Worksheetsaraling panlipunan 10
Total questions: 61
Worksheet time: 31mins
Direction: Basahing Mabuti ang mga tanong. Isulat ang letrang sagot bago ang numero. Si Jessica ay nagtatrabaho sa isang dayuhang kompanya dahil mas maganda ang oportunidad doon. Ano ang tawag sa pagkuha ng mga manggagawa ng isang kompanya na nakabase sa ibang bansa?
Fair Trade
Outsourcing
Pagtulong sa bottom billion
Subsidy
Ang pangyayaring ito ay siyang naging punto ng malawakang pagbabago sa buhay ng mga tao sa kasalukuyan. Ano ito?
Ekonomiya
Migrasyon
Globalisasyon
Paggawa
Sa pag-usbong ng globalisasyon nagkaroon ng pagkakataon ang ating bansa upang makipagkalakalan sa pandaigdigang merkado. Anong anyo ng globalisasyon ang ipinapakita nito?
Teknolohikal
Sikolohikal
Sosyo-Kultural
Ekonomikal
Marami nang pagbabago ang nagaganap sa pandaigdig na lipunan. Alin sa mga ito ang hindi tuwirang nakaapekto sa panlipunang isyu ng globalisasyon?
Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan
Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay ng mga tao
Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspeto
Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya
Dahil sa globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensya ng mga karaniwang kalakal ng mga maliliit na negosyante. Bilang economic adviser ng Pangulo, ano ang maimumungkahing para matulungan sila?
Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto
Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo
Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang makipagsabayan sa mga dayuhan
Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga dayuhan sa kanilang lugar
Isa sa mga epekto ng globalisasyon ay ang pagtaas ng bilang ng mga manggagawang nangingibang bansa upang maghanap-buhay. Alin sa sumusunod ang negatibong dulot sa ating sariling ekonomiya ng pagtaas ng bilang ng mga manggagawang Pilipinong nangingibang-bansa?
Mas madaling makahanap ng trabaho ang mga bagong tapos sa pag-aaral
Bababa ang bilang ng ating lakas-paggawa at maaaring magdulot ito ng mababang bilang ng produkto o serbisyo sa merkado
Dadami at lalaki ang padalang dolyar mula sa ibang bansa
Mabibili kaagad natin ang ating mga kagustuhan at pangangailangan
Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa globalisasyon, MALIBAN sa isa.
Ang globalisasyon ay daigdig na walang pagitan o hadlang sa mga bansa sa daigdig
Ang globalisasyon ay isang suliraning panlipunan na pumipigil sa kaunlaran ng mga bansa sa daigdig
Ang globalisasyon ay isang isyung panlipunan na tumatalakay sa pamahalaan, ekonomiya, relihiyon, teknolohiya, kapaligiran, komunikasyon at kultura ng mga bansa sa daigdig
Ang globalisasyon ay bagong anyo ng malayang kalakalan, pagpapalitan ng produkto, impormasyon at tao dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa komunikasyon at transportasyon
Isa sa mga naging magandang dulot ng globalisasyon ay nabigyan ang manggagawang Pilipino ng oportunidad na nangingibang-bansa at magtrabaho para sa kapakanan ng kanyang pamilya at ng kaniyang sariling bayan. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magandang dulot ng pangingibang-bansa sa ating ekonomiya?
Tataas ang bilang ng remittances na magpapatatag sa halaga ng piso laban sa dolyar
Madaming magbubukas na international stores sa ating merkado
Dadami ang BPO companies sa ating bansa
Bababa ang halaga ng imported goods pagdating nito sa ating merkado
Sinasabi ng ilan na ang globalisasyon ay nagsimula noong taong 2001 kung kailan inatake ng mga terorista at napabagsak ang Twin Towers sa New York, Estados Unidos. Anong perspektibo o pananaw ang isinasaad nito?
