Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

komunikasyon

Total questions: 47

Worksheet time: 24mins

Name
Class
Date
1.

Kung ikaw ay isang tagapagbalita ng balita sa radyo tungkol sa protesta, paano mo magagamit ang iyong pag-unawa sa gamit ng wika upang matawag na patas o may kinikilingan ang tagapagbalita?

a)

Sa pamamagitan ng pagtitingin kung nagbigay lang siya ng impormasyon

b)

Sa pamamagitan ng pagtukoy kung nagpapahayag siya ng sariling opinyon

c)

Sa pamamagitan ng pagsuri kung may pagkampi sa panig ng nagprotesta o pamahalaan

d)

Sa pamamagitan ng pagtukoy kung ipinakita niya ang obhetibidad sa pag-uulat

2.

Sa isang panayam, tinanong ang isang atleta kung ano ang kanyang sikreto sa tagumpay. Ano ang inspirasyon sa mga tanong upang maunawaan kung paano niya ginamit ang wika sa pagbibigay-inspirasyon sa mga manonood?

a)

Tiningnan ang medalya

b)

Inunawa ang karanasan

c)

Sinuri ang determinasyon, disiplina, at paniniwala

d)

Pinili ang magagandang kuwento

3.

Batay sa pahayag ng manunulat na, "Ang wika ay buhay at patuloy na nagbabago. Dapat nating tanggapin ang mga bagong salita at paraan ng paggamit nito," paano mo maipapaliwanag ang pangunahing ideya ng kanyang mensahe?

a)

Ang wika ay static at hindi nagbabago

b)

Ang wika ay dinamiko at patuloy na nagbabago

c)

Dapat nating labanan ang pagbabago ng wika

d)

Ang wika ay hindi mahalaga

4.

Kung ikaw ay gagawa ng sarili mong blog post na nagtatanggol sa paggamit ng mga salitang balbal, paano mo magagamit ang iyong kaalaman sa wika upang maipahayag ang iyong argumento?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapakita na ang mga salitang balbal ay bahagi ng kulturang Pilipino at nagpapatika ng pagiging malikhain ng mga Pilipino

b)

Sa pamamagitan ng pagsasabing ang mga salitang balbal ay nakakasira sa wika

c)

Sa pamamagitan ng paghikayat na iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal

d)

Sa pamamagitan ng pagsasabing ang mga salitang balbal ay para lamang sa mga kabataan

5.

Sa isang thread sa Twitter, iba’t ibang indibidwal ang nagbahagi ng kanilang mga karanasan tungkol sa isang sensitibong isyu. Paano mo masusuri ang papel ng wika sa pagbabago ng empatiya at pag-unawa sa iba’t ibang pananaw upang makatulong sa paglutas ng isyu?

a)

Hindi ko papansinin ang mga tweet dahil ito ay masyadong sensitibo

b)

Pipiliin ko lamang ang mga tweet na sumasang-ayon sa aking opinyon

c)

Pagsusuri sa wika, karanasan, damdamin, pananaw, koneksyon, at pag-unawa

d)

Ipagbabawal ko ang pag-usap tungkol sa sensitibong isyu

6.

Kung ikaw ay gagapan bilang isa sa mga karakter sa isang pelikulang Pilipino, paano mo magagamit ang wika upang ipakita ang estado sa buhay at kultura ng iyong ginagampanan na tauhan?

a)

Sa pamamagitan ng pagpapakita ng kakaibang personalidad lamang

b)

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang angkop sa antas ng pinag-aralan ng karakter

c)

Sa pamamagitan ng paggamit ng wikang rehiyonal kahit hindi ito angkop sa tauhan

d)

Sa pamamagitan ng paggamit ng wika na nagpapakita ng kanyang estado sa buhay at kultura

7.

Kung ikaw ay magsusulat ng sariling dulang pantelbesyon, paano mo bubuuin ang mga diyalogo ng mga karakter upang maipakita ang paggamit ng iba’t ibang register ng wika ayon sa kanilang propesyon?

a)

Sa pamamagitan ng pagpilì ng mga salitang magpapakitang-gilas ang mga karakter

b)

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga terminong angkop sa kanilang propesyon upang maging malinaw ang komunikasyon

c)

Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nakakatawang linya upang magpatawa

d)

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga modernong salita kahit hindi akma sa tauhan

8.

