wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Tanong sa Renaissance, Eksplorasyon, at Kolonyalismo

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-usbong ng mga lungsod-estado sa Italy noong Renaissance?

a)

Pagbagsak ng kalakalan.

b)

Pagsalakay ng mga barbaro.

c)

Pagbagsak ng Simbahang Katolika.

d)

Pag-unlad ng kalakalan at industriya.

2.

Sino ang kilalang pamilyang tagapagtangkilik ng sining sa Florence?

a)

A. Bourbon

b)

B. Habsburg

c)

C. Medici

d)

D. Tudor

3.

Ano ang naging bunga ng paggamit ng compass at astrolabe?

a)

Pagsisimula ng Rebolusyong Industriyal.

b)

Pagbuo ng unyon sa mga bansa.

c)

Paglawak ng imperyo ng Rome.

d)

Paglakas ng eksplorasyon.

4.

Ano ang kinalaman ng humanismo sa Renaissance?

a)

Pagtutol sa agham.

b)

Pagtuon sa relihiyon.

c)

Pagbabalik sa pamumuno ng hari.

d)

Pagpapahalaga sa kakayahan ng tao.

5.

Paano nakaapekto ang Renaissance sa siyensya?

a)

Pinalakas ang paniniwala sa mga pamahiing lumaganap.

b)

Nagbukas ng kaisipan sa eksperimento at obserbasyon.

c)

Naging sentro ng pag-aaral ang relihiyon sa agham.

d)

Ipinagbawal ang pananaliksik ng mga siyentipiko.

6.

Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pag-unlad ng Europa bago ang eksplorasyon?

a)

Umasa sa kalakalan at edukasyon.

b)

Walang pagbabago sa lipunan.

c)

Nabawasan ang populasyon.

d)

Mahina ang ekonomiya.

7.

Ano ang pangunahing layunin ng mga eksplorador na Europeo?

a)

Magturo ng sining at kultura sa ibang bansa.

b)

Mangalakal ng mga alipin sa iba’t ibang lugar.

c)

Magsagawa ng mga ekspedisyon para sa pananakop.

d)

Magpalaganap ng relihiyon, yaman, at kapangyarihan.

8.

Sino ang nakadiskubre ng rutang patungong India sa pamamagitan ng pag-ikot sa Cape of Good Hope?

a)

A. Bartolomeu Dias

b)

B. Christopher Columbus

c)

C. Vasco da Gama

d)

D. Fersinand Magellan

9.

Aling bansa ang nanguna sa eksplorasyon noong ika-15 siglo?

a)

A. England

b)

B. France

c)

C. Germany

d)

D. Portugal

10.

Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga bansang Asyano?

a)

Pag-unlad ng sariling pamahalaan.

b)

Pagsamantala sa likas na yaman.

c)

Pagkakapantay ng karapatan.

11.

Paano nakatulong ang mga misyonerong Europeo sa pananakop?

a)

Sa pag-unlad ng industriya

b)

Sa pagsasanay ng sundalo

c)

Sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo

d)

Sa pag-aalsa ng mamamayan

12.

Ano ang naging epekto ng eksplorasyon sa paglawak ng kaalaman ng tao?

a)

Nagbunga ng bagong kaalaman sa larang ng heograpiya.

b)

Nagresulta sa pagbagsak ng ekonomiya ng Europa.

c)

Nagdulot ng paghinga ng kalakalan sa mga bansa.

d)

Nagdulot ng takot sa paglalayag sa karagatan.

13.

Ano ang pangunahing dahilan ng Rebolusyong Pranses?

a)

Hindi pagkakapantay-pantay ng tao sa lipunan.

b)

Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing kalakal.

c)

Pagbuo ng imperyo sa mga bansang Europeo.

d)

Pag-unlad ng agrikultura sa iba’t ibang lalawigan.

14.

Sino ang pinuno ng Rebolusyong Amerikano?

a)

Napoleon Bonaparte

b)

George Washington

c)

Louis XVI

d)

Robespierre

15.

Ano ang naging bunga ng Rebolusyong Industriyal?

a)

Pagbaba ng populasyon.

b)

Pagbawas sa paggawa.

c)

Pag-usbong ng makinarya.

d)

Pagbagsak ng ekonomiya.

16.

Ano ang pagkakatulad ng Rebolusyong Amerikano at Pranses?

a)

Laban sa kolonyal na pang-aapi.

b)

Pagsusulong ng demokrasya.

c)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

d)

Pagbagsak ng mga manggagawa.

17.

