wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Second Periodical Exam in Filipino

Total questions: 60

Worksheet time: 3600secs

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng paggawa ng feasibility study?

a)

Upang makalikha ng malikhaing akda

b)

Upang malaman kung maisasakatuparan ang isang proyekto

c)

Upang makagawa ng naratibong ulat

d)

Upang makilala ang mga mamimili

2.

Ano ang ibig sabihin ng “feasibility” sa konteksto ng negosyo?

a)

Pagpaplano ng estratehiya

b)

Pagtataya sa posibilidad ng tagumpay

c)

Pagpapalaganap ng produkto

d)

Pagpapatupad ng proyekto

3.

Saan inilalawaran ang uri ng produkto o serbisyong ibebenta sa isang feasibility study?

a)

Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo

b)

Layunin

c)

Pagtuutos ng Pondo

d)

Mga Rekomendasyon

4.

Ano ang pangunahing gamit ng Apendise sa feasibility study?

a)

Nagsisilbing pagsusuri ng kita

b)

Nilalaman nito ang mga formularyo at permit

c)

Nagsisilbing introduksiyon ng proyekto

d)

Dito inilalahad ang kabuuang badyet

5.

Bakit mahalagang kilalanin ang mga mamamahala sa negosyo?

a)

Upang malaman ang kikitain

b)

Upang maityak ang daloy ng proseso

c)

Upang malinaw ang hatian ng tungkulin

d)

Upang mapabilis ang produksiyon

6.

Batay sa halimbawa ng “Labada Tres Sesenta,” ano ang naging batayan sa pagpili ng lokasyon ng negosyo?

a)

Malapit ito sa mga paaralan at tirahan ng mag-aaral

b)

Mataas ang renta sa lugar

c)

Malayo sa mga katunggali

d)

Maganda ang tanawin

7.

Kung ang gastos ng negosyo ay mas mataas kaysa sa kita, anong bahagi ng feasibility study ang dapat suriin muli?

a)

Layunin

b)

Deskripsyon ng Produkto

c)

Pagtuutos at Paglalaan ng Pondo

d)

Mga Rekomendasyon

8.

Sa pagsusuri ng kikitain, bakit kailangang gumawa ng income statement?

a)

Upang ipakita ang sukat ng kita at gastos

b)

Upang makilala ang mga supplier

c)

Upang malaman ang dami ng produkto

d)

Upang masukat ang kalidad ng serbisyo

9.

Ano ang ipinahihiwatig ng paggamit ng SWOT Analysis sa pag-aaral ng feasibility study?

a)

Ang layuning pang-akademiko

b)

Ang pagsusuri sa kalakasan, kahinaan, oportunidad, at banta ng negosyo

c)

Ang pagtataya ng gastos

d)

Ang pagsasaayos ng estruktura ng negosyo

10.

Ano ang magiging epekto kung hindi gagamit ng angkop na wikang teknikal sa feasibility study?

a)

Mas magiging malikhaing ang sulatin

b)

Magiging hindi malinaw at propesyonal ang dokumento

c)

Mas madaling mauunawaan ng lahat

d)

Mas maikli ang sulatin

11.

Kung ikaw ay magtatayo ng milk tea shop, aling bahagi ng feasibility study ang magpapakita kung saan mo ito itatayo?

a)

Deskripsyon ng Lokasyon

b)

Pagsusuri ng Pamilihan

c)

Pagpaplano ng Marketing

d)

Finansyal na Pagsusuri

12.

Kung nais mong ipakita ang sunod-sunod na gawain mula sa pagbuo hanggang sa paglulunsad ng negosyo, ano ang dapat mong gamitin?

a)

Talahanayan

b)

Gantt chart o flowchart

c)

Listahan ng gastusin

d)

Talaan ng layunin

13.

Sa pagsisimula ng negosyo, anong dokumento ang dapat unang kunin upang maging legal ang operasyon?

a)

DTI Business Permit

b)

BIR Form

c)

SEC Registration

d)

SSS Form

14.

Bilang estudyante sa strand ng Home Economics, paano mo magagamit ang feasibility study sa iyong larangan?

a)

Sa paggawa ng proyekto o negosyo tulad ng kainan o cake shop

b)

Sa pagsulat ng maikling kwento

c)

Sa paggawa ng personal na sanaysay

d)

Sa pagsulat ng liham pangangalakal

15.

Kung mapapansin mong hindi sapat ang kita ng iyong negosyo, anong bahagi ng feasibility study ang dapat mong baguhin o dagdagan?

a)

Estratehiya sa Pagbebenta

b)

Deskripsyon ng Produkto

c)

Apendise

d)

Layunin

16.

