Font size
WorksheetsFinal Reviewer AP 7_2nd Quarter
Total questions: 50
Worksheet time: 28mins
Alin ang naglalarawan sa Economic Imperialism?
A. Kinokontrol ng dayuhang militar ang bansa.
B. Direktang pinamamahalaan ng dayuhan ang bansa.
C. Kontrolado ang ekonomiya ng pribado o dayuhang kumpanya.
D. Pagkontrol ng makapangyarihang estado sa isang mahina at maliit na bansa.
Ano ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng kolonyalismo at imperyalismo?
A. Ang kolonyalismo ay ekonomikal; ang imperyalismo ay politikal.
B. Ang kolonyalismo at imperyalismo ay parehong uri ng protektorado.
C. Pareho lamang ang kolonyalismo at imperyalismo sa lahat ng aspeto.
D. Tuwirang kontrol ang kolonyalismo at maaaring di-tuwiran sa imperyalismo.
Sa kasalukuyang panahon, may banta ng pag-angkin ng malakas na bansa sa West Philippine Sea. Kung ikaw ang pinuno, ano ang pinakamainam na gawin?
Pwersahang paalisin ang mga mananakop sa ating teritoryo.
Huwag tangkilikin ang anumang produkto ng nasabing malakas na bansa.
Makipag-alyansa sa ibang mga bansa at patatagin ang sandatahang lakas.
Pumayag sa concession upang maprotektahan ang kapayapaan ng bansa.
Ano ang maaaring kahinatnan ng isang bansang walang kontrol sa pamahalaan?
Maaari itong umunlad dahil malakas na bansa ang namamahala dito.
Hindi magkakaroon ng korapsyon dahil mahigpit ang pamamahala ng dayuhan.
Nawawala ang kakayahan nitong magpasya para sa ikabubuti ng nasasakupan.
Maililining ng maayos ang likas yaman nito dahil sa teknolohiyang dala ng malakas na bansa.
Bakit naging sanhi ng hidwaan sa pagitan ng mga pangkat ang sistemang kolonyalismo sa isang imperyo na may magkakaibang pinagmulan, tradisyon, at kultura?
Lahat ng mamamayan ay gustong maging bahagi ng pamahalaang kolonyal.
Nagdadala ang mga dayuhan ng bagong teknolohiya at paraan ng pamumuhay.
Ang mga dayuhan ay may iba't ibang pananaw tungkol sa mga lokal na tradisyon.
May pangkat na pinagkakalooban ng mas malaking kapangyarihan na naging sanhi ng diskriminasyon sa iba.
Paano binago ng kolonyalismo ang estrukturang panlipunan sa mga kolonya?
Nawalan ng kapangyarihan ang mga lokal na pinuno.
Nagkaroon ng paghahalo at pagtatanggi ng mga lahi.
Naging makulay ang tradisyon at kultura ng mga kolonya.
Nagkaroon ng pagkakataon ang karamihan sa mahihirap na umangat ang buhay.
Ano ang salitang Pranses na nangangahulugang “Muling Pagsilang” ng kaalamang klasikal ng Griyego at Romano kung saan ang tuon ay sa agham, pagtuklas, indibidwalismo, humanismo, rason, at hindi sa relihiyon? Ito ay naganap sa huling bahagi ng gitnang panahon at pagsulong ng makabagong panahon.
Merkantilismo
Paggalugad at Pagtuklas
Rebolusyong Industriyal
Renaissance
Paano nagbago ang paraan ng pananakop ng mga Kanluranin mula sa unang yugto patungo sa ikalawang yugto ng imperyalismo?
Bilang isang mag-aaral, paano mo maisasabuhay ang pagtutol sa hindi magandang epekto ng imperyalismo sa iyong sariling bansa?
Kakalimutan ang nakaraan.
Iiwasan ang pag-aaral ng kasaysayan.
Ipagmamalaki ko ang aking sariling kultura.
Gumamit lamang ng mga dayuhang produkto.
Kung ikaw ay pinuno ng isang bansang Asyano noong panahon ng imperyalismo, anong pinakamabisang estratehiya ang iyong gagamitin upang mapanatili ang kalayaan ng iyong bansa?
Sumuko agad upang maiwasan ang digmaan.
Itago ang mga likas na yaman mula sa mga mananakop.
Makipagkasundo sa ibang bansa upang humingi ng tulong.
Palakasin ang edukasyon at modernisasyon upang mapanatili ang soberanya.
Paano ginamit ng kapangyarihang kolonyal ang edukasyon bilang instrumento ng pagkontrol?
