WorksheetsIkalawang Markahang Pagsusulit – Filipino 8
Total questions: 54
Worksheet time: 30mins
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat katanungan at ISULAT ang letra ng wastong sagot bago ang bilang. Sa panahon ng mga Amerikano may mga pahayagang nanatili. Alin sa mga sumusunod ang isang kilalang pahayagan na naging bahagi ng kilusang propaganda?
La Solidaridad
Kalayaan
El Renacimiento
Liwayway
Sa panahon ng pananakop ng Estados Unidos, Ano ang pangunahing tema ng mga tekstong pampanitikan?
Panrelihiyon
Kabayanihan at pagmamahal sa bayan
Katutubong pamumuhay
Pagpapahayag ng damdamin sa pag-ibig
May mga dula na naisulat sa panahon ng Amerikano. Isa na rito ang akda ni Aurelio Tolentino na Kahapon, Ngayon at Bukas. Sino sa mga tauhan ang sumasagisag sa Inang Bayan?
Liwanag
Inang Bayan
Tagailog
Haring Bata
Maraming sanaysay ang nasulat sa pananakop ng Estados Unidos. Isa na rito ang akdang “Filipino Time”. Ano ang ibig ipahiwatig ng may-akda sa paggamit ng salitang "Filipino Time"?
Isang katangian na dapat ipagmalaki
Isang pag-uugali na dapat ipamana sa kabataan
Isang makasaysayang gawi na bahagi ng kultura
Isang maling kaugalian na dapat itama ng bawat Pilipino
Ano ang pangunahing paksa ng akdang Filipino Time?
Katatagan ng pamilyang Pilipino
Kagitingan ng mga bayani ng bansa
Pagpapasiklab sa mga pagaking Pilipino
Kakulangan sa disiplina sa oras ng mga Pilipino
Paano ipinakita ng mga akdang pampanitikan sa Ingles noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano na natutunan ng mga Pilipino ang paggamit ng panitikan bilang ng pagpapahayag?
Sa pagtanggap ng mga Pilipino sa kulturang banyaga bilang mas mataas kaysa sa sariling kultura
Sa paggamit ng panitikan upang ipahayag ang saloobin at karanasan sa ilalim ng kolonyalismo
Sa pagtalikod ng mga Pilipino sa sariling wika upang makamit ang kalayaan
Sa pagtigil ng mga Pilipino sa pagsusulat sa wikang katutubo
Sa akdang Kahapon, Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino, alin sa mga tauhan ang maaaring sumisimbolo sa “Ngayon,” at paano nito kinakatawan ang kasalukuyang kalagayan ng bansa sa ilalim ng mga Amerikano?
Liwanag – simbolo ng edukasyon at pag-asa
Tagalog – kinakatawan ang kabataan na makabagong henerasyon
Haring Kastila – kinakatawan ang lumipas na panahon ng Espanya
Bagong Bayan – sumisimbolo sa kasalukuyang kalagayan ng bansa sa ilalim ng Amerikano
Isa sa mga manunulat sa panahon ng Amerikano ay si Jorge Bocobo. Ayon kay Bocobo, ano ang sinasabing "maling edukasyon"?
Edukasyong hindi nakatuturo ng dayuhang wika
Edukasyong napapabolo sa sining at humanities
Edukasyong hindi gumagamit ng modernong teknolohiya
Edukasyong hindi nakatuon sa kabutihang-asal, disiplina, at pagmamahal sa bayan
Sa bawat sanaysay na nasusulat ay may nais ipabatid sa mga mambabasa. Paano ipinapakita ng sanaysay na Maling Edukasyon sa Kolehiyo ni Jorge Bocobo ang ugnayan ng tunay na edukasyon sa paghubog ng pagkatao?