Ang globalisasyon ay isang mahabang siklo ng pagbabago
Ang paniniwalang ang globalisasyon ay nakaugat sa batas ng tao
Ang globalisasyon ay pinanininiwalaang may anim na wave o epoch o panahon na binigyang-diin ni Therborn
Ang simula ng globalisasyon ay nag-uugat sa ispesipikong pangyayaring naganap sa kasaysayan
Sa pagiging globalisado ng bansang Pilipinas, unti-unting nahihikayat ang mga banyagang mamuhunan at magtayo ng negosyo rito. Alin sa sumusunod ang mainam na pang-matagalang dulot ng kaganapang ito sa ating mga mamamayan?
Dadami ang mapapasukang trabaho
Agad-agaran nang mabibili ng mga tao ang kanilang mga kagustuhan
Magiging mura ang mga bilihin
Tataas ang kita per capita ng mga tao
Ano ang tawag sa pagkuha ng serbisyo ng isang kompanya mula sa ibang bansang naniningil ng mas mababang bayad.
Nearshoring
Offshoring
Onshoring
Inshoring
Kaakibat ng ating pagiging globalisado ay ang pag-usbong ng mga makabagong ideya o pananaw ng mga mamamayan. Alin sa mga ito ang mga positibong ideya o pananaw na natutunan ng mga tao sa pagiging globalisado?
Limitun ang kinagisnang kultura at tradisyon
Buksan ang isip at saloobin sa mga pagkakaiba ng kultura at tradisyon na mayroon tayo at ng mga ibang lahi
Gayahin ang nakikita nating mga foreign practice sa social media
Bigyang-diin ang pagtangkilik sa mga produktong sariling atin
Ang pag-angkat ng ating mga lokal na produkto sa iba’t ibang bansa ay lubos na mainam para sa ating pambansang kita. Anong anyo ng globalisasyon ito?
Globalisasyong Politikal
Globalisasyong Ekonomiko
Globalisasyong Teknolohikal
Globalisasyong Sosyo-Kultural
Sentro sa isyung globalisasyon ang ekonomiyang umiikot sa kalakalan ng mga produkto at serbisyo. Alin sa sumusunod ang negatibong epekto ng labis na pag-angkat ng ating mga lokal na produkto sa ibang bansa?
Magiging tanyag ang ating mga produkto sa mga banyagang bansa
Hindi tayo magkakaroon ng sapat na suplay ng ating mga likas na yaman kung patuloy ang labis na pag-angkat sa mga ito
Mapapagtatag natin ang OTOP o ang programang One Town One Product ng gobyerno
Tataas ang presyo ng ating mga lokal na produkto
Ang pagdami ng mga Multi National Companies o MNCs sa ating bansa ay senyales na tayo ay may kaaya-ayang Market at Manpower landscape. Alin sa sumusunod ang pinakamaainam na dulot ng pagkakaroon ng maraming MNCs sa ating bansa?
Ito ay dagdag oportunidad para sa ating mga manggagawa na hindi na nila kailangang umalis ng bansa upang kumita ng mas malaking halaga
Dadayoihin tayo ng mga turista
Gaganda ang ating imahe sa pandaigdigang merkado
Bababa ang presyo ng mga international goods na ating inaangkat mula sa mga banyaga
Ang ating bansa ay may iba’t ibang isyu sa paggawa na humihikayat sa mga mamumuhunan na pumasok sa bansa. Ano ang epekto nito sa larangan ng mga manggagawa?
Pagkakaroon ng globally standard skills na hindi akma sa tinapos ng mga manggagawang Pilipino
Pagpapalaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa
Pagdami ng di-regular na manggagawa dahil sa iskemang subcontracting
Pagkakaroon ng maraming trabaho sa mga manggagawang Pilipino
Isa sa pagtugon na isinasagawa ng bansa ay iangkop ang kasanayan ng liliinangin sa mga mag-aaral na Pilipino. Alin sa sumusunod ang HINDI kasanayan ng ika-12 na siglo na tumutugon globally standard ng paggawa?
