WorksheetsTeaching Filipino in Elementary - Quiz 2
Total questions: 40
Worksheet time: 40mins
Ano ang pinagmulan ng panitikan sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila?
Panitikan sa relihiyong Kristiyano
Panitikan sa anyong pasalita
Panitikan sa wikang Kastila
Panitikan sa anyong nobela
Ano ang salitang-ugat ng panitikan?
Pani
Tikan
Titik
Panitik
Ang mga bugtong at salawikain ay bahagi ng panitikan:
Pasalita
Pasulat
Panrelihiyon
Kontemporaryo
Ano ang tawag sa tulang anyong palaisipan na karaniwang may sagot?
Salawikain
Tugmang de-gulong
Oyyai
Bugtong
Ang kasabihang "Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin" ay isang halimbawa ng:
Bugtong
Awit
Salawikain
Oyayi
Ano ang pangunahing gamit ng lullaby o "oyayi"?
Pampalakas ng katawan
Pamprotekta laban sa sakit
Pampaliw sa mga matatanda
Pampatulog ng bata
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng tulang pambata?
Dula
Salawikain
Bugtong
Oyayi
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng masining na paraan ng pagtuturo ng tula?
Paggamit ng nakasulat na gawain
Pag-awit o pagbigkas na may kilos
Paglikha ng sariling palaisipan
Pagbibigay ng nakasulat na pagsubok
Ano ang ibig sabihin ng "talinghaga" sa tula?
Tiyak na kahulugan ng salita
Bilang ng pantig sa taludtod
Ugnayan ng mga taludtod
Sagisag at malalim na diwa
Aling salawikain ang tumutukoy sa pagiging huli na ang isang bagay kung saka pa lamang kikilos?
Kapag may tiyaga, may nilaga
Ang masama, kahit biro, ay masama pa rin
Aanhin ang damo kung patay na ang kabayo
Walang matimtiman birhen sa matiyagang manalangin
Bilang guro, paano mo magagamit ang bugtong upang maging masigla ang klase?
Magpahula gamit ang larawan
Magpabasa ng listahan ng bugtong
Ipatala lang ang mga sagot
Ibigay agad ang kasagutan
Isang mag-aaral ang nahihirapang intindihin ang salawikaing "Kapag ang ilog ay matahimik, asahan mong malalim." Ano ang dapat gawin ng guro?
Ipamemorize na lang ito
Palitan ng ibang salawikain
Ipaliwanag gamit ang halimbawa
Huwag ng talakayin
Bilang guro, anong kuwento ang babagay kung nais mong ituro ang pagtutulungan?
Ang Leon at ang Daga
Alamat ng Pinya
Si Pagong at si Matsing
Alamat ng Rosas
Sino ang tinaguriang "Ama ng Kuwentong Pambata sa Pilipinas"?
Amado V. Hernandez
Jose Rizal
Severino Reyes
Francisco Balagtas
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa kuwentong pambata?
Ang Pagong at Matsing
Ang Munting Prinsipe
Ang Alamat ng Pinya
Ang Leon at ang Daga
Sino ang kinikilalang pinagmulan ng mga klasikong pabula?
Severino Reyes
Balagtas
Jose Rizal
Aesop
Kung ikaw ay guro at nais mong bigyang-diin ang pagpapatawad, anong parabula ang pinakaangkop gamitin?
Ang Alibughang Anak
Ang Mabuting Samaritano
Ang Manghahasik ng Binhi
Ang Sampung Dalaga
Ano ang katangian ng epiko?
Maikli at tuwiran
Laging galing sa Bibliya
Mahaba at patulang pasalaysay
Ang tauhan ay laging hayop
Nais mong turuan ang mga bata ng pagmamahal sa bayan, anong akdsang panitikan ang mas mabisang gamitin?
Parabula tungkol sa pagtulong sa kapwa
Epiko na naglalarawan ng kabayanihan
Kuwentong pambata tungkol sa hayop
Salawikain na nagtataguyod ng sipag
Ano ang itinuturing na pinakamahabang epiko sa Pilipinas?
Biag ni Lam-ang
Hudhud ni Aliguyon
Darangan
Ibalon
Gusto mong suriin kung naunawaan ng klase ang elementong "banghay". Ano ang pinakamainam na activity?
Gumawa ng tala ng mahahalagang pangyayari
Gumuhit ng storyboard ng kuwento
Sumulat ng buod ng binasang akda
Sagutin ang gabay na tanong sa teksto
Sa anong bahagi ng banghay matatagpuan ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang suliranin?
