WorksheetsREVIEWER IN AP 5 - 2ND QUARTER
Total questions: 45
Worksheet time: 45mins
Alin ang pahayag na tumutukoy sa konsepto ng kalinangan?
kabuuang huwaran ng kaalaman
mga gawaing bahagi ng pamumuhay
kaugalian, sining, pamumuhay, kinagisnan, at gawi
mga paraan kung paano namumuhay ang mga Pilipino, ang kanilang mga gawain, kagamitan, kaugalian at paniniwala
Alin ang kaugalian may kinalaman sa paggamit ng mga kalinangang materyal?
Babaylan ang namamagitan sa mundo ng mga buhay at mga anito
Ang tapayan o banga ay ginamit na libingan ng mga sinaunang pilipino
Naniniwala ang sinaunang pilipino sa mga espiritu
Ang mga kaanak na namatay ay pinauusukan
Alin ang kaugalian may kinalaman sa kalinangang di-materyal?
A. edukasyon, awit, pagpapahalaga
B. awit, baybayin, bangka
C. pananamit, pagkain, tapayan
D. Gobyerno, relihiyon, bahay kubo
Bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang kalinangan ng sinaunang Pilipino sa kasalukuyang panahon?
Nagagamit ang mga kaalaman upang masuri at maunawaan ng mga pilipino ang kasalukuyang lipunan
Nagkakaroon ng malalim na pagkakilala ang mga batang pilipino sa ibang lahi
Kulang ang pagpapahalaga sa kasaysayan at pagkakakilanlan
May sariling kultura ang sinaunang pilipino
Ano ang pagkakaiba ng kalinangang materyal at kalinangang di-materyal?
Kalinangang materyal ang mga bagay na nakikita, konkret, nahihipo o nahahawakan na nililikha at ginagamit ng bawat grupo ng tao, samantalang ang kalinangang di-materyal ay nakikita sa pamamagitan ng pagsasagawa nito.
Ang kalinangang di-materyal ay kaugalian na may kinalaman sa arkitektura, pananamit, pagkain, tulay, kalsada, kasangkapan, likhang sining, samantalang ang kalinangang materyal ay kaugalian na may kinalaman sa tradisyon, edukasyon, paniniwala, sining at panitikan, kaugalian, pananalita, pagpapahalaga, relihiyon, pamahalaan/gobyerno.
Ang kalinangan ay kabuuan huwaran ng kaalaman, paniniwala, gawi, at katangiang materyal o di materyal, sa isang pangkat
Ang kalinangang materyal at di-materyal ay may makabuluhang epekto sa lokal na ekonomiya, lalo na sa turismo.
Paano nakakaapekto ang kalinangan sa buhay ng mga pilipino?
Humuhubog ito sa pagkatao, pag-uugali, at pakikitungo ng mga pilipino
Ito ang batayan ng mga pagpapasya sa buhay ng mga pilipino
Mahilig sa mga materyal na bagay ang mga pilipino
A at B
Ipinagmamalaki ng mga pilipino ang kalinangan sa pagbabayanihan. Paano mo magagamit ang konsepto ng bayanihan sa pagtulong sa kapwa sa panahon ng sakuna o kalamidad?
paggalang sa datu, nakatatanda, at babaylan
pagtulong sa paggawa ng banga, tapayan, at bangka
pagtulong sa pagtatamin at pagsasaayos ng mga bahay na nagiba ng bagyo
pagsali sa pamamahagi ng relief goods, o pagbibigay ng pagkain/damit sa nasalanta.
Sa kasalukuyan, tayo ay nabubuhay sa tulong ng advanced technology gaya ng cell phone, internet, smart TV, AI, at iba pa. Paano naman naipakita ng sinaunang lipunang pilipino ang husay nila sa teknolohiya?
Nakagawa ng mabilis na higanteng bangka kahit wooden peg lang ang gamit at walang blue print.
Natuloy-tuloy ang pagpuno ng kabihasnan ng sinaunang lipunan
Nakipagnegosyo sila sa mga karatig lugar sa Asya
Nakagawa ng mga bahay sa itaas ng puno
Kung ikaw ay isa sa mga sinaunang Pilipino, alin sa mga gawi o paniniwala ang iyong pananatilihin. Bakit?
