
Magpapataas ng bilang ng mga halaman sa kagubatan
Magpapababa ng konsumo ng kuryente sa mga tahanan
Paano naaapektuhan ng labis na pagmimina ng mineral tulad ng ginto at pilak ang kabuhayan ng mga tao sa isang komunidad?
Nakapagpapalakas ito ng turismo sa lugar
Nagbibigay ito ng malinis na tubig sa mga kabahayan
Nakakapagdulot ito ng polusyon sa mga ilog at hangin
Nagdadala ito ng mas maraming halaman at hayop sa kagubatan
Kung ikaw ay lider ng isang bayan na apektado ng pagbaha, ano ang pinakanainam na proyekto upang maiwasan ang patuloy na pagbaha dulot ng mga kalbo nang kagubatan?
Pagpapaganda ng mga parke at plaza
Pagtayo ng mga bagong tulay sa mga bayan
Pagpapalaki ng mga kanal at estero para sa tubig-baha
Pagtatanim ng mga puno at pagkakaroon ng reforestation program
Sa iyong opinyon, ano ang pinakambisang paraan upang mapangalagaan ang yamang tubig ng bansa tulad ng mga dagat at ilog?
Pagbibigay ng libreng tubig sa mga kabahayan
Pagbabawal sa pangingisda kahit anong panahon
Pagpapataas ng presyo ng isda sa mga pamilihan
Pagtatatag ng mga batas laban sa illegal fishing at polusyon
Ano ang epekto ng mabilis na paglago ng populasyon?
mabilis ang pag-unlad
madadagdagan ang mga pinagkukunang yaman
mabawasan ang bilang ng mga taong naghihirap
maraming tao ang mangangailangan at gagamit ng limitadong likas na yaman ng mundo.
Sa bayan ng Tanay, Rizal, madalas makaranas ng pagbaha tuwing malakas ang ulan dahil sa kakulangan ng mga puno sa kabundukan. Kaya nagsimula ang mga mamamayan na magtanim ng mga puno sa paligid ng bundok at ilog. Makalipas ang ilang taon, bumaba ang panganib ng pagbaha at gumanda muli ang kalikasan. Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga puno sa mga pamayanan upang makamit ang likas-kayang pag-unlad sa Pilipinas?
Para magamit bilang uling sa pagluluto
Para gawing mas malaki ang mga kalsada
Para mapigil ang pagbaha at pagguho ng lupa
Para magkaroon ng mas maraming produkto na ibebenta
Ang isang barangay ay nagpapatupad ng proyekto upang linisin ang ilog. Paano nito nakatutulong sa pagkamit ng likas-kayang pag-unlad?
Mas makakatipid sa kuryente ang mga kabahayan
Mapipigilan ang pagkalat ng polusyon at mga sakit
Magiging mas madali ang pagtapon ng basura sa ilog
Magiging mas mabilis ang daloy ng tubig para sa mga bangka
Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na hakbang upang maiwasan ang sobrang pagkasira ng kagubatan sa Pilipinas?
Pagpapahintulot sa walang kontrol na pagmimina
Pag-utos sa mga tao na itapon ang basura sa mga gubat
Pagsasagawa ng reforestation o muling pagtatanim ng puno
Paggamit ng mga makinarya sa pagpuputol ng puno upang mapabilis ang Gawain
Isang paaralan sa komunidad ang nagpapakilala ng "zero waste program." Ano ang pangunahing epekto nito sa likas-kayang pag-unlad ng pamayanan?
Mawawala ang basura sa kalye at kalsada
Matututo ang mga mag-aaral na laging gumamit ng plastic
Matututo ang mga mag-aaral na huwag magtapon ng basura
Magiging mas malinis at ligtas ang kapaligiran mula sa mga kemikal at polusyon
Ang isang malaking pabrika ay nagtatapon ng mga kemikal sa ilog malapit sa isang komunidad. Ano ang pinaka-angkop na aksyon ng pamahalaan upang masiguro ang likas-kayang pag-unlad sa lugar na ito?
Iutos sa komunidad na linisin ang ilog
Payagan ang pabrika basta't lilipat sila sa ibang lugar
Ipahinto ang operasyon ng pabrika at patawan ng mabigat na parusa
Hayaan ang pabrika na magbayad ng multa at ipagpatuloy ang operasyon
Maraming pamilya ang umaasa sa pangingisda bilang pangunahing hanapbuhay. Ngunit dahil sa labis na pangingisda o overfishing, unti-unting nababawasan ang mga isda sa dagat. Ano ang pinakamabuting paraan upang mapangalagaan ang yamang-dagat ng Pilipinas laban sa overfishing?
Pagbibigay ng libreng kagamitan sa pangingisda
Paggawa ng mga artipisyal na isla para sa mga mangingisda
Pagpapatupad ng mga batas na naglilimita sa dami ng huli at pagtatag ng mga marine sanctuary
Pagsali sa mga paligsahan ng pangingisda upang madagdagan ang kita ng mga lokal na mangingisda
Sa ilang lalawigan na bahagi ng bulubundukin ng Sierra Madre, napansin ng mga mamamayan na unti-unting nababawasan ang mga puno dahil sa labis na pagputol. Dahil dito, mas madalas ang pagbaha at pagguho ng lupa kapag umuulan. Ano ang pinakamahusay na solusyon upang maiwasan ang sobrang pagputol ng puno sa kagubatan?
