WorksheetsESP practice test
Total questions: 35
Worksheet time: 53mins
Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninanais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang nakatuon sa mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya ang kanyang
Dignidad
Isip
Kalayaan
Kilos loob
Mga kilos na nagaganap sa tao, kilos na likas sa tao o naaayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng kanyang isip at kilos-loob.
Kahihinatnan
Kilos loob
Kilos ng tao
Makataong kilos
Gusto mong magpabili ng laptop sa iyong mga magulang. Naisip mo na para maibili ka ay magpapakabait ka at gagawin mo ang mga gawaing bahay at mga inuutos niya. Anong elemento ito sa proseso ng pagkilos?
Pag-iisip ng paraan na makararating sa layunin
Paglalayon
Pagpili ng pinakamalapit na paraan
Pagsasakilos ng paraan
Ito ay tumutukoy sa kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman at pagkukusa.
Isip
Kilos loob
Kilos ng tao
Makataong kilos
Masipag at matalinong mag-aaral si Janna. Dahil dito madalas siyang nabibigyan ng papuri ng kanyang mga guro. May pananagutan ba si Janna kung bakit nasa kanya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kanyang mga guro?
Wala, dahil kailangan at talagang may kompetisyon sila sa klase.
Wala, dahil ginawa niya ang tungkulin ng isang mabuting mag-aaral.
Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang mga kamag-aral upang sumagot.
Oo, dahil husay niya lang lagi ang nakikita ng kaniyang mga guro.
Nakasanayan ni Sophia ang mag-inat at humikab. Isang araw, nagalit ang kanilang guro dahil napakalakas ang paghikab niya habang nagtuturo ito. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
Gawi
Kamangmangan
Karahasan
Masidhing damdamin
Nang si Rodney ay pumunta ng Japan, siya ay nahuli ng mga pulis at nakulong dahil siya ay dumura sa kalsada. Ipinagbabawal pala roon ang dumura kung saan-saan. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito?
Gawi
Kamangmangan
Karahasan
Masidhing damdamin
Nakita ni Lina ang mga kaklase niya na itinali ang bag ng isa niyang kaklase sa upuan. Nang tanungin ng guro ang klase kung sino ang gumawa nito ay walang sumasagot. Tinanong din ng guro kung mayroong nakakita ng pangyayari. Kahit nakita ito ni Lina, nanatili siyang nakayuko at tahimik sa kanyang upuan. Kung ikaw si Lina, ano ang kilos na nararapat mong gawin sa sitwasyong ito?
Mananatili ring tahimik upang makaiwas sa gulo at hindi madamay.
Magsusumbong sa mga pulis upang agad na maparusahan ang mga kaklase.
Hahayaan ang mga kaklase dahil hindi naman naapektuhan sa ginawa ng mga ito.
Lalapitan ang guro at ikukuwento ang nakita upang managot ang may pagkakamali.
Nangopya si Cely sa katabi niya habang sila ay nagkakaroon ng pagsusulit. Nahuli siya ng kanyang guro at ito’y nagalit sa kanya. Ano ang kanyang dapat gawin?
Tumawa na lamang sa naging reaksyon ng guro sa kanyang nagawa.
Iyak at magsumbong sa magulang dahil nakaramdam ng pagkahiya.
Humingi ng paumanhin sa guro at mangako na hindi na niya ito uulitin.
Ipagbigay alam sa punong guro ang pagkagalit ng guro sa kanya.
Anong salik ang tinutukoy na kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao?
Takot
Karahasan
Kamangmangan
Masidhing Damdamin
Alin sa mga sumusunod na kilos ang bawas ang pananagutan nang dahil sa damdamin?
Panliligaw sa matagal ng crush na naging kaklase.
Pagsugod sa bahay ng kaaway o naging kaalitan.
Pagbatok sa kaibigan dahil sa biglaan nitong panloloko.
Panlilibre sa barkada dahil nakakuha ng mataas na marka.
Alin sa mga salik na ito ang nagdidikta ng pagkiling sa isang bagay o damdamin gaya ng pagkasindak, katuwaan, pag-ibig at iba pa?
Gawi
Karahasan
Kamangmangan
Masidhing Damdamin
Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?
Maalimpungatan sa gabi
Paghihilamos
Pagpasok ng maaga
Pagsusugal
Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina.
Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob.
Sa pamamagitan ng pagpapalipas ng ilang panahon bago magpasya.
Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga kaibigan bago magpasya.
Sa anong yugto ng makataong kilos isinasaad na ang gawain ay nagpapatuloy at may pagsasang-ayon ayon sa mga nasabing pagpipilian?
Bunga
Pagpili
Paghuhusga sa paraan
Masusing pagsusuri ng paraan
Nais ni Maria na makatapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa isang bahay aliwan. Dahil dito kung kaya siya ay nagtratrabaho sa gabi at nag-aaral sa araw. Ang pasya ni Maria ay maituturing na
Tama ang intensiyon, subalit mali pamamaraan
Tama ang pasya, naangkop ang naging kilos
Mali ang intensiyon, tama ang pasya
Mali ang intensiyon, tama ang pasya
Niyaya ng kaibigan na mag-cutting classes si Alfred. Hindi siya sumama at pinili na pumasok sa klase. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Alfred?
Nais na layunin
Intensiyon ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Masusing pagsusuri ng paraan
Ang mga sumusunod ay dapat na isaalang-alang ng taong may mapanuring pag-iisip kapag magpapasya o namimili ng tamang gawain maliban sa:
Ang pagkakaroon ng mga pagpipilian o alternatibo.