Ano ang pangunahing layunin ng dokumentasyon sa paggawa ng isang produkto?

a)

Upang makalikha ng malikhaing akda

b)

Upang magbigay gabay sa paggawa ng isang bagay o produkto

c)

Upang ipakita ang gastos ng proyekto

d)

Upang mailata ang mga ideya ng tagapagsalita

17.

Alin sa mga ito ang HINDI dapat taglayin ng dokumentasyon sa paggawa ng produkto?

a)

Kronolohikal na ayos ng mga hakbang

b)

Pormal na wika

c)

Larawang pantulong

d)

Malikhaing tula

18.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng larawan o ilustrasyon sa dokumentasyon?

a)

Upang mapaganda ang disenyo ng pahina

b)

Upang magbigay linaw sa ipinapakitang proseso

c)

Upang magdagdagan ang haba ng ulat

d)

Upang ipakita ang pangalan ng gumawa

19.

Ano ang antas ng wika na ginagamit sa pagsulat ng dokumentasyon?

a)

Kolokyal

b)

Balbal

c)

Pormal

d)

Impormal

20.

Bakit kailangang tiyak at payak ang pagkakabuo ng mga pangungusap sa dokumentasyon?

a)

Upang mas madaling maunawaan ng babasa ang bawat hakbang

b)

Upang mapaganda ang estilo ng pagsulat

c)

Upang maipakita ang lalim ng bokabularyo

d)

Upang maging makilala ang nilalaman

21.

Bakit kailangang kronolohikal ang ayos ng mga hakbang sa dokumentasyon?

a)

Upang hindi magkamali sa paggawa

b)

Upang magdagdagan ang dami ng hakbang

c)

Upang mapaganda ang disenyo ng dokumento

d)

Upang madaling matandaan ang bawat salita

22.

Kung ang dokumentasyon ay hindi naglalaman ng eksaktong kagamitan, anong aspeto ang dapat baguhin?

a)

Nilalaman

b)

Wika

c)

Layunin

d)

Disenyo

23.

Ano ang maaaring maging resulta kung hindi malinaw ang bawat hakbang sa dokumentasyon?

a)

Mabilis matapos ang proyekto

b)

Magkakaroon ng kalituhan sa paggawa

c)

Madadagdagan ang kita

d)

Lalaki ang tiwala ng mambabasa

24.

Ano ang ipinahihiwatig kapag pormal ang wikang ginamit sa dokumentasyon?

a)

Ipinapakita ang pagiging propesyonal at maayos na pagsulat

b)

Ipinapakita ang damdaming emosyonal ng manunulat

c)

Pinabaha lamang ang dokumento

d)

Ginawang masaya at di-pormal ang tono

25.

Ano ang kahinaan ng dokumentasyong hindi gumagamit ng larawan o ilustrasyon?

a)

Nagiging mahirap sundan ang mga hakbang

b)

Nagmumukhang propesyonal ang dokumento

c)

Nabibigyang-diin ang bawat proseso

d)

Mas madaling basahin ng mambabasa

26.

Kung ikaw ay gagawa ng dokumentasyon para sa “paggawa ng paper bag,” ano ang unang dapat isulat?

a)

Mga Kagamitan o Materyales

b)

Layunin ng Produkto

c)

Repleksyon

d)

Pamagat

27.

Kung ikaw ay magsusulat ng dokumentasyon para sa “paggawa ng keychain,” paano mo ipapakita ang bawat hakbang?

a)

Sa tulong ng larawan o flowchart

b)

Sa pamamagitan ng tula

c)

Sa mahabang sanaysay

d)

Sa pamamagitan ng liham

28.

Bilang isang estudyante, paano mo magagamit ang paggawa ng dokumentasyon sa araw-araw na buhay?

a)

Sa pagsunod sa tamang proseso ng proyekto o gawain bahay

b)

Sa pagsulat ng kwento

c)

Sa paggawa ng liham pangkalakalan

d)

Sa pagbibigay ng talumpati

29.

Kung gagawa ka ng dokumentasyon sa paggawa ng “herbal soap,” alin ang pinakanamian na wika?

a)

Kolokyal at palakaibigan

b)

Balbal at mabilis basahin

c)

Pormal, payak at tiyak

d)

Maliki at walang paliwanag

30.

Sa paggawa ng dokumentasyon sa “face shield,” ano ang dapat mong tiyakin bago ito isumite?

a)

May larawang pantulong, tiyak ang hakbang, at maayos ang wika

b)

Maikli at mabilis basahin kahit walang detalye

c)

May malikhaing pamagat ngunit walang proseso

d)

May luyang kwent kulang sa impormasyon

31.