Career Skills
Communication Skills
Intrapersonal Skills
Learning and Innovation Skills
Ang edukasyon ay isa sa mga pinakaepektibong paraan upang sanayin ang mga manggagawang Pilipino upang makatugon sa mga kasanayan na naaangkop sa globally standard ng paggawa. Ano ang isinakatuparan ng pamahalaan sa edukasyon ng Pilipinas para sa hamong ito?
Ang pagkakaroon ng palitan ng mga guro sa South East Asian Countries
Pagdaragdag ng dalawang taon sa Basic Education ng mga mag-aaral na tinatawag na Senior High School
Pagkakaroon ng karagdagang eksaminasyon ng mga guro maliban sa lisensya ng pagtuturo
Pagdaragdag ng pondo sa larangan ng edukasyon
Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016), upang matiyak ang kaunlaran pang-ekonomiya ng bansa, kailangang ingatan ang usin disenteng paggawa. Ano ang layunin nito?
Magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa anoman ang kasarian o estado ng pamumuhay ng manggagawa
Magkaroon ng tamang kasanayan ang mga manggagawa sa larangan ng pandaigdigang kalakalan
Paghihikayat sa mga manggagawang Pilipino na manibang bansa
Pagtanggap sa trabaho kahit ito ay hindi akma sa tinapos na kurso
Ayon sa DOLE, may apat na haligi para sa disenteng at marangal na paggawa. Alin sa mga ito ang naglalayong palakasin at sigurihin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa at tapat na pagpapatupad ng karapatan ng mga manggagawa?
Alin sa sumusunod ang tumutugma sa: Employment Pillar; Social Dialogue Pillar; Social Protection Pillar; Worker's Rights Pillar? Piliin ang tamang haligi ayon sa mga pahayag na ibinigay.
Employment Pillar
Social Dialogue Pillar
Social Protection Pillar
Worker's Rights Pillar
Ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal ay may epekto nito ng globalisasyon sa larangan ng agrikultura. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutugma rito?
Naaapektuhan ang mga magsasaka dahil mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kumpanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa.
Mas tinatangkilik sa pamilihan ang mga produktong dayuhan dahil mas mura ito kumpara sa mga lokal na produkto.
Pagkakaroon ng pantay na halaga ang produktong lokal at produktong dayuhan.
Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Alin sa sumusunod ang epekto ng globalisasyon sa larangan ng agrikultura?
Naaapektuhan ang mga magsasaka dahil mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa bansa.
Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kumpanya na nagluluwas ng kanilang parehong produkto sa bansa.
Mas tinatangkilik sa pamilihan ang mga produktong dayuhan dahil mas mura ito kumpara sa mga lokal na produkto.
Pagkakaroon ng pantay na halaga ang produktong lokal at produktong dayuhan.
Maraming mga kinakaharap na suliranin ang sektor ng agrikultura sa ating bansa sa kasalukuyan. Alin sa mga sumusunod ang nakaaapekto sa produksyon pagsasaka?
Kakulangan ng suporta ng pamahalaan sa pagbibigay ng ayuda
Kakulangan sa mga patubig o irigasyon
Kakulangan sa mga farm to market roads
Pagdami ng mga smuggled agricultural goods na pumapasok sa bansa
Ayon sa datos ng Philippines Statistics Authority, bumaba ang unemployment rate na 7.7% ng bansa noong Mayo 2021 kumpara sa unemployment rate noong Pebrero 2021 na 8.8%. Sa mga sektor ng manggagawa, ang mga nasa larangan ng wholesale at retail trade ang may pinakamataas na bilang ng mga may trabaho. Ano ang maaring dahilan nito at ano ito?
Ang ating bansa ay humaharap sa kasalukuyang pandemya na dulot ng COVID19 kaya ang mga ibang manggagawa na natanggal sa trabaho ay pumasok ang wholesale at retail noong Mayo 2021.
Ang unemployment rate ng bansa ay walang epekto sa pamahalaan dahil ito ay pahiwatig na humaharap ang ating bansa sa kasalukuyang pandemya.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang mga nasa larangan ng wholesale at retail ay nangangailangan ng sapat na suporta mula sa pamahalaan.