Naipasa ang makabansang kamalayan.
Lalong lumakas ang kilusang mapagpalaya.
Naging malaya ang isipan ng mga mamamayan para sa bansa.
Naimpluwensyahan ang pananaw ng mamamayan pabor sa mananakop.
Paano nakaapekto ang kolonyalismo sa kasalukuyang kultura ng mga bansang nasakop tulad ng Pilipinas?
Lalong umunlad ang sariling kultura ng mga Pilipino.
Lulusang nabura ang lahat ng katutubong kaugalian.
Wala itong naging epekto sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino.
Naipamana ang mga banyagang ideya tulad ng wika, relihiyon, at edukasyon.
Makapangyarihan noong ikalawang yugto ng imperyalismo ang Britanya dahil sa Rebolusyong Industriyal. Ilan sa mga dahilan bakit hindi nasakop ng Kanluraning bansa ang Thailand ay modernisasyon at matatag na pagkakakilanlang kultural. Bilang Pilipino, alin ang mainam na hinuha na maaaring matutunan mula dito?
Makipagtulungan sa mga Kanluranin upang umunlad ang bansa.
Modernisasyon na may pagpapahalagang Asyano ang susi sa kaunlaran.
Maging mapusok sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan para umunlad.
Gayahin ang Kanluranin sa lahat ng aspeto ng pamumuhay upang umunlad.
Ano ang tawag sa mga lugar na matatagpuan malapit sa Kipot ng Malacca kung saan nanirahan at nakipagkalakalan ang mga dayuhang Ingles? Binubuo ito ng Penang, Singapore, Malacca, at Labuan.
White Rajas
Strait Settlements
Federated Malay States
Unfederated Malay States
Alin ang madalas na ginamit ng mga British sa pagsakop nang tuluyan sa mga Malay?
Pakikipagkasundo sa mga sultan.
Pwersahang pananakop gamit ang militar.
Pagpapatupad ng parlamentaryong pamahalaan.
Panghihimasok sa mga minahan ng tangway ng Malay.
Alin ang tumutukoy sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo at imperyalismo?
Ang tributo ay maaaring bayaran ng cash o in kind at noong 1884 ay napalitan ng cedula kada tao edad 18 taon pataas.
Unang dumating ang mga Portuguese sa Moluccas subalit naagaw ito ng mga Olandes noong ika-16 siglo matapos bumagsak ng imperyong Mataram.
Noong 1786, nakuha ng British East India Company mula sa mga Dutch ang pamamahala sa Penang kung saan nagtagyo sila ng pamayanang kolonyal.
Nakuha ni James Brooke ang pamamahala sa Sarawak, Borneo matapos nitong tulungan ang Sultan ng Brunei na matalo ang mga karibal na tribo kapalit ng taunang bayad.
Ginamit ng mga Espanyol ang Kristiyanismo upang kontrolin ang mga Pilipino. Ano ang dapat gawin ng kabataan ngayon?
Huwag na lamang magkaroon ng relihiyon para hindi maloko.
Bumuong sariling relihiyon para siguradong tama ang mga aral.
Talikdan ang Kristiyanismo dahil ito ang relihiyon ng mananakop.
Maging mapanuri sa mga katuruan at pahayag ng relihiyong sasalihan.
Bakit kinakailangang ipatupad ng mga Espanyol ang reduccion sa Pilipinas?
Kailangang sumamba ng mga Pilipino araw-araw.
Lubos na makilala ng mga misyonero ang bawat Pilipino.
Mabilis mabisita ng gobernador-heneral ang bawat bayan.
Madaling pamahalaan ang mga katutubong pinagsama-sama sa poblacion.
Madalas gamitin ng mga mananakop ang Divide and Rule Policy. Ano ang epekto nito sa ating bansa kung mangyayari ito sa kasalukuyang panahon?
Hindi unlad ang bansa dahil sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino.
Hindi unlad ang bansa kung mananatili ang mga dayuhan sa Pilipinas.
Magiging magaling ang mga Pilipino sa matematika lalo na sa pagsukat.
Unlad ang bansa dahil matututuhan ng mga Pilipino kung paano mamuno.
Isa ang tributo sa mga patakarang kolonyal na labis na nagpahirap sa mga sinakop lalo na hindi naman para sa kanilang kapakanan ang pondong nakalap mula dito. Sa kasalukuyan, nararapat pa ba na magpatuloy ang paniningil at pagbabayad ng buwis sa pamahalaan?
Oo, dahil kailangang nating magbayad ng utang.
