wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EKONOMIKS REVIEW 2ND QTR

Total questions: 32

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang kalagayan sa pamilihan kapag mas mataas ang dami ng demand kaysa sa dami ng suplay?

a)

kalabisan

b)

kakulangan

c)

ekwilibriyo

d)

disekwilibriyo

2.

Ano ang iba pang katawagan sa price ceiling?

a)

price support

b)

price stabilization

c)

minimum price policy

d)

maximum price policy

3.

Ano ang tumutukoy sa paghahanap ng mga mamimili ng produkto o serbisyo na mas mura ang presyo kapag tumaas ang presyo ng produkto o serbisyong dapat na bibilhin?

a)

income effect

b)

bandwagon effect

c)

substitution effect

d)

demonstration effect

4.

Aling uri ng estruktura ng pamilihan ang mayroong nag-iisang konsyumer subalit maraming prodyuser?

a)

monopolyo

b)

monopsonyo

c)

oligopolyo

d)

monopolistikong kompetisyon

5.

Aling uri ng estruktura ng pamilihan ang itinuturing na perpekto, modelo o ideyal?

a)

ganap na kompetisyon

b)

di-ganap na kompetisyon

c)

oligopolistong kompetisyon

d)

monopolistikong kompetisyon

6.

Ano ang ipinahihiwatig ng pababang kurba o downward sloping ng demand curve?

a)

walang ugnayan ng presyo sa dami ng demand

b)

tuwiran ang ugnayan ng presyo sa dami ng demand

c)

di-tuwiran ang ugnayan ng presyo sa dami ng demand

d)

hindi nagbabago ang presyo anuman ang mangyari sa dami ng demand

7.

Bakit itinuturing ang presyo bilang independent variable habang itinuturing naman na dependent variable ang quantity demanded?

a)

Nakasalalay ang pagbabago ng presyo ng produkto o serbisyo sa pagbabago ng quantity demanded nito.

b)

Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa presyo ng produkto o serbisyo kahit nagbago ang quantity demanded nito.

c)

Hindi nagkakaroon ng pagbabago sa quantity demanded ng produkto o serbisyo kahit nagbago ang presyo nito.

d)

Nagkakaroon lamang ng pagbabago sa quantity demanded ng produkto o serbisyo kung nagkaroon ng pagbabago sa presyo ng mga ito.

8.

Ano ang sumusukat kung gaano kalaki ang nagiging pagtugon ng mga mamimili sa pagbabago ng presyo ng isang produkto o serbisyo?

a)

batas ng demand

b)

elastisidad ng demand

c)

presyong salik ng demand

d)

di-presyong salik ng demand

9.

Dumami ang mga bumibili ng sapatos na ibinebenta na brand na Keds simula ng maging endorser ng produktong ito ang tanyag na mang-aawit na si Taylor Swift. Aling di-presyong salik ang nakaapekto sa demand ng sapatos na Keds?

a)

kita

b)

panlasa

c)

dami ng mamimili

d)

presyo ng magkakaugnay na produkto

10.

Kapag tumaas ang presyo ng printer, ano ang maaaring mangyari sa demand para sa ink ng printer?

a)

tataas ang demand

b)

bababa ang demand

c)

hindi magbabago ang demand

d)

mawawalan ng demand

11.

Ang price freeze sa mga pangunahing produkto ay ipinapatupad pamahalaan sa mga lugar na nakaranas ng mga kalamidad at sakuna tulad ng mga bagyo, lindol, o mga gawa ng tao tulad ng digmaan. Nararapat ba na ipatupad ang price freeze?

a)

Oo, dahil ito ang tanging paraan para mabili ang mga produkto at serbisyo.

b)

Hindi, dahil ang pamahalaan lamang ang may kapangyarihan na panatilihin ang presyo.

c)

Oo, dahil maiwasan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo.

d)

Hindi, dahil labag ito sa karapatan ng mamimili na maghanap ng alternatibong produkto at serbisyo.

