WorksheetsMAKABANSA 2 Q2 REVIEWER
Total questions: 31
Worksheet time: 2hrs 33mins
Ano ang tinutukoy na pamumuhay, paniniwala, at kaugalian ng mga tao?
Komunidad
Kultura
Kasuotan
Bakit mahalagang alamin ang kultura ng isang lugar?
Upang makilala ang pagkakakilanlan
Para makipaglaro
Para maglibang
Ang bahay kubo ay halimbawa ng _______.
Kulturang materyal
Awitin
Laro
Alin sa mga ito ang kulturang di-materyal?
Bahay
Kasuotan
Pagmamano
Bakit mahalaga ang pagmamano sa matatanda?
Ipinapakita ang paggalang
Para makakuha ng pera
Dahil utos ng guro
Ang barong Tagalog ay halimbawa ng _______.
Kulturang materyal
Kulturang di-materyal
Laro
Ang "Bahay Kubo" ay isang _______.
Awiting bayan
Laro
Kasuotan
Ano ang kulturang materyal sa kapistahan?
Simbahan at dekorasyon
Paniniwala
Alin sa mga ito ang hindi kulturang materyal?
Baro't saya
Awiting bayan
Ano ang halimbawa ng kulturang di-materyal sa pamilya?
Pagluluto ng espesyal na pagkain
Pagmamano
Ano ang kuwentong bayan?
Kuwento tungkol sa pinagmulan ng isang bagay
Kuwento ng guro
Alin sa mga sumusunod ang paniniwala ng mga Pilipino?
Kapag umuulan at maaraw, may kasal ng tikbalang
Maglakad araw-araw
Ano ang awiting bayan na tumatalakay sa gulay?
Bahay Kubo
Ako ay Pilipino
Leron Leron Sinta
Ang tinikling ay anong uri ng sining?
Sayaw
Laro
Pagkain
Paano mo pinapahalagahan ang kuwentong bayan?
Ikwento sa iba
Kalimutan
Hindi pakinggan
Ano ang kahulugan ng pagkakakilanlan?
Katangian ng tao o grupo
Uri ng laro
Paano nakatutulong ang kultura sa pagkakakilanlan?
Ipinapakita ang katangian ng komunidad
Pinapahinto ang kasiyahan
Bakit dapat pahalagahan ang kulturang Pilipino?
Dahil ito ay ating pagkakakilanlan
Dahil luma na ito
Ano ang dapat gawin sa lumang kagamitan sa bahay?
Linisin at ingatan
Itapon
Paano pinapahalagahan ang pagkain ng komunidad?
Ibahagi sa pamilya at ipagmalaki
Itapon
Huwag kainin
Ano ang bantayog na nagpapakita ng kasaysayan ng bansa?
Rizal Monument
Palengke
Bakit mahalaga ang mga antigong bagay?
Dahil simbolo ito ng kultura
Dahil luma
Dahil dekorasyon
Ang bahay kubo ay gawa sa kawayan at nipa.
Ano ang ipinapakita nito?
Pagkamalikhain ng Pilipino
Pagiging tamad
Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sining at sayaw ng komunidad?
Isabuhay at ipagmalaki
Kalimutan
Hindi gawin
Bakit mahalagang ituro ang kultura sa mga bata?
Para mapagtuloy ito sa susunod na henerasyon
Para mawala ito
Para makalimutan
Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa awiting-bayan?
Awitin ito sa mga programa
Tawanan
Kalimutan
Ano ang dapat gawin sa alamat ng lugar ninyo?
Ikuwento sa iba
Itago sa lihim
Kalimutan
Ano ang maaaring mangyari kung hindi pahahalagahan ang kultura?
Mawawala ang pagkakakilanlan
Magiging masaya ang lahat
Paano mo mapapangalagaan ang kultura ng iyong komunidad?
Pagsunod at paggalang sa tradisyon
Pag-iwas sa mga kaugalian
Pagkakalimot
Anong larong pinoy ang may layunin na patumbahin ang lata gamit ang tsinelas bago pa man mapatayo ng taya.
luksong baka
piko
Ano ang dapat gawin sa lumang banga?
Basagin
Linisin at ingatan