Ang hindi pagpapasya nang nagmamadali o agad-agad.
Ang maging bukas ang pag-iisip sa mga pagbabago.
Ang pagbalewala sa kultura at istruktura ng lipunan.
Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang uwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Sa hindi sinasadya ay napalingon ka sa iyong kanan at aksidente mong natanaw ang sagot ng iyong katabi dahil hindi ito naglagay ng takip sa kaniyang papel. Tama ba na kopyahin ang mga sagot na nakita mo?
Tama, dahil bilang estudyante ay layunin ko na makapasa sa mga pagsusulit.
Tama, dahil hindi ko naman hiniingi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa magmamay-ari ng sagot.
Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isagot sa pagsusulit.
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang tao ay mapanagutan sa kanyang pagkilos?
Sa sobrang pagmamahal ay sumamang magtanan ni Clarissa sa kanyang kasintahan.
Nakipagsagutan si Anne sa kaklase na labis na naninira sa harap ng maraming tao.
Inutusan ni Luke ang kanyang kaklase na kumuha ng tinapay sa canteen dahil wala siyang baon.
Nagpaiwan si Alexis at di sumama sa MOA dahil may mga nakatakda siyang pagsusulit sa eskwela.
Bakit kailangang isipin at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasya?
Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kanyang pagpili.
Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon ng mabuting kilos.
Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng layunin?
Ito ang pinakatunguhin ng mga magiging pasya at kilos ng tao.
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na mayroon ang isang tao.
Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob ng isang tao.
Ito ay nakababawas o nakadaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
Ito ay nakakapagpabago sa halaga ng isang kilos ng isang tao.
Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Ito ay nakapagbababawas o nakapagdadagdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
Ito ay tumutukoy sa kondisyon kung saan ang kilos na ginawa ay nakaapekto sa kabutihan.
Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan upang makamit ang layunin.
Paraan
Layunin
Sirkumstansiya
Konsensiya
Si Mang Robin ay matulungin sa kanyang mga kapitbahay. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga tinutulungan, ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay buhat sa masamang paraan. Ano ang layunin ng kilos na ipinakita ng tauhan sa sitwasyon na ito?
magnakaw
magpagsikat
mapahamak
tumulong
Nais ni Dado na matulungan ang kanyang kamag‑aral na pumasa. Dahil dito, pinakopya niya ito sa kanilang pagsusulit. Ano ang paraan ng kilos na ipinakita ng tauhan sa sitwasyon na ito?
kinaibigan
kinausap
pinakopya
tinulungang mag‑aral
Ang kilos, anuman ang intensyon ay kinakailangang maging tama. Gusto mo man na pakainin ang nagugutom kung ang pinagkunan mo naman ng salapi ay masama, wala rin itong silbi. Ano ang ipinahiwatig ng pangungusap?
Ang kilos ay ang repleksyon ng ating napagpapasyahan at naging intensyon.
Mas mabuting mangupit para makabili ng pagkain kaysa naman magutom.
Ang intensyon at kilos ay parehong dapat na nakaayon sa pamantayang moral.
Ang tamang intensyon ay dapat tumbasan ng kahit anong uri ng kilos na kakayanin.
Bakit hindi maaaring paghihiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
Dahil ang panlabas na kilos ay nagmumula sa panloob na kilos.
Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
Dahil maaaring madagi ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
Dahil kung masama ang loob,tiyak na masama rin ang kahihinatnan
Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos?
Dahil patungo ito sa layunin na sadyang pinag-iisipan.
Dahil nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
Dahil nakakapagpasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
Dahil nagpapapatunay ito kung mabuti o masama ang isang kilos.
Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Patrick ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 pesos sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Patrick ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil ________.
kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
kinuha niya ito nang walang paalam sa mga magulang
ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpapakita ng pagrespeto
ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
Ito ay isang proseso kung saan malinaw na makikilala o makikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
Mabuting pagpapasiya
Paghuhusga sa paraan
Intensyon ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Bakit kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa sa ating pagkilos?
Ito ang tanda ng tunay na pananampalataya at paggaglang sa kabutihan ng lahat.
Sa pagbibigay sa kapwa ay nakakatanggap tayo ng paghanga mula sa kanila.
Kapag ginawan mo ng masama ang iyong kapwa ay ibabalik din tiyak ito sa iyo.
Ang pagturing natin sa ating kapwa ay kapahayagan ng ating pagmamahal sa Diyos.
Ang makataong kilos ay hindi agad-agad nakikita o naiisip sa gitna ng iba’t ibang sitwasyon. Ano ang kailangang gawin ng tao para makagawa ng isang makataong kilos?
Maging mapanatag sa sariling mga kakayahan sa paggawa ng katwiran ng kilos.
Umása sa magiging payo o komento ng mga magulang sa paggawa ng kilos.
Lumapit sa mga kaibigan para sa payo kung mabuti ba ang gagawing katwiran.
Maglaan ng sapat na panahon upang mapag-isipan kung ano ang mabuting pasiya.
Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa
Ang bawat kilos ay dapat pag-isipang mabuti, maingat at mapanagutan bago ito isagawa.
Ang kilos ay dapat makitaan ng layunin, intensyon at kakayahan ng taong nagsasagawa nito.
Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan.
Ang kilos ay may sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang.
Anong yugto ng makataong kilos ang ginawa ni Carlo kung saan matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na?
Nais ng layunin
Pagkaunawa sa layunin
Paghuhusga sa nais makamtan
Intensyon ng layunin