Sa isang dulang nagpapakita ng mga problema ng mga migranteng Pilipino sa ibang bansa, paano mo susuriin ang paggamit ng wika upang ipakita ang kanilang kalagayan?

a)

Batay sa galing ng mga artista

b)

Batay sa ganda ng istorya

c)

Batay sa pagpapakita ng paghihirap, pag-asa, at laban sa diskriminasyon

d)

Hindi ko papansinin ang wika

9.

Kung may taong hindi pamilyar sa konsepto ng code-switching, paano mo ito ipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa sa totoong sitwasyon ng pakikipag-usap?

a)

Sasabihin kong ito ay paggamit ng dalawang wika sa isang panunggusap

b)

Ipapakita kong paano nagpapalit-palit ang wika ayon sa sitwasyon at kausap

c)

Babanggitin kong ito ay paggamit ng mga salitang Ingles sa usapang Filipino

d)

Sasabihin kong lahat ng nabanggit

10.

Kapag nagpapaliwanag ka ng isang mahirap na konsepto sa iyong nakabababatang kapatid, paano mo maipapakita na nauunawaan mo ang kahalagahan ng paggamit ng angkop na wika sa komunikasyon?

a)

Gagamit ako ng mga teknikal na termino

b)

Gagamit ako ng mga salitang simple at halimbawa upang mas madaling maunawaan

c)

Iwasan kong magpaliwanag at magpapakita na mahirap ang paksa

d)

Gagamit ako ng salitang balbal lamang

11.

Ano ang pinakamanian na halimbawa ng linguistic diversity sa Pilipinas?

a)

Pagkakaroon ng maraming dayalekto

b)

Pagkakaroon ng iba’t ibang wika

c)

Pagkakaroon ng iba’t ibang paraan ng pagbigkas

d)

Lahat ng nabanggit

12.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng barayti ng wika batay sa rehiyon?

a)

Paggamit ng "po" at "opo"

b)

Paggamit ng salitang "kalintura" sa Cebuano na nangangahulugang "lagnat" sa Filipino

c)

Paggamit ng Ingles sa mga business meeting

d)

Paggamit ng AI application

13.

Napanisn ni Miguel na sa kanilang bayan sa Ilocos, may mga salita silang ginagamit na hindi maintindihan ng mga taong galing sa Maynila, kahit pareho silang nagsasalita ng Filipino. Halimbawa, ang "alimbuyog" ay may ibang kahulugan sa kanila kaysa sa Tagalog. Anong barayti ng wika ang pangunahing nagdudulot ng pagkakaibang ito?

a)

sosyolek

b)

dayalekto

c)

jargon

d)

creole

14.

Si Mang Jose ay nagtatrabaho sa isang pabrika at nais niyang mag-apply para sa isang promosyon. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dokumento na dapat niyang ihanda upang ipakita ang kanyang mga kasanayan at karanasan?

a)

Birth Certificate

b)

Resibo ng Bayad sa Kuryente

c)

Resume/Curriculum Vitae

d)

Clearance mula sa Barangay

15.

Kung ikaw ay susulat ng isang talumpati na nagpapakita ng wika bilang instrumento ng kapangyarihan, alin sa mga pahayag ang pinakamainam mong gagamitin?

a)

Magandang araw po sa inyong lahat.

b)

Bilang pangulo ng bansang ito, ipinag-uutos ko na...

c)

Nais ko lamang pong magbahagi ng aking saloobin.

d)

Kumusta na po kayo?

16.

Upang maunawaan kung paano napauunlad ang wikang Filipino sa internet, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng epektibong paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo ng online content?

a)

Paglalagay ng mga akdang pampanitikan sa internet

b)

Paggawa ng mga blog na nasusulat sa wikang Filipino

c)

Paglalagay ng Filipino diksyunaryo online

d)

Lahat ng nabanggit

17.

Kung ikaw ay magsasagawa ng obserbasyon sa paggamit ng wika ng mga kabataan sa social media, paano mo maipapakita ang epekto nito sa kanilang paraan ng pakikipagkomunikasyon?

a)

Ipakita kung nagiging mas malikhain at impormal ang kanilang wika.

b)

Ipakita kung nagiging mas pormal ang kanilang wika.

c)

Ipakita kung nagiging mas limitado ang kanilang bokabularyo.

d)

Ipakita kung hindi ito nakakaapekto sa kanilang wika.

