wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Komunikasyon at Pananaliksik Final Exam (1st Sem)

Total questions: 51

Worksheet time: 30mins

Name
Class
Date
1.

Tumutukoy ito sa kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

a)

Sosyolingguwistiko

b)

Lingguwistiko

c)

Pragmatiko

d)

Diskorsal

2.

Ano ang pangunahing kahulugan ng diskurso?

a)

Pagbabasa ng teksto

b)

Pagpapahayag ng damdamin

c)

Pakikipag-usap at palitan ng kuro

d)

Pagpaplano ng komunikasyon

3.

Ano ang dalawang uri ng kakayahang diskorsal?

a)

Tekstuwal at Retorikal

b)

Kultural at Sosyal

c)

Pragmatiko at Semantiko

d)

Berbal at Di-berbal

4.

Ang kakayahang tekstuwal ay tumutukoy sa

a)

Pagbabasa at pag-unawa ng mga teksto

b)

Pagpapaliwanag ng kilos

c)

Pagpapahayag ng damdamin

d)

Pagbibigay ng mga pahiwatig

5.

Sino ang napamukala ng mga panuntunan sa kumbersasyon?

a)

M. A. K. Halliday

b)

Paul Grice

c)

Lightbrown at Spada

d)

Aristotle

6.

Ang kakayahang retorikal ay nasusukat sa

a)

Kakayahang makibahagi sa usapan

b)

Kaayusan ng kapaligiran

c)

Pagbibigay ng malinaw na pasya

d)

Paggamit ng mga pahiwatig

7.

Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa panuntunang Kantidad?

a)

Sikaping maging tapat sa sinasabi

b)

Magbigay ng sapat na impormasyon

c)

Maging malinaw at maayos sa pahayag

d)

Maging magalang sa pananalita

8.

Ang panuntunang Kalidad ay nangangahulugang ________.

a)
Maging totoo at may sapat na batayan ang pahayag
b)

Huwag magsalita nang mahaba

c)

a.      Iwasan ang pag-uulit ng ideya

d)

Maging magalang sa tono

9.

Ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang ________.

a)

Pagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa paksa

b)

Pagpapaliwanag ng datos na walang koneksyon

c)

Pagsingit ng biro sa seryosong usapan

d)

Pagpapaliwanag ng mahaba at malalim na salita

10.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng panuntunang Relasyon?

a)

Pagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa paksa

b)

Pagpapaliwanag ng datos na walang koneksyon

c)

Pagsingit ng biro sa seryosong usapan

d)

Pagpapaliwanag na mahaba at malalim na salita

11.

Kapag ang isang mag-aaral ay nagbibigay ng malinaw at maayos na paliwanag sa klase, anong panuntunan ang pinairal niya?

a)

Kantidad

b)

Kalidad

c)

Relasyon

d)

Paraan

12.

Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga panuntunan sa pakikipagtalastasan?

a)

Upang makipag-usap ng tahimik at maiwasan ang hindi pagkakaintindihan

b)

Upang mapanatili ang tradisyon at ipakita ang respeto sa ibang bansa

c)

Upang mapalawak ang bokabularyo

d)

Upang maging epektibo at magkaunawaan ang mga kausap

13.

Paano nakatutulong ang kaugnayan at kaisahan sa pagsulat ng sanaysay?

a)

Nagpapaganda ng letra

b)

Nagpapadami ng salita at nagpapatunay sa paninindigan

c)

Nagpapahaba ang talata

d)

Nakatutulong sa lohikal na daloy ng ideya

14.

Kung ang isang mag-aaral ay nagbibigay ng impormasyong nang labis-labis, anong panuntunan ang nilalabag niya?

a)

Kantidad

b)

Kalidad

c)

Relasyon

d)

Paraan

15.

Ano ang ibig sabihing kakayahang pragmatiko?

a)

Pag-aaral ng wika batay sa kultura ng isang komunidad

b)

Pag-aaral ng paggamit ng wika sa konteksto

c)

Pagsusuri ng tunog ng wika at kahulugan nito

d)

Pagbuo at pag-unawa ng maayos at makabuluhang wika

16.