Ano ang pangunahing layunin ng paunawa, babala, at anunsyo?

a)

Magbigay ng libangan sa mga tao

b)

Magpahayag ng opinyon ng pamahalaan

c)

Maghatid ng mahahalagang impormasyon sa publiko

d)

Magpakilala ng bagong produkto

32.

Ano ang tawag sa pangkalahatang grupo na kinabibilangan ng paunawa, babala, at anunsyo?

a)

Infographics

b)

Patalastas

c)

Pamphlet

d)

Balita

33.

Alin sa mga sumusunod ang naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa isang mahalagang pangyayari?

a)

Pagsasalaysay

b)

Talumpati

c)

Sanaysay

d)

Balita

34.

Alin sa mga ito ang karaniwang naglalaman ng mga detalye gaya ng petsa, oras, at lugar?

a)

Paunawa

b)

Babala

c)

Anunsyo

d)

Liham

35.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng wika sa paunawa at babala?

a)

Mahaba at masining

b)

Matalinghaga at masalimoot

c)

Tiyak, simple, at madaling maunawaan

d)

Maligoy at pormal

36.

Bakit mahalagang isaalang-alang ang hitsura sa pagbuo ng menu?

a)

Dahil ito ang batayan ng presyo ng pagkain

b)

Dahil nakahihikayat ito sa mga tagatangkilk na umorder

c)

Dahil ito ay nagpapakita ng nutritional value

d)

Dahil ito ay karaniwang bahagi ng disenyo lamang

37.

Ano ang epekto kung masyadong mahaba at maraming teksto ang isang menu?

a)

Mas magiging malinaw ito sa mga mamimili

b)

Mas magaganyak ang mga mamimili na magbasa

c)

Maaaring mawala ang atensyon ng mamimili sa pagkain

d)

Mas magiging kaaya-aya itong tingnan

38.

Ano ang dahilan ng tekstura sa hitsura ng pagkain sa isang menu?

a)

Ang tekstura ay tungkol sa lasa ng pagkain at hindi sa amoy

b)

Pareho silang tumutukoy sa nutritional value

c)

Pareho silang nagbibigay ng karagdagang atraksyon sa mga mamimili

d)

Ang tekstura ay hindi mahalagang isama sa paglalarawan

39.

Bakit itinuturing na teknikal na komunikasyon ang menu?

a)

Dahil ito ay ginagamit lamang ng mga chef

b)

Dahil ito ay naglalaman ng mga teknikal na termino sa pagluluto

c)

Dahil sinusulat nito ang kahusayan sa wika at malikhaing paglalarawan

d)

Dahil ito ay limitado sa impormasyong ng pagkain lamang

40.

Ano ang maaaring maging epekto kung mali ang pagbabaybay o may typographical error sa menu?

a)

Mas magiging kakaiba ito sa paningin ng mamimili

b)

Walang epekto basta malinaw ang larawan

c)

Maaaring magmukhang hindi propesyonal ang restawran

d)

Mas mapansin ang menu ng mga tagatangkilk

41.

Saan napabilang ang ice cream sa mga uri ng pagkain?

a)

Pampagana

b)

Panghimagas

c)

Sabaw

d)

Ulam

42.

Alin sa sumusunod ang HINDI dapat ilagay sa isang menu ng pagkain?

a)

Larawan

b)

Presyo

c)

Sangkap

d)

Tagaluto

43.

“Ano ang lamanin ng menu?” Sa anong hakbang ng pagsulat ng menu ito makikita?

a)

Pagpaplano

b)

Reproduksyon

c)

Rebisyon

d)

Pagsusulat at lay-out

44.

Ano ang angkop na salitang naglalarawan sa pagkain sa ibaba? “Chicharon”

a)

Maasim

b)

Malambot

c)

Malutong

d)

Matamis

45.

“Naayon ba na ang font size at font face para sa menu?” Sa anong elemento ng pagsulat ng menu ito makikita?

a)

Pagpaplano

b)

Reproduksyon

c)

Rebisyon

d)

Pagsusulat at lay-out

46.

Sa anong hakbang ng pagsulat ng menu ginagawa ang paglalathala ng menu?

a)

Pagpaplano

b)

Pagsusulat

c)

Rebisyon

d)

Reproduksyon

47.

Anong prinsipyo ng paggawa ng menu ng pagkain ang dapat iwasan?

a)

Personalidad ng pagkain ilalarawan

b)

Tema na bumabagay sa restawran

c)

Paggamit ng artipisyal na sahog

d)

Paggamit ng tiyak na salita

48.