Simula
Gitna
Kasukdulan
Wakas
Paano mo ipapaliwanag ang pagkakaiba ng mito at alamat sa mga estudyante?
Mito → tungkol sa Diyos; Alamat → paliwanag ng pinagmulan ng bagay o pook
Mito → paliwanag ng pinagmulan ng bagay o pook; Alamat → tungkol sa Diyos
Mito → palaging totoo; Alamat → palaging gawa-gawa
Mito → maikli; Alamat → mahaba
Alin sa mga sumusunod ang karaniwang tagpuan ng mga kwentong bayan?
Paaralan at siyudad
Modernong gusali
Tindahan at palengke
Palasyo at kagubatan
Sa pagtuturo ng kwentong bayan, ang lahat ng sumusunod ay makatutulong upang maunawaan ng mga bata ang banghay, maliban sa alin?
Pagbuo ng maikling storyboard
Pagsasadula ng ilang tagpo
Pagsulat ng pinaikling buod
Pagkopya ng buong teksto
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tunggalian sa isang kwentong bayan?
Hari laban sa ibang kaharian
Magsasaka at kalikasan
Tao laban sa kanyang sarili
Lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng di-pormal na sanaysay?
Sobre la Indolencia de los Filipinos – Jose Rizal
Mga sanaysay ni Alejandro Roces
El Filibusterismo – Jose Rizal
Darangan – Maranao
Ano ang tawag sa organisadong pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa isang sanaysay?
Paksa
Wika
Balangkas
Tono
Sa pagtuturo ng sanaysay sa elementarya, aling estratehiya ang pinakaangkop upang malinang ang malikhaing pagsulat ng bata?
Pagbabasa ng piling sanaysay bilang modelo
Pagsasauo ng mahahalagang ideya ng akda
Brainstorming upang makabuo ng sariling paksa
Pagkopya ng sanaysay mula sa sanggunian
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng pormal at di-pormal na sanaysay?
Wika at tono
Tauhan at tagpuan
Banghay at tunggalian
Paksa at tema
Kung nais ng guro na magpatawa sa mga bata gamit ang isang dula na eksaherado ang kilos, anong uri ng dula ang gagamitin?
Parsa
Trahedya
Melodrama
Tragikomedya
Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng kaugalian ng tao sa araw-araw sa pamamagitan ng dula?
Parabula
Komedya
Epiko
Saynete
Nais mong mapasali ang mga batang nahihiya sa pagtatanghal ng dula. Anong estratehiya ang pinakamainam gamitin?
Pagsasadula na may kumpletong props
Reader’s Theater
Memorization ng script
Lecture method
Kung nais ng guro na bigyang-diin ang aral at tema ng isang dula pagkatapos ng pagtatanghal, anong estratehiya ang gagamitin?
Group discussion
Tahimik na pagbabasa
Pagbigay ng test agad
Pagpapanood ng pelikula
Kung nais ng guro na paunlarin ang kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng dula, aling estratehiya ang pinakamainam gamitin?
Pabayaan lamang silang manood ng pagtatanghal
Pasagutin sila sa gabay na tanong pagkatapos ng dula
Ipagbawal silang magbigay ng sariling interpretasyon
Patigilin ang talakayan upang makatipid ng oras
Bilang guro, paano mo pinakamainam na magagamit ang puppet play sa pagtuturo ng dula?
Ipabasa lang sa mga bata ang iskrip
Gamitin ito para magpatawa lamang
Ipalaro ito sa mga bata bilang tauhan
Huwag gamitin dahil pambata lamang
Ang dulang may magaan na tema, maraming awit at sayaw, at madalas ginaganap tuwing pista ay tinatawag na:
Sarsuwela
Trahedya
Epiko
Saynete
Kung ikaw ay guro at nais mong huwag gawing interdisiplinaryo ang pagtuturo ng dula, alin ang pinakamainam na paraan?
Huwag iugnay sa ibang asignatura
Huwag magbigay ng dagdag na gawain
Limitahan lang sa pagbasa ng iskrip
Ipagbawal ang iba pang koneksyon
Ang isang mag-aaral ay nagsabi: “Ang TikTok videos na naglalaman ng spoken word ay hindi panitikan.” Ano ang wastong tugon ng guro?
Tama, dahil panitikan ay laging nakasulat
Mali, dahil maaari itong pasalita at biswal
Tama, dahil panitikan ay nasa aklat lang
Mali, dahil may iba’t ibang anyo ang panitikan
Panitikan : Pagkakakilanlan ng bansa :: Social Media Literature : ______
Pagpapatawa
Mabilis na pagbabahagi ng damdamin
Araling pampanitikan
Modernong anyo ng panitikan