Dapat unahin ang grado kaysa sa asal upang makamit ang tagumpay
Kailangang pahabain ang oras ng klase sa kolehiyo para mas marami ang matututunan
Ang kolehiyo ay para lamang sa mayayamang estudyante na may kakayahang magbayad
Mahalaga ang edukasyon, ngunit higit na mahalaga ang paghubog ng pagkatao at asal
Sa dulang Mabinhing Mandirigma, may ilang paraan ng pagpapahayag na ginamit upang ilarawan ang katauhan ni Apolinario Mabini. Ano-anong kahulugan ang maaaring ibigay sa paggamit ng katahimikan at mahinahong pananalita ni Mabini sa kabila ng kaguluhan sa paligid?
Kawalan ng interes sa politika
Takot at pag-iwas sa tunggalian
Kakulangan sa pagpapahayag ng damdamin
Kalakasan ng loob at paninindigan sa gitna ng kaguluhan
Sa pagsusuri ng dulang Mabinhing Mandirigma, alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamalinaw na nagpapakita ng rebolusyonaryong damdamin, at paano ang diwang ito ay sumasalamin sa paninindigan ni Apolinario Mabini bilang tagapayo ng rebolusyon?
“Walang saysay ang dangal kung ito’y nakalugmok sa putik.”
“Magpahinga muna tayo, masyado nang gabi.”
“Pumila kayo sa rasyon ng pagkain.”
“Tapos na ang klase, magsiuwi na.”
Sa pagsusuri ng talumpati ni Manuel L. Quezon hinggil sa wikang pambansa, alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi lamang nagpapakita ng pangunahing punto ng kanyang talumpati, kundi nag-uugnay rin sa kanyang layunin para sa pambansang pagkakaisa at identidad ng mga Pilipino?
Dapat buwagin ang iba’t ibang wikang katutubo
Mas mahalaga matuto ang kabataan sa dayuhang wika
Kailangang gamitin ang Ingles bilang tanging opisyal na wika
Kailangan ng isang wikang pambansa upang mapatatag ang pagkakaisa ng mga Pilipino
Ang tekstong persweysib ay isang mabisang paraan sa panghihikayat. Bakit epektibong halimbawa ng tekstong persweysib ang talumpati ni Quezon?
Dahil ito ay gumagamit ng mga bugtong at kasabihan
Dahil ito ay nagtuturo ng mga wikang pambansa
Dahil ito ay nagbibigay lamang ng impormasyon sa kasaysayan
Dahil ito ay humihimok sa damdamin at kaisipan upang kumilos para sa wika
Malaki ang naitutulong ng isang tekstong biswal sa pag-unawa sa mga akda. Ano ang layunin ng paggamit ng pagkakaiba at pagkakategorya ng impormasyo?
Para maging makulay lang ang presentasyon
Para hindi mapansin ang mga impormasyon
Para takpan ang kakulangan sa nilalaman
Upang mapakita ang pagkakaiba at pagkakategorya ng impormasyon
Sa tekstong biswal na nagpapakita ng Panitikan sa Panahon ng mga Amerikano, paano naipapakita ang mahalagang elemento ng impormasyon sa pamamagitan ng biswal na disenyo?
Sa paggamit ng hierarchical structure at koneksyon ng linya upang ipakita ang ugnayan ng mga anyo ng panitikan at mga manunulat.
Sa pagsasama ng mahabahang talata upang maipaliwanag ang kasaysayan ng panitikan.
Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga kulay upang maging kaakit-akit ito.
Sa paglalagay ng mga larawan ng mga manunulat sa bawat bahagi ng biswal.
Sa dulang "Kahapon, Ngayon at Bukas" paano mo mailalapat ang tunggalian sa kasalukuyang kalagayan ng bansa?
Ang tunggalian sa dula ay maaaring iugnay sa kasalukuyang pakikibaka ng mamamayan para sa tunay na kalayaan at karapatan.
Ang tunggalian sa dula ay nagpapakita ng simpleng hiwaga na madaling maunawaan ng mga karakter.
Ang tunggalian sa dula ay tungkol lamang sa personal na problema ng mga tauhan.
Ang tunggalian sa dula ay walang kaugnayan sa kasaysayan at sa kasalukuyan.