18.

Kung ikaw ay isang tagapagbalita, paano mo gagamitin ang wika upang maiwasan ang pagpapakalat ng fake news sa radyo at telebisyon?

a)

Magbasa lamang ng mga opisyal na pahayag ng gobyerno.

b)

Suriin muna ang impormasyon bago ito ipalabas at magbigay ng tamang konteksto.

c)

Hayaan ang mga eksperto na magpaliwanag tungkol sa mga isyu.

d)

Lahat ng nabanggit.

19.

Sa isang balita sa radyo tungkol sa isang kontrobersyal na isyu sa politika, napansin mo na ang tagapagbalita ay gumamit ng mga eupemismo sa paglarawan ng mga aksyon ng isang partikular na partido. Ano ang implikasyon ng paggamit ng mga eupemismo sa pagbuo ng opinyon ng mga tagapakinig tungkol sa isyu?

a)

Nagpapatika ng walang kinikilingan.

b)

Para hindi maintindihan.

c)

Binawasan ang negatibong epekto.

d)

Walang saysay sa isyu.

20.

Sa isang balita sa radyo tungkol sa isang kalamidad, ang tagapagbalita ay gumamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagkabalisa at pangamba. Paano mo susuriin ang epekto ng ganitong uri ng paggamit ng wika sa emosyonal na kalagayan ng mga tagapakinig, at paano ito maaaring makaapekto sa kanilang pagtugon sa sitwasyon?

a)

Nagpakita ng pagiging makatao.

b)

Walang epekto.

c)

Nagdulot ng takot.

d)

Walang propesyonalismo.

21.

Sa isang pag-aaral gamit ang social media, nais mong suriin kung paano naiiba ang paggamit ng wika ng mga aktibista sa Twitter kumpara sa mga ordinaryong gumagamit sa pagpapahayag ng kanilang opinyon tungkol sa isang isyung panlipunan. Alin sa mga sumusunod na metodo ang pinakaangkop upang makamit ang layuning ito?

a)

Content analysis sa salita, tono, at paghihikayat.

b)

Interbyu sa piling aktibista

c)

Bilang ng likes at retweets

d)

Demograpiko ng taga­sunod

22.

Sa isang social media debate tungkol sa paggamit ng "jejemon," paano mo gagamitin ang iyong kaalaman sa sosyolinggwistika upang suriin ang mga argumento ng magkabilang panig?

a)

Aaprubahan ko ang lahat ng sinasabi ng panig na sumusporta sa "jejemon."

b)

Aaprubahan ko ang lahat ng sinasabi ng panig na tumututol sa "jejemon."

c)

Susuriin ko ang mga argumento batay sa power dynamics at pagkakakilanlan.

d)

Hindi ko papansinin ang debate.

23.

Nais mong suriin kung paano naiiba ang paggamit ng wika ng mga vloggers sa YouTube sa pagbabahagi ng kanilang mga personal na karanasan kumpara sa mga tradisyunal na manunulat sa mga pahayagan. Alin sa mga sumusunod na aspeto ng wika ang pinakamahalagang pagtuu­nan ng pansin?

a)

Ang haba ng mga pangungusap at talata.

b)

Ang estilo ng pagkukuwento at tono ng pananalita.

c)

Ang bilang ng mga ginamit na salitang Ingles.

d)

Ang bilang ng mga komento at "likes" sa kanilang mga post.

24.

“Binibigyan kita ng karunungang winalang kapantay maging sa mga nauna, maging sa susunod pa sa iyo. At bibigyan kita ng mga bagay na hindi mo hihilingin; kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinuman hang­gat sa tanang buhay mo.” Ang pahayag ay tumutukoy sa __?

a)

katahimikan

b)

pagmamahal

c)

dunong

d)

ligaya

25.

Magtiwala ka sa iyong sarili, ____ magtatagumpay ka. Alin ang pinakaangkop na salitang dapat mag-ugnay sa pahayag?

a)

upang

b)

at

c)

dahil

d)

kung kaya

26.

Umuulan nang malakas, ____ nagpasya kaming manatili na lamang sa bahay. Alin ang pinakaangkop na salitang dapat mag-ugnay sa pahayag?

a)

dahil dito

b)

sakali

c)

subalit

d)

dapatwat

27.