Anong pangunahing pamantayan ang tumutukoy sa pagkakahiab ng pagkain na nakikita sa menu at kung gaano kaartistiko ang pagkakalahad upang mas maging kapana-panabik ito sa tagatangkilk?

a)

Hitsura

b)

Larawan

c)

Lasa

d)

Tekstura

49.

Anong pangunahing pamantayan ang dahilan kung bakit binabalik-balikan ng mga tagatangkilk ang produkto?

a)

Hitsura

b)

Larawan

c)

Lasa

d)

Tekstura

50.

Ano ang tawag sa pamantayan ng paggawa ng menu ng pagkain ang naglalayong palawakin ang tumitingin sa litrato upang masigurong pipiliin ng tagatangkilk ang pagkain na kaniyang makita?

a)

Hitsura

b)

Larawan

c)

Lasa

d)

Tekstura

51.

Alin sa sumusunod ang nabibilang sa pampagang uri ng pagkain?

a)

Pritong bangus

b)

Manggang hilaw

c)

Tinolang manok

d)

Adobong baboy

52.

Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng isang menu ng pagkain?

a)

Malinaw at maayos

b)

Mahusay at detalyado

c)

Orihinal at may pagkamalahikan

d)

Ginagamitan ng kahit anong salita

53.

Ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng menu ng pagkain?

a)

Paboritong pagkain ng sumulat ng menu

b)

Pagsunod sa dietary restrictions ng tao

c)

Iba't ibang lutuin mula sa iba't ibang bansa

d)

Personal na opinion ng sumulat ng menu

54.

54. Piliin kung paano dapat i-organize ang mga pagkain sa menu.

a)

Ayon sa uri ng pagkain (appetizer, main course, dessert, etc.)

b)

Ayon sa presyo ng pagkain

c)

Ayon sa kulay ng pagkain

d)

Ayon sa laki ng serving

55.

Ano ang layunin ng pagsulat ng maikling paglalarawan ng bawat pagkain sa menu?

a)

Ipakita ang iba’t ibang uri ng pagkain

b)

Magbigay ng impormasyon sa bawat pagkain

c)

I-highlight ang sariling specialty ng bawat pagkain

d)

Gawing mahirap maintindihan ang menu

56.

Ano ang katuturan ng “daily specials” sa isang menu?

a)

Pagkain na may special na sangkap tuwing araw ng linggo

b)

Pagkain na ginagawa tuwing pasko at bagong taon

c)

Iba’t ibang special events kung kailan maaaring kumain ng special na pagkain

d)

Pagkain na nagbabago araw-araw batay sa available na sangkap

57.

Habang gumagawa ka ng dokumentasyon ng proyekto, napansin mong magulo ang pagkakasunod ng mga hakbang. Ano ang pinakamainam mong gawin upang ito ay maging malinaw sa mga mambabasa?

a)

Hayaan na lamang dahil pareho rin naman ang laman

b)

Baguhin ang pagkakasunod-sunod upang maging ayon sa tamang kronolohiya

c)

Dagdagan ng maraming larawan upang mas mapansin

d)

Tanggalin ang ilang hakbang upang mapadali

58.

Kung ikaw ay nagsusulat ng dokumentasyon ng paggawa ng produktong “recycled bag,” paano mo mapapadali ang pag-unawa ng mga mambabasa?

a)

Gumamit ng masalimuot na mga salita upang magmukhang propesyonal

b)

Gumamit ng payak at malinaw na wika, at maglagay ng mga larawan sa bawat hakbang

c)

Ilista lamang ang mga kagamitan at tapusin agad ang dokumento

d)

Magkuwento nang detalyado tungkol sa iyong karanasan sa paggawa

59.

Habang sinusulat mo ang dokumentasyon ng paggawa ng flower vase mula sa recycled materials, napansin mong may ilang larawan na hindi tumutugma sa hakbang na inilalarawan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Iwan na lang ang mga larawan upang hindi na maantala ang pagsumite

b)

Panatilihin ang mga larawan kahit mali para may laman ang dokumento

c)

Palitan o ayusin ang mga larawan upang tumugma sa bawat hakbang ng paggawa

d)

Alisin na lang lahat ng larawan upang mas simple ang dokumento

60.

Kung ikaw ay tagapagsuri ng dokumentasyon at napansin mong hindi formal ang ginamit na wika sa ulat ng proyekto, ano ang pinakamainam mong ipayo sa may-akda?

a)

Pabayaan na lamang dahil naiintindihan naman ang nilalaman

b)

Baguhin ang wika upang maging pormal, payak, at malinaw para sa mga mambabasa

c)

Dagdagan ng mga salitang banyaga upang magmukhang teknikal

d)

Gawing mas mahaba ang bawat paliwanag para mas detalyado