Sa dula na isinulat ni Aurelio Tolentino, alin sa sumusunod ang konseptong nagpapakita ng pag-unawa sa simbolismo ng mga tauhan upang mas maunawaan ang tema ng makabayang sa dula?
Si Inang Bayan ay sumisimbolo lamang ng isang ina.
Ang mga tauhan ay hindi konektado sa isyung panlipunan.
Ang mga tauhan ay nagsisilbing representasyon ng makabagong Pilipino sa kasalukuyan.
Ang mga tauhan ay hindi nauugnay sa makabayang tema ng dula.
Kung isasadula mo ang "Kahapon, Ngayon at Bukas" sa kasalukuyang panahon, alin sa mga tagpuan ang pinaka-mabisa upang mapanatili ang mensahe ng dula?
Isang silid ng pulong ng mga aktibista o mamamayan sa panahon ng protesta
Isang high-end na mall upang ipakita ang modernong pamumuhay
Isang palaruan upang ipakita ang pagkabata ng mga tauhan
Isang TV studio para sa entertainment
Bawat akdang pampanitikan ay may mga elemento gaya ng banghay. Paano mo mailalapat ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa dula upang maipaliwanag ang pag-unlad ng tunggalian sa akda?
Isang beses lang nagpakita ng tunggalian, kaya hindi ito mahalaga
Ang mga pangyayari ay hiwa-hiwalay at walang kaugnayan sa isa't-isa
Ang pagkakasunod ng pangyayari ay hindi kailangan sa pag-unawa ng mensaheng akda
Sa pagsunod sa bawat yugto ng dula, makikita ang paglakas ng panawagan para sa kalayaan ng bayan
Sa dulang Kahapon, Ngayon at Bukas, sa anong paraan naipakita ang foreshadowing sa dula at paano mo ito mailalapat sa pagtuturo ng pagbasa ng panitikang makabayan?
Ang mga sagisag at kilos ni Inang Bayan ay nagpapahiwatig ng darating na himagsikan, na maaaring gamitin bilang halimbawa ng panitikang nagbubukas ng isipan
Ang foreshadowing ay makikita lang sa modernong dula, hindi sa makaluma
Ang mga tauhan ay walang kinalaman sa hinaharap ng dula
Walang foreshadowing sa akda
Sa sanay-sana "Maling Edukasyon" sa Kolehiyo, paano mo maipapakita sa iyong buhay bilang mag-aaral ang kaisipan ni Jorge Bocobo na hindi nga mahalaga ang paghubog sa asal kaysa sa taas ng marka?
Gumagawa lamang ng tama kapag may guro
Laging inuuna ang grado kahit madaya sa pagsusulit
Hindi na pumapasok kapag alam na mataas na ang marka
Patuloy na gumagawa ng tama at may malasakit sa kapwa, kahit hindi laging mataas ang grado
Bilang mag-aaral, ano ang gagawin mo upang ipakita ang magandang pag-uugali pagkatapos mong mabasa ang akdang "Maling Edukasyon"?
Magpapakita ako ng paggalang at pagpapakumbaba sa kapwa anuman ang antas ng kanilang natapos
Hihinto ako sa pag-aaral dahil nakasasama pala ang maling edukasyon
Gagamitin ko ang mataas na edukasyon upang ipagmalaki ang sarili
Iiwasan kong makihalubilo sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang pinakama-inam na halimbawa ng aplikasyon ng mga kaisipang nakapaloob sa "Ang Tunay na Sampung Utos ni Apolinario Mabini", kung isasaalang-alang ang konteksto ng panahon, lunan, at ang layunin ng may-akda?