Ang speech act theory ay tumutukoy sa ______.

a)

Kahulugan ng kilos sa komunikasyon

b)

Pagggawa ng mga bagay gamit ang mga salita

c)

Pagpapahayag sa paraang di-berbal

d)

Pag-aaral ng morpolohiya at sintaksis ng salita

17.

Ang locutionary act ay ______.

a)

Mismong akto ng pagsasabi

b)

Intensyon ng pahayag

c)

Epekto sa tagapakinig

d)

Aksyon ng katawan

18.

Ang illocutionary act ay ______.

a)

Patugon ng kausap

b)

Sadya o intensyon ng sinabi

c)

Tunog ng pahayag

d)

Galaw ng mata at kumpas ng kamay

19.

Ang perlocutionary act ay nakatuon sa ______.

a)

Nilalaman ng pahayag

b)

Epekto sa nakikinig

c)

Tunog ng tinig at bilis ng pagsasalita

d)

Kilos ng nagsasalita

20.

Ang di-berbal na komunikasyon ay binubuo ng humigit-kumulang ______ porsyento ng karaniwang usapan.

a)

20%

b)

50%

c)

70%

d)

90%

21.

Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kinesika?

a)

Pagsimangot habang nagsasalita

b)

Tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita

c)

Pagtapik sa balikat o pagyakap sa kausap

d)

Pagpaparating ng tampo o sama ng loob

22.

Ang haptics ay nakikita kapag ______.

a)

Nagkamayan ang magkaibigan

b)

Naglakad palayo

c)

Tumitig sa mata ang kausap

d)

Tumungo bilang pasang-ayon

23.

Tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita

a)

Proxemics

b)

Kinesics

c)

Haptics

d)

Paralanguage

24.

Ang proxemics ay may kinalaman sa ______.

a)

Distansiya at oras sa pakikipag-usap

b)

Pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan nito

c)

Galaw ng mata, kumpas ng kamay at tindig ng katawan

d)

Lahat ng nabanggit

25.

Paano nagiging "high context" ang kulturang Pilipino?

a)

Dahil hindi marunong magsalita

b)

Dahil sa malalim na ugnayan at pahihiwatig

c)

Dahil sa impluwensiya ng Kanluranin

d)

Dahil sa kakulangan ng teknolohiya

26.

Ang "pahiwatig" ay isang paraan ng komunikasyon na ______.

a)

Tuwiran at malinaw

b)

Walang saysay

c)

Ginagamit lamang sa pormal na usapan

d)

Di-tuwiran ngunit nauunawan

27.

Pahayag na lumalampas sa hangganan sa pakikipag-usap na karaniwang tinutulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may masaktan.

a)

Paandaran

b)

Pasaring

c)

sagasaan

d)

Wala sa nabanggit

28.

Isang mensaheng ipinapaabot ng tao sa pamamagitan ng mga ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog, pagbagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsasara ng pinto, kaluskos, at iba pa.

a)

Pahaging

b)

Parinig

c)

Padaplís

d)

Paramdam

29.

Ablidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal (Hymes 1972).

a)

Kakayahang komunikatibo

b)

Kakayahang Lingguwistiko

c)

Kakayahang Sosyolingguwistiko

d)

Kakayahang Pragmatiko

30.

Ang kakayahang lingguwistiko ay kakayahan sa ______.

a)

Pagamit ng wastong gramatika

b)

Paggamit ng di-berbal na komunikasyon

c)

Pagkilala ng kulturang pinagmulan

d)

Pagbuo ng relasyon sa pamamagitan ng wika

31.

Ano ang kaibahan ng kakayahang lingguwistiko sa lingguwistikong pagtatanghal?

a)

Ang una ay gramatikal; ang ikalawa ay aktuwal na paggamit

b)

Parehong pareho

c)

Ang una ay di-berbal; ang ikalawa ay berbal

d)

Ang una ay teorya; ang ikalawa ay panitikan

32.