Hindi mo kailangang humawak ng baril ____ makipaglaban para lamang matatawag na bayani. Alin ang pinakaangkop na salitang dapat mag-ugnay sa pahayag?

a)

para

b)

upang

c)

kaya

d)

sapagkat

28.

Bakit mahalaga ang tono ng pananalita sa komunikasyon?

a)

Dahil nagpapakita ito ng ating personalidad.

b)

Dahil nakaaapekto ito sa kung paano tatanggapin ang ating mensahe.

c)

Dahil nagpapakita ito ng ating estado sa buhay.

d)

Dahil nagpapakita ito ng ating pinag-aralan.

29.

“Pumaanhin po, Ginoo, hindi ko po kayo maintindihan. Maaari po bang ulitin ninyo ang inyong sinasabi?” Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng anong kakayah­ang komunikatibo?

a)

Kakayahang lingguwistiko

b)

Kakayahang diskorsal

c)

Kakayahang sosyolingguwistiko

d)

Kakayahang istratedyik

30.

“Hayaan mong paghilumin ng panahon ang sakit na iyong mararamdaman”. Ang pahayag ay nangangahulugang na?

a)

Matutong magpatawad

b)

Ang sakit ay lumalaganap tuwing masama ang panahon

c)

Kusang nawawala ang galit o poot sa paglipas ng panahon

d)

May malaking kaugnayan ang lagay ng panahon sa iyong nararamdaman

31.

Paano mo ipaliliwanag ang konsepto ng "cultural appropriation" sa konteksto ng paggamit ng wika?

a)

Ito ay ang paggamit ng wika ng ibang kultura nang walang pahintulot.

b)

Ito ay ang paggamit ng wika ng ibang kultura nang may pahintulot.

c)

Ito ay ang paggamit ng wika ng ibang kultura sa isang positibong paraan.

d)

Ito ay ang paggamit ng wika ng ibang kultura sa isang negatibong paraan.

32.

Paano mo susuriin ang isang pelikulang Pilipino batay sa representasyon nito ng iba’t ibang kultural na grupo sa bansa?

a)

Titingnan ko lamang kung maganda ang cinematography.

b)

Titingnan ko lamang kung magaling ang mga artista.

c)

Susuriin ko kung ang representasyon ay makatotohanan, sensitibo, at hindi nagpapakita ng stereotype.

d)

Hindi ko papansinin ang representasyon ng kultura.

33.

Paano nakaapekto ang globalisasyon sa lingguwistiko at kulturaal na pagkakaiba sa Pilipinas?

a)

Nagiging mas pare-pareho ang ating wika at kultura.

b)

Nagiging mas bukas tayo sa ibang kultura.

c)

Nagkakaroon ng pagbabago sa ating wika at kultura dahil sa impluwensya ng ibang bansa.

d)

Lahat ng nabanggit.

34.

Sa isang pananaliksik tungkol sa wika, paano mo susuriin ang kredibilidad ng isang sanggunian o reference?

a)

Titingnan ko lamang kung ito ay nasa internet.

b)

Titingnan ko lamang kung ito ay may maraming pahina.

c)

Susuriin ko ang awtor, petsa ng publikasyon, publisher, at layunin ng sanggunian.

d)

Hindi ko na ito susuriin.

35.

Sa isang pananaliksik tungkol sa wika at kultura, bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na mga salita at pangungusap?

a)

Upang magpakitang gilas

b)

Upang maging mas mahaba ang sulatin

c)

Upang maging mas malinaw at epektibo ang komunikasyon

d)

Gagamit pa rin ako ng mga legal na termino upang magpakitang gilas

36.

Kung ikaw ay susulat ng isang panimulang pananaliksik tungkol sa penomenang kultural, ano ang pinakamahalagang bagay na dapat mong isaalang-alang?

a)

Ang pagkakaroon ng malinaw na metodolohiya at paggalang sa kultura ng mga kalahok.

b)

Ang paggamit ng mga sikat na isyu upang madaling makakuha ng interes.

c)

Ang pagsulat ng mahabahang paliwanag kahit walang sapat na datos.

d)

Ang paggamit ng wikang banyaga upang magmukhang akademiko.

37.