12.

Dahil sa product differentiation, nagkakaroon ng maraming pagpipilian ang mga konsyumer sa ilang produkto. Bilang isang matalinong konsyumer, paano ka dapat na pumili ng produktong iyong bibilhin?

a)

Bilhin ang mga produktong ineenendorso ng paboritong personalidad.

b)

Tingnan kung ang produkto ay ginagamit ng karamihan o may bandwagon effect.

c)

Suriing mabuti ang label, nilalaman, at mga sangkap na ginamit na paggawa ng produkto.

d)

Piliin ang mga produktong mas mataas ang presyo dahil nakasisigurong mataas ang kalidad nito.

13.

Si JD ay nanalo sa lotto. Nagpatayo siya ng ilang mga coffee shops sa mga malls mula sa perang kaniyang napanalunan. Dahil dito, dumami ang suplay ng mga coffee-based na inumin sa pamilihan. Aling di-presyong salik ng suplay ang nakaapekto sa suplay ng produkto?

a)

teknolohiya

b)

dami ng nagtitinda

c)

gastos sa produksiyon

d)

presyo ng magkaugnay na produkto

14.

Aling sitwasyon ang HINDI naglalarawan ng pagkakaroon ng disekwilibriyo sa pamilihan?

a)

Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang 10 pesos at sa dami na 40.

b)

Sa pagkalat ng corona virus sa bansa, nagkaubusan ng suplay ng alcohol at face mask.

c)

May 120 na pirasong kendi si Miko ngunit 80 lamang ang handang bilihin ni Charie.

d)

Kailangang ni Cora ng 2 kilong mangga para sa gagawin niyang mango graham cake ngunit 1 kilong mangga lamang ang kayang itinda ni Lyn.

15.

Alin ang nagpapakita ng kahalagahan ng ekwilibriyo sa pamilihan?

a)

Nagsisilbi itong gabay sa mga prodyuser at konsyumer.

b)

Nagpapakita ito ng kalagayan ng kakulangan at kalabisan sa pamilihan.

c)

Nagbibigay-kaalaman tungkol sa balanseng dami ng demand at suplay sa iba’t ibang presyo.

d)

Nagiging matatag ang pamilihan dahil pantay ang dami ng demand at suplay sa isang takdang presyo.

16.

Alin ang HINDI pinapatawan ng price ceiling?

a)

renta

b)

gasolina

c)

concert tickets

d)

mga produktong agrikultural

17.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mahalagang gampanin ng pamahalaan sa pagpapanatili ng katatagan ng presyo sa pamilihan?

a)

Panghuhuli sa mga illegal vendors na nagkalat sa paligid.

b)

Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer.

c)

Pagtatakda ng price stabilization at price control upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin.

d)

Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang kanilang mga negosyo.

18.

Alin ang HINDI katangian ng isang pamilihan na may ganap na kompetisyon?

a)

marami ang nagtitinda at mamimili

b)

magkakapareho ang mga produktong itinitinda

c)

magkakaiba ang presyo ng produktong itinitinda

d)

malaya ang paggawala ng mga salik ng produksyon

19.

Nalaman ni Ginoong Pablo, may-ari ng isang pabrika ng pantalon, na itinaas ng pamahalaan ang minimum wage sa buong bansa. Ano ang posibleng epekto nito sa supply curve ng pantalonong itinitinda niya?

a)

gagalaw ang kurba ng suplay pataas

b)

gagalaw ang kurba ng suplay pababa

c)

lilipat ang kurba ng suplay sa kanan

d)

lilipat ang kurba ng suplay sa kaliwa

20.

Si Janna, isang motorista, ay nabalitaan magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina bukas. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Janna, ano ang iyong gagawin?

a)

Hindi na aalis ng bahay upang hindi na gumastos pa sa gasolina.

b)

Bibili na ngayon ng gasolina habang wala pang pagbabago sa presyo nito.

c)

Maglalakad na lamang papunta sa kanyang destinasyon upang makatipid.

d)

Manghihingi na lamang ng karagdagang pera sa magulang upang makabili ng gasolina para sa kanyang sasakyan.