Isang opisyal ng pamahalaan ang gumagamit ng kanyang posisyon upang mapaboran ang mga kamag-anak sa kontrata
Isang mag-aaral ang nagpapakita ng disiplina at malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod sa kanilang barangay bilang boluntaryo
Isang politiko ang nagkakalat ng maling impormasyon sa social media upang manira ng kalaban sa halalan
Isang negosyante ang tumatanggap ng malaking tubo kahit pinapabayaan ang kapakanan ng mga manggagawa
Sa dulaang Mabining Mandirigma, gamit ang salitang "rebolusyon" hindi lamang bilang pisikal na labanan kundi bilang panloob na pagbabago, ano ang pinakamabisang aplikasyon ng salitang ito batay sa pahiwatig at konteksto ng akda?
Pagsali sa mga online debate upang ipagmalaki ang sarili mong opinyon
Paglayo sa mga isyung panlipunan upang iwasan ang kontrobersiya
Pagtutol sa mga patakaran ng paaralan para sa sariling kapakanan
Pagsisimula sa sariling pagbabago — tulad ng pagiging disiplinado, makabayan, at makatarungan — bilang ambag sa pagbabago ng lipunan
Bilang mag-aaral, ano ang maitutulong sa iyo ng panonood o pag-aaral ng "Mabining Mandirigma" na gumagamit ng makabagong anyo ng dula (rock opera)?
Natututo akong pahalagahan ang aliw na dulot ng makabagong pagtatanghal
Nahihikayat akong gayahin ang paraan ng pananamit at pag-arte ng mga tauhan
Natututo akong pahalagahan ang kabayanihan at disiplina sa isang paraan na malapit sa aking interes bilang kabataan
Nagiging mas interesado ako sa musika kaysa sa aral ng dula
Batay sa layunin ng may-akda sa "Filipino Time", alin sa sumusunod ang pinaka-mabisaang paraan upang mailapat ang layunin ng akda sa larangan ng edukasyon?
Palaging pinapaalalahanan ang mga estudyante na maging maagap
Pagtuturo ng leksyon tungkol sa kasaysayan ng konsepto ng oras
Pagbibigay ng mas mahabang palugit sa mga late na estudyante
Pagbuo ng proyekto kung saan ang mga estudyante ay magmamasid at susuri sa epekto ng pagiging huli sa lipunan
Isa sa mga pangunahing ideya ng teksto ay ang kakulangan sa pagpapahalaga sa oras. Paano mo maipapakita ang paglalapat ng ideyang ito sa iyong personal na buhay bilang isang mag-aaral?
Nagsusumbong ka sa guro kapag may kaklase na nahuhuli
Palagi kang pumapasok sa klase kahit walang takdang-aralin
Inaayos mo ang iyong iskedyul para makaiwas sa pagkanatala
Ipinapabayaan mo ang mga gawain at ginagawa na lang kapag may oras
Paano mo bibigyan ng pakahulugan ang pahayag na "Sa kalsadang ipinanganlan sa bayan, tila naglaho na ang mga yapak ng kanyang pagkikibaka—nalunod sa trapik, alikabok, at ingay ng makabagong panahon."
Iisang litong paglalarawan ng pagbabago sa pasilidad ng lungsod
Ipinapakita lamang nito ang matinding trapik at polusyon sa lungsod
Sinasabi ng pahayag na mas maandoon noon ang mga kalsada kaysa ngayon
Simbolo ito ng unti-unting pagkalimot ng lipunan sa alaala at aral ng kabayanihan
Ginamit ni Manuel L. Quezon ang mga salitang tulad ng "kaluwalhatian," "dangal," at "diwang Pilipino" sa kanyang talumpati. Paano mo maipaliwanag ang epekto ng ganitong diksyon sa layunin ng talumpati?
Pinatatamis nito ang kanyang pananalita upang magmukhang magaan sa damdamin
Pinatitibay nito ang emosyonal na apela sa damdamin ng mga tagapakinig upang maunawaan ang kahalagahan ng wikang pambansa
Ipinapakita lang nito na mahusay siyang pumili ng salitang magagandang pakinggan
Ipinahihiwatig nito na mas makapangyarihan ang Tagalog kaysa ibang wika sa Pilipinas
Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng paggamit ng kohesyonal na gramatikal at transisyunal na malinaw na sumusuporta sa pangunahin ideya ni Quezon sa kanyang talumpati?