A. Bayanihan, napapakita ito ng pagmamalasakit sa kapwa at pakikipagtulungan
B. Antisismo, naniniwala ako na lahat ng bagay ay may espiritu
C. Paglilibing sa banga, kakaibang ritwal at nakakatakot ito
D. Paggamit ng bull, upang matakot ang iba
Kung ihahambing mo ang Anitoismo sa isang paniniwala o ritwal sa kasalukuyan, anong halimbawa ito? Ang anitoismo ay parang _____________.
All Saints' Day: pag-aalay ng pagkain sa puntod ng yumao
pagsamba sa diwata at paghiling ng proteksyon
sundance: paghilin ng ulan
pananalangin
Kung ikaw ay isang babaylan noon, ano ang ipapayo mo sa isang taong may karamdaman?
Magsasagawa ng misa para sa anito ng paggaling
Magpainom ng halamang gamot kasabay ng orasyon
Awitan ang mga espiritu
Magpatingin sa doctor
Ano ang ipinahihiwatig ng paraan ng paglalagak ng mga labi sa kuweba, at bangang libingan tungkol sa paniniwala ng sinaunang Pilipino sa kabilang buhay?
Ang paglilibing sa mga yumao ay pangkaraniwang ritwal di masyadong mahalaga
Ipinapakita ang paniniwala na may buhay pagkatapos ng kamatayan
Uri ng libingan para sa mga kaanak na yumao
May pananampalatayang patuloy na umiiral
Ang Manunggul Jar ay isang libingang banga na natagpuan sa Manunggul Cave sa Palawan. Sa takip ng banga, makikita ang ukit ng dalawang tao sa isang bangka – isang namatay at isang bangker o tagapagsundo sa kabilang buhay. Batay sa paniniwala ng sinaunang pilipino, ano ang kahulugan ng disenyo ito?
kakaibang disenyo
espiritu ng yumao
pagsamba sa kabilang buhay
ritwal ng paglalakbay ng kaluluwa
Sino si Allah para sa mga Muslim?
Si Allah ay makapangyarihan sa lahat, walang kapantay, at lumikha ng lahat ng bagay.
Walang imahe o anyo si Allah, ngunit siya lamang ang tanging Diyos.
Sa katuruan ng Islam si Jesus ay isang propeta
At A at B
Bakit mahalaga sa mga Muslim ang paniniwala na si Muhammad ang huling propeta?
Si Muhammad ang pinakahuling propeta at wala ng susunod pa
Pinaniniwalaan ng mga Muslim ang mga propeta gaya nina Adan, Noah, Abraham, Moises, at Hesus.
Dahil si Muhammad ang huling propeta, ang mga Muslim ay hindi na naghihintay ng bagong propeta o kasulatan.
Ang Qur'an ay kumakatawan sa kumpletong gabay sa buhay, hindi na kailangan pang dagdagan o baguhin ang mga aral.
Paano mo bibigyang-halaga ang mga katutubong paniniwala gaya ng Anitoismo at Animismo nang may paggalang pa rin sa paniniwala ng ibang relihiyon tulad ng Islam?
Igalagalang ang pagkakaiba-iba ng paniniwala habang pinapanatili ang sariling kong pananamapalataya
Para sa akin, mahalaga ang pag-unawa sa kultura kaysa pananamapalataya
Ang mga ito ay bahagi lamang ng kultura at kasaysayan ng ating bansa
Ipagtatanggol ko ang anitoismo laban sa Islam at Kristiyanismo
Paano naiiba ang pananamapalataya sa Allah ng mga Muslim sa paniniwala sa maraming anito?
Ang Anitoismo ay naniniwala sa at nanalangin sa maraming espiritu samantalang ang Islam ay sa isang Diyos lamang, at mayroon din itong malinaw na batas.
Ang Anitoismo ay uri ng relihiyon ng sinaunang pilipino samantalang ang Islam ay pananamapalataya sa makabagong panahon
Ang Anitoismo at Islam lumaganap sa panahon ng sinaunang lipunang pilipino
Ang Anitoismo at Islam ay uri ng pananamapalataya sa Diyos
May mga simbolismong makikita sa mga disenyo ng mga ukit sa kahoy ng mga Ifugao, Maranao, at iba pang grupo ng tao sa Pilipinas. Sa Maranao, anong disenyo ang mahusay na inukit sa mga bahay, kasangkapan at bangka na sumasagisag sa kagandahan, kapangyarihan, at kultura?