Sa datos ng unemployment rate sa Pebrero ay mas mataas kaysa sa datos ng Mayo 2021 dahil mahirap magtrabaho sa buwan ng Pebrero kaya mas pinili ng mga tao na maghintay ng ayuda mula sa pamahalaan.
Sa paglaganap ng patakarang neo-liberal sa bansa simula dekada 80’s at sa pagpapalit-palit ng administrasyon hanggang kasalukuyan, nagpatuloy rin ang pagpasok ng iba’t ibang industriya sa bansa. Paano ito nakaaapekto sa larangan ng agrikultura?
Ang pagpasok ng mga industriya ay nagbigay ng pagkawasak ng mga kabundukan at kagubatan
Ang pagkakaroon ng development plan sa larangan ng agrikultura at biodiversity
Ang pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa mga polisiya sa larangan ng neo-liberal
Dumagas ang mga hanapbuhay sa mga pook rural, nagkaroon ng mga mabubuting lupa na mainam taniman.
Ang paglaki ng porsyento o bilang ng mga manggagawa sa sektor ng serbisyo ay malaking tulong sa mga manggagawang Pilipino. Alin sa sumusunod ang hindi saklaw ng sektor na ito?
edukasyon
medikal
komersiyo
pagmimina
Ayon sa International Labor Organization (ILO), may karapatan ang mga manggagawa. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa karapatan ito?
Ang mga manggagawa ay hindi dapat sumali sa mga unyon na malaya mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
Ang mga manggagawa ay may karapatang makipakasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang magpaaliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
Bawal ang mabigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatuwid, may nakatakdang edad at mga kalagayan pang-empleyo para sa mga kabataan.
TABLE 1: Employed Persons by Sector, Occupation and Class of Worker, Philippines (In Percent). Sektor: Agrikultura, Industriya, Serbisyo; Enero–Setyembre 2021. Batay sa talahanayan, sa buwan ng Enero, alin sa mga sumusunod na sektor ang may pinakamaliit na bilang ng tinanggap na empleyado?
Agrikultura
Serbisyo
Industriya
Agrikultura at Industriya
Batay sa talahanayan ng empleyado ayon sa sektor, sa buwan ng Hunyo, alin sa mga sumusunod na sektor ang may pinakamataas na bilang ng tinanggap na empleyado?
Agrikultura
Serbisyo
Industriya
Agrikultura at Industriya
Sa kasalukuyang pandemya na kinakaharap ng mga Pilipino ay patuloy na kumakalat na siyang nagdulot ng kawalan ng trabaho ng ilang manggagawa. Alin sa mga sumusunod ang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID19 virus?
Sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health protocols na ipinatuptupad ng IATF
Sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng isang taong may sakit nang walang suot na facemask
Sa pamamagitan ng malapitang pakikisalamuha sa taong may sakit na walang suot na facemask
Sa pamamagitan ng pagdalo sa kaarawan at pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita ng taong positibo sa sakit na ito
Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng tamang kahulugan ng migrasyon?
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dahil sa kaguluhan ng mga mamamayan pangyayari sa lugar na pinagmulan
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan
Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente
Ang migrasyon ay may tinatawag na pull-factor na dahilan. Alin sa mga sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng pull-factor na dahilan?
Kabilang ang bahay nina Jonad sa nasunog sa Makati kaya naman sa evacuation center sila tumutuloy pansamantala.
Masyado nang magulo sa probinsya nina Yannnah kaya napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na manirahan sa lungsod.
Nakakuha ng scholarship sa ibang bansa si Paula upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Napagdesisyunan ni Rachel na makipagsapalaran sa Maynila upang hanapin ang kanyang kapalaransa ibang lugar.
Hindi nakapagaral ng kolehiyo si Lyka kaya wala siyang mapasukan trabaho sa Pilipinas dahil hindi siya kwalipikado sa mga trabahong inaaplayan niya. Dahil dito, napilitan siyang mamasukang bilang isang OFW sa HongKong. Ano ang dahilan ng migrasyon na ipinahiwatig ng pahayag?