"Sa kabila ng ating pagkakaiba-iba, tayo'y iisa sa damdamin kung wika ang pag-uusapan."
"Wikang Ingles ang ating ginagamit sa edukasyon, kaya ito ang dapat pagtuanan."
"Ang wika ay mahirap unawain kung walang diksyunaryo."
"Tagalog ang nararapat dahil ito ay sinasalita sa kabisera."
Sa dula na isinulat ni Tolentino sa panahong ng mga Amerikano, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng masusing pagsuri sa pahiwatig ng pamagat na Kahapon, Ngayon at Bukas batay sa kabuuang banghay?
Ang pamagat ay pahiwatig na ang ating kasaysayan, kasalukuyan, at kinabukasan ay magkakaugnay at nasa kamay ng mamamayan ang pagbabago
Ipinapahiwatig ng pamagat na walang koneksyon ang mga panahon
Ipinapakita ng pamagat na ang mga pangarap ay hiwalay sa kinabukasan
Ang pamagat ay ginamit lamang para tunog-makatula
Sa dulang Kahapon, Ngayon at Bukas, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng foreshadowing sa dula at paano ito naitustos sa mensahe ng akda?
Ang mga linya ni Inang Bayan ay nagpapahiwatig ng darating na rebolusyon laban sa mga dayuhan
Ang dula ay umiwas sa anumang pahiwatig ng rebolusyon upang makaiwas sa sensura
Walang kinalaman ang mga linya ng mga tauhan sa darating na mga pangyayari
Ang mga tauhan ay walang binanggit na may kaugnayan sa hinaharap
Sa sanaysay ni Bocobo, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng diwa ng Maling Edukasyon?
Ang mga mag-aaral na malinaw na nauunawaan ang edukasyon, iyon ang dapat pagtuunan
"Ang wika ay mahirap unawain kaya walang diksyunaryo."
"Ang wika ay mahirap unawain kung walang diksyonaryo."
Isang mag-aaral na inuuna ang rangya kaysa pagkatuto, at kaya nahuhuli sa klase
“maling edukasyon” ayon sa pananaw ng akda, at bakit?
Mag-aaral na hindi aktibo ngunit laging nasa klase.
Mag-aaral na laging nangunguna sa klase at tumutulong sa kapwa.
Mag-aaral na inuuna ang sariling kapakanan, kahit makapanakit ng iba, basta mataas ang grado.
Mag-aaral na laging huli sa klase ngunit aktibong lumalahok sa pagtulong sa komunidad.
Paano naipapaliwanag ang pangunahing kaisipan ni Bocobo gamit ang halimbawa ng isang estudyanteng matataas ang grado ngunit madalas mandaya o hindi marunong rumespeto sa iba?
Wala itong kaugnayan sa ideya ng akda.
Ipinapakita nito ang tagumpay ng sistemang pang-edukasyon.
Patunay ito na mas mahalaga ang katalinuhan kaysa sa ugali.
Ipinapakita nito ang kabiguang itaguyod ng edukasyon ang tunay na layunin nitong hubugin ang kabuuan ng pagkatao.
Sa akdang "Ang Tunay na Sampung Utos" ni Apolinario Mabini, alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamabisang pagsusuri sa mahahalagang pangyayari nito?
Ang akda ay tumatalakay lamang sa personal na buhay ni Mabini.
Ang sampung utos ay kopya lamang ng orihinal na sampung utos sa Bibliya.
Ang akda ay naglalaman ng mga kautusang panrelihiyon na hindi na naaangkop sa kasalukuyan.
Ang bawat utos ay may layuning ituwid ang maling gawi ng mga opisyal noon at magsilbing batayan ng makabayanang pamumuno.
Sa dulang sinuri na “Mabining Mandirigma”, ano ang epekto ng paggamit ng mga idyomatikong pahayag sa mga dayalogo sa pagbibigay-diin sa panlipunang tensyon sa dula?