Hindi, dahil malaya na tayo sa mga mananakop.
Hindi, dahil mapupunta lamang sa korapsiyon ang perang nakalap.
Oo, dahil dito nagmumula ang pondo para sa mga serbisyo publiko.
Sino ang namuno sa pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas na naganap sa Bohol?
Diego Silang
Francisco Dagohoy
Hermano Pule
Tamblot
Bakit umakyat at nanirahan sa bundok ang ilang Pilipino noong panahon ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Upang hindi sila matunton ng mga Kastila.
Ipinag-utos ng mga prayle na sila ay manirahan sa mga bundok.
Dahil mas marami ang makukuhang kapakinabangan sa kabundukan.
Para makaligtas sa polo y servicio, reduccion, tributo, at pagyakap sa Kristiyanismo.
Naging motibasyon ng mga Aceh sa pakikipaglaban sa mga Dutch ang pagprotekta sa kanilang lupain, kultura at relihiyong Islam. Bilang isang mag-aaral, paano ka makikiisa sa pagprotekta sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea?
Makikiisa ako sa mga programa ng bansa na nagsusulong sa kaunlaran.
Hindi ako makikisangkot sa mga usapin patungkol sa West Philippine Sea.
Aalamin ko ang impormasyon upang maunawaan ang ipinaglalaban ng bansa.
Magpapakumbaba ako upang hindi magkaroon ng hidwaan sa ibang mga lahi.
Iba-iba ang pagtugon ng mga Pilipino sa mga patakarang kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas. Kung ikaw ay nabubuhay sa panahong iyon, alin ang nararapat gawin ng isang makabayang Pilipino?
Mamumundok para makaiwas sa mga patakaran ng mananakop.
Makikiisa sa pagtutol sa mga pang-aabuso sa karapatan ng mga Pilipino.
Tatanggapin at yayakapin ang lahat ng patakaran ng mga mananakop para makaiwas sa kaguluhan.
Hahayaan na lamang ang mga Pilipinong mahusay sa pakikipaglaban ang humarap sa mga mananakop.
Ang mga Pilipino at Malay ay nagsagawa ng pag-aalsa bilang pagtutol sa mga patakarang kolonyal. Alin sa mga sumusunod ang isa sa naging pagtugon ng mga Indones sa pananakop ng mga Dutch?
Pagpapatigil sa patakarang encomienda ng pamahalaan.
Pamumuhunan sa mga plantasyon ng goma at minahan ng lata.
Pakikidigma ng mga Aceh para sa kanilang lupain, kultura at relihiyong Islam.
Pakikipagsundo sa English East India Company ng mga sultan kaya naitatag ang Strait Settlements.
Isa sa mga naging tugon ng mga Pilipino sa patakarang kolonyal ng mga Espanyol ang pamumundok. Sa kasalukuyang panahon, nararapat pa rin ba na ganito ang maging tugon sa mga patakaran ng pamahalaan na hindi mo sinasang-ayunan?
Oo, dahil mahirap sumunod kung napipilitan ka lamang.
Oo, dahil malaya kang gawin ang gusto mo sa kabundukan.
Hindi, dahil delikado at mahirap ang mabuhay sa kabundukan.
Hindi, dahil may paraan na pwedeng gawin nang naaayon sa batas.
Ano ang tawag sa pinagsanib na rehiyong kolonyal sa Vietnam, Laos, at Cambodia?
British East Asia
Dutch East Indies
French Indochina
Southeast Asia Union
Ano ang naging pangunahing estratehiya ng mga kolonyalistang Europeo upang makontrol ang ekonomiya ng mga nasakop?
Pagsasara ng daungan
Pagpapatayo ng mga palengke
Pagbibigay ng tulong-pinansyal
Monopolyo ng kalakalan at industriya
Maraming mga dahilan ang mga kanluranin sa kanilang pananakop ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Isa sa mga ito ay ang kanilang pansariling interes lamang. Bilang isang mag-aaral, ano ang nararapat mong gawin para makuha mo ang iyong mga hinahangad sa buhay?
Makikipag-unahan sa mga kamag-aral sa lahat ng bagay.
Gagayahin ang nakikitang ginagawa ng mga tao sa paligid mo.
Alin ang HINDI naglalarawan sa imperyalismong kanluranin sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya?
Ang Myanmar ay napasailalim sa French protectorate.
Direktang pamamahala ang ipinatupad ng mga Pranses sa Vietnam.
Sa lahat ng tatlong Digmaang Anglo-Burmese natalo ang mga Burmese.