Pagpunta sa lugar na pinapangarap
Makakaranas ng pamumuhay sa lungsod
Manghihikayat ng mga kamag-anak na roon na manirahan at magtrabaho
Magkakaroon ng oportunidad na trabaho
Laging nababaha ang lugar nina Sheena kaya’t napagpasya han ng pamilya na lumipat na sa mas mataas na lugar upang hindi na sila babahain. Anong asp e k to ang ipinapahayag ng sitwasyon?
Pang-Edukasyon
Pang-Ekonomiya
Pangkapaligiran
Panlipunan
Ang mag-asawang Lorena at Paul ay nakapagdesisyong pumunta sa Taiwan at doon magtrabaho. Sino-sino ang pangunahing maaapektuhan kapag nangibang-bansa ang mag-asawa?
Mga anak
Mga kaibigan
Mga kapitbahay
Mga magulang
Kamakailan ay naging laman ng pandaigdigang balita ang paglusob ng isang grupo ng Taliban sa bansang Afghanistan at wala nang nagawa pa ang pangulo nila. Ano ang ugnayan ng paglusob ng grupong ito sa migrasyon?
Ang mga tao ay naghahanap ng payapang lugar kaya nangyayari ang migrasyon.
Ang mga tao ay nakakaranas ng malnutrisyon kaya nangyayari ang migrasyon.
Ang mga tao ay umiwas sa kalamidad kaya nangyayari ang migrasyon.
Ang mga tao ay wala makapasukang trabaho kaya nangyayari ang migrasyon.
Hindi lamang ang mas mataas na sahod ang umaakit sa mga Pilipino na mangibang bansa. Ang mas magandang kalagayan ng pamumuhay ng ibang bansa ay isa ring salik na humihila sa kanila. Alin sa mga sumusunod na sektor ang iniaalok ng mga bansa na libre kung ikaw ay maninirahan doon?
Edukasyon
Serbisyo
Industriya
Agrikultura
Isa sa epekto ng migrasyon ay ang brain drain. Ano ang konseptong ito?
Pangingibang-bansa ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan
Pagdagsa ng migrante sa ibang bansa at humaharap ng hamong integrasyon a multiculturalism
Paglipat at pagtira sa ibang bansa ngunit hindi nakakahahanap ng trabaho
Pagmigrasyon ng mga tao sa ibang bansa na nauuwi sa panganib
Si Gng. Mia ay nagtrabaho at nanirahan na sa ibang bansa. Dahil sa pandemya, nagkaroon ng suliranin sa ekonomiya ang bansa at naapektuhan ang kaniyang trabaho. Ano ang gagawin ng bansang ito sa mga Pilipinong nawalan ng trabaho?
Bibigyan ng tulong o ayuda ang pamilya hanggang matapos ang suliranin
Hinahayaan magtrabaho ang mga migrante upang mabuhay ang pamilya nito
Ipadadala ang migrante sa ibang bansa
Pinababalik ang mga migrante sa pinagmulanang bansa
Ang mga Ilocano ang may pinakamalaking bilang ng migrante sa Hawaii; karamihan sa kanila ay pinetisyon ng mga unang Ilocano na nanirahan doon. Anong dahilan ng migrasyon ang inilalarawan dito?
Paghahanap ng payapa at ligtas na lugar na matitirhan
Paglayo o pag-iwas sa kalamidad
Pagnanais na makaahon mula sa kahirapan
Panghihikayat ng mga kamag-anak
Ano ang maaaring maging negatibong epekto sa mga anak kung ang parehong magulang ay nasa ibang bansa at doo’n nagtatrabaho?