Naging mas mababaw ang usapan sa dula.
Ginamit ito bilang palamuti lamang sa diyologo
Nagbigay ng aliw sa manonood upang hindi seryosohin ang tema.
Nakatulong ito upang maiparating ang mas malalim na kahulugan at damdamin ng mga tauhan sa harap ng kasinungalingan at pagkukunwari.
Paano naiiba ang estilo ng wikang ginamit kay Mabini kumpara sa iba pang mga tauhan, at ano ang epekto nito sa kabuuang mensahe ng dula?
Ang kanyang wika ay mapanlikha, metaporikal, at puno ng damdaming Makabayan na nagbibigay-tegido sa kanyang papel bilang konsensya ng bayan
B. Ang kanyang estilo ay masyadong kumplikado kaya hindi siya nauunawaan.
C. Mas payak ang kanyang wika upang hindi umangat sa ibang tauhan.
D. Wala namang ganoong pinagkaiba sa ibang tauhan.
Bakit matuturíng ang “Filipino Time” bilang isang komentaryong panlipunan?
Sapagat sinasalamin nito ang ugat ng problema sa disiplina at pag-unlad sa bansa
Sapagat tumatalakay ito sa relihiyon at pamahiin ng mga Pilipino
Dahil sinusuportahan nito ang pagiging flexible ng mga Pilipino
Dahil pinupuri nito ang pagiging pakikisalamuha ng mga Pilipino
Bawat akda ay may nais ipabatid. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng “Filipino Time”?
Turuan ang mambabasa kung paano maging mas produktibo
Magpatawa gamit ang mga karaniwang karanasan sa pagiging late
Maglahad ng panibagong kahulugan ng Filipino Time bilang positibong ugali
Punanang panlipunan upang hikayatin ang pagbabago sa asal ng Pilipino ukol sa oras
Ang pagkakaroon ng isang wikang Pambansa sa Pilipinas ang isa sa mga sinangnias noon ni Manuel L. Quezon. Paano niya ginamit ang diskisyon upang ipakita ang kanyang paninindigan sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa?
Gumamit siya ng pormal at makapangyarihang wika upang ipahayag ang matibay na paninindigan para sa pagkakaisa.
Gumamit siya ng salitang karaniwan upang aliwin ang mga mamamayan.
Pinili niyang gumamit ng Ingles upang ipakita ang pagiging moderno.
Gumamit siya ng istilong teknikal para sa mga akademiko lamang.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng sentral na tesis ng pagpapahayag ni Quezon sa kanyang talumpati?
Paglalarawan ng mga kasasayang banyaga.
Pagsasalaysay ng personal na karanasan bilang bata.
Pagbibigay ng nakakatawang halimbawa upang aliwin ang tagapakinig.
Mapananalitang estilo na puno ng apela sa damdamin at lohika upang himukin ang pakiisa sa adhikain.
"Bakit naging epektibo ang pagpili ng mga salita at ideya ni Quezon sa paghikimok sa mga na tangkilikin ang Wikang Pambansa?
Sapagkat ginamit niya ang teknikal na lengguwahe upang lituhin ang mambabasa.
Dahil ginamit niya ang wikang Espanyol upang ipakita ang kanyang katalinuhan.
Dahil sa paulit-ulit niyang paggamit ng salitang “bansa” upang mapuno ang oras ng talumpati.
Dahil ang kanyang mga pahayag ay malinaw, tiyak, at umaangkop sa layunin ng pagkakaisa at nasyonalismo.
Paano nakakatulong ang maayos na komposisyon sa pag-uunawa ng isang tekstong biswal?
Nagbibigay ito ng malinaw na gabay sa mata ng tumitingin upang maunawaan ang mensahe.
Ginagawang mas maganda ang larawan kahit wala itong kinalaman sa nilalaman.
Nakakadagdag ito ng kalituhan dahil masyadong maraming elemento.
