WorksheetsFPL PRACTICE QUIZ FOR FINALS
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Si Liza ay pumili ng paksang “Pagtaas ng Tuition Fee sa Kolehiyo” dahil mainit itong isyu sa lipunan. Anong hakbang ng pagsulat ang kanyang ginawa?
Pagbuo ng paninindigan
Pagkolekta ng ebidensya
Pagpili ng paksa
Pagsusuri ng datos
Ang pagbanggit ng mga argumento ng kabilang panig bago ihayag ang sariling opinyon ay bahagi ng:
Introduksiyon
Katuwiran ng kabilang panig
Sariling katuwiran
Konklusyon
“Naniniwala ako na mahalaga ang AI sa edukasyon ngunit dapat itong gamitin nang may limitasyon.” Ito ay halimbawa ng:
Katibayan
Balangkas
Katuwiran
Paninindigan
Kapag ginawa ng manunulat ang balangkas bago sumulat, layunin niyang:
Magkaroon ng lohikal na daloy ng ideya
Mapahaba ang papel
Makakuha ng opinyon
Makasulat agad nang mabilis
Ang paggamit ng mga salitang magalang at lohikal ay tanda ng:
Paggalang sa kabilang panig
Pagtanggi sa ideya
Pagiging emosyonal
Pagpili ng paksa
“Hindi sapat ang pagbabawal sa social media; dapat turuan ang kabataan ng tamang paggamit.” Ito ay isang halimbawa ng:
Katibayan
Paninindigan
Katuwiran
Konklusyon
Ang layunin ng posisyong papel ay:
Manghikayat sa isang panig
Mag-ulat ng datos
Magpatawa sa mambabasa
Magpakita ng larawan
Bago ipahayag ang sariling pananaw, dapat munang isagawa ng manunulat ang:
Pananaliksik sa isyu
Pagkuha ng larawan
Pagpapahayag ng emosyon
Pagsusuri ng balangkas
Kapag ginamit ng manunulat ang mga sipi mula sa eksperto, ito ay tinatawag na:
Introduksiyon
Katibayan
Muling paninindigan
Konklusyon
Ang isang posisyong papel ay itinuturing na mabisa kung ito ay:
Batay sa katotohanan at lohika
Mahaba ngunit walang datos
Puro emosyon lamang
Walang batayan
Ang bahagi ng panukalang proyekto na naglalaman ng paliwanag kung bakit kailangan ang proyekto ay tinatawag na:
Petsa
Katawan
Rasyonal
Deskripsyon
“Ang proyektong ito ay isasagawa sa loob ng tatlong linggo.” Ang pangungusap ay kabilang sa bahaging:
Petsa
Pakinabang
Katawan
Konklusyon
Kung ang may-akda ay naglalahad ng mga hakbang sa pagsasagawa ng proyekto, tinutukoy niya ang:
Plan of Action
Rasyonal
Pamagat
Proponent
“Makikinabang dito ang buong pamayanan dahil sa mas malinis na kapaligiran.” Ito ay bahagi ng:
Panimula
Petsa
Katawan
Pakinabang
Kapag tinutukoy ang mga taong kasangkot sa proyekto, ito ay nasa bahaging:
Proponent
Layunin
Katawan
Rasyonal
Kung mali ang budget computation sa panukala, ang maaaring epekto ay:
Mas mabilis na pag-apruba
Kawalan ng tiwala ng tagatanggap
Mas magandang resulta
Mas mahaba ang proyekto
Ang panukalang proyekto ay dapat maging:
Organisado, makatotohanan, at malinaw
Maligoy at magulo
Pormal at mahirap basahin
Puro emosyon
“Panukala para sa Brigada Eskwela 2025 sa Paaralang Mabini” ay isang halimbawa ng:
Rasyonal
Pamagat
Proponent
Kongklusyon
Sa panukala, ang pagsulat ng buod ng mga benepisyo sa huling bahagi ay kabilang sa:
Katawan
Kongklusyon
Panimula
Rasyonal
Ang pinakaunang bahagi ng panukala na nagbibigay ng ideya sa mambabasa tungkol sa proyekto ay:
Deskripsyon ng Proyekto
Katawan
Rasyonal
Pamagat
Si Mika ay nagsulat tungkol sa kanyang karanasan sa pag-akyat sa Mt. Pulag. Sa
kanyang sanaysay, mas binigyang-diin niya ang mga aral na natutunan niya kaysa sa
tanawin. Ano ang pokus ng kanyang lakbay-sanaysay?
Mga tala ng gastusin
Pagninilay mula sa karanasan sa paglalakbay
Listahan ng tanawin
Buod ng ulat
Kung ang manunulat ay gumagamit ng “ako” o “ko,” sumusulat siya sa:
Unang panauhang punto-de-bista
Ikatlong panauhan
Pangalawang panauhan
Impersonal na paraan
“Hindi ko malilimutan ang katahimikan ng bundok na tila kumakausap sa aking damdamin.” Ito ay halimbawa ng:
Malikhaing paglalarawan
Impormal na sanaysay
Teknikal na paglalarawan
Akademikong tono
Kapag ang layunin ng manunulat ay hikayatin ang iba na bisitahin ang lugar, ito ay:
Pagtataguyod ng lugar
Pagtuklas ng sarili
Dokumentaryo ng kultura
Patnubay sa paglalakbay
Ang pagsulat ng Visual Lakbay-Sanaysay gamit ang mga larawan at maikling talata ay halimbawa ng:
Teknikal na paraan
Akademikong pagsusuri
Malikhaing pamamaraan ng paglalahad
Pormal na ulat
Bakit mas mabisang anyo ng pagsulat ang sanaysay para sa mga karanasan sa
paglalakbay, ayon kay Nonon Carandang?
Dahil naglalaman ito ng lohikal na argumento
Dahil nakapagsasalaysay ito ng personal na karanasan nang malikhain
Dahil madali itong basahin
Dahil pormal ang tono ng sanaysay
Sa kanyang sanaysay, hindi binanggit ni Marco ang eksaktong petsa ng biyahe ngunit
malinaw niyang naipakita ang damdamin habang nasa daan. Batay sa modyul, bakit
katanggap-tanggap ito?
Dahil mas mahalaga ang emosyon kaysa impormasyon
Dahil hindi kailangan ng detalye sa lakbay-sanaysay
Dahil ang pokus ay karanasan at pagninilay, hindi talaan ng oras
Dahil ang lakbay-sanaysay ay kathang-isip lamang
Kapag sinabing “manlalakbay” sa halip na “turista,” ang ibig sabihin ay:
Mahilig kumuha ng litrato
Nagtitipid sa biyahe
Sumusunod sa iskedyul
Mas nakauunawa sa kultura at pamumuhay ng tao
Ang pagdodokumento ng kultura at kaugalian sa isang lugar ay layunin ng:
Pagtataguyod ng negosyo
Dokumentasyon ng kultura
Personal na sanaysay
Paglalakbay para sa libangan
Mahalagang tukuyin ang pokus ng lakbay-sanaysay. Alin sa mga sitwasyon ang
nagpapakita nito?
Gumamit si Lorie ng mga larawan sa bawat pahina
Nagsama si Mark ng talaan ng gastusin
Isinulat ni Pia ang lahat ng lugar na napuntahan niya, walang sentrong tema
Nagkuwento si Ryan tungkol sa isang kakaibang tradisyon ng mga lokal na
kanyang naranasan