Ang mga anak ay maaaring mapariwara dahil sa kawalan ng oras ng mga magulang
Ang mga anak ay makapagtatapos ng pag-aaral dahil sapat ang pangangailangan pinansyal
Mapahalagahan ng mga anak ang lahat ng sakripisyo ng kanilang mga magulang para sa kanila
Masisiguro ang magandang kinabukasan ng mga anak
Isa sa mga hindi mabuting epekto ng migrasyon ay ang pagtaas ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Alin sa sumusunod ang hindi naglalarawan ng tungkol sa epektong ito?
Brain drains
Human trafficking
Sexual exploitation
Sexual violence
Katatapos lang ng Grade 10 ni Nielsen, nalaman nilang magkakaibigan na mataas ang demand ng welders sa bansang Poland kaya naman nag-aral at nagsanay siya sa TESDA tungkol sa pagwelding at kalaunan ay natanggap siya sa trabaho at lumipad nang papunta ng Poland. Anong asppekto ng bansa ang naging epekto ng migrasyong inilalarawan?
Edukasyon
Ekonomiya
Kalusugan
Politika
Sa isyung migrasyon, ang mga ina ang nagtatrabaho para sa pamilya kaya naipakilala ang konseptong “house husband.” Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagsasaad sa konseptong ito?
Ang ama ang nag-aalaga sa mga anak
Ang ilaw ng tahanan ang nangangasiwa sa badyet ng pamilya
Ang haligi ng tahanan ang nagaasikaso sa buong pamilya
Ang tatay ang namamahala sa gawaing-bahay
Napagdesisyunan ng magulang nina Arden at Idaflor na sa ibang bansa na sila maninirahan. Sa lilipatan nilang bansa, naniniwala ang pamilya nila na kahit mula sa iba’t ibang kultura ang mga taong naninirahan, maaaring magsama-sama nang payapa at pantay-pantay sa iisang lugar. Anong konsepto ang ipinapahayag nito?
Brain Drain
Economic Migration
Integration
Multiculturalism
Tinatanggap na likas-kayang pag-unlad o “sustainable development” ang modelong tugon sa globalisasyon ng mga bansa. Upang maging maunlad ang ekonomiya o papaunlad pa lamang, para saan ang modelong ito?
Para sa pagpapalago ng ekonomiya
Para sa pagpapadami ng mga likas na yaman
Para sa labis na kapaligiran sa patuloy na eksploitasyon
Para mapabuti ang pakikitungo ng bansa sa ibang mga nasyon
Anong sitwasyon ang nagpapakita ng problema sa human trafficking?
Si Minda ay nagtatrabaho sa isang pabrika kung saan hindi siya pinapasuweldo sa tamang araw at wala rin siyang day off upang magpahinga
Nag-apply ng trabaho si Joan sa Dubai upang maging isang saleslady subalit laking gulat niya nang makarating doon at bilang isang mananayaw ang kaniyang naging trabaho. Hindi rin siya maaaring lumabas sa kaniyang pinapasukan
Napilitang tanggapin ni Mang Allen ang trabahong hindi niya kayang gawin upang may maipadadalang pera sa kaniyang pamilya. Siya rin ay inatasang gawin ang isang trabahong kahit tapos na ang kanyang iskedyul
Si Phina ay nagtatrabaho sa isang kumpanya bilang sekreterya. Isang araw nagkasagutan si Phina at ang isa niyang kasamahan sa opisina. Hindi sinasadyang ay naibato niya ang folder na puno ng mahahalagang dokumento sa katrabaho at siya ay natanggal sa trabaho
Bakit kailangang iwan ng ama o ina ang kanilang mga anak upang magtrabaho sa ibang bansa?
Ninan nais ng mga magulang na maging malaya sa responsibilidad sa kanilang mga anak
Ninan nais ng mga magulang na magkaroon ng maraming pera upang makapagretiro nang sagana dito sa bansa
Ninan nais ng mga magulang na mabigyan nila ang kanilang mga anak o pamilya ng maunlad at masaganang buhay
Ninan nais ng mga magulang na makita ang mga anak na masaya sa mga ipapadala nilang mga dekalidad na gamit mula sa ibang bansa
Si Mang Fidel ay isang magsasaka sa Langiden, Abra. Nang magkaroon ng pagkakataon na makapagtatrabaho sa Japan bilang isang magsasaka, agad niya itong tinanggap. Hindi naman siya masyadong nalulungkot sa pagkakalayo niya sa kanyang pamilya dahil araw-araw silang nag-uusap at nagkikita sa pamamamagitan ng video call. Ano ang naging epekto ng migrasyon sa buhay ni Mang Fidel?