Hikayatin ang paggamit ng papel nang madalas
Itigil ang anumang uri ng pagmimina sa kabundukan
Patuloy na magtanim ng mga puno upang mapalitan ang mga pinutol
Magputol ng mga puno para sa mga produktong kahoy na may mataas na kita
Madalas bumaha kapag malakas ang ulan sa bayan nina Judith. Kaya nagtulungan ang mga mamamayan at mga-aaral na magtanim ng mga puno sa paligid ng ilog at bundok. Pagkalipas ng ilang taon, napansin nilang mas bihira na ang pagbaha at mas sariwa ang hangin sa kanilang lugar. Ano ang layunin ng mga proyektong pagtatanim ng mga puno sa mga pamayanan?
Upang lumawak ang mga kalsada
Upang magamit bilang uling sa pagluluto
Upang mapigil ang pagbaha at pagguho ng lupa
Upang magkaroon ng mas maraming produkto na ibebenta
Nagtutulungan ang mga mamamayan at lokal na pamahalaan upang mapangalagaan ang ating kalikasan. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga estratehiya upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao?
Pagpuputol ng mga puno sa kagubatan.
Pagpapaiting ng edukasyong pangkalikasan.
Pagpapaganda o pag-aayos ng mga nasirang ecosystem.
Pagpapalakas ng suporta at partisipasyon ng mga taong bayan.
Sa maraming lugar sa Pilipinas, napapansin na dumadami ang basura, napuputol ang mga puno, at nadudumihan ang mga ilog at dagat. Dahil dito, nagiging mahirap ang buhay ng mga tao at nasisira ang tirahan ng mga hayop. Bakit kailangang matugunan ng solusyon ang ating kalikasan?
Dahil sa pagpapaganda ng kalikasan
Dahil mayaman tayo sa likas na yaman
Dahil sa lubusang pag-aalaga ng kalikasan
Dahil sa tuloy-tuloy na pagkawasak at pagkasira ng kalikasan
Ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa dagat ay umaasa ng kanilang kabuhayan sa pangingisda. Alin ang nagpapakita ng pangangalaga sa yamang tubig?
Pagsasagawa ng reforestation
Pagtatapon ng dumi at kemikal sa tubig
Pangingisda kung panahon ng pangingitlog
Paggamit ng lambat na may katamtamang butas
Kinakailangan ang pagtutulungan ng mga tao sa pamayanan upang mapangalagaan ang yamang lupa. Ano ang isa sa mga paraan na maaaring gawin?
Umasa sa tulong ng kalikasan
Iwanang nakatiwangwang ang lupa
Gumamit ng mga pataba at patubig
Gawing mabilis ang paraan ng pagtatanim
Paano makakatulong ang pagtatanim sa bakuran sa likas-kayang pag-unlad?
Gumamit ng mga kemikal na pataba
Magtanim ng mga puno na mabilis lang mamatay
Hayaang matuyo ang mga tanim kung walang ulan
Patuloy na magtanim ng mga gulay gamit ang organikong pamamaraan
Marami ng kabundukan ang nakakalbo at mga ilog na namatay dahil sa polusyon at basura. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nakakatulong sa pagsulong ng likas-kayang pag-unlad ng mga likas na yaman ng bansa?
Walang habas na pagmimina sa mga kabundukan
Pagpapatupad ng mga batas laban sa ilegal na pagputol ng mga puno
Pagtapon ng basura sa mga ilog upang hindi ito maging tambak sa kalsada
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga gawaing nagsusulong ng likas kayang pag-unlad?
Labis na paggamit ng mga likas na yaman
Pagbalewala sa mga programa ng pamahalaan
Pagtatapon ng mga basura sa mga ilog at dagat
Pakikisa sa mga programa tulad ng tree planting sa pamayanan
Natutukoy ang mga ____________ na matatagpuan sa bansa.
pinagkukunang-yaman
palatandaan
kasangkapan
hayop
Punuan ang patlang: Naipaliwanag ang iba’t ibang ____________ ng mga pinagkukunang-yaman.
pakinabang pang-ekonomiko
uri ng lupa
klima ng bansa
antas ng populasyon
Ang mga hamon at pagtugon sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa ay kinabibilangan ng:
Kakulangan sa pondo, pag-unlad ng teknolohiya, at tamang pamamahala
Pagtaas ng populasyon, pagdami ng hayop, at pagtaas ng presyo ng ginto
Pagbabago ng klima, pagdami ng turista, at pagtaas ng sahod
Pagbaba ng kalidad ng edukasyon, pagtaas ng presyo ng langis, at pagdami ng isda
Ang mga sumusunod ay hamon sa pagkammit ng likas-kayang pag-unlad ng bansa.
Kakulangan sa likas na yaman
Mabilis na urbanisasyon
Pagkakaroon ng sapat na edukasyon
Matatag na ekonomiya
Punan ang patlang: Mahalaga ang mga gawaing nagsusulong ng likas-kayang pag-unlad (sustainable development) ng bansa dahil ____________.
nakakatulong ito sa pangmatagalang pag-unlad at pangangalaga ng likas-yaman.
ito ay nagdudulot ng mabilis na pagkaubos ng likas-yaman.
ito ay nagpapababa ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
ito ay naglilimita sa pag-unlad ng teknolohiya.