Ang pangngalan, pandiwa, pang-uri, at pang-abay ay bahagi ng _____.

a)

Mga panuring

b)

Mga nominal

c)

Mga pananda

d)

Mga panuring at nominal

33.

Alin sa mga ito ang halimbawa ng pangatnig (conjunction)?

a)

ay

b)

sa

c)

at

d)

ng

34.

Nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa pangkat ng mga salita.

a)

pangngalan

b)

pang-abay

c)

pang-angkop

d)

pandiwa

35.

Bakit mahalaga ang gramatika sa pakikipagtalastasan?

a)

Upang mapanatiling maayos at malinaw ang pahayag

b)

Upang magmukhang matalino

c)

Upang mas mapababa ang usapan

d)

Upang mas maging emosyonal

36.

Bukod sa mga bahagi ng pananalita, mahalagang matutunan din ang wastong palabaybayan o ortograpiya ng wikang Filipino. Ang mga sumusunod ay mga aklat na maaring gamiting gabay—maliban sa isa. Alin ito?

a)

Panitikan ng Pilipinas

b)

KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat

c)

Gabay sa Ortograpiya

d)

Ortograpiyang Pambansa

37.

Ayon kay Noam Chomsky, ang kakayahang lingguwistiko ay tinatawag ding ________.

a)

Discourse competence

b)

Generative grammar

c)

Speech Act

d)

Pragmatics

38.

Ano ang ibig sabihin ng “generative grammar”?

a)

Lahat ng mga nag-aaral ng ikalawang wika ay natututo ayon sa haba ng panahon pinag-aralan ang isang wika

b)

Aktuwal na paggamit ng wika sa pagsulat o pagsasalita

c)

Lahat ng katutubong tagapagsalita ng wika ay nagtataglay ng di-malay na pagkaunawa sa panuntunang umiiral sa wika.

d)

May abilidad ang iilang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makahulugang mga pangungusap

39.

Tumutukoy ito sa kakayahang gamitin ang wika nang may naaangkop na panlipunang pagpapakahulugan para sa isang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon.

a)

Lingguwistiko

b)

Sosyolingguwistiko

c)

Pragmatiko

d)

Diskorsal

40.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng mataas na kakayahang sosyolingguwistiko?

a)

Pagsasalita ng magalang sa harap ng principal

b)

Paggamit ng slang sa debate

c)

Pagsulat ng sanaysay na sumusunod sa wastong panuntunan ng wika

d)

Pagbibigay kahulugan sa tunay na sadya o intensyon ng nagsasalita

41.

Ang kakayahang lingguwistiko ay iba sa isinaad ng lingguwistikong pagtatanghal. Ano ang maaaring dahilan nito?

a)

Kaalaman sa panuntunan ng wika

b)

Proksemika ng taong nag-uusap

c)

interperensiya o sagabal

d)

Lahat ng nabanggit

42.

Siya ang sosyolingguwistang nagbigay linaw sa mahahalagang salik ng lingguwistikong interaksiyon gamit ang kaniyang modelong SPEAKING.

a)

J.L Austin

b)

Noam Chomsky

c)

Paul Grice

d)

Dell Hymes

43.

Ibigay ang kahulugan ng "S" ng SPEAKING model.

(a)  

44.

Ibigay ang kahulugan ng "P" ng SPEAKING model.

(a)  

45.

Ibigay ang kahulugan ng "E" ng SPEAKING model.

(a)  

46.

Ibigay ang kahulugan ng "A" ng SPEAKING model.

(a)  

47.

Ibigay ang kahulugan ng "K" ng SPEAKING model.

(a)  

48.

Ibigay ang kahulugan ng "K" ng SPEAKING model.

(a)  

49.

Ibigay ang kahulugan ng "I" ng SPEAKING model.

(a)  

50.

Ibigay ang kahulugan ng "N" ng SPEAKING model.

(a)  

51.

Ibigay ang kahulugan ng "G" ng SPEAKING model.

(a)