Pagbabago ng tradisyonal na pamilya sa transnasyonal na pamilya
Pagkakaroon ng hindi maayos na komunikasyon sa pamilya sa bansa
Pagbabago ng nasyonalidad ni Mang Fidel mula Pilipino sa pagiging Hapones
Paglimot sa mga nakasanayang gawain o kulturang Pilipino at pagtangkilik sa mga produktong Hapon
Sa mga sumusunod na sitwasyon, alin ang nagpapakita ng magandang epekto ng migrasyon ng mga manggagawa sa ekonomiya?
Pagpapadala sa pamilya ng mga imported na matitibay na gamit na maaaring ibenta at makatulong sa ekonomiya
Ang salaping ipinapadala ng mga OFW o remittances ay nakatutulong sa pagpapatatag ng piso at ng ekonomiya ng bansa
Nakikilala ang kagalingan, katalinuhan at abilidad ng mga manggagawang Pilipino sa bansang kanilang pinagsilbihan at pinanililkuran
Nalalaman ng buong mundo na ang mga manggagawang Pilipino ay kayang makipagsabayan sa galing ng ibang nasyon pagdating sa pagbibigay serbisyo
Bakit dumarami ang mga manggagawang nagnanais na magtrabaho sa ibang bansa?
Kailangang ipakita ang galing ng mga Pilipino.
Upang matuto ng mga istratehiya at makabagong kaalaman.
Hindi naaayon ang tinapos na mga kurso sa trabaho sa Pilipinas.
Kawalan ng oportunidad na makapagtrabaho sa sariling bansa at mababang pasahod.
Bakit kailangang sumali ang Pilipinas sa iba’t ibang samahang internasyonal na maaaring tumulong sa mga migranteng Pilipino?
Upang hindi mapag-iwanan ang mga migranteng Pilipino at makasabay sa mga bansang mauunlad.
Upang hind mahuli ang mga migranteng Pilipino sa mga pagbabago tungkol sa teknolohiya at komunikasyon.
Upang makagawa ng paraan ang mga migranteng Pilipino upang makipagsabayan sa mga migranteng taga-ibang nasyon.
Upang malaman ng mga migranteng Pilipino ang dapat gawin sa pakikisalamuha sa iba’t ibang nasyonalidad kung saang bansa sila naninirahan o nagtatrabaho.
Sa anong sitwasyon naipakikita ang malaking kontribusyon ng mga migranteng manggagawa sa Pilipinas na nakatutulong din sa ekonomiya ng bansang kanilang pinagtatrabahuhan?
Si Luis ay nagtatrabaho sa isang pabrika. Tuwing siya ay sasahod, nagbibigay siya ng 10% ng kaniyang sahod sa simbahan nila.
Si Marian ay isang kawani ng munisipyo. Bilang pagtulong sa kanilang lugar, siya ay nagbigay ng isang kilong bigas sa bawat pamilya sa kaniyang barangay.
Si Jaime ay nagtatrabaho sa Quatar. Tuwing ikatlong linggo ng buwan, siya ay nagpapadala ng pera sa kaniyang mga magulang upang may pansuporta sa mga pangangailangan na kasalukuyang nag-aaral sa elementarya at kolehiyo.
Si Xena ay isang nurse sa pampublikong ospital sa lungsod ng Maynila. Isang paraan upang makatulong siya sa mga kapitbahay ay ang pagbibigay ng delata at isang kilo ng bigas sa bawat pamilya sa sinasakupan niyang barangay.
Ang globalisasyon ayon sa karamihan ay nakabatay sa pang-aabuso. Alin sa sumusunod ang maaaring dahilan ng paniniwalang ito?