Alin sa mga sumusunod ang epekto ng Rebolusyong Industriyal sa mga manggagawa?

a)

Mas maikling oras ng paggawa

b)

Pagtaas ng sahod

c)

Paggamit ng mga bata bilang manggagawa

d)

Pagmamay-ari ng lupa ng lahat

18.

Ano ang naging ambag ng Enlightenment sa mga rebolusyon?

a)

Pagpapalaganap ng ideya ng kalayaan at pagkakapantay-pantay.

b)

Pagpapalakas ng kapangyarihan ng monarkiya sa Europa.

c)

Pagbuo ng malalaking imperyo sa iba’t ibang bansa.

d)

Pagtaas ng buwis na ipinataw sa mga mamamayan.

19.

Ano ang katangian ng sistemang pyudalismo sa Europe?

a)

Pagkakapantay ng lahat ng tao sa lipunan.

b)

Pamumuno ng simbahan sa buong pamahalaan.

c)

Lahat ng mamamayan ay naging ganap na malaya.

d)

Pagsasaka at pagpapakita ng katapatan sa panginoon.

20.

Paano nakatulong ang samuray sa Japan?

a)

Sa pagtatayo ng paaralan

b)

Sa pagpapatupad ng kapayapaan at disiplina

c)

Sa pag-unlad ng kalakalan

d)

Sa pagpapabagsak ng shogun

21.

Ano ang naging sistema ng lipunan sa Africa bago ang kolonyalismo?

a)

Pamilya at tribo ang naging sentro ng lipunan.

b)

Pyudalismo bilang umiiral na sistema ng lipunan.

22.

Paano nakaapekto ang pyudalismo sa kababaihan?

a)

Naging limitado ang kanilang papel sa lipunan.

b)

Naging pinuno ng mga kaharian at pamahalaan.

c)

Lahat ng babae ay nagkaroon ng mataas na edukasyon.

d)

Nagkaroon ng pantay na karapatan ang mga kababaihan.

23.

Ano ang pagkakatulad ng lipunang Europeo at Asyano?

a)

Parehong agraryo

b)

Parehong kapitalista

c)

Parehong industriyalisado

d)

Parehong demokratiko

24.

Ano ang simbolo ng kapangyarihan ng hari sa Europe?

a)

Espada

b)

Korona

c)

Scroll

d)

Simbahan

25.

Sino ang nagtaguyod ng ideya ng paghihiwalay ng kapangyarihan sa pamahalaan?

a)

Locke

b)

Montesquieu

c)

Rousseau

d)

Voltaire

26.

Ano ang pangunahing layunin ng Enlightenment?

a)

Paghina ng impluwensiya ng relihiyon sa lipunan.

b)

Pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga monarkiya.

c)

Pagsulong ng paggamit ng rason, agham, at kaalaman.

d)

Pagpapalawak ng teritoryo ng mga makapangyarihang bansa.

27.

Sino ang naniniwalang likas na mabuti ang tao ngunit pinipinsala ng lipunan?

a)

Hobbes

b)

Locke

c)

Rousseau

d)

Voltaire

28.

Alin sa mga sumusunod ang diwa ng Enlightenment?

a)

Paniniwala sa kapangyarihan ng Diyos.

b)

Pananalig sa rason at katarungan.

c)

Pagbibigay kapangyarihan sa hari.

d)

Pagpapabaya sa agham.

29.

Anong dokumento sa America ang bunga ng ideyang Enlightenment?

a)

Magna Carta

b)

Treaty of Versailles

c)

Bill of Rights (England)

d)

Declaration of Independence

30.

Ano ang kontribusyon ni Voltaire?

a)

Pagtatanggol sa kalayaan ng pananalita.

b)

Pagpapalakas ng monarkiya.

c)

Pagtuturo ng pyudalismo.

d)

Pagsusulong ng digmaan.

31.

Ano ang kinalabasan ng mga ideya ng Enlightenment sa pamahalaan?

a)

Pag-usbong ng demokrasya.

b)

Pagbabalik sa absolutismo.

c)

Pagbagsak ng republika.

d)

Pagsibol ng pyudalismo.

32.

Ano ang aral ng Enlightenment tungkol sa karapatan ng tao?

a)

Ang karapatan ay ipinagkakaloob ng hari.

b)

Likas na karapatan ito ng bawat isa.

c)

Depende sa kapangyarihan.

d)

Depende sa kasarian.

33.

Sino ang nagsabing “Ang pamahalaan ay may tungkuling pangalagaan ang karapatan ng tao”?

a)

Hobbes

b)

Locke

c)

Newton

d)

Rousseau

34.

Ano ang pangunahing katangian ng Rebolusyong Industriyal?

a)

Manwal na paggawa

b)

Paggamit ng makinarya

c)

Paglaho ng pabrika

d)

Pagbabalik sa agrikultura

35.