Wala itong epekto sa pag-intindi ng mensahe.
May mga elemento ang tekstong biswal. Paano mo masasabi na epektibo ang paggamit ng kulay sa isang tekstong biswal?
Kapag nagpapalakas ito ng damdamin at nagbibigay diin sa mga mahahalagang bahagi ng teksto.
Kapag hindi binabago ang kulay upang hindi malito ang mambabasa.
Kapag ginamit ang kulay kahit walang kaugnayan sa tema.
Kapag maraming kulay na nagiging magulo ang imahe.
Batay sa tekstong biswal, alin sa sumusunod na pahayag ang pinakamabisang paglalarawan sa ugnayan ng anyo ng panitikan at mga manunulat sa panahon ng Amerikano?
Ang mga manunulat ay nahahati ayon sa anyo ng kanilang sinulat: panulaan, maikling katha, dula, at nobela.
Ang lahat ng manunulat sa panahon ng Amerikano ay sumulat lamang ng tula.
Ang panitikan sa panahon ng Amerikano ay puro Tagalog lamang ang ginamit.
Lahat ng manunulat ay may taguring “Ama ng Panitikang Pilipino.”
Isang istruktura ng isang tekstong persweysib ay analisis. Paano mo matutukoy ang bisa ng analisis ni Quezon sa kanyang talumpati sa pagsuporta ng kanyang punto?
Epektibo dahil gumagamit siya ng lohikal na paliwanag na nag-ugnay sa epekto ng pagkakaroon ng wikang pambansa sa pambansang pagkakaisa.
Hindi malinaw ang kanyang analisis kaya nagdudulot ito ng kalituhan.
Hindi mahalaga ang analisis dahil sapat na ang emosyonal na apela.
Hindi niya ginamit ang analisis sa kanyang talumpati.
Sa larawan sa ibaba, Paano nakatulong ang paggamit ng mga kulay, laki ng font, at espasyo sa tekstong biswal upang mapatingkad ang pangunahing ideya ng tekstong tungkol kay Manuel L. Quezon?
Ang paggamit ng malalaking font at matingkad na kulay ay nagsilbing palamuti lamang at hindi nakatulong sa pagkaanawa ng teksto.
True
False
Ang espasyo ay ginamit lamang upang makapaglagay ng maraming impormasyon sa isang pahina.
True
False
Ang matingkad na kulay, tulad ng dilaw at pula, at malaking font ay nakatulong upang madaling makilala ang mahahalagang bahagi gaya ng pamagat, pangalan, at mahahalagang petsa.
True
False
Ang kulay at laki ng font ay ginamit upang mapuno ang bakanteng bahagi ng pahina at gawing maganda ang disenyo.
True
False
Isa pang estruktura ng tekstong persweysib ay ang ebidensya. Anong katangian ng ebidensya ang nagpapalakas sa paninindigan ni Quezon sa kanyang talumpati?
Mga makasaysayang halimbawa at makatotohanang pahayag na sumusuporta sa kahalagahan ng wikang pambansa.
Mga emosyonal na pahayag na walang kaugnayan sa argumento.
Mga pagbibigay ng opinyon na hindi sinusuportahan ng datos.
Mga mahahabang talata na hindi madaling maintindihan.
Sa larawan sa ibaba, alin sa sumusunod ang pinakamahusay na pagsusuri sa tekstong biswal batay sa mga elementong biswal (tauhan, simbolo, kulay, at mensahe)?
Ipinapakita ng larawan ang simpleng pakikipagkaibigan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagkain.
Ang larawan ay nagpapakita ng pagyakap ng Pilipino sa pagkain Amerikano bilang simbolo ng mas mataas na uri ng kultura, na isang anyo ng colonial mentality.
Ipinapahiwatig ng larawan na masarap ang hamburger at fries kaya ito ang piliin ng Pilipino.
Ipinapakita ng larawan ang pagkakapantay-pantay ng kultura ng Pilipinas at Amerika.