21.

Isa sa mahalagang ahensya ng pamahalaan ang Department of Trade and Industry na siyang nagpapatupad ng tinatawag na suggested retail price sa pamilihan. Kung ikaw ay isang negosyante, paano mo maipakikita ang pagsunod sa mga patakaran na ipinapatupad ng DTI?

a)

Sundin ang mga presyong ipinapatupad ng DTI kahit na wala kang maaarin tubo ang negosyo.

b)

Magpatupad ng sariling presyo sa bawat produktong iyong pinagbebenta upang makamit ang minimithing tubo sa negosyo.

c)

Pagpapanatili na ang presyo ng mga pangunahing produkto ay naaayon sa ipinatutupad na presyo ng DTI sa loob ng pamilihan.

d)

Hindi na lamang irerehistro ang negosyo sa pamahalaan upang hindi madiktahan ang magiging presyo ng mga ibebentang produkto o serbisyo.

22.

Para sa bilang 38, pagbabatayan ang demand schedule at demand function na nasa ibaba. Demand Schedule ng Phone Case; Demand Function: Qd = 450 − 3P Punto A: Presyo 135, QD ____

a)

40

b)

45

c)

50

d)

55

23.

Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na bumili ng bigas. Dati, kapag binibigyan ka ng 400 piso, nakabibili ka ng 10 kilo ng bigas dahil ang presyo bawat kilo ay 40 piso. Subalit nang pumunta ka sa palengke ngayong araw, nakabili ka na lamang ng 8 kilo sapagkat tumaas ang presyo sa 50 piso kada kilo. Ang ibinigay pa rin ng iyong nanay ay 400 piso. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang elastisidad ng demand ng bigas?

a)

0.22

b)

2.22

c)

-2.22

d)

1

24.

Batay sa iyong sagot sa bilang 39, ano ang elastisidad ng demand?

a)

elastic na demand

b)

inelastic na demand

c)

unitaryong demand

d)

ganap na elastic na demand

25.

Para sa bilang 41, pagbabatayan ang supply schedule at supply function na nasa ibaba. Supply Schedule ng Ballpen; Supply Function: Qs = -60 + 5P Punto A: Presyo 15, QS ____

a)

14

b)

15

c)

16

d)

17

26.

Malaki ang bahaging ginagampanan ng pwersa ng demand at suplay sa ikaunlad ng pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng diwang ito?

a)

Sa tulong ng pagsusuri ng mga sistema ng demand at suplay, nauuri ang mga pangkat sa lipunan.

b)

Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangan sundin nito ang sistema ng demand at suplay.

c)

Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig ng tao ay mahalaga kaya’t dapat ipagpatuloy ang produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa bansa.

d)

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng konsepto ng demand at suplay, nagkakaroon ang mga mamamayan ng matalinong pagdedesisyon sa mga pwersa ng demand at suplay at sa sistema ng pamilihan.

27.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng oversupply ng carrots na ibinebenta ng ilang mga magsasakang Ifugao. Dahil dito, marami sa mga carrots ang nabulok at hindi na napakinabangan. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mga magsasaka, ano ang nararapat na gawin upang hindi na maulit ang ganitong pangyayari?

a)

Dalhin at ibenta sa murang halaga sa mga lugar kung saan may mababang suplay ng carrots.

b)

Hayaang ang pamahalaan ang maghanap ng maaaring pagbentahan ng mga produktong naani.

c)

Bawasan ang sobrang pagtatanim ng mga carrots upang maiwasan ang ganitong suliranin sa suplay ng produkto.

d)

Ipamahagi na lamang ito sa mga foundations o charity institutions upang mapakinabangan ito ng mga taong nangangailangan.

28.

Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo ay mataas ang quantity demanded para sa produkto. Bilang isang matalinong konsyumer, kinakailangan ba talaga nating bilhin ang lahat ng mga produktong binebenta sa murang halaga?

a)

Oo, dahil makatipid ang mga mamimili dahil sa murang presyo.

b)

Oo, dahil makatutulong tayo sa mga prodyuser na sila ay kumita kung tayo ay gagastos.

c)

Hindi, dahil ang lahat ng mga produkto at serbisyong ibinebenta sa murang halaga ay hindi magaganda ang kalidad.

d)

Hindi, dahil kinakailangan muna nating isaalang-alang kung ang mga produkto at serbisyong ito ba ay tunay nating mapapakinabangan at magagamit sa araw-araw.

29.

Laging inaabangan ni Melchor ang mga sale na produkto sa online shopping platforms na Lazada at Shopee. Gustung gusto niyang binibili ang mga produktong nasa piso deals at may malalaking discounts kahit na hindi naman niya ito gagamitin. Sa iyong palagay, tama ba ang ganitong pag-uugali ni Melchor?

a)

Oo, dahil malaki ang natitipid niya sa mga produktong kanyang binibili.

b)

Hindi, dahil mababa naman ang kalidad ng mga produktong bagsak-presyo.

c)

Oo, dahil minsan lamang mabuhay ang tao kaya naman dapat na niyang bilhin ang lahat ng mga bagay na kaniyang gusto.

d)

Hindi, dahil dapat isipin mabuti ng mamimili kung masusulit at magagamit niya nang husto ang isang produkto bago ito bilhin upang hindi ito masayang.

30.

Maraming mga negosyante ang naniniwala na magtatagumpay lamang sila kung mayroon silang dagdag na puhunan o mapag-uutangan. Sa pang-ekonomikong pananaw, tama ba ang paniniwalang ito?

a)

Tama, sapagkat makakatulong ito upang mapalago ang kumpanya.

b)

Mali, sapagkat nakasalalay sa mga mamimili ang pagkitâ ng kumpanya.

c)

Mali, sapagkat ang suliranin ay maaaring malutas sa tamang pamamahala.

d)

Tama, sapagkat kung mas malaki ang puhunan mas maraming magagawang produkto at mas malaki ang kikitain.

31.

Sa isang pamilihan na mayroong ganap na kompetisyon, walang kapangyarihan ang sinumang prodyuser na palitan o baguhin ang presyo ng produkto o serbisyong kanilang itinitinda. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng posibleng epekto nito sa pamilihan?

a)

Ang mga prodyuser ay hindi nahihikayat na magpasok ng maraming produkto.

b)

Pagkakaroon ng pagkakataon na makakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser.

c)

Nagkakaroon ng kakayahan ang mga prodyuser na babaan ang kalidad ng kanilang produkto.

d)

Nagkakaroon ng sigla ang kompetisyon sa pamilihan sapagkat marami ang konsyumer at prodyuser.

32.

Nitong Enero 2023, nakaranas ang ating bansa ng kakulangan ng suplay ng sibuyas. Napabalita na binibili ng mga middlemen ang sibuyas sa mga magsasaka sa murang halaga ngunit ibinebenta nila ito ng 500 pesos hanggang 700 pesos kada kilo sa mga pamilihan. Bilang isang mamimili, makatarungan ba ang nabanggit na sitwasyon?

a)

Oo, dahil matutulungan nito ang mga middlemen na matamo ang pinakamalaking posibleng tubo.

b)

Hindi, dahil ipinakikita nito na hindi pinapahalagahan ng pamahalaan ang mga karapatan ng mamimili sa pamilihan.

c)

Hindi, sapagkat ang ganitong uri ng gawain ay nagpapakita ng panlalamang ng mga prodyuser sa mamimili sa pamilihan.

d)

Oo, dahil ang kikitain ng mga middlemen sa mga binebentang sibuyas ay makatutulong sa pagpapalago ng lokal na sibuyas sa ating bansa.