Sa pagsulat ng isang panimulang pananaliksik, paano mo maiwasan ang plagiarism?

a)

Kopyahin lamang ang mga ideya ng iba.

b)

Huwag banggitin ang mga sanggunian.

c)

Gumamit ng iba’t ibang kulay ng font.

d)

Banggitin ang lahat ng sanggunian at gumamit ng sipi (citation).

38.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang unang hakbang sa pagsasagawa ng isang makabuluhang pananaliksik?

a)

Pagpili ng mga respondente

b)

Pagpili ng paksa at pagbuo ng tanong ng pananaliksik

c)

Pagbuo ng balangkas ng pananaliksik

d)

Pagsulat ng introduksyon

39.

Sa isang papel pananaliksik, bubuo ang pangkat ni Nick ng para-diyem konseptwal at teoretikal na balangkas at tutukuyin din ang mga kasangkapan na pagmumulan ng mga datos. Sa anong bahagi ng pananaliksik ang gagawin ng pangkat ni Nick?

a)

Pagsusuri ng Datos

b)

Paggadidisenyo ng Pananaliksik

c)

Pangangalap ng Datos

d)

Pagpapaanlad ng Paksa ng Pananaliksik

40.

Anong proseso ng pananaliksik ang naganap ang pagbuo ng kasangkapan at pangangalap ng mga datos?

a)

Pangangalap ng mga datos

b)

Pagbabahagi ng mga datos

c)

Pagdedisenyo ng pananaliksik

d)

Pagpapaanlad ng pananaliksik

41.

Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na paraan upang magpag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin?

a)

Paggamit ng mga komplikadong salita

b)

Paggamit ng mga transisyonal na salita at parirala

c)

Paggamit ng maraming pangungusap sa bawat talata

d)

Paggamit ng mga impormal na salita

42.

"Kapag maliit ang kumot, matutong mamalukot." Ano ang pinakamabisang interpretasyon ng kasabihang ito?

a)

Kailangan laging magreklamo tungkol sa kakulangan.

b)

Dapat maging masaya kahit kulang sa materyal na bagay.

c)

Kailangang maging praktikal at mag-adjust sa limitadong resources.

d)

Dapat humingi ng tulong sa iba kapag may problema.

43.

Kapag sinabi ng isang tao na "red flag" ang isang sitwasyon, ano ang ibig sabihin nito?

a)

Ito ay isang magandang senyales.

b)

Ito ay isang babala o senyales ng problema.

c)

Ito ay isang nakakatawang pangyayari.

d)

Ito ay isang normal na sitwasyon.

44.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na halimbawa ng isang tanong ng pananaliksik na may kinalaman sa penomenang panlipunan?

a)

Paano nakaakapepekto ang social media sa paggamit ng wika ng mga kabataan?

b)

Ano ang kahulugan ng wika?

c)

Sino ang mga pangulo ng Pilipinas?

d)

Ano ang uri ng pananaliksik?

45.

Kung ikaw ay gagawa ng isang pananaliksik tungkol sa epekto ng K-Pop sa wika at kultura ng mga kabataang Pilipino, paano mo lalapatan ng etikal na konsiderasyon ang iyong pag-aaral?

a)

Hindi ko na kailangang isaalang-alang ang etika.

b)

Kailangan kong maging bias sa aking pananaliksik.

c)

Kailangan kong maging maingat sa pagsang-ayon ng mga kalahok at paggalang sa kanilang kultura.

d)

Kailangan kong pagandahin lamang ang resulta.

46.

Paano mo ihahambing ang isang kwalitatibo at isang kwantitatibong pananaliksik tungkol sa wika?

a)

Pareho lamang silang uri ng pananaliksik.

b)

Ang kwalitatibo ay gumagamit ng numero, habang ang kwantitatibo ay gumagamit ng salita.

c)

Ang kwalitatibo ay naglalayong unawain ang "bakit," habang ang kwantitatibo ay naglalayong sukatin ang "gaano karami."

d)

Ang kwalitatibo ay mas mahirap kaysa sa kwantitatibo.

47.

Sa klase ni Bb. Ares, ipinaliwanag niya ang pagbuo ng papel pananaliksik. Ano kaya sa tingin mo ang dapat unang isaalang-alang?

a)

Interes at KawiIihan ng mga mambabasa

b)

Interes ng mananaliksik at napapanahong paksa

c)

Kawilihan at Kaangkupan ng mga ideyang ilalapat

d)

Malaman sa literature ang isagawang pananaliksik