Anito
Bangka
Bulul
Okir
Ano ang sistema ng pagsulat ng sinaunang lipunang pilipino?
Alibata
Arabic
Baybayin
Sanskrit
Bakit hindi gumamit ng metal ang mga cagayan sa paggawa ng mga bangka?
Masyadong mahal ang metal noon
Wala pang metal noong panahon ng sinaunang bayan
Pinili ng sinaunang pilipino na gumamit ng pinatulis na kahoy, dagta ng puno at ratan
Pinaniniwalaang ang metal ay maaaring makaistorbo sa espiritu ng bangka kung hindi isinama sa ritwal
Karaniwan ang pagsusuot ng mga palamuting ginto sa iba't-ibang bahagi ng katawan ang mga sinaunang pilipino? Anong malalim na dahilan kung bakit nila ginagawa ito?
Pinaniniwalaang gabay ng kaluluwa at proteksyon ito ng mga tao laban sa masasamang espiritu.
Mayaman ang sinaunang pilipino, kaya marami silang pambili ng ginto.
Bahagi ng kanilang kasuotan ang mga ginto
Pangkaraniwan lamang ang ginto noon
Ito ang Bulul. Inukit na kahoy na rebulto ng mga Ifugao. Inilalagay sa mga kamalig ng palay o sa mga tahanan. Hindi lang basta dekorasyon, pinaniniwalaang ito ay banal at makapangyarihan, na nagbibigay ng proteksyon at kasaganaan, kaya bahagi ito ng kanilang relihiyon, kultura, at araw-araw na pamumuhay. Kung ikaw ay isang Ifugao, ano ang gagawin mo kung ito ay ipinamana sa iyo ng iyong magulang mo? Bakit?
Matatakot ako, dahil may kapangyarihan siyang nagbibigay ng proteksyon at kasaganaan sa aming buhay.
Buong puso ko siyang tatanggapin, dahil mahalagang bahagi ito ng aming kultura at paniniwala.
Tatanggapin ko dahil magandang dekorasyon sa bahay
Tatanggaping ko at ipapamigay sa aking kaibigan
Ang mga likhang panitikan ng sinaunang pilipino ay naipasa sa mga sumunod na henerasyon sa pamamagitan ng oral tradition o tradisyong pasalita. Kung ikaw ay isa sa mga sinaunang pilipino, paano mo ipinaalam sa mga kamag-anak at kaibigan mo ang epikong Biag-ni-Lam-ang?
binasa ko mula sa aklat na kahoy
isinulat ko sa mga balat ng puno
likinuwento ko sa kanila
ipina-nood ko sa Youtube
Ang sining panitikan ng sinaunang pilipino ay nagpapakita ng paraan ng pamumuhay noon. Isa sa tanyag na sining ng panitikan ay ang Ili-Ili Tulog Anay. Ito ay awitin mula sa mga taga-Visayas. Kung ikaw ay nabuhay sa sinaunang bayan, kailan mo ito inaawit?
Sa kaarawan o birthday
Sa kasalan
Sa pagpapatulog ng bata o baby
Sa pagtatanim
Kapag nagsayaw ang mga ninuno natin, hindi lang sila 'sumasayaw', nakikipag-usap sila sa kalikasan, sa ninuno, at sa kanilang sarili. Ano ang ipinapahiwatig ng pagsasayaw ng mga sinaunang Pilipino sa mga ritwal tulad ng anihan at kasal?
Sumasalamin ito sa paniniwala nilang may espiritwal na koneksyon ang tao, kalikasan, at mga diyos
Pagkakataon ito upang maipakita ang galing sa pagsayaw ng mga kabataan
Ginagamit nila ito bilang pampalipas-oras
Mahilig sila sa selebrasyon at kasiyahan
Ang bayanihan sa sinaunang lipunang Pilipino ay hindi lang basta pagtutulungan, isa itong kultura ng sama-samang pagkilos na nakaugat sa malalim na pakikipagkapwa at damayan. Alin ang nagpapakita ng bayanihan?
Pag-aayos ng bahay o estruktura ng komunidad
Tulong sa panahon ng sakuna o kamatayan
Pag heart sa DP para manalo sa contest
Sama-samang pagtatrabaho sa bukid
Pagbubuhat ng bahay kubo
Paano ipinapakita ng disenyo ng bahay kubo ang pag-aangkop ng sinaunang Pilipino sa klima ng kapuluan?
Walang kisame kaya ito ay mas madaling gibain
Gawa sa konkretong materyales para sa matibay na pundasyon
Nakataas sa lupa upang makaiwas sa baha, mga hayop at insekto
May malalaking bintana upang makapasok ang natural na liwanag at hangin, kaya hindi mainit sa loob kahit tag-init.
Paano naiba ang pananaw ng sinaunang Pilipino sa kalinangan ng pagtatattoo?
Sa sinaunang kultura, ang tattoo ay espiritwal at mahalaga sa lipunan
Ang tattoo ay isang anyo ng pag-aklas laban sa pamahalaan.
Para sa sinaunang Pilipino, ang tattoo ay walang kabuluhan.
Ang tattoo o batek ay isang uri ng makasining na fashion.
Bakit mahalagang talakayin ang Islam sa pag-aaral ng sinaunang kasaysayan ng Pilipinas?
Dahil bahagi ito ng kolonisasyon
Dahil dinila ito ng mga Arabe sa bansa
Dahil ito ang pinaka-unang relihiyon sa buong mundo
Dahil nakatulong ito sa pagbuo ng sistemang politikal at panlipunan ng sinaunang lipunan
Kung ikaw ay isang datu sa Mindanao nang dumating ang mga Muslim na mangangalakal, ano ang posibleng dahilan kung bakit mo tatanggapin ang kanilang relihiyon?
May dala silang bagong kaalaman, sistema ng pamahalaan, at pakikipagkalakalan
Nagdala sila ng mas modernong armas
Wala kang sariling paniniwala
Inilutos ito ng mga Kastila
Kung napa-assign sa iyong grupo ang pagtalakay sa Islam, paano mo ipaliwanag sa kapwa mag-aaral na ang Islam ay hindi "bagong" relihiyon sa Pilipinas?
Ipaliwanag na ang Islam ay nauna pang dumating kaysa sa Kristiyanismo
Ituro na ito ay lumaganap simula noong panahon ng Martial Law
Sabihin na ito ay dinala lamang ng mga Arabong turista
Talakayin na wala itong epekto sa lipunan
Ano ang ipinahihiwatig ng maagang pagdating ng Islam sa Pilipinas tungkol sa ugnayan nito sa ibang bahagi ng Asya bago pa man dumating ang mga Kastila?
Laganap na ang Kristiyanismo bago ang Islam
Nag-isa ang Pilipinas sa pandagdagang kalakalan
Lahat ng dayuhang relihiyon ay dumating pagkatapos ng kolonisasyon
Aktibong nakikipag-ugnayan ang sinaunang pilipino sa mga kalapit-bansa sa Asya
Paano ipinapakita ang kahalagahan ng Islam sa pagbuo ng pambansang identidad sa Pilipinas?
Sa pagsasantabi ng kontribusyon ng mga Muslim upang bigyang-diin ang Kristiyanismo
Sa pagkilala sa pagiging bahagi ng kulturang Pilipino ng Islam
Sa pagtuturo ng kasaysayan bago at matapos ang pananakop
Sa pagtuon sa kasaysayan ng Luzon
Anong katangian ng relihiyong Islam ang mas pinahalagahan ng mga sinaunang Pilipino kaya mabilis itong lumaganap?
Konsepto ng kapatiran, katarungan, at pamumuhay ayon sa pananampalataya
Walang direktang epekto sa lipunan
Istriktong pagdidisiplina
Kakaibang mga ritwal
Sa pag-aaral ng Araling Panlipunan 5, kasama sa mga paksa ang pagtalakay sa kasaysayan ng sinaunang lipunang pilipino. Bakit mahalagang balikan ang kasaysayan ng paglaganap ng Islam sa Pilipinas?
Para masabing luma na ito ngunit may silbi pa rin
Para ihiwalay ang Muslim sa kasaysayan ng ating bansa
Upang mapalalim na ito ng makabagong pananampalataya at pamahalaan
Upang mapawi ang diskriminasyon sa mga kapatid na Muslim at kilalanin ang kanilang ambag
Sa paglaganap ng Islam, nagkaroon ng mahalagang pagbabago sa kalinangan ng sinaunang lipunang pilipino. Paano nakatulong ang relihiyong Islam sa pagpapatatag ng sistema ng pamahalaan sa ilang bahagi ng Mindanao noon?
Umiral ang sistemang Sultanato na may malinaw na batas batay sa Islam
Nakapagsasagawa ng taunang eleksyon ng mga namumuno
Nabuong ang lipunang pinamunuan ng mga datu at sultan
Nakapagtayo ng mga malalaki at modernong gusali
Kung sa inyong barangay ay may malaking populasyon ng mga Muslim, paano mo mailalapat ang kaalaman tungkol sa Shariah Law sa pagbuo ng mga polisiya?
Isama ang mga tuntunin nito kung naaayon sa karapatan at umiiral na batas
Gumawa ng batas na taliwas sa mga paniniwala ng Muslim
Isantabi ang Shariah dahil ito ay relihiyoso
Tularan ang batas ng ibang bansa
Ang performance task ng inyong grupo sa Araling Panlipunan ay pantomime ng isang kasalan sa pamayanang Muslim ng sinaunang lipunan, paano ninyo maipapakita ang pagbabago dahil ng Islam sa seremonya ng ito?
Isagawa ang mga kasal ng mga Katoliko
Gamitin ang mga tradisyon ng Kristiyanismo
Ipakita ang nikah bilang kasal na may gabay ng relihiyon
Itampok ang mga Western wedding traditions tulad ng sa America
Bakit naging mas organisado o maayos ang pamahalaan sa mga pamayanang Muslim ng sinaunang lipunan nang lumaganap na ang Islam?
Tumulong ng mga Kastila
Nagkaroon ng Sultanato na may sistemang relihiyoso at politikal
Tinanggal ang lahat ng lokal na batas
Sentralisado ang pamumuno ng datu
Ano ang naiibang katangian ng Sultanato kumpara sa naunang pamumunuan ng barangay sa Pilipinas?
Wala nang kasunduan sa pagitan ng mga tao at pinuno
Mas maraming pinunong datu ang kasabay na namuno
Relihiyosong batas ang naging batayan ng pamumuno
Mas mababa ang awtoridad ng pinuno
Anong bahagi at anyo ng kalinangan ang pinayaman ng Islam sa mga pamayanang Muslim?
Pagsamba sa mga santo
Pamamanata sa mga santo
Pananamit, sining, at arkitektura
Pagsasaka at pangangaso
Paano isinasabuhay ng mga Muslim sa Pilipinas ang kanilang pananampalataya sa araw-araw na buhay?
Sa pamamagitan ng pag-iwas sa pakikipagkalakalan
Sa pagsunod sa mga tradisyong Kristiyano
Sa pamumuhay batay sa mga tuntunin ng Qur'an at Shariah
Sa pagwawalang-bahala sa relihiyon at kultura
Sa iyong palagay, bakit naging mahalaga ang sistemang Sultanato sa pagbuo ng sinaunang lipunang Muslim?
Impluwensyahan nito ang mga Kristiyano
Nagtakda ito ng istrakturang pampolitika, batas, at moralidad
Nagdala ito ng modernong teknolohiya
Pinalitan nito ang tradisyunal na barangay
Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakaakmang nagpapakita ng mataas na pagpapahalaga ng mga Muslim sa edukasyon?
pakikidigma upang maprotektahan ang lupain
pagkakaroon ng mga paaralang Islamikong nagtuturo ng Qur'an
pagsusuot ng katutubong kasuotan
pagtatayo ng mosque para sa pagdarasal
Paano mo masusukat ang tagumpay ng ugnayan ng sinaunang bayang pilipino sa mga kalapit na bansa sa Asya?
Sa paglawak ng relihiyong Kristiyano
Sa dami ng dayuhang nanirahan sa bansa
Sa pagyabong ng kabuhayan at pagyaman ng kultura
Sa lawak ng nasakop na teritoryo ng Pilipinas