Ano ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal sa mga lungsod?

a)

A. Urbanisasyon o paglagik ng mga lungsod sa bansa.

b)

B. Pagbaba ng populasyon sa mga lungsod at lalawigan.

c)

C. Pagkakaroon ng kalamidad dahil sa polusyon at basura.

d)

D. Pagbagsak ng ekonomiya ng mga industriyalisadong lugar.

36.

Saan unang nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?

a)

America

b)

England

c)

France

d)

Germany

37.

Ano ang naimbento ni James Watt?

a)

Cotton gin

b)

Steam engine

c)

Telegraph

d)

Sewing machine

38.

Ano ang epekto ng makinarya sa paggawa?

a)

Bumagal ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo.

b)

Bumilis at lumago ang produksyon sa mga pabrika.

c)

Nawala ang mga pabrika sa ilang industriya.

d)

Lahat ay nawalan ng trabaho at kabuhayan.

39.

Ano ang naging epekto ng Rebolusyong Industriyal sa kalikasan?

a)

Paglago ng kagubatan sa iba't ibang lalawigan.

b)

Polusyon at pagdumi ng mga ilog at karagatan.

c)

Pagtigil ng pagmimina sa piling mga kabundukan.

d)

Pagtaas ng produksyon sa larangan ng agrikultura.

40.

Anong sistema ang umusbong pagkatapos ng Rebolusyong Industriyal?

a)

Kapitalismo

b)

Monarkiya

c)

Pyudalismo

d)

Sosyalismo

41.

Sino ang nagtaguyod ng ideya ng komunismo?

a)

Adam Smith

b)

Karl Marx

c)

Engels

d)

Lenin

42.

Ano ang layunin ni Adam Smith sa “The Wealth of Nations”?

a)

Kontrolin ang ekonomiya

b)

Paboran ang pamahalaan

c)

Itaguyod ang free market economy

d)

Labanan ang kalayaan sa negosyo

43.

Ano ang pangunahing dahilan ng Imperyalismong Europeo?

a)

Paghahanap ng likas na yaman at mga pamilihan.

b)

Pagpapalaganap ng sining at kulturang Europeo.

c)

Pananakop ng ibang lupain para sa relihiyon.

d)

Pagpapasikat ng bansa sa iba't ibang lugar.

44.

Ano ang ibig sabihin ng “White Man’s Burden”?

a)

Pagrespeto sa karapatan ng Asyano

b)

Pagpapalakas ng Asya laban sa Europa

c)

Pagbibigay ng ganap na kalayaan

d)

Tungkulin ng mga Europeo na “paunlarin” ang mga kolonya

45.

Ano ang naging epekto ng imperyalismo sa Asya?

a)

Pagkakaroon ng kolonisasyon

b)

Pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano

c)

Walang epekto

d)

Pag-unlad ng teknolohiya

46.

Alin sa mga bansang Asyano ang hindi nasakop ng Kanluran?

a)

Vietnam

b)

Thailand

c)

Indonesia

d)

India

47.

Ano ang naging bunga ng kolonyalismo sa Africa?

a)

Pagtatayo ng paaralan at simbahan ngunit may pagsasamantala.

b)

Paglayo ng mga alipin mula sa mapang-abusong panginoon.

c)

Pag-unlad ng sariling pamahalaan at sistemang politikal.

d)

Pagkakaisa ng mga tribo sa ilalim ng isang pinuno.

48.

Paano tumugon ang mga Asyano sa pananakop?

a)

Lumaban at nag-alsa laban sa mga mananakop.

b)

Lumisan sa bansa upang makaiwas sa kaguluhan.

c)

Tinanggap ang lahat ng patakaran ng kolonyalismo.

d)

Nanatiling tahimik sa gitna ng pananakop ng dayuhan.

49.

Alin ang pangmatagalang epekto ng imperyalismo sa Asya at Africa?

a)

Pagkawala ng pagkakakilanlan ng mga katutubong mamamayan.

b)

Pagbuo ng makabagong estado sa mga bansang Asyano.

c)

Pag-unlad ng demokrasya sa ilalim ng bagong pamahalaan.

d)

Pagbagsak ng kultura dahil sa kolonyal na impluwensiya.

50.

Ano ang aral na makukuha sa pananakop ng mga Europeo?

a)

Ang kapangyarihan ay dapat gamitin nang may pananagutan.

b)

Ang pagsasamantala ay paraan ng pag-unlad.

c)

Ang karahasan ay tanging solusyon.

d)

Ang kolonyalismo ay katarungan.