Sa ilalim ng Kasunduang Saigon noong 1862, may karapatan ang mga Pranses na maglayag sa ilog Mekong.
Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa edukasyon ng mga bansang nasakop?
Naipagbawal ang edukasyon.
Lumawak ang lokal na sining at literatura.
Naging sagana sa sariling kultura at tradisyon.
Lumikha ng makabagong paaralan at unibersidad.
Ano ang pinakamagandang naitulong sa Cambodia ng pagiging French Protectorate nito?
Pinangalagaan ito ng Pransiya.
Umunlad ang lokal na industriya nito.
Nanatiling buo ang teritoryo ng bansa.
Lumago ang kalakalang panlabas nito.
Sa Timog-Silangang Asya, maraming mga nasyonalista ang kumilos upang mapalaya ang kanilang bansa sa imperyalismo ng mga kanluranin. Ano ang pagkilos na ginawa ng bayani ng bansang Myanmar (Burma noon)?
Nakipaglaban si Ho Chi Minh sa mga Tsino at British.
Sinimulan ni Diponegoro ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Dutch.
Ipinatayo ni Andres Bonifacio ang Katipunan upang labanan ang mga Espanyol.
Pinamunuan ni Saya San ang serye ng rebelyon laban sa mga British noong 1930-1932.
Natutong lumaban ang mga Asyano dahil sa pagmamalabis na ginagawa ng mga mananakop. Ibat-ibang paraan ang ginawa nila para maipakita ito. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa kasalukuyang panahon?
Magmasid sa mga pangyayaring nagaganap.
Lumikha ng samahang tutuligsa sa pamahalaan.
Huwag tularan at ipahayag ang pagtutol sa masamang gawain.
Hikayatin ang mga kapwa mag-aaral na sumali sa mga protesta at rally.
Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-usbong ng damdaming makabayan ng mga Cambodian ay ang hindi panghihimasok ng mga Pranses sa kultural na aspeto ng buhay ng mga sinakop gaya ng relihiyon at tradisyon. Bilang mamamayan na nakaranas ng pananakop, ano ang maaaring matutuhang aral mula rito?
Bigyan ng kalayaan na mamili ng relihiyon ang mga nasasakupan upang hindi sila mag-alsa.
Mabuti na sumang-ayon na lamang sa lahat ng patakaran ng mga nanunungkulan upang hindi magkagulo.
Mainam na may malasakit ang mamamayan sa kanilang bansa kahit na hindi sila direktang apektado sa mga nangyayari.
Bilang pinuno, kung ayaw mong mag-alsa ang iyong nasasakupan, huwag pakialaman ang paniniwala ng nasasakupan.
Paano tumugon ang mga Burmese sa patakaran ng mga British na paghihiwalay ng relihiyon at estado?
Nag-alsa o nagprotesta ang mga Burmese laban sa patakaran ng mga British.
Tinanggap ng mga Burmese ang patakaran nang walang pagtutol.
Hindi pinansin ng mga Burmese ang patakaran ng mga British.
Sumuporta ang mga Burmese sa patakaran ng mga British.
Hindi naging madali ang pananakop ng mga British sa Burma. Nagkaroon ng iba't ibang tugon sa kanilang pananakop. Isa na dito ang rebelyon ni Saya San. Ano ang pangunahing dahilan ng pagsuporta ng mga Burmese sa kanyang pag-aalsa?
Nais ni Saya San na ibalik ang pamumuno ng hari ng Burma.
Nagalit ang mga Burmese sa strategic hamlet ng mga British.
Malawakang kahirapan na dinaranas ng mga magsasakang Burmese.
Naniniwala ang mga Burmese na kayang manalo ng kanilang mga agimat laban sa mga armas ng mga British.
Alin ang nagsasaad ng tamang analohiya tungkol sa mga pinuno sa pangkontinenteng Timog Silangang Asya na nag-alsa laban sa imperyalismong Kanluranin?
Hlutdaw: Burma; Thibaw: Cambodia
Sayan San: Vietnam: Thibaw: Burma
Sayan San: Burma: Phan Dinh Phung: Vietnam
Nguyen Anh: Vietnam; ; Norodom Sihanouk: Cambodia
Ano ang tawag sa panahon kung saan natamasa ng Japan ang kaunlaran at ang pagtanggap nito sa mga pagbabago na hatid ng impluwensiya ng mga kanluranin sa aspektong pamamahala, edukasyon, at ekonomiya?
Japan Restoration
Modernisasyon
Meiji Restoration
Sino Restoration
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng imperyalismong Hapon sa ika-20 siglo?
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Pakikipagkalakalan lamang sa Europa.
Pagpapalawak ng industriyang medikal.
Paghahanap ng mga teritoryo at likas yaman.
Bilang pinuno na nabigyan ng pagkakataon na mapaunlad ang bansa ayon sa pamamaraang ng Japan, alin ang mainam na gayahin sa kasalukuyang panahon?
A. Paalisin ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa.
B. Palakasin ng industriya ng pagluluwas ng mga yaring produkto.
C. Manakop ng ibang bansa upang dumami ang pinagkukunan ng likas yaman.
D. Umutang sa mga mayayamang Pilipino upang tumaas ang pondo ng bansa.
Pananawkop ang nakitang solusyon ng Japan upang matugunan ang problema nito sa lumalaking populasyon. Kung mabibigyan ka ng pagkakataong lutasin ang problema ng mabilis na pagtaas ng populasyon sa Pilipinas, alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin?
Ipatupad ang isang anak lamang sa kada pamilya.
Palakasin ang kampanya sa maayos na pagpaplano ng pamilya.
Mananakop din ng mga teritoryo upang lumawak ang lupaing matitirhan.
Umangkat ng maraming pagkain upang hindi magutom ang mga mamamayan.
Ang Japan ay nakaimpluwensya sa anong aspeto sa pamamagitan ng mga kompanya tulad ng Sony at Toyota?
Ekonomiya
Relihiyon
Panitikan
Sining
Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Timog Silangang Asya, alin sa mga sumusunod ang nararapat gawin bilang isang mamamayang makabansa?
Mangingibang bansa upang makaiwas sa karahasan.
Makipagtulungan sa mga Hapon upang hindi mapahamak.
Tumulong sa mga kababayan na nakikipaglaban para sa kalayaan.
Magsulat ng palihim tungkol sa mga katiwalian at karahasan ng mananakop.
Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglayag ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
Marami ang napinsala at namatay.
Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war
Lumakas ang Nasyonalismo at napaibis ang paglayag
Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at komunismo
Suriin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung alin sa mga pagpipilian ang tamang naglalarawan sa mga ito. Pahayag 1: Ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas ang mga patakarang curfew, pagkakaroon ng certificate of residence at ang sapilitang pagkulong sa mga kababaihan bilang comfort women. Pahayag 2: Ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay ang pangunahing layunin ng Japan sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya.
A. Pahayag 1 ay TAMA, Pahayag 2 ay MALI
B. Pahayag 1 ay MALI, Pahayag 2 ay TAMA
C. Lahat ng pahayag ay TAMA
D. Lahat ng pahayag ay MALI
Paano nakatulong ang Treaty of Versailles sa Japan?
Naging kolonya ng Britian ang Japan.
Lumawak ang sakop ng Japan sa China.
Nakuha ng Japan ang ilan sa mga teritoryo ng Germany sa China.
Bumagsak ang ekonomiya ng Japan dahil sa hindi pagpansin ng mga Kanluranin.
Ano ang naganap noong Disyembre 7, 1941 na nagsilbing hudyat ng pagsali ng Pilipinas at Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Bataan Death March
Pagdeklara ng Open City
Pagbomba sa Pearl Harbor
Pagbomba sa Hiroshima at Nagasaki
Bakit kailangang ideklara ni Douglas MacArthur ang Maynila bilang Open City?
Para hikayatin ang mga Pilipino na labanan ang mga Hapon.
Upang magbigay daan sa pagsuko ng mga Pilipino sa Hapon.
Upang hindi lubusang mawasak ng digmaan ang lungsod ng Maynila.
Upang maipakita ang suporta ng mga Pilipino sa patakarang Hapon.
Bunsod ng labis na paghihirap na naranasan ng mga Pilipino sa mga patakarang Hapon, tinutulan nila ang pamamahala ng mga Hapones. Sa kasalukuyang panahon, nararanasan din ng mga Pilipino ang kahirapan, hindi dahil sa mga patakarang mapang-abuso kundi dahil sa katiwalian sa pamahalaan. Bilang isang kabataang Pilipino, anong pagpapahalaga ang kailangang ipakita para sa ating bansa sa kasalukuyang panahon?
Pipiliin lamang ang mga susundin na batas.
Mananahimik na lamang kapag may nakikitang pang-aabuso.
Lalahok sa mararahas na kilos protesta upang maipabatid ang galit ng bayan.
Susunod pa rin sa mga batas at maging mapanagutang mamamayan na huwaran sa mga kapwa kabataan.