Dahil marami ang naoabuso mangggagawa mula sa ibang bansa.
Ang paraan lamang na yumaman ka ay ang pagkuha ng pagmamay-ari ng iba.
Marami ang nag-iisip na ang isang taong namumuhunan o negnenegosyo ay umuunlad sanhi ng kaniyang pang-aapi.
Dahil napakalawak ang pagkakataon binibigay at nakukuha sa kalakalan kung saan ang parehong partido (mamumuhunan at manggagawa) ay nakikinabang.
Marami ang nagnanais magtrabaho sa ibayong-dagat dulot ng kahirapan sa buhay. Nangangamba ang mga ekonomista na maapektuhan ang ekonomiya dulot ng brain drain at brain drain na epekto ng migrasyon. Kung ikaw ay isang ekonomista ano ang maaari mong gawin upang masolusyanan ang isyung ito?
Gumawa ng comic strip na nagtataaguyod sa Pilipinas.
Gumawa ng role play na nagpapakita sapekto ng migrasyon.
Gumawa ng isang poster-slogan upang huwag ng umalis ang mga Pilipino.
Gumawa ng isang development plan na tutugon sa mga isyu ng migrasyon.
Ano ang positibong epekto ng migrasyon sa isang bansa?
Nangyayari ang transnational crime.
Nagkakaroon ng brain drain sa pinagmulan bansa.
Nagkakaroon ng brain drain sa pinagmulan bansa nila.
Nakatutulong sa ekonomiya ng bansa dahil sa remittances na pinapadala.
Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang positibong pagbabago dala ng globalisasyon?
Nalulugi ang mga tradisyonal na negosyo ng mga katutubo.
Mataas ang taripa ng mga produktong kinakalakal sa ibang bansa.
Malayang pagdaloy ng kapital, salapi, kalakal at kultura mula sa iba’t ibang destinasyon ang kaniyang sadlakan.
Nahihirapan na ang mga mahihirap na bansa ang kanilang Negosyo sa mga dayuhan.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad na mahalaga ang pagpapadala at pagtanggap ng migranteng manggagawa?
Ito ay isang one-way flow na pabor sa bansang nagpapadala.
Ang mga migranteng manggagawa ay pasanin ng tumatanggap na bansa.
Makapagbibigay ng mahalagang impormasyon ang mga migranteng manggagawa.
Mahalaga sa ekonomiya ng isang bansa upang makapagbigay ng serbisyo na kailangan sa loob at labas ng sakop nito.
Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang HINDI magandang dulot ng globalisasyon sa nakagisnang kultura ng mga kabataang tulad mo?
Ang iba’t ibang kulturang nagmumula sa ibang bansa at napapanood sa telebisyon at social media ay nagiging bahagi na ng pang-araw-araw na buhay.
Ang mga pelikulang gawa ng mga Pilipino ay napapaunood na sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan labis na hinahangaan ang kagalingan sa pagganap at pag-arte ng mga artista.
Ang pandagidigang pagbabago sa pag uso ng mga kanta, pananamit, pagkain, pananalita, at edukasyon ay nagdudulot ng kaguluhan sa mga kabataan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang mga katutubong kultura ay nanganganib na mawala dahil sa pagyakap at pagpili ng tularan ang kulturang hinahangaan at tinitingala sa daigdig na bunga ng globalisasayon.
Alin sa sumusunod ang HINDI magandang pamamaraan upang makasabay sa mga hamon ng globalisasyon?
Pagpapalaganap ng masiglang kompetisyon.
Pasiglahin ang industriya at bawat yunit ng lipunan.
Paggawa ng mga patakarang hinggil sa kagalingang panlipunan, pagkakapantay-pantay at pagbaba ng antas ng kahirapan.
Paglinang ng lahat ng mga lupain na ginagamit sa agrikultura upang magamit sa pagpapatayo ng mga kumpanya na may kinalaman sa sektor ng industriya.
