wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

M5F4-REBOLUSYON NI AGUINALDO

Total questions: 10

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang TAMA ayon sa konstitusyon ng Republika ng Biak-na-Bato na itinatag noong Nobyembre 1, 1897?

a)

Ang konstitusyon ay epektibo nang walang takdang panahon at layunin ang reporma sa ilalim ng Espanya.

b)

May bisa lamang ang konstitusyon sa loob ng dalawang taon at layunin ang ganap na paghihiwalay mula sa Espanya at pagtatatag ng malayang estado.

c)

Itinatag ang konstitusyon noong 1895 at hango sa Konstitusyon ng Estados Unidos.

d)

Layunin ng konstitusyon ang pansamantalang tigil-putukan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol.

2.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kapangyarihan ng Supreme Council sa Republika ng Biak-na-Bato?

a)

Magpatupad ng batas

b)

Magpatakbo ng mga operasyong militar

c)

Magpatupad ng kaparusahan nang walang paglilitis

d)

Magpataw at mangolekta ng buwis

3.

Bakit kusang-loob na tumungo si Heneral Emilio Aguinaldo sa Hong Kong matapos malagdaan ang mga dokumento ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?

a)

Bilang bahagi ng kasunduan na pumapayag sa kanyang paglisan kasama ang kapwa rebolusyonaryo

b)

Upang personal na mangalap ng buwis para sa Biak-na-Bato

c)

Dahil inutusan siya ng Spanish Cortes na magsumite ng petisyon

d)

Upang tumakas sa pananagutan sa mga sibilyang naapektuhan

4.

Alin sa mga sumusunod ang tamang kabuuang halagang aktwal na naibigay ng Espanya bilang indemnidad sa ilalim ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?

a)

₱1,700,000

b)

₱600,000

c)

₱400,000

d)

₱200,000

5.

Ayon sa datos, magkano ang natanggap ni Emilio Aguinaldo mula sa indemnidad at ano ang ginawa niya rito?

a)

₱400,000; itinago sa Cavite para sa personal na gamit

b)

₱200,000; ipinamahagi sa mga sundalo

c)

₱400,000; itinago sa mga bangko sa Hong Kong para sa muling pakikibaka

d)

₱1,100,000; ibinalik sa Espanya

6.

Alin sa sumusunod ang HINDI nangyari matapos ang Kasunduan sa Biak-na-Bato noong 1898, batay sa mga tala?

a)

Nagpatuloy ang mga pag-aalsa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

b)

Nagkaroon ng masaker sa Camba Street.

c)

Naging permanente ang kapayapaan sa buong kapuluan.

d)

Pinangunahan ni Leon Kilat ang pag-aalsa sa Cebu.

7.

Sino ang pinuno ng puwersang pandagat ng Amerika na sumalakay sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898, at ano ang naging kinalabasan para sa Espanya?

a)

Admiral Patricio Montojo; nanalo ang Espanya at lumubog ang mga barkong Amerikano.

b)

Commodore George Dewey; nilubog ang buong puwersa ng Espanya nang walang barkong Amerikano ang nawala.

c)

General Francisco Makabulos; nagwagi ang Espanya at napanatili ang kapangyarihan nito.

d)

Pedro Paterno; naputol ang labanan at nagkasundo sa tigil-putukan.

8.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangunahing tauhang nakipag-ugnayan kay Emilio Aguinaldo bago ang kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1898?

a)

G. E. Spencer Pratt, American consul-general sa Singapore

b)

G. Rounceville Wildman, American consul-general sa Hong Kong

c)

G. William Gray, negosyanteng Briton na nagsilbing tagapagsalin

d)

Commodore George Dewey, Spanish admiral sa Maynila

9.

Alin sa mga sumusunod ang tamang kronolohiya ng mga pangyayaring naganap noong 1898 na nagpakita ng ugnayan sa pagitan ng rebolusyong Pilipino at mga Amerikano?

a)

Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12) → Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24)

b)

Labanan sa Look ng Maynila (Mayo 1) → Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24) → Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12)

c)

Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24) → Labanan sa Look ng Maynila (Mayo 1) → Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12)

d)

Pagpapahayag ng Kalayaan (Hunyo 12) → Labanan sa Look ng Maynila (Mayo 1) → Pagkatatag ng Diktatoryal na Pamahalaan (Mayo 24)

10.

Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga probisyon ng Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898?

a)

Isinuko ng Espanya sa U.S. ang Pilipinas, Guam, at Puerto Rico

b)

Nagbayad ang U.S. ng $20 milyon sa Espanya

c)

Umalis ang Espanya sa Cuba

d)

Itinakda ng Kongreso ng Pilipinas ang katayuang sibil at pampolitika ng